< 아가 2 >

1 나는 사론의 수선화요 골짜기의 백합화로구나
Ako ay isa lamang bulaklak na nasa isang kapatagan, isa lamang liryo na nasa isang lambak. Nagsasalita sa kaniya ang lalaki.
2 여자들 중에 내 사랑은 가시나무 가운데 백합화 같구나
Gaya ng isang liryo sa mga tinik, gayon ka rin, aking mahal, sa mga dalaga ng aking mga kababayan. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
3 남자들 중에 나의 사랑하는 자는 수풀 가운데 사과나무 같구나 내가 그 그늘에 앉아서 심히 기뻐하였고 그 실과는 내 입에 달았구나
Gaya ng puno ng aprikot sa mga puno ng kagubatan, gayon din ang aking minamahal sa gitna ng mga kabinataan. Umuupo ako sa ilalim ng kaniyang anino na may labis na kasiyahan, at ang kaniyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
4 그가 나를 인도하여 잔치집에 들어갔으니 그 사랑이 내 위에 기로구나
Dinala niya ako sa bulwagan ng salu-salo, ang kaniyang bandila sa akin ay pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang mangingibig ang babae.
5 너희는 건포도로 내 힘을 돕고 사과로 나를 시원케 하라 내가 사랑하므로 병이 났음이니라
Muli akong palakasin sa pamamagitan ng keyk na pasas at pasiglahin muli sa pamamagitan ng mga aprikot, dahil ako ay mahina sa pag-ibig. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae.
6 그가 왼손으로 내 머리에 베게하고 오른손으로 나를 안는구나
Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay niyayakap ako. Nagsasalita sa ibang mga kababaihan ang babae.
7 예루살렘 여자들아 내가 노루와 들사슴으로 너희에게 부탁한다 내 사랑이 원하기 전에는 흔들지 말고 깨우지 말지니라
Nais kong ipangako ninyo, mga anak na dalaga ng Jerusalem, kasama ng mga gasel at ng mga babaeng usa ng kabukiran, na hindi ninyo gagambalain ang aming pagtatalik hanggang ito ay matapos. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
8 나의 사랑하는 자의 목소리로구나 보라, 그가 산에서 달리고 작은 산을 빨리 넘어 오는구나
Nanjan na ang tinig ng aking minamahal! O, parating na siya rito, lumulukso sa ibabaw ng mga bundok, tumatalon sa ibabaw ng mga burol.
9 나의 사랑하는 자는 노루와도 같고 어린 사슴과도 같아서 우리 벽 뒤에 서서 창으로 들여다 보며 창살 틈으로 엿보는구나
Ang aking minamahal ay tulad ng isang gasel o isang batang lalaking usa, masdan mo, siya ay nakatayo sa likod ng aming pader, sumisilip sa bintana, sumusungaw sa sala-sala.
10 나의 사랑하는 자가 내게 말하여 이르기를 나의 사랑, 나의 어여쁜 자야! 일어나서 함께 가자
Ang aking minamahal ay nagsalita sa akin at nagsabi, “Bumangon ka, aking mahal; aking magandang sinta, sumama ka sa aking pag-alis.
11 겨울도 지나고 비도 그쳤고
Tingnan mo, lumipas na ang tag-lamig; tapos na ang tag-ulan at ito ay wala na.
12 지면에는 꽃이 피고 새의 노래할 때가 이르렀는데 반구의 소리가 우리 땅에 들리는구나
Lumitaw na ang mga bulaklak sa lupain; ang oras ng pagpuputol ng puno at ang pag-aawitan ng mga ibon ay dumating na, at ang tinig ng mga kalapati ay naririnig sa ating lupain.
13 무화과나무에는 푸른 열매가 익었고 포도나무는 꽃이 피어 향기를 토하는구나 나의 사랑 나의 어여쁜 자야 일어나서 함께 가자
Hinihinog ng puno ng igos ang kaniyang mga berdeng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak; naglalabas ang mga ito ng halimuyak. Bumangon ka, aking mahal, aking magandang sinta, at sumama ka.
14 바위 틈 낭떠러지 은밀한 속에 있는 나의 비둘기야, 나로 네 얼굴을 보게 하라 네 소리를 듣게 하라 네 소리는 부드럽고 네 얼굴은 아름답구나
Aking kalapati, sa mga siwang ng mga batuhan, sa lihim na siwang ng mga bundok, hayaan mong makita ko ang iyong mukha. Hayaan mong marinig ko ang iyong tinig, dahil matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig”. Nagsasalita sa kaniyang sarili ang babae
15 우리를 위하여 여우 곧 포도원을 허는 작은 여우를 잡으라! 우리의 포도원에 꽃이 피었음이니라
Hulihin ang mga soro para sa atin, ang mga maliliit na soro na sumisira ng mga ubasan, dahil ang ating ubasan ay namumulaklak.
16 나의 사랑하는 자는 내게 속하였고, 나는 그에게 속하였구나 그가 백합화 가운데서 양떼를 먹이는구나
Ang aking minamahal ay akin, at ako ay sa kanya; siya ay nanginginain sa mga liryo na may kasiyahan. Nagsasalita sa kanyang kasintahan ang babae
17 나의 사랑하는 자야! 날이 기울고 그림자가 갈 때에 돌아와서 베데르 산에서의 노루와 어린 사슴 같아여라
Lumayo ka, aking minamahal, bago umihip ang mahinang hangin ng bukang-liwayway at ang mga anino ay maglaho. Lumayo ka; maging tulad ng isang gasel o ng isang batang lalaking usa sa baku-bakong bundok.

< 아가 2 >