< 느헤미야 1 >
1 하가랴의 아들 느헤미야의 말이라 아닥사스다 왕 제 이십년 기슬르월에 내가 수산궁에 있더니
Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias: Ngayon ito ay nangyari sa buwan ng Kislev, sa ikadalawampung taon, habang ako ay nasa tanggulang lungsod ng Susa,
2 나의 한 형제 중 하나니가 두어 사람과 함께 유다에서 이르렀기로 내가 그 사로잡힘을 면하고 남아있는 유다 사람과 예루살렘 형편을 물은즉
na ang isa sa aking mga kapatid, na si Hanani, ay dumating kasama ang ilang mga tao mula sa Juda, at tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na nakatakas, mga natirang Judio, at tungkol sa Jerusalem.
3 저희가 내게 이르되 `사로잡힘을 면하고 남은 자가 그 도에서 큰 환난을 만나고 능욕을 받으며 예루살렘 성은 훼파되고 성문들은 소화되었다' 하는지라
Sinabi nila sa akin, “Silang mga nasa lalawigan na nakaligtas sa pagkabihag ay nasa matinding kaguluhan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem ay gumuho, at ang mga tarangkahan nito ay sinunog.”
4 내가 이 말을 듣고 앉아서 울고 수일 동안 슬퍼하며 하늘의 하나님 앞에 금식하며 기도하여
At nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at umiyak, at ilang araw akong patuloy na nagdalamhati at nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.
5 가로되 `하늘의 하나님 여호와 크고 두려우신 하나님이여, 주를 사랑하고 주의 계명을 지키는 자에게 언약을 지키시며 긍휼을 베푸시는 주여! 간구하나이다
Sinabi ko, “Yahweh, ikaw ang Diyos ng langit, ang Diyos na dakila at kahanga-hanga, na tumutupad sa kaniyang tipan at kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya at tumutupad sa kaniyang mga kautusan.
6 이제 종이 주의 종 이스라엘 자손을 위하여 주야로 기도하오며 이스라엘 자손의 주 앞에 범죄함을 자복하오니 주는 귀를 기울이시며 눈을 여시사 종의 기도를 들으시옵소서! 나와 나의 아비 집이 범죄하여
Pakinggan mo ang aking panalangin at buksan mo ang iyong mga mata, para marinig mo ang panalangin ng iyong lingkod na aking ipinanalangin sa harapan mo araw at gabi para sa mga bayan ng Israel na iyong mga lingkod. Ipinagtatapat ko ang mga kasalanan ng mga bayan ng Israel, na kami ay nagkasala laban sa iyo. Ako at ang tahanan ng aking ama ay nagkasala.
7 주를 향하여 심히 악을 행하여 주의 종 모세에게 주께서 명하신 계명과 율례와 규례를 지키지 아니하였나이다
Kami ay namuhay ng may labis na kasamaan laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga kautusan, mga batas, at ang mga utos na inutos mo sa iyong lingkod na si Moises.
8 옛적에 주께서 주의 종 모세에게 명하여 가라사대 만일 너희가 범죄하면 내가 너희를 열국 중에 흩을 것이요
Mangyaring alalahanin mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, 'Kung kayo ay namumuhay ng hindi tapat, ikakalat ko kayo sa iba't ibang mga bansa,
9 만일 내게로 돌아와서 내 계명을 지켜 행하면 너희 쫓긴 자가 하늘 끝에 있을지라도 내가 거기서 부터 모아 내 이름을 두려고 택한 곳에 돌아오게 하리라 하신 말씀을 이제 청컨대 기억하옵소서
pero kung kayo ay magbabalik sa akin at susunod sa aking mga kautusan at gagawin ang mga ito, kahit na ang iyong bayan ay nagkalat sa ilalim ng pinakamalayong kalangitan, titipunin ko sila mula doon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili para mapanatili ang aking pangalan.'
10 이들은 주께서 일찍 큰 권능과 강한 손으로 구속하신 주의 종이요 주의 백성이니이다
Ngayon sila ang iyong mga lingkod at iyong bayan, na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong makapangyarihang kamay.
11 주여! 구하오니 귀를 기울이사 종의 기도와 주의 이름을 경외하기를 기뻐하는 종들의 기도를 들으시고 오늘날 종으로 형통하여 이 사람 앞에서 은혜를 입게 하옵소서' 하였나니 그 때에 내가 왕의 술 관원이 되었었느니라
Yahweh, ako ay nakikiusap sa iyo, pakinggan mo ngayon ang panalangin ng iyong lingkod at ang panalangin ng iyong mga lingkod na nasisiyahang parangalan ang iyong pangalan. Ngayon bigyan mo ng katagumpayan ang iyong lingkod sa araw na ito, at ipagkaloob mo sa kaniya ang habag sa paningin ng taong ito.” Ako ay naglingkod bilang tagapagdala ng kopa ng hari.