< 출애굽기 32 >

1 백성이 모세가 산에서 내려옴이 더딤을 보고 모여 아론에게 이르러 가로되 일어나라 우리를 인도할 신을 우리를 위하여 만들라 이 모세 곧 우리를 애굽 땅에서 인도하여 낸 사람은 어찌 되었는지 알지 못함이라
Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, “Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.”
2 아론이 그들에게 이르되 너희 아내와 자녀의 귀의 금고리를 빼어 내게로 가져 오라
Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
3 모든 백성이 그 귀에서 금고리를 빼어 아론에게로 가져 오매
Kinuhang lahat ng mga tao ang mga gintong hikaw na nasa kanilang mga tainga at dinala ang mga ito kay Aaron.
4 아론이 그들의 손에서 그 고리를 받아 부어서 각도로 새겨 송아지 형상을 만드니 그들이 말하되 이스라엘아 이는 너희를 애굽 땅에서 인도하여 낸 너희 신이로다 하는지라
Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”
5 아론이 보고 그 앞에 단을 쌓고 이에 공포하여 가로되 내일은 여호와의 절일이니라 하니
Nang nakita ito ni Aaron, nagtayo siya ng isang altar sa harap ng guya at ginawa sa isang pagpapahayag, sinabi niya, “Bukas magkakaroon ng pagdiriwang sa karangalan ni Yahweh.
6 이튿날에 그들이 일찍이 일어나 번제를 드리며 화목제를 드리고 앉아서 먹고 마시며 일어나서 뛰놀더라
Kinabukasan gumising ng maaga ang mga tao at nag-alay ng mga sinunog na handog at sama-samang nagdala ng mga alay. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom, at pagkatapos tumindig para makipag-inuman sa mahalay na pagdiriwang.
7 여호와께서 모세에게 이르시되 너는 내려가라 네가 애굽 땅에서 인도하여 낸 네 백성이 부패하였도다
Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, “Umalis ka agad, dahil sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto, naging masama ang kanilang mga sarili.
8 그들이 내가 그들에게 명한 길을 속히 떠나 자기를 위하여 송아지를 부어 만들고 그것을 숭배하며 그것에게 희생을 드리며 말하기를 애굽 땅에서 인도하여 낸 너희 신이라 하였도다
Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
9 여호와께서 또 모세에게 이르시되 내가 이 백성을 보니 목이 곧은 백성이로다
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Nakita ko ang bayang ito. Tingnan mo, sila ay mga taong mapagmatigas.
10 그런즉 나대로 하게 하라 내가 그들에게 진노하여 그들을 진멸하고 너로 큰 나라가 되게 하리라
Kaya pagkatapos, huwag mong subukang pigilan ko. Ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, kaya wawasakin ko sila. “Pagkatapos gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo.”
11 모세가 그 하나님 여호와께 구하여 가로되 여호와여 어찌하여 애굽 땅에서 인도하여 내신 주의 백성에게 진노하시나이까
Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay?
12 어찌하여 애굽 사람으로 이르기를 여호와가 화를 내려 그 백성을 산에서 죽이고 지면에서 진멸하려고 인도하여 내었다 하게 하려 하시나이까 주의 맹렬한 노를 그치시고 뜻을 돌이키사 주의 백성에게 이 화를 내리지 마옵소서
Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan.
13 주의 종 아브라함과 이삭과 이스라엘을 기억하소서 주께서 주를 가리켜 그들에게 맹세하여 이르시기를 내가 너희 자손을 하늘의 별처럼 많게 하고 나의 허락한 이 온 땅을 너희의 자손에게 주어 영원한 기업이 되게 하리라 하셨나이다
Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, “Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman.”
14 여호와께서 뜻을 돌이키사 말씀하신 화를 그 백성에게 내리지 아니하시니라
Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.
15 모세가 돌이켜 산에서 내려 오는데 증거의 두 판이 그 손에 있고 그 판의 양면 이편 저편에 글자가 있으니
Pagkatapos tumalikod si Moises at bumaba sa bundok, dala-dala ang dalawang tipak ng bato ng tipan ng kautusan sa kaniyang kamay. Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang gilid, sa harap at sa likuran.
16 그 판은 하나님이 만드신 것이요 글자는 하나님이 쓰셔서 판에 새기신 것이더라
Ang mga tipak ng bato ay sariling gawa ng Diyos, at ang mga sulat ay sariling sulat ng Diyos, inukit sa mga tipak ng bato.
17 여호수아가 백성의 떠듦을 듣고 모세에게 말하되 진 중에서 싸우는 소리가 나나이다
Nang marinig ni Josue ang ingay ng mga tao na humihiyaw, sinabi niya kay Moises, “May ingay ng labanan doon sa kampo.”
18 모세가 가로되 이는 승전가도 아니요 패하여 부르짖는 소리도 아니라 나의 듣기에는 노래하는 소리로다 하고
Pero sinabi ni Moises, “Hindi ito tunog ng isang tagumpay at hindi tunog ng natatalong mga tao, pero ang tunog ng umaawit ang aking naririnig.”
19 진에 가까이 이르러 송아지와 그 춤 추는 것을 보고 대노하여 손에서 그 판들을 산 아래로 던져 깨뜨리니라
Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
20 모세가 그들의 만든 송아지를 가져 불살라 부수어 가루를 만들어 물에 뿌려 이스라엘 자손에게 마시우니라
Kinuha niya ang guya na ginawa ng mga tao, sinunog ito, dinurog ito para maging abo at ibinuhos ito sa tubig. Pagkatapos ipinainom niya ito sa bayan ng Israel.
21 모세가 아론에게 이르되 이 백성이 네게 어떻게 하였기에 네가 그들로 중죄에 빠지게 하였느뇨
Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?”
22 아론이 가로되 내 주여 노하지 마소서 이 백성의 악함을 당신이 아나이다
Sinabi ni Aaron, “Huwag mong hayaan ang iyong galit ay sumiklab, aking panginoon. Alam mo ang mga taong ito, kung paano sila gumagawa ng kasamaan.
23 그들이 내게 말하기를 우리를 위하여 우리를 인도할 신을 만들라 이 모세 곧 우리를 애굽 땅에서 인도하여 낸 사람은 어찌 되었는지 알 수 없노라 하기에
Sinabi nila sa akin, igawa mo kami ng diyos na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala palabas sa amin sa lupain ng Ehipto. hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
24 내가 그들에게 이르기를 금이 있는 자는 빼어내라 한즉 그들이 그것을 내게로 가져왔기로 내가 불에 던졌더니 이 송아지가 나왔나이다
Kaya sinabi ko sa kanila, 'Kung sinuman ang mayroong anumang ginto, hayaang tanggalin niya ito. Binigay nila sa akin ang ginto at itinapon ko ito sa apoy, at ito ay naging isang guya.”
25 모세가 본즉 백성이 방자하니 이는 아론이 그들로 방자하게 하여 원수에게 조롱거리가 되게 하였음이라
Nakita ni Moises ang mga tao ay tumatakbo ng marahas, dahil hinayaan ni Aaron sila ay mawalan ng pagpipigil, para tuksuhin ang kanilang mga kaaway.
26 이에 모세가 진문에 서서 가로되 누구든지 여호와의 편에 있는 자는 내게로 나아오라 하매 레위 자손이 다 모여 그에게로 오는지라
Pagkatapos tumayo si Moises sa pasukan ng kampo at sinabi, “Sinuman ang nasa panig ni Yahweh, pumunta sa akin.” Lahat ng mga Levita ay nagtipon sa paligid niya,
27 모세가 그들에게 이르되 이스라엘의 하나님 여호와께서 이같이 말씀하시기를 너희는 각각 허리에 칼을 차고 진 이 문에서 저 문까지 왕래하며 각 사람이 그 형제를, 각 사람이 그 친구를, 각 사람이 그 이웃을 도륙하라 하셨느니라
Sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay.”
28 레위 자손이 모세의 말대로 행하매 이 날에 백성 중에 삼천 명 가량이 죽인 바 된지라
Ginawa ng mga Levita ang inutos ni Moises. Sa araw na iyon ay mahigit tatlong libong lalaki mula sa bayan ang namatay,
29 모세가 이르되 각 사람이 그 아들과 그 형제를 쳤으니 오늘날 여호와께 헌신하게 되었느니라 그가 오늘날 너희에게 복을 내리시리라
Sinabi ni Moises sa mga Levita, “Itinalaga kayo sa paglilingkod kay Yahweh sa araw na ito, dahil bawat isa sa inyo ay kumilos laban sa kaniyang anak na kaniyang kapatid na lalaki, kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng pagpapala sa araw na ito.”
30 이튿날 모세가 백성에게 이르되 너희가 큰 죄를 범하였도다 내가 이제 여호와께로 올라가노니 혹 너희의 죄를 속할까 하노라 하고
Kinabukasan sinabi ni Moises sa mga tao, “Nakagawa kayo ng isang dakilang kasalanan. Ngayon aakyat ako kay Yahweh. Marahil maari akong gumawa ng pambayad sa inyong pagkakasala.”
31 여호와께로 다시 나아가 여짜오되 슬프도소이다 이 백성이 자기들을 위하여 금신을 만들었사오니 큰 죄를 범하였나이다
Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan.
32 그러나 합의하시면 이제 그들의 죄를 사하시옵소서 그렇지 않사오면 원컨대 주의 기록하신 책에서 내 이름을 지워버려주옵소서
Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat.”
33 여호와께서 모세에게 이르시되 누구든지 내게 범죄하면 그는 내가 내 책에서 지워버리리라
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kung sinuman ang nagkasala laban sa akin, ang taong iyon ay papawiin ko sa aking aklat.
34 이제 가서 내가 네게 말한 곳으로 백성을 인도하라 내 사자가 네 앞서 가리라 그러나 내가 보응할 날에는 그들의 죄를 보응하리라
Kaya ngayon lumakad ka, pangunahan mo ang bayan papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo. Tingnan, ang aking anghel ang mangunguna sa inyo. Pero sa araw na parusahan ko sila, paparusahan ko sila dahil sa kanilang pagkakasala.
35 여호와께서 백성을 치시니 이는 그들이 아론의 만든 바 그 송아지를 만들었음이더라
Pagkatapos nagpadala si Yahweh ng salot sa bayan dahil gumawa sila ng guya, ang isa na ginawa ni Aaron.

< 출애굽기 32 >