< 시편 51 >
1 (다윗의 시. 영장으로 한 노래, 다윗이 밧세바와 동침한 후 선지자 나단이 저에게 온 때에) 하나님이여, 주의 인자를 좇아 나를 긍휼히 여기시며 주의 많은 자비를 좇아 내 죄과를 도말하소서
Kaawaan mo ako, Diyos, dahil sa iyong katapatan sa tipan; alang-alang sa iyong mga maawaing gawa, burahin mo ang aking mga kasalanan.
2 나의 죄악을 말갛게 씻기시며 나의 죄를 깨끗이 제하소서
Mula sa aking mabigat na pagkakasala ako ay hugasan mo nang lubusan at linisin ako mula sa aking kasalanan.
3 대저 나는 내 죄과를 아오니 내 죄가 항상 내 앞에 있나이다
Dahil alam ko ang aking mga paglabag, at laging naaalala ang aking kasalanan.
4 내가 주께만 범죄하여 주의 목전에 악을 행하였사오니 주께서 말씀하실 때에 의로우시다 하고 판단하실 때에 순전하시다 하리이다
Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala at sa iyong paningin ginawa kung ano ang napakasama; matuwid ka kapag nagsasalita; tama ka kapag humahatol.
5 내가 죄악 중에 출생하였음이여 모친이 죄중에 나를 잉태하였나이다
Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan; nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan.
6 중심에 진실함을 주께서 원하시오니 내 속에 지혜를 알게 하시리이다
Masdan mo, sa aking puso ang ninanais mo ay ang pagiging-mapagkakatiwalaan; sa aking puso ipaaalam mo ang karunungan.
7 우슬초로 나를 정결케 하소서 내가 정하리이다 나를 씻기소서 내가 눈보다 희리이다
Dalisayin mo ako ng isopo, at ako ay magiging malinis; hugasan mo ako at magiging mas maputi ako kaysa niyebe.
8 나로 즐겁고 기쁜 소리를 듣게 하사 주께서 꺾으신 뼈로 즐거워하게 하소서
Iparinig mo sa akin ang kasiyahan at kagalakan para magsaya ang mga buto na iyong binali.
9 주의 얼굴을 내 죄에서 돌이키시고 내 모든 죄악을 도말하소서
Itago mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan at pawiin ang lahat ng mga nagawa kong kasamaan.
10 하나님이여, 내 속에 정한 마음을 창조하시고 내 안에 정직한 영을 새롭게 하소서
Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso, Diyos, at ipanumbalik sa akin ang isang matuwid na espiritu.
11 나를 주 앞에서 쫓아내지 마시며 주의 성신을 내게서 거두지 마소서
Sa iyong presensiya huwag mo akong paalisin, at huwag alisin ang iyong Banal na Espiritu mula sa akin.
12 주의 구원의 즐거움을 내게 회복시키시고 자원하는 심령을 주사 나를 붙드소서
Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at pagkalooban mo ako ng espiritung handang sumunod.
13 그러하면 내가 범죄자에게 주의 도를 가르치리니 죄인들이 주께 돌아오리이다
Pagkatapos ituturo ko sa mga lumalabag sa iyong mga utos ang iyong mga pamamaraan, at magbabalik-loob sa iyo ang mga makasalanan.
14 하나님이여, 나의 구원의 하나님이여, 피흘린 죄에서 나를 건지소서 내 혀가 주의 의를 높이 노래하리이다
Patawarin mo ako dahil sa pagdadanak ng dugo, Diyos ng aking kaligtasan, at sisigaw ako nang buong kagalakan sa iyong katuwiran.
15 주여 내 입술을 열어 주소서 내 입이 주를 찬송하여 전파하리이다
Panginoon, buksan mo ang aking mga labi, at ipahahayag ng aking bibig ang iyong kapurihan.
16 주는 제사를 즐겨 아니하시나니 그렇지 않으면 내가 드렸을 것이라 주는 번제를 기뻐 아니하시나이다
Pero hindi ka nagagalak sa alay, kundi ito ay aking ibibigay; sa mga sinunog na handog hindi ka nasisiyahan.
17 하나님의 구하시는 제사는 상한 심령이라 하나님이여, 상하고 통회하는 마음을 주께서 멸시치 아니하시리이다
Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos ay isang basag na kalooban. Hindi mo hahamakin, O Diyos, ang isang basag at nagsisising puso.
18 주의 은택으로 시온에 선을 행하시고 예루살렘 성을 쌓으소서
Gawan mo ng mabuti ang Sion ayon sa iyong kasiyahan; itayo mong muli ang mga pader ng Jerusalem.
19 그 때에 주께서 의로운 제사와 번제와 온전한 번제를 기뻐하시리니 저희가 수소로 주의 단에 드리리이다
Kung magkagayon ay malulugod ka sa mga alay ng katuwiran, sa sinunog na mga handog at lubusang sinunog na mga handog; pagkatapos, ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar.