< 사사기 21 >
1 이스라엘 사람들이 미스바에서 맹세하여 이르기를 `우리 중에 누구든지 딸을 베냐민 사람에게 아내로 주지 아니하리라' 하였더라
Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa, na nagsasabi, Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa.
2 백성이 벧엘에 이르러 거기서 저녁까지 하나님 앞에 앉아서 대성 통곡하여
At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios, at inilakas ang kanilang mga tinig, at tumangis na mainam.
3 가로되 `이스라엘의 하나님 여호와여! 오늘날 이스라엘 중에 어찌하여 한 지파가 이즈러졌나이까?' 하더니
At kanilang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng Israel, bakit nangyari ito sa Israel, na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel?
4 이튿날에 백성이 일찌기 일어나서 거기 한 단을 쌓고 번제와 화목제를 드렸더라
At nangyari nang kinabukasan, na ang bayan ay bumangong maaga, at nagtayo roon ng dambana, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan.
5 이스라엘 자손이 가로되 `이스라엘 온 지파 중에 총회와 함께 하여 여호와 앞에 올라오지 아니한 자가 누구뇨? 하니 이는 그들이 크게 맹세하기를 미스바에 와서 여호와 앞에 이르지 아니하는 자는 반드시 죽일 것이라 하였음이라
At sinabi ng mga anak ni Israel, Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel, sa kapulungan sa Panginoon? Sapagka't sila'y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa, na sinasabi, Walang pagsalang siya'y papatayin.
6 이스라엘 자손이 그 형제 베냐민을 위하여 뉘우쳐 가로되 `오늘날 이스라엘 중에 한 지파가 끊쳤도다
At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid, at sinabi, May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito.
7 그 남은 자들에게 우리가 어떻게 하면 아내를 얻게 하리요 우리가 전에 여호와로 맹세하여 우리 딸을 그들의 아내로 주지 아니하리라' 하였도다
Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan, yamang tayo'y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa?
8 또 가로되 `이스라엘 지파 중 미스바에 올라와서 여호와께 이르지 아니한 자가 누구뇨?' 하고 본즉 야베스 길르앗에서는 한 사람도 진에 이르러 총회에 참여치 아니하였으니
At kanilang sinabi, Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa? At, narito, walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan.
9 백성을 계수할 때에 야베스 길르앗 거민이 하나도 거기 없음을 보았음이라
Sapagka't nang bilangin ang bayan, narito, wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon.
10 회중이 큰 용사 일만 이천을 그리로 보내며 그들에게 명하여 가로되 가서 야베스 길르앗 거민과 및 부녀와 어린 아이를 칼날로 치라
At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang, at iniutos sa kanila, na sinasabi, Kayo'y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata.
11 너희의 행할 일은 모든 남자와 남자와 잔 여자를 진멸할 것이니라 하였더니
At ito ang bagay na inyong gagawin: inyong lubos na lilipulin ang bawa't lalake, at bawa't babae na sinipingan ng lalake.
12 그들이 야베스 길르앗 거민 중에서 젊은 처녀 사백인을 얻었으니 이는 아직 남자와 자지 아니하여서 남자를 알지 못하는 자라 그들이 실로 진으로 끌어 오니라 이는 가나안 땅이더라
At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga, na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya: at kanilang dinala sa kampamento sa Silo, na nasa lupain ng Canaan.
13 온 회중이 림몬 바위에 있는 베냐민 자손에게 보내어 평화를 공포하게 하였더니
At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon, at inihayag ang kapayapaan sa kanila.
14 그 때에 베냐민이 돌아온지라 이에 이스라엘 사람이 야베스 길르앗 여인 중에서 살려둔 여자를 그들에게 주었으나 오히려 부족하므로
At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad: at gayon ma'y hindi sapat sa kanila.
15 백성들이 베냐민을 위하여 뉘우쳤으니 이는 여호와께서 이스라엘 지파들 중에 한 지파가 궐이 나게 하셨음이더라
At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin, sapagka't ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel.
16 회중 장로들이 가로되 `베냐민의 여인이 다 멸절되었으니 이제 그 남은 자들에게 어떻게 하여야 아내를 얻게 할꼬?'
Nang magkagayo'y sinabi ng mga matanda ng kapisanan, Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira, yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin?
17 또 가로되 `베냐민의 도망하여 면한 자에게 마땅히 기업이 있어야 하리니 그리하면 이스라엘 중에 한 지파가 사라짐이 없으리라
At kanilang sinabi, Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin, upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel.
18 그러나 우리가 우리의 딸을 그들의 아내로 주지 못하리니 이는 이스라엘 자손이 맹세하여 이르기를 딸을 베냐민에게 아내로 주는 자는 저주를 받으리라 하였음이로다'
Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae: sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa, na nangagsasabi, Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin.
19 또 가로되 `보라, 벧엘 북편, 르보나 남편 벧엘에서 세겜으로 올라가는 큰길 동편 실로에 매년 여호와의 절기가 있도다' 하고
At kanilang sinabi, Narito, may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo, na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el, at sa timugan ng Lebona.
20 베냐민 자손에게 명하여 가로되 `가서 포도원에 숨어
At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin, na sinasabi, kayo'y yumaon at bumakay sa mga ubasan;
21 보다가 실로의 여자들이 무도하러 나오거든 너희는 포도원에서 나와서 실로의 딸 중에서 각각 그 아내로 붙들어 가지고 베냐민 땅으로 돌아가라
At tingnan ninyo, at, narito, kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw, lumabas nga kayo sa ubasan, at kumuha ang bawa't lalake sa inyo, ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin.
22 만일 그 아비나 형제가 와서 우리에게 쟁론하면 우리가 그에게 말하기를 청컨대 너희는 우리에게 은혜를 베풀어 그들을 우리에게 줄지니라 이는 우리가 전쟁할 때에 각 사람을 위하여 그 아내를 얻어 주지 못하였고 너희가 자의로 그들에게 준것이 아니니 너희에게 죄가 없을 것임이니라 하겠노라' 하매
At mangyayari, na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin, ay aming sasabihin sa kanila, Ipagkaloob na ninyo sila sa amin: sapagka't hindi namin kinuha na asawa sa bawa't isa sa kanila sa pagkikipagbaka: o ibinigay man ninyo sila sa kanila, sa ibang paraan kayo'y magkakasala.
23 베냐민 자손이 그같이 행하여 춤추는 여자 중에서 자기들의 수효대로 아내로 붙들어 가지고 자기 기업에 돌아가서 성읍들을 중건하고 거기 거하니라
At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin, at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang, sa mga sumasayaw, na kanilang dinala: at sila'y yumaon at nagbalik sa kanilang mana, at itinayo ang mga bayan, at tinahanan nila.
24 그 때에 이스라엘 자손이 그곳을 떠나 각각 그 지파, 그 가족에게로 돌아가되 곧 각각 그곳에서 나와서 자기 기업으로 돌아갔더라
At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon, bawa't lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan, at yumaon mula roon ang bawa't lalake na umuwi sa kaniyang mana.
25 그 때에 이스라엘에 왕이 없으므로 사람이 각각 그 소견에 옳은 대로 행하였더라
Nang mga araw na yao'y walang hari sa Israel: ginagawa ng bawa't isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata.