< 시편 132 >

1 (성전에 올라가는 노래) 여호와여, 다윗을 위하여 그의 모든 근심한 것을 기억하소서
Yahweh, para sa kapakanan ni David alalahanin mo ang lahat ng kaniyang paghihirap.
2 저가 여호와께 맹세하며 야곱의 전능자에게 서원하기를
Alalahanin mo kung paano siya nangako kay Yahweh, paano siya namanata sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.
3 내가 실로 나의 거하는 장막에 들어가지 아니하며 내 침상에 오르지 아니하며
Sinabi niya, “Hindi ako papasok sa aking bahay o pupunta sa aking higaan,
4 내 눈으로 잠들게 아니하며 내 눈꺼풀로 졸게 아니하기를
hindi ko bibigyan ng tulog ang aking mga mata o pagpapahingahin ang aking mga talukap
5 여호와의 처소 곧 야곱의 전능자의 성막을 발견하기까지 하리라 하였나이다
hanggang mahanap ko ang lugar para kay Yahweh, isang tabernakulo para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
6 우리가 그것이 에브라다에 있다 함을 들었더니 나무 밭에서 찾았도다
Tingnan mo, narinig namin ang tungkol dito sa Efrata; natagpuan namin ito sa bukirin ng Jaar.
7 우리가 그의 성막에 들어가서 그 발등상 앞에서 경배하리로다
Pupunta kami sa tabernakulo ng Diyos; sasamba kami sa kaniyang tuntungan.
8 여호와여, 일어나사 주의 권능의 궤와 함께 평안한 곳으로 들어가소서
Bumangon ka Yahweh; pumunta ka sa lugar ng iyong kapahingahan.
9 주의 제사장들은 의를 입고 주의 성도들은 즐거이 외칠지어다
Nawa ang iyong mga pari ay madamitan ng katapatan; nawa ang siyang tapat sa iyo ay sumigaw para sa kagalakan.
10 주의 종 다윗을 위하여 주의 기름 받은 자의 얼굴을 물리치지 마옵소서
Para sa kapakanan ng iyong lingkod na si David, huwag kang tumalikod mula sa hinirang mong hari.
11 여호와께서 다윗에게 성실히 맹세하셨으니 변치 아니하실지라 이르시기를 네 몸의 소생을 네 위에 둘지라
Nangako si Yahweh na magiging matapat kay David; hindi siya tatalikod mula sa kaniyang pangako: “Ilalagay ko ang isa sa iyong mga kaapu-apuhan sa iyong trono.
12 네 자손이 내 언약과 저희에게 교훈하는 내 증거를 지킬진대 저희 후손도 영원히 네 위에 앉으리라 하셨도다
Kung pananatilihin ng iyong mga anak ang aking tipan at ang mga batas na ituturo ko sa kanila, ang kanilang mga anak ay mauupo rin sa iyong trono magpakailanman.”
13 여호와께서 시온을 택하시고 자기 거처를 삼고자 하여 이르시기를
Totoong pinili ni Yahweh ang Sion; siya ay ninais niya para sa kaniyang upuan.
14 이는 나의 영원히 쉴 곳이라 내가 여기 거할 것은 이를 원하였음이로다
Ito ang aking lugar ng kapahingahan magpakailanman; mamumuhay ako rito, dahil ninais ko siya.
15 내가 이 성의 식료품에 풍족히 복을 주고 양식으로 그 빈민을 만족케 하리로다
Pagpapalain ko siya ng masaganang pagpapala; Papawiin ko ang kaniyang kahirapan sa pamamagitan ng tinapay.
16 내가 그 제사장들에게 구원으로 입히리니 그 성도들은 즐거움으로 외치리로다
Dadamitan ko ang kaniyang mga pari ng kaligtasan; ang mga tapat sa kaniya ay sisigaw ng malakas para sa kagalakan.
17 내가 거기서 다윗에게 뿔이 나게 할 것이라 내가 내 기름 부은 자를 위하여 등을 예비하였도다
Doon palalakihin ko ang sungay ni David; inilagay ko ang lampara doon para sa hinirang ko.
18 내가 저의 원수에게는 수치로 입히고 저에게는 면류관이 빛나게 하리라 하셨도다
Dadamitan ko ang kaniyang mga kaaway na may kahihiyan, pero ang kaniyang korona ay magniningning.

< 시편 132 >