< 역대하 33 >
1 므낫세가 위에 나아갈 때에 나이 십이 세라 예루살렘에서 오십오 년을 치리하며
Labing dalawang taong gulang si Manases nang nagsimula siyang maghari; naghari siya ng limampu't limang taon sa Jerusalem.
2 여호와 보시기에 악을 행하여 여호와께서 이스라엘 자손 앞에서 쫓아내신 이방 사람의 가증한 일을 본받아
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
3 그 부친 히스기야의 헐어버린 산당을 다시 세우며 바알들을 위하여 단을 쌓으며 아세라 목상을 만들며 하늘의 일월 성신을 숭배하여 섬기며
Sapagkat itinayo niyang muli ang dambana na giniba ni Ezequias, na kaniyang ama, nagpagawa siya ng altar para kay Baal, at nagtayo siya ng imahen ni Ashera, at lumuhod siya upang sambahin ang lahat ng mga bituin sa langit.
4 여호와께서 전에 이르시기를 내가 내 이름을 예루살렘에 영영히 두리라 하신 여호와의 전에 단들을 쌓고
Nagtayo si Manases ng mga altar ng mga pagano sa tahanan ni Yahweh, bagaman iniutos ni Yahweh na, “Dito sa Jerusalem sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.”
5 또 여호와의 전 두 마당에 하늘의 일월 성신을 위하여 단들을 쌓고
Nagtayo siya ng mga altar para sa lahat ng bituin sa langit sa dalawang patyo sa tahanan ni Yahweh.
6 또 힌놈의 아들 골짜기에서 그 아들들을 불 가운데로 지나게 하며 또 점치며 사술과 요술을 행하며 신접한 자와 박수를 신임하여 여호와 보시기에 악을 많이 행하여 그 진노를 격발하였으며
Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.
7 또 자기가 만든 아로새긴 목상을 하나님의 전에 세웠더라 옛적에 하나님이 이 전에 대하여 다윗과 그 아들 솔로몬에게 이르시기를 내가 이스라엘 모든 지파 중에서 택한 이 전과 예루살렘에 내 이름을 영원히 둘지라
Ang inukit na imahen ni Ashera na kaniyang pinagawa, inilagay niya ito sa tahanan ng Diyos. Ang tahanang ito ang tinutukoy ng Diyos kay David at sa kaniyang anak na si Solomon. Sinabi niya “Sa bahay na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, dito sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.
8 만일 이스라엘 사람이 내가 명한 일 곧 모세로 전한 모든 율법과 율례와 규례를 지켜 행하면 내가 그들의 발로 다시는 그 열조에게 정하여 준 땅에서 옮기지 않게 하리라 하셨으나
Hindi ko palalayasin ang mga Israelita kailanman sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga ninuno, kung maingat lamang nilang susundin ang lahat ng iniutos ko sa kanila, susundin ang lahat ng mga batas, kautusan, at alituntunin na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ni Moises.”
9 유다와 예루살렘 거민이 므낫세의 꾀임을 받고 악을 행한 것이 여호와께서 이스라엘 자손 앞에서 멸하신 열방보다 더욱 심하였더라
Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
10 여호와께서 므낫세와 그 백성에게 이르셨으나 저희가 듣지 아니한고로
Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
11 여호와께서 앗수르 왕의 군대 장관들로 와서 치게 하시매 저희가 므낫세를 사로잡고 쇠사슬로 결박하여 바벨론으로 끌어간지라
Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
12 저가 환난을 당하여 그 하나님 여호와께 간구하고 그 열조의 하나님 앞에 크게 겸비하여
Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
13 기도한고로 하나님이 그 기도를 받으시며 그 간구를 들으시사 저로 예루살렘에 돌아와서 다시 왕위에 거하게 하시매 므낫세가 그제야 여호와께서 하나님이신 줄을 알았더라
Nanalangin siya sa kaniya; at nagmakaawa siya sa Diyos, at dininig ng Diyos ang kaniyang pagmamakaawa at dinala siya pabalik sa Jerusalem, sa kaniyang pagiging hari. At napagtanto ni Manases na Diyos si Yahweh.
14 그 후에 다윗 성 밖 기혼 서편 골짜기 안에 외성을 쌓되 생선문 어귀까지 이르러 오벨을 둘러 심히 높이 쌓고 또 유다 모든 견고한 성읍에 군대 장관을 두며
Pagkatapos nito, gumawa si Manases ng panlabas na pader sa lungsod ni David, sa kanlurang bahagi ng Gihon, sa lambak, hanggang sa pasukan na tinatawag na Isdang Tarangkahan. Pinalibutan niya ang burol ng Ofel ng mga napakataas na pader. Naglagay siya ng mga matatapang na pinuno ng kawal sa lahat ng mga pinagtibay na lungsod ng Juda.
15 이방 신들과 여호와의 전의 우상을 제하며 여호와의 전을 건축한 산에와 예루살렘에 쌓은 모든 단을 다 성 밖에 던지고
Inalis niya ang mga diyos ng mga dayuhan, inalis niya ang mga diyus-diyosang mula sa tahanan ni Yahweh at lahat ng altar na itinayo niya sa bundok ng tahanan ni Yahweh at sa Jerusalem, at itinapon ang mga ito palabas ng lungsod.
16 여호와의 단을 중수하고 화목제와 감사제를 그 단 위에 드리고 유다를 명하여 이스라엘 하나님 여호와를 섬기라 하매
Ipinatayo niyang muli ang altar ni Yahweh at naghandog doon ng mga handog pangkapayapaan at handog ng pasasalamat; inutusan niya ang Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
17 백성이 그 하나님 여호와께만 제사를 드렸으나 오히려 산당에서 제사를 드렸더라
Gayuman nag-alay pa rin ang mga tao sa dambana, ngunit ang kanilang alay ay kay Yahweh lamang, na kanilang Diyos.
18 므낫세의 남은 사적과 그 하나님께 기도한 말씀과 선견자가 이스라엘 하나님 여호와의 이름을 받들고 권한 말씀이 모두 이스라엘 열왕의 행장에 기록되었고
Tungkol naman sa iba pang mga bagay ukol kay Manases, ang panalangin niya sa kaniyang Diyos, at ang sinabi ng mga Propetang nakipag-usap sa kaniya sa pangalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel, nakasulat ang mga ito sa mga ginawa ng mga hari ng Israel.
19 또 그 기도와 그 기도를 들으신 것과 그 모든 죄와 건과와 겸비하기 전에 산당을 세운 곳과 아세라 목상과 우상을 세운 곳들이 다 호새의 사기에 기록되니라
Gayundin, ang kaniyang panalangin at kung paano siya nagmakaawa sa Diyos, lahat ng kaniyang kasalanan at paglabag, at ang mga lugar kung saan siya nagtayo ng mga dambana at naglagay ng mga imahen ni Ashera at ng mga inukit na imahe bago siya nagpakumbaba—nakasulat ang mga ito sa Kasayasayan ng mga Propeta.
20 므낫세가 그 열조와 함께 자매 그 궁에 장사하고 그 아들 아몬이 대신하여 왕이 되니라
Namatay si Manases kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing siya sa kaniyang sariling bahay. Si Ammon, na kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
21 아몬이 위에 나아갈 때에 나이 이십이 세라 예루살렘에서 이 년을 치리하며
Dalawampu't dalawang taon si Ammon nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem.
22 그 부친 므낫세의 행함 같이 여호와 보시기에 악을 행하여 그 부친 므낫세가 만든 아로새긴 모든 우상에게 제사하여 섬겼으며
Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Naghandog siya sa lahat ng inukit na imahe na ginawa ng kaniyang amang si Manases, at sinamba niya ang mga ito.
23 이 아몬이 그 부친 므낫세의 스스로 겸비함 같이 여호와 앞에서 스스로 겸비치 아니하고 더욱 범죄하더니
Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.
24 그 신복이 반역하여 왕을 궁중에서 죽이매
Ang kaniyang mga lingkod ay nagsabwatan laban sa kaniya at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay.
25 국민이 아몬 왕을 반역한 사람들을 다 죽이고 그 아들 요시야로 대신하여 왕을 삼으니라
Ngunit pinatay ng mga tao ang lahat ng mga nagsabwatan laban kay haring Ammon, at ginawa nila si Josias, na kaniyang anak, bilang hari na kapalit niya.