< 여호수아 11 >
1 하솔 왕 야빈이 이 소식을 듣고 마돈왕 요밥과, 시므론 왕과, 악삽 왕과,
Nang narinig ito ni Jabin, hari ng Hazor, nagpadala siya ng isang mensahe kay Jobab, hari ng Madon, sa hari ng Shimron, at sa hari ng Acsap.
2 및 북방 산지와, 긴네롯 남편 아라바와, 평지와, 서방 돌의 높은 곳에 있는 왕들과,
Nagpadala rin siya ng mensahe sa mga hari na nasa hilagang maburol na bansa, sa Ilog Jordan lambak sa katimugan ng Cinneret, sa mga kapatagan, at sa maburol ng bansa ng Dor sa kanluran.
3 동서편 가나안 사람과, 아모리 사람과, 헷 사람과, 브리스 사람과, 산지의 여부스 사람과, 미스바 땅 헤르몬산 아래 히위 사람들에게 사람을 보내매
Nagpadala rin siya ng isang mensahe sa mga Cananaeo sa silangan at kanluran, ang mga anak ni Het, ang mga Perezeo, ang mga Jebuseo sa maburol na bansa, at ang mga Hivita sa Bundok Hermon sa lupain ng Mispa.
4 그들이 그 모든 군대를 거느리고 나왔으니 민중이 많아 해변의 수다한 모래 같고 말과 병거도 심히 많았으며
Lahat ng kanilang hukbo ay dumating kasama nila, isang malaking bilang ng mga sundalo, sa bilang na gaya ng mga buhangin sa dalampasigan. Mayroon silang napakalaking bilang ng mga kabayo at mga karwahe.
5 이 왕들이 모여 나아와서 이스라엘과 싸우려고 메롬 물가에 함께 진 쳤더라
Nagkita ang lahat ng mga haring ito sa itinakdang oras, at nagkampo sila sa mga tubig ng Merom para makipaglaban sa Israel.
6 여호와께서 여호수아에게 이르시되 그들을 인하여 두려워 말라! 내일 이맘 때에 내가 그들을 이스라엘 앞에 붙여 몰살시키리니 너는 그들의 말 뒷발의 힘줄을 끊고 불로 그 병거를 사르라
Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Huwag kang matakot sa kanilang harapan, dahil bukas sa oras na ito ibibigay ko silang lahat sa Israel bilang patay na kalalakihan. Pipilayin mo ang kanilang mga kabayo, at susunugin mo ang kanilang mga karwahe.”
7 이에 여호수아가 모든 군사와 함께 메롬 물가로 가서 졸지에 습격할 때에
Dumating si Josue at lahat ng mga lalaking mandirigma. Dumating silang bigla sa mga tubig ng Merom, at nilusob ang mga kaaway.
8 여호와께서 그들을 이스라엘의 손에 붙이신 고로 그들을 격파하고 큰 시돈과 미스르봇 마임까지 쫓고 동편에서는 미스바 골짜기까지 쫓아가서 한 사람도 남기지 아니하고 쳐 죽이고
Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
9 여호수아가 여호와께서 자기에게 명하신 대로 행하여 그들의 말뒷발의 힘줄을 끊고 불로 그 병거를 살랐더라
Ginawa ni Josue sa kanila gaya ng sinabi sa kaniya ni Yahweh. Pinilayan niya ang mga kabayo at sinunog ang mga karwahe.
10 하솔은 본래 그 모든 나라의 머리였더니 그 때에 여호수아가 돌아와서 하솔을 취하고 그 왕을 칼날로 쳐 죽이고
Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.)
11 그 가운데 모든 사람을 칼날로 쳐서 진멸하여 호흡이 있는 자는 하나도 남기지 아니하였고 또 불로 하솔을 살랐으며
Sinalakay nila gamit ang espada ang lahat ng buhay na nilalang ang naroroon, at hiniwalay niya sila para wasakin, kaya walang buhay na nilalang ang natirang buhay. Pagkatapos sinunog niya ang Hazor.
12 여호수아가 그 왕들의 모든 성읍과 그 모든 왕을 취하여 칼날로 쳐서 진멸하여 여호와의 종 모세의 명한 것과 같이 하였으되
Binihag ni Josue lahat ng mga lungsod ng mga haring ito. Binihag din niya ang lahat ng kanilang mga hari at nilusob sila gamit ang espada, gaya ng inutos ni Moises na lingkod ni Yahweh.
13 여호수아가 하솔만 불살랐고 산 위에 건축된 성읍들은 이스라엘이 불사르지 아니하였으며
Hindi sinunog ng Israel ang mga lungsod na ginawa sa mga tambak, maliban sa Hazor. Si Josue lamang ang nagsunog nito.
14 이 성읍들의 모든 재물과 가축은 이스라엘 자손들이 탈취하고 모든 사람은 칼날로 쳐서 진멸하여 호흡이 있는 자는 하나도 남기지 아니하였으니
Kinuha ng hukbo ng Israel ang lahat ng ninakaw mula sa mga lungsod na ito kasama ng mga alagang hayop para sa kanilang mga sarili. Pinatay nila ang bawat tao gamit ang espada hanggang ang lahat ay namatay. Wala silang itinirang buhay na nilalang.
15 여호와께서 그 종 모세에게 명하신 것을 모세는 여호수아에게 명하였고 여호수아는 그대로 행하여 여호와께서 무릇 모세에게 명하신 것을 하나도 행치 아니한 것이 없었더라
Gaya ng inutos ni Yahweh sa kianyang lingkod na si Moises, sa parehong paraan, inutos ni Moises kay Josue. At kaya walang iniwan si Josue na hindi tapos sa anumang bagay sa lahat ng inutos na iyon ni Yahweh kay Moises na gawin.
16 여호수아가 이같이 그 온 땅 곧 산지와 온 남방과 고센 온 땅과 평지와 아라바와 이스라엘의 산지와 그 평지를 취하였으니
Kinuha ni Josue ang lahat ng lupaing iyon, ang maburol na bansa, lahat ng Negev, lahat ng lupain ng Goshen, ang mga mababang burol, ang lambak Ilog Jordan, ang maburol na bansa ng Israel, at ang mga mababang lupain.
17 곧 세일로 올라가는 할락산에서부터 헤르몬산 아래 레바논 골짜기의 바알갓까지라 그 모든 왕을 잡아 쳐죽였으며
Mula sa Bundok Halak na malapit sa Edom, at papuntang hilaga gaya sa layo ng Baal Gad sa lambak malapit sa Lebanon sa ibaba ng Bundok Hermon, binihag niya lahat ng kanilang mga hari at pinatay sila.
18 여호수아가 그 모든 왕과 싸운 지는 여러 날이라
Nakipaglaban si Josue ng isang mahabang panahon sa lahat ng mga hari.
19 기브온 거민 히위 사람 외에는 이스라엘 자손과 화친한 성읍이 하나도 없고 다 이스라엘 자손에게 쳐서 취한 바 되었으니
Walang isang lungsod ang gumawa ng kapayapaan sa mga hukbo ng Israel maliban sa mga Hivita na naninirahan sa Gabaon. Binihag ng Israel lahat ng natitirang mga lungsod sa digmaan.
20 그들의 마음이 강퍅하여 이스라엘을 대적하여 싸우러 온 것은 여호와께서 그리하게 하신 것이라 그들로 저주받은 자 되게 하여 은혜를 입지 못하게 하시고 여호와께서 모세에게 명하신 대로 진멸하려 하심이었더라
Dahil si Yahweh ang nagpatigas sa kanilang mga puso para sila ay pumunta at makipaglaban sa Israel, kaya ganap niyang winasak sila, at hindi nagpapakita ng awa sa kanila, gaya sa itinuro niya kay Moises.
21 그 때에 여호수아가 가서 산지와 헤브론과 드빌과 아납과 유다 온 산지와 이스라엘의 온 산지에서 아낙 사람을 멸절하고 그가 또 그 성읍들을 진멸하였으므로
Pagkatapos dumating si Josue sa panahong iyon at winasak niya ang Anakim. Ginawa niya ito sa maburol na bansa, sa Hebron, Debir, Anab, at sa lahat ng maburol na bansa ng Juda, at sa lahat ng maburol na bansa ng Israel. Ganap na winasakl ni Josue sila at kanilang mga lungsod.
22 이스라엘 자손의 땅 안에는 아낙 사람이 하나도 남음이 없고 가사와 가드와 아스돗에만 약간 남았었더라
Wala sa mga Anakim ang natira sa lupain ng Israel maliban sa Gaza, Gat, at Asdod.
23 이와 같이 여호수아가 여호와께서 모세에게 이르신 말씀대로 그 온 땅을 취하여 이스라엘 지파의 구별을 따라 기업으로 주었더라 그 땅에 전쟁이 그쳤더라
Kaya binihag ni Josue ang buong lupain, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Moises. Ibinigay ni Josue ito bilang isang pamana ng Israel, itinalaga sa bawat lipi nila. Pagkatapos nagkaroon ng pahinga ang lupain mula sa mga digmaan.