< 시편 24 >
1 (다윗의 시) 땅과 거기 충만한 것과 세계와 그 중에 거하는 자가 다 여호와의 것이로다
Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito.
2 여호와께서 그 터를 바다 위에 세우심이여 강들 위에 건설하셨도다
Dahil itinatag niya ito sa mga karagatan at itinaguyod sa mga ilog.
3 여호와의 산에 오를 자 누구며 그 거룩한 곳에 설 자가 누군고
Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh? Sino ang tatayo sa kaniyang banal na lugar?
4 곧 손이 깨끗하며 마음이 청결하며 뜻을 허탄한 데 두지 아니하며 거짓 맹세치 아니하는 자로다
Siya na may malinis na mga kamay at dalisay na puso; siyang hindi nagtatanghal ng mga kasinungalingan, at hindi nanunumpa para lang manlinlang.
5 저는 여호와께 복을 받고 구원의 하나님께 의를 얻으리니
Makatatanggap siya ng pagpapala mula kay Yahweh at katuwiran mula sa Diyos ng kaniyang kaligtasan.
6 이는 여호와를 찾는 족속이요 야곱의 하나님의 얼굴을 구하는 자로다 (셀라)
Iyan ang salinlahi ng mga naghahanap sa kaniya, (sila) na humahanap sa mukha ng Diyos ni Jacob. (Selah)
7 문들아 너희 머리를 들지어다! 영원한 문들아 들릴지어다! 영광의 왕이 들어 가시리로다
Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
8 영광의 왕이 뉘시뇨 강하고 능한 여호와시요 전쟁에 능한 여호와시로다
Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh, ang malakas at makapangyarihan; si Yahweh, ang makapangyarihan sa digmaan.
9 문들아 너희 머리를 들지어다! 영원한 문들아 들릴지어다! 영광의 왕이 들어 가시리로다
Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
10 영광의 왕이 뉘시뇨 만군의 여호와께서 곧 영광의 왕이시로다 (셀라)
Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)