< 시편 44 >

1 (고라 자손의 마스길. 영장으로 한 노래) 하나님이여, 주께서 우리 열조의 날 곧 옛날에 행하신 일을 저희가 우리에게 이르매 우리 귀로 들었나이다
Narinig ng aming mga tainga, O Diyos, ang sinabi ng aming mga ninuno sa amin tungkol sa ginawa mo sa kanilang mga araw, noong unang panahon.
2 주께서 주의 손으로 열방을 쫓으시고 열조를 심으시며 주께서 민족들은 괴롭게 하시고 열조는 번성케 하셨나이다
Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
3 저희가 자기 칼로 땅을 얻어 차지함이 아니요 저희 팔이 저희를 구원함도 아니라 오직 주의 오른손과 팔과 얼굴의 빛으로 하셨으니 주께서 저희를 기뻐하신 연고니이다
Dahil hindi nila nakuha ang lupain para maging ari-arian nila sa pamamagitan ng sarili nilang espada; ni ang kanilang sandata ang nagligtas sa kanila; kundi ang iyong kanang kamay, ang iyong bisig at ang ningning ng iyong mukha, dahil sinang-ayunan mo (sila)
4 하나님이여, 주는 나의 왕이시니 야곱에게 구원을 베푸소서
O Diyos, ikaw ang aking hari; pamahalaan mo ang tagumpay para kay Jacob.
5 우리가 주를 의지하여 우리 대적을 누르고 우리를 치려 일어나는 자를 주의 이름으로 밟으리이다
Sa pamamagitan mo, ibabagsak namin ang aming mga kalaban; sa pamamagitan ng iyong pangalan, tatapakan namin silang mga tumitindig laban sa amin.
6 나는 내 활을 의지하지 아니할 것이라 내 칼도 나를 구원치 못하리이다
Dahil hindi ako nagtitiwala sa aking pana, ni sa aking espada na ililigtas ako.
7 오직 주께서 우리를 우리 대적에게서 구원하시고 우리를 미워하는 자로 수치를 당케 하셨나이다
Pero iniligtas mo kami mula sa aming mga kalaban at inilagay sa kahihiyan ang mga napopoot sa amin.
8 우리가 종일 하나님으로 자랑하였나이다 우리가 하나님의 이름을 영영히 감사하리이다 (셀라)
Ang Diyos ang aming ipinagmamalaki buong araw, at magpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailanman. (Selah)
9 그러나 이제는 주께서 우리를 버려 욕을 당케 하시고 우리 군대와 함께 나아가지 아니하시나이다
Pero ngayon, kami ay iyong itinapon, at dinala kami sa kahihiyan, at hindi mo na sinasamahan ang aming mga hukbo.
10 주께서 우리를 대적에게서 돌아서게 하시니 우리를 미워하는 자가 자기를 위하여 탈취하였나이다
Pinaatras mo kami mula sa aming kalaban; at ang mga napopoot sa amin ay kinamkam ang yaman para sa kanilang mga sarili.
11 주께서 우리로 먹힐 양 같게 하시고 열방 중에 흩으셨나이다
Ginawa mo kaming tulad ng tupa na nakalaan para kainin at ikinalat kami sa mga bansa.
12 주께서 주의 백성을 무료로 파심이여 저희 값으로 이익을 얻지 못하셨나이다
Ipinagbili mo ang iyong bayan para sa wala; hindi mo napalago ang iyong kayamanan sa paggawa nito.
13 주께서 우리로 이웃에게 욕을 당케 하시니 둘러 있는 자가 조소하고 조롱하나이다
Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming mga kapwa, hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin.
14 주께서 우리로 열방 중에 말거리가 되게 하시며 민족 중에서 머리 흔듦을 당케 하셨나이다
Ginagawa mo kaming isang panlalait sa kalagitnaan ng mga bansa, isang pag-iiling sa kalagitnaan ng mga tao.
15 나의 능욕이 종일 내 앞에 있으며 수치가 내 얼굴을 덮었으니
Buong araw nasa harapan ko ang aking kasiraan, at nabalot ng kahihiyan ang aking mukha
16 나를 비방하고 후욕하는 소리를 인함이요 나의 원수와 보수자의 연고니이다
dahil sa tinig niyang nanlalait at nanghahamak, dahil sa kaaway at naghihiganti.
17 이 모든 일이 우리에게 임하였으나 우리가 주를 잊지 아니하며 주의 언약을 어기지 아니하였나이다
Lahat ng ito ay dumating sa amin, pero hindi ka namin kinalimutan o pinakitunguhan ng mali ang iyong tipan.
18 우리 마음이 퇴축지 아니하고 우리 걸음도 주의 길을 떠나지 아니하였으나
Hindi tumalikod ang aming mga puso; hindi lumayo ang aming mga hakbang mula sa iyong daan.
19 주께서 우리를 시랑의 처소에서 심히 상해하시고 우리를 사망의 그늘로 덮으셨나이다
Pero lubha mo pa rin kaming pinahirapan sa lugar ng mga aso at binalot kami ng anino ng kamatayan.
20 우리가 우리 하나님의 이름을 잊어버렸거나 우리 손을 이방 신에게 향하여 폈더면
Kung nakalimot kami sa pangalan ng aming Diyos o nag-unat ng aming mga kamay sa hindi kilalang diyos,
21 하나님이 이를 더듬어 내지 아니하셨으리이까? 대저 주는 마음의 비밀을 아시나이다
hindi kaya ito sisiyasatin ng Diyos? Dahil nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 우리가 종일 주를 위하여 죽임을 당케 되며 도살할 양같이 여김을 받았나이다
Sa katunayan, para sa iyong kapakanan, kami ay pinapatay buong araw; itinuring kaming mga tupa para katayin.
23 주여, 깨소서 어찌하여 주무시나이까? 일어나시고 우리를 영영히 버리지 마소서
Gumising ka, bakit ka natutulog, Panginoon?
24 어찌하여 주의 얼굴을 가리우시고 우리 고난과 압제를 잊으시나이까?
Tumindig ka, huwag mo kaming ilayo ng tuluyan. Bakit mo tinatago ang iyong mukha at kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan?
25 우리 영혼은 진토에 구푸리고 우리 몸은 땅에 붙었나이다
Dahil natunaw kami sa alabok; ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa.
26 일어나 우리를 도우소서 주의 인자하심을 인하여 우리를 구속하소서
Bumangon ka para sa aming tulong at tubusin kami alang-alang sa iyong katapatan sa tipan.

< 시편 44 >