< 사무엘상 30 >
1 다윗과 그의 사람들이 제삼일에 시글락에 이를 때에 아말렉 사람들이 이미 남방과 시글락을 침노하였는데 그들이 시글락을 쳐서 불사르고
At nangyari na nang bumalik sa Ziklag si David at ng kanyang mga tauhan sa ikatlong araw, na gumawa ng pagsalakay ang mga Amalekita sa Negev at sa Ziklag. Linusob nila ang Ziklag, sinunog ito,
2 거기 있는 대소 여인들을 하나도 죽이지 아니하고 다 사로잡아 끌고 자기 길을 갔더라
at binihag ang mga kababaihan at bawat isang naroroon, kapwa maliliit at malalaki. Wala silang pinatay, ngunit dinala sila habang papaalis sila.
3 다윗과 그의 사람들이 성에 이르러 본즉 성이 불탔고 자기들의 아내와 자녀들이 사로잡혔는지라
Nang dumating sina David at ang kanyang mga tauhan sa lungsod, nasunog na ito—at binihag ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki, at kanilang mga anak na babae.
4 다윗과 그와 함께 한 백성이 울 기력이 없도록 소리를 높여 울었더라
Pagkatapos nagtaas ng boses sina David at mga taong kasama niya at umiyak sila hanggang wala na silang kakayahang umiyak.
5 (다윗의 두 아내 이스르엘 여인 아히노암과 갈멜 사람 나발의 아내 되었던 아비가일도 사로잡혔더라)
Binihag ang dalawang asawa ni David na sina Ahinoam na taga-Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal na taga-Carmelo.
6 백성이 각기 자녀들을 위하여 마음이 슬퍼서 다윗을 돌로 치자 하니 다윗이 크게 군급하였으나 그 하나님 여호와를 힘입고 용기를 얻었더라
Labis na namighati si David, sapagkat nag-uusap ang mga tao tungkol sa pagbato sa kanya, dahil ang mga espiritu ng lahat ng tao ay nagdadalamhati, bawat tao para sa kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae; subalit pinalakas ni David ang kanyang sarili kay Yahweh, na kanyang Diyos.
7 다윗이 아히멜렉의 아들 제사장 아비아달에게 이르되 청컨대 에봇을 내게로 가져오라 아비아달이 에봇을 다윗에게로 가져오매
Sinabi ni David kay Abiathar na anak ni Ahimelec na pari, “Nagmamakaawa ako sa iyo, dalhin mo dito ang epod para sa akin.” Dinala ni Abiathar ang epod kay David.
8 다윗이 여호와께 묻자와 가로되 내가 이 군대를 쫓아가면 미치겠나이까 여호와께서 대답하시되 쫓아가라 네가 반드시 미치고 정녕 도로 찾으리라
Nanalangin si David kay Yahweh ng gabay, sinasabing, “Kung tutugisin ko ang hukbong ito, maaabutan ko ba sila? Sumagot si Yahweh sa kanya, “Tugisin mo sila dahil tiyak na maaabutan mo sila, at tiyak na mababawi mo ang lahat.”
9 이에 다윗과 그와 함께 한 육백 명이 가서 브솔 시내에 이르러는 뒤 떨어진 자를 거기 머물렀으되
Kaya umalis si David, siya at ang anim na raang tauhang kasama niya; nakarating sila sa batis Besor, kung saan nanatili ang mga lalaking naiwan.
10 곧 피곤하여 브솔 시내를 건너지 못하는 이백 인을 머물렀고 다윗은 사백 인을 거느리고 쫓아가니라
Ngunit patuloy si David sa pagtugis, siya at ang apat na raang tauhan; sapagkat dalawang daang tauhan ang naiwan na mahinang mahina na kaya hindi na makatawid sa batis ng Besor.
11 무리가 들에서 애굽 사람 하나를 만나 다윗에게로 데려다가 떡을 주어 먹게 하며 물을 마시우고
Natagpuan nila sa bukid ang isang taga-Ehipto at dinala kay David; binigyan nila ng tinapay, at kinain niya ito; binigyan nila ng tubig na maiinom;
12 무화과 뭉치에서 뗀 덩이 하나와 건포도 두 송이를 주었으니 그가 낮 사흘, 밤 사흘을 떡도 먹지 못하였고 물도 마시지 못하였음이라 그가 먹고 정신을 차리매
at binigyan nila ng isang pirasong mamon na gawa sa igos at dalawang kumpol ng pasas. Nang nakakain na siya, bumalik na muli ang kanyang lakas, sapagkat hindi siya kumain ng tinapay ni uminom ng tubig sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
13 다윗이 그에게 이르되 너는 뉘게 속하였으며 어디로서냐 가로되 나는 애굽 소년이요 아말렉 사람의 종이더니 사흘 전에 병이 들매 주인이 나를 버렸나이다
Sinabi ni David sa kanya, “Kanino ka nabibilang? Saan ka nagmula?” Sinabi niya, isa akong binata ng Ehipto, lingkod ng isang Amalekita; iniwan ako ng aking amo, dahil tatlong araw na ang nakakaraan nagkasakit ako.
14 우리가 그렛 사람의 남방과 유다에 속한 지방과 갈멜 남방을 침노하고 시글락을 불살랐나이다
Gumawa kami ng pagsalakay sa Negev ng mga Chereteo, at kung ano ang nabibilang sa Juda, at sa Negev ng Caleb, at sinunog namin ang Ziklag.”
15 다윗이 그에게 이르되 네가 나를 그 군대에게로 인도하겠느냐 그가 가로되 당신이 나를 죽이지도 아니하고 내 주인의 수중에 붙이지도 아니하겠다고 하나님으로 맹세하소서 그리하면 내가 당신을 이 군대에게로 인도하리이다
Sinabi sa kanya ni David, “Maaari mo ba akong dalhin pababa sa mga pangkat na ito na sumalakay?” Sinabi ng taga-Ehipto, “Sumumpa ka sa akin sa Diyos na hindi mo ako papatayin o ipagkakanulo sa mga kamay ng aking panginoon, at dadalhin ko kayo pababa sa mga sumalakay na pangkat na ito.”
16 그가 인도하여 내려가니 그들이 온 땅에 편만하여 블레셋 사람의 땅과 유다 땅에서 크게 탈취하였음을 인하여 먹고 마시며 춤추는지라
Nang dinala si David ang taga-Ehipto pababa, ang mga sumalakay ay nagkalat sa buong paligid, nagkakainan at nag-iinuman, at nagsasayawan, dahil sa lahat ng mga nanakaw nila mula sa lupain ng Filisteo at mula sa lupain ng Juda.
17 다윗이 새벽부터 이튿날 저물때까지 그들을 치매 약대 타고 도망한 소년 사백 명 외에는 피한 사람이 없었더라
Nilusob sila ni David mula sa takip-silim hanggang sa gabi ng sumunod na araw. Wala ni isang lalaki ang nakatakas maliban sa apat na raang binatang sumakay sa mga kamelyo at tumakas.
18 다윗이 아말렉 사람의 취하였던 모든 것을 도로 찾고 그 두 아내를 구원하였고
Nabawi ni David ang lahat ng kinuha ng mga Amalekita; at nailigtas ni David ang kanyang dalawang asawa.
19 그들의 탈취하였던 것 곧 무리의 자녀들이나 빼앗겼던 것의 대소를 물론하고 아무 것도 잃은 것이 없이 다윗이 도로 찾아왔고
Wala ni isang nawala, maging maliliit man ni malalaki, maging anak na mga lalaki ni anak na mga babae, maging ang nanakaw, ni anumang bagay na kinuha sa kanila ng mga sumalakay para sa kanilang sarili. Dinala ni David pabalik ang lahat.
20 또 양떼와 소떼를 다 탈취하였더니 무리가 그 가축 앞에 몰고 가며 가로되 이는 다윗의 탈취한 것이라 하였더라
Kinuha ni David ang lahat ng kanilang mga kawan at mga pangkat ng hayop, na itinaboy ng mga tauhan sa unahan ng ibang baka. Sinabi nila, “Ito ang nanakaw ni David.”
21 다윗이 이왕에 피곤하여 능히 자기를 따르지 못하므로 브솔 시내에 머물게 한 이백 인에게 오매 그들이 다윗과 그와 함께 한 백성을 영접하러 나온지라 다윗이 그 백성에게 이르러 문안하매
Pumunta si David sa kanyang dalawandaang tauhang naiwan na mahinang mahina para sumunod sa kanya, iyong mga pinaiwan ng iba upang manatili sa batis Besor. Ang mga tauhang ito ang naunang pumunta para salubungin si David at mga taong kasama niya. Nang pumunta si David sa mga taong ito, binati niya sila.
22 다윗과 함께 갔던 자 중에 악한 자와 비류들이 다 가로되 그들이 우리와 함께 가지 아니하였은즉 우리가 도로 찾은 물건은 무엇이든지 그들에게 주지 말고 각 사람의 처자만 주어서 데리고 떠나가게 하라 하는지라
Pagkatapos sinabi ng lahat ng masasamang lalaki at mga walang kabuluhang taong sumama kay David, “Dahil hindi sumama sa atin ang mga kalalakihang ito, hindi natin sila bibigyan ng anumang nanakaw na nabawi natin. Maliban na maaaring isama ng bawat lalaki ang kanyang asawa at mga anak, pangunahan sila palayo, at umalis.”
23 다윗이 가로되 나의 형제들아 여호와께서 우리를 보호하시고 우리를 치러 온 그 군대를 우리 손에 붙이셨은즉 그가 우리에게 주신 것을 너희가 이같이 못하리라
Kaya sinabi ni David, “Hindi kayo dapat kumilos ng ganito sa mga ibinigay sa atin ni Yahweh, mga kapatid. Iningatan niya tayo at ibinigay sa ating kamay ang mga sumalakay laban sa atin.
24 이 일에 누가 너희를 듣겠느냐 전장에 내려갔던 자의 분깃이나 소유물 곁에 머물렀던 자의 분깃이 일반일지니 같이 분배할 것이니라 하고
Sinong makikinig sa inyo sa bagay na ito? Dahil gaya ng kabahagi ay para sa sinumang pumunta sa labanan, kaya ganundin ang kabahagi para sa sinumang nagbantay sa mga gamit; makikibahagi sila at magkakapareho bawat kabahagi.”
25 그 날부터 다윗이 이것으로 이스라엘의 율례와 규례를 삼았더니 오늘까지 이르니라
Naging ganoon na mula sa araw na iyon hanggang sa araw na ito, sapagkat ginawang batas iyon ni David at isang kautusan para sa Israel.
26 다윗이 시글락에 이르러 탈취물을 그 친구 유다 장로들에게 보내어 가로되 보라 여호와의 원수에게서 탈취한 것을 너희에게 선사하노라 하고
Nang pumunta si David sa Ziklag ipinadala niya ang ilan sa mga nanakaw sa mga nakakatanda ng Juda, sa kanyang mga kaibigan, sinabing, “Tingnan ninyo, narito ang isang handog para sa inyo mula sa nanakaw mula sa mga kaaway ni Yahweh.”
27 벧엘에 있는 자와 남방 라못에 있는 자와 얏딜에 있는 자와
Sa mga nakakatanda na nasa Betuel, at sa mga nasa Ramot sa Timog, at sa mga nasa Jattir,
28 아로엘에 있는 자와 십못에 있는 자와 에스드모아에 있는 자와
at sa mga nasa Aroer, at sa mga nasa Sifmot, at sa mga nasa Estemoa.
29 라갈에 있는 자와 여라므엘 사람의 성읍들에 있는 자와 겐 사람의 성읍들에 있는 자와
At ganun din sa mga nakakatandang nasa Racal, at sa mga nasa lungsod ng mga Jerahmeelita, at sa mga nasa siyudad ng mga Cineo,
30 홀마에 있는 자와 고라산에 있는 자와 아닥에 있는 자와 헤브론에 있는 자에게와 다윗과 그의 사람들의 왕래하던 모든 곳에 보내었더라
at sa mga nasa Horma, at sa mga nasa Borasan, at sa mga nasa Athac,
at sa mga nasa Hebron, at sa lahat ng lugar kung saan palaging pumupunta mismo si David at ng kanyang mga tauhan.