< 에스겔 9 >
1 그가 또 큰 소리로 내 귀에 외쳐 가라사대 이 성읍을 관할하는 자들로 각기 살륙하는 기계를 손에 들고 나아오게 하라 하시더라
Pagkatapos, narinig ko siyang umiyak ng may malakas na tinig, at sinabi, “Hayaan ninyong umakyat ang mga bantay sa lungsod, may pangwasak na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay.”
2 내가 본즉 여섯 사람이 북향한 윗문 길로 좇아 오는데 각 사람의 손에 살륙하는 기계를 잡았고 그 중에 한 사람은 가는 베옷을 입고 허리에 서기관의 먹 그릇을 찼더라 그들이 들어 와서 놋 제단 곁에 서더라
At masdan! Dumating ang anim na lalaki mula sa daanan ng itaas na tarangkahan na nakaharap sa hilaga, may pangpatay na sandata ang bawat isa sa kaniyang kamay. At mayroong isang lalaki sa kanilang kalagitnaan na nakasuot ng lino na may kasamang kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Kaya pumasok sila at tumayo sa tabi ng altar na tanso.
3 그룹에 머물러 있던 이스라엘 하나님의 영광이 올라 성전 문지방에 이르더니 여호와께서 그 가는 베옷을 입고 서기관의 먹 그릇을 찬 사람을 불러
At umakyat ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel mula sa kerubin na nasa bungad ng pintuan ng tahanan. At tinawag niya ang lalaking nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran.
4 이르시되 너는 예루살렘 성읍 중에 순행하여 그 가운데서 행하는 모든 가증한 일로 인하여 탄식하며 우는 자의 이마에 표하라 하시고
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Dumaan ka sa kalagitnaan ng lungsod, ang kalagitnaan ng Jerusalem, at gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng mga lalaking naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga kasuklam-suklam na naganap sa kalagitnaan ng lungsod.”
5 나의 듣는데 또 그 남은 자에게 이르시되 너희는 그 뒤를 좇아 성읍 중에 순행하며 아껴보지도 말며 긍휼을 베풀지도 말고 쳐서
Pagkatapos, narinig ko siyang nagsalita sa iba, “Dumaan kayo sa lungsod na kasunod niya at pumatay! Huwag ninyong hayaang magkaroon ng awa ang inyong mga mata, at huwag mahabag
6 늙은 자와 젊은 자와 처녀와 어린 아이와 부녀를 다 죽이되 이마에 표 있는 자에게는 가까이 말라 내 성소에서 시작할지니라 하시매 그들이 성전 앞에 있는 늙은 자들로부터 시작하더라
maski alin sa matatanda, binata, dalaga, maliliit na mga bata o kababaihan. Patayin ninyo silang lahat! Ngunit huwag ninyong lapitan ang sinumang lalaki na may palatandaan sa kaniyang ulo. Magsimula kayo sa aking santuwaryo!” Kaya sinimulan nila sa matatandang lalaki na nasa harap ng bahay.
7 그가 또 그들에게 이르시되 너희는 성전을 더럽혀 시체로 모든 뜰에 채우라 너희는 나가라 하시매 그들이 나가서 성읍 중에서 치더라
Sinabi niya sa kanila, “Dungisan ninyo ang bahay, at punuin ang mga patyo nito ng mga patay. Magpatuloy kayo!” Kaya lumabas sila at sinalakay ang lungsod.
8 그들이 칠 때에 내가 홀로 있는지라 엎드리어 부르짖어 가로되 오호라 주 여호와여 예루살렘을 향하여 분노를 쏟으시오니 이스라엘 남은 자를 모두 멸하려 하시나이까
At habang sinasalakay nila ito, natagpuan ko ang aking sariling nag-iisa at nagpatirapa ako at umiyak at sinabi, “O, Panginoong Yahweh! Lilipulin mo ba ang lahat ng natira sa Israel sa pagbubuhos ng iyong matinding galit sa Jerusalem?”
9 그가 내게 이르시되 이스라엘과 유다 족속의 죄악이 심히 중하여 그 땅에 피가 가득하며 그 성읍에 불법이 찼나니 이는 그들이 이르기를 여호와께서 이 땅을 버리셨으며 보지 아니하신다 함이라
Sinabi niya sa akin, “Ang kasalanan ng sambahayan ng Israel at Juda ay napakalaki. Ang lupain ay puno ng dugo at ang lungsod ay puno ng kabuktutan, yamang sinasabi nila, 'Kinalimutan ni Yahweh ang lupain,' at 'Hindi na tinitingnan ni Yahweh!'
10 그러므로 내가 그들을 아껴 보지 아니하며 긍휼을 베풀지 아니하고 그 행위대로 그 머리에 갚으리라 하시더라
Kung gayon, hindi titingin nang may awa ang aking mata, at hindi ko sila kaaawaan. Sa halip, dadalhin ko ang lahat ng mga ito sa kanilang mga ulo.”
11 가는 베옷을 입고 허리에 먹 그릇을 찬 사람이 복명하여 가로되 주께서 내게 명하신 대로 내가 준행하였나이다 하더라
At masdan ninyo! Bumalik ang taong nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Ibinalita niya at sinabi, “Nagawa ko na ang lahat ng iyong ipinag-uutos.”