< 열왕기상 9 >

1 솔로몬이 여호와의 전과 왕궁 건축하기를 마치며 자기의 무릇 이루기를 원하던 일이 마친 때에
Pagkatapos maitayo ni Solomon ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari, at pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ninais niyang gawin,
2 여호와께서 전에 기브온에서 나타나심 같이 다시 솔로몬에게 나타나사
nangyaring nagpakita muli si Yahweh kay Solomon sa ikalawang pagkakataon, kagaya ng pagpapakita sa kaniya sa Gabaon.
3 저에게 이르시되 네가 내 앞에서 기도하며 간구함을 내가 들었은즉 내가 너의 건축한 이 전을 거룩하게 구별하여 나의 이름을 영영히 그곳에 두며 나의 눈과 나의 마음이 항상 거기 있으리니
At sinabi sa kaniya ni Yahweh, “Narinig ko ang iyong panalangin at ang iyong kahilingan sa akin. Itinalaga ko ang templong ito, na iyong itinayo, para sa akin, para doon ko ilagay ang aking pangalan magpakailanman, at ang aking mga mata at ang aking puso ay mananatili doon sa lahat ng panahon.
4 네가 만일 네 아비 다윗의 행함 같이 마음을 온전히 하고 바르게 하여 내 앞에서 행하며 내가 네게 명한 대로 온갖 것을 순종하여 나의 법도와 율례를 지키면
Para naman sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harapan ko gaya ng ama mong si David na lumakad ng may matapat na puso at sa pagiging matuwid, at kung susundin mo ang lahat na iniutos ko at iniingatan ang aking mga kautusan at aking mga tuntunin,
5 내가 네 아비 다윗에게 허하여 이르기를 이스라엘 위에 오를 사람이 네게서 끊어지지 아니하리라 한 대로 너의 이스라엘의 왕위를 영원히 견고하게 하려니와
itatatag ko ang trono ng iyong kaharian sa buong Israel magpakailanman, gaya nang ipinangako ko sa iyong amang si David, na sinasabing, 'Isa sa iyong lahi ay hindi kailaman mabibigong lumuklok sa trono ng Israel.'
6 만일 너희나 너희 자손이 아주 돌이켜 나를 좇지 아니하며 내가 너희 앞에 둔 나의 계명과 법도를 지키지 아니하고 가서 다른 신을 섬겨 그것을 숭배하면
Pero kung kayo ay tatalikod, ikaw at ang at iyong mga anak, at hindi iingatan ang aking mga kautusan na aking inilagay sa harapan ninyo, at kung pupunta at sasamba kayo sa ibang mga diyos at yuyukod sa kanila,
7 내가 이스라엘을 나의 준 땅에서 끊어 버릴 것이요 내 이름을 위하여 내가 거룩하게 구별한 이 전이라도 내 앞에서 던져 버리리니 이스라엘은 모든 민족 가운데 속담거리와 이야기거리가 될 것이며
kung gayon ay palalayasin ko ang Israel mula sa lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang templong ito na inilaan ko para sa aking pangalan—iwawaksi ko ito sa aking paningin. At ang pangalang “Israel” ay magiging para na lamang isang kawikaan at isang katatawanan sa lahat ng mga tao.
8 이 전이 높을지라도 무릇 그리로 지나가는 자가 놀라며 비웃어 가로되 여호와께서 무슨 까닭으로 이 땅과 이 전에 이같이 행하셨는고 하면
At kahit na ang templong ito ay napakatayog ngayon, bawat isang mapapadaan dito ay mangingilabot at susutsot. Sasabihin nila, “Bakit nagawa ni Yahweh ang ganito sa lupain at sa templong ito?
9 대답하기를 저희가 자기 열조를 애굽 땅에서 인도하여 내신 자기 하나님 여호와를 버리고 다른 신에게 부종하여 그를 숭배하여 섬기므로 여호와께서 이 모든 재앙을 저희에게 내리심이라 하리라 하셨더라
Sasagot ang iba, “dahil tinalikuran nila si Yahweh, na kanilang Diyos, na siyang naglabas sa kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, at pinaglingkuran nila ang ibang mga diyos at yumukod sila sa mga ito at sumamba sila sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng mga sakunang ito sa kanila.””
10 솔로몬이 두 집 곧 여호와의 전과 왕궁을 이십 년 만에 건축하기를 마치고
At5 nangyari sa pagsapit ng katapusan ng dalawampung taon, natapos ni Solomon ang pagpapatayo ng dalawang gusali, ang templo ni Yahweh at ang palasyo ng hari.
11 갈릴리 땅의 성읍 이십을 히람에게 주었으니 이는 두로 왕 히람이 솔로몬에게 그 온갖 소원대로 백향목과 잣나무와 금을 지공하였음이라
Si Hiram, ang hari ng Tiro, ay nagbigay kay Solomon ng mga kahoy na sedar, mga kahoy na pino, at ginto, lahat ng hinangad ni Solomon. Kaya binigyan ni Haring Solomon si Hiram ng dalawampung lungsod sa lupain ng Galilea.
12 히람이 두로에서 와서 솔로몬이 자기에게 준 성읍들을 보고 눈에 들지 아니하여
Lumabas si Hiram mula sa Tiro para tingnan ang mga lungsod na ibinigay sa kaniya ni Solomon, pero hindi siya nasiyahan sa mga iyon.
13 이르기를 나의 형이여 내게 준 이 성읍들이 이러하뇨 하고 이름하여 가불 땅이라 하였더니 그 이름이 오늘까지 있으니라
Kaya sinabi ni Hiram, “Ano ba itong mga lungsod na ibinigay mo sa akin, aking kapatid?” Kaya tinawag ni Hiram ang mga iyon na Lupain ng Cabul, kung saan ganoon pa rin ang tawag sa kanila hanggang ngayon.
14 히람이 금 일백이십 달란트를 왕에게 보내었더라
Nagpadala si Hiram sa hari ng 120 talentong ginto.
15 솔로몬 왕이 역군을 일으킨 까닭은 여호와의 전과 자기 궁과 밀로와 예루살렘 성과 하솔과 므깃도와 게셀을 건축하려 하였음이라
Ang sumusunod ay ang dahilan na ipinataw ni Haring Solomon na magtrabaho ang mga tao: upang itayo ang templo ni Yahweh at ang kaniyang sariling palasyo, upang itayo ang Millo at ang pader ng Jerusalem, at upang itayo ang mga tanggulan ng Hazor, Megido, at Gezer.
16 전에 애굽 왕 바로가 올라와서 게셀을 탈취하여 불사르고 그 성에 사는 가나안 사람을 죽이고 그 성읍을 자기 딸 솔로몬의 아내에게 예물로 주었더니
Ang haring Paraon ng Ehipto ay nagpunta at sinakop ang Gezer, sinunog niya ito, at pinatay ang mga taga Canaan sa loob ng lungsod. Pagkatapos ay ibinigay ng Paraon ang lungsod sa kaniyang anak na babae, na asawa ni Solomon, bilang regalo sa kanilang kasal.
17 솔로몬이 게셀과 아래 벧호론을 건축하고
Kaya muling itinayo ni Solomon ang Gezer at Beth-Horon sa bandang Ibaba,
18 또 바알랏과 그 땅의 들에 있는 다드몰과
ang Baalat at Tadmor sa ilang sa lupain ng Juda,
19 자기에게 있는 모든 국고성과 병거성들과 마병의 성들을 건축하고 솔로몬이 또 예루살렘과 레바논과 그 다스리는 온 땅에 건축하고자 하던 것을 다 건축하였는데
at sa lahat ng mga imbakang lungsod na pag-aari niya, at mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe at mga lungsod para sa kaniyang mangangabayo, at anumang mga hinangad niyang itayo para sa kanyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon, at sa lahat ng mga lupain na nasa ilalim ng kaniyang pamumuno.
20 무릇 이스라엘 자손이 아닌 아모리 사람과 헷 사람과 브리스 사람과 히위 사람과 여부스 사람의 남아있는 자
Sa lahat ng mga tao na natira sa mga Amoreo, sa mga Heteo, Perezeo, Hivita at Jebuseo, na hindi kabilang sa bayan ng Israel,
21 곧 이스라엘 자손이 다 멸하지 못하므로 그 땅에 남아 있는 그 자손들을 솔로몬이 노예로 역군을 삼아 오늘까지 이르렀으되
ang kanilang mga kaapu-apuhan na naiwan nila sa lupain, mga taong hindi lubusang napuksa ng mga mamamayan ng Israel— ginawa sila ni Solomon bilang mga sapilitang manggagawa, kung saan ganoon pa rin sila hanggang sa araw na ito.
22 오직 이스라엘 자손은 솔로몬이 노예를 삼지 아니하였으니 저희는 군사와 그 신복과 방백과 대장이며 병거와 마병의 장관이 됨이었더라
Gayon man, hindi ginawang mga sapilitang manggagawa ang mga Israelita. Sa halip, naging mga sundalo sila at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga opisyales at kaniyang mga pinuno at mga pinuno ng kaniyang hukbo ng karwahe at kaniyang mga mangangabayo.
23 솔로몬에게 역사를 감독하는 두목 오백오십 인이 있어 역사하는 백성을 다스렸더라
Ito ang mga pangunahing pinuno na namahala sa mga tagapangsiwa ng mga gawain ni Solomon, 550 katao, na nangasiwa sa mga taong gumawa ng gawain.
24 바로의 딸이 다윗 성에서부터 올라와 솔로몬이 저를 위하여 건축한 궁에 이를 때에 솔로몬이 밀로를 건축하였더라
Lumipat ang anak na babae ng Paraon mula sa lungsod ni David patungo sa bahay na itinayo ni Solomon para sa kanya. Kinalaunan, itinayo ni Solomon ang Millo.
25 솔로몬이 여호와를 위하여 쌓은 단 위에 해마다 세 번씩 번제와 감사제를 드리고 또 여호와 앞에 있는 단에 분향하니라 이에 전 역사가 마치니라
Tatlong beses sa isang taon na nag- aalay si Solomon ng mga handog na susunugin at mga handog pangkapayapaan sa altar na itinayo niya para kay Yahweh, nagsusunog ng insenso kasama nito sa altar sa harap ni Yahweh. Kaya tinapos niya ang templo at ginagamit na ito ngayon.
26 솔로몬 왕이 에돔 땅 홍해 물가 엘롯 근처 에시온게벨에서 배들을 지은지라
Nagpagawa si Solomon ng malaking grupo ng mga barko sa Ezion-Geber, kung saan malapit sa Elat, na nasa dalampasigan ng Dagat na pula, sa lupain ng Edom.
27 히람이 자기 종 곧 바다에 익숙한 사공들을 솔로몬의 종과 함께 그 배로 보내매
Pinadalhan ni Hiram ang mga grupo ng barko ni Solomon ng mga tauhan, mga bihasang mandaragat, kasama ang mga sariling tauhan ni Solomon.
28 저희가 오빌에 이르러 거기서 금 사백이십 달란트를 얻고 솔로몬 왕에게로 가져왔더라
Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga tauhan ni Solomon. Mula roon ay nag-uwi sila ng 420 talentong ginto para kay Haring Solomon.

< 열왕기상 9 >