< 요엘 2 >

1 시온에서 나팔을 불며 나의 성산에서 호각을 불어 이 땅 거민으로 다 떨게 할찌니 이는 여호와의 날이 이르게 됨이니라 이제 임박하였으나
Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, at magpatunog ng hudyat sa aking banal na bundok! Manginig sa takot ang lahat ng nakatira sa lupain sapagkat dumarating ang araw ni Yahweh, tunay nga na ito ay malapit na.
2 곧 어둡고 캄캄한 날이요 빽빽한 구름이 끼인 날이라 새벽 빛이 산꼭대기에 덮인 것과 같으니 이는 많고 강한 백성이 이르렀음이라 이같은 것이 자고 이래로 없었고 이후 세세에 없으리로다
Ito ay araw ng kadiliman at kapanglawan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman. Katulad ng bukang liwayway na lumalaganap sa mga bundok, paparating ang napakarami at malakas na hukbo. Hindi pa nagkaroon ng hukbong ganito at hindi na muling magkakaroon ng katulad nito, lumipas man ang maraming henerasyon.
3 불이 그들의 앞을 사르며 불꽃이 그들의 뒤를 태우니 그 전의 땅은 에덴동산 같았으나 그 후의 땅은 황무한 들 같으니 그들을 피한 자가 없도다
Nilalamon ng apoy ang lahat ng nasa harapan nito at lumiliyab ang apoy sa likuran nito. Katulad ng hardin ng Eden ang lupain na nasa harapan nito ngunit sa likuran nito ay wasak na ilang. Tunay nga na walang makatatakas mula rito.
4 그 모양은 말 같고 그 달리는 것은 기병 같으며
Ang anyo ng hukbo ay tulad ng mga kabayo, at tumatakbo sila na gaya ng mga mangangabayo.
5 그들의 산 꼭대기에서 뛰는 소리가 병거 소리와도 같고 불꽃이 초개를 사르는 소리와도 같으며 강한 군사가 항오를 벌이고 싸우는 것같으니
Tumatalon sila nang may ingay na gaya ng mga karwahe sa ibabaw ng mga bundok, gaya ng ingay ng naglalagablab na apoy na tumutupok sa pinaggapasan, gaya ng napakaraming hukbo na handa para sa labanan.
6 그 앞에서 만민이 송구하여 하며 무리의 낯빛이 하얘졌도다
Sa kanilang pagdating, nagdadalamhati ang mga tao at namumutla ang kanilang mga mukha.
7 그들이 용사같이 달리며 무사 같이 성을 더위잡고 오르며 각기 자기의 길로 행하되 그 항오를 어기지 아니하며
Tumatakbo sila na gaya ng malalakas na mandirigma at inaakyat nila ang mga pader na gaya ng mga kawal; nagmamartsa sila, ang bawat isa sa kani-kaniyang hakbang at hindi sila humihiwalay sa kanilang mga hanay.
8 피차에 부딪히지 아니하고 각기 자기의 길로 행하며 병기를 충돌하고 나아가나 상치 아니하며
Hindi sila nagtutulakan, nagmamartsa sila, bawat isa sa kaniyang daanan, pinapasok nila ang pananggalang at hindi sila nawawala sa kanilang hanay.
9 성중에 뛰어 들어가며 성위에 달리며 집에 더위잡고 오르며 도적같이 창으로 들어가니
Sumusugod sila nang mabilis sa lungsod, tumatakbo sila sa pader, umaakyat sila sa mga bahay at pumapasok sila sa mga bintana na gaya ng mga magnanakaw.
10 그 앞에서 땅이 진동하며 하늘이 떨며 일월이 캄캄하며 별들이 빛을 거두도다
Nayayanig ang lupa sa harapan nila, nayayanig ang kalangitan, dumilim ang araw at buwan at tumigil sa pagningning ang mga bituin.
11 여호와께서 그 군대 앞에서 소리를 발하시고 그 진은 심히 크고 그 명령을 행하는 자는 강하니 여호와의 날이 크고 심히 두렵도다 당할 자가 누구이랴
Pinalakas ni Yahweh ang kaniyang tinig sa harap ng kaniyang hukbo sapagkat napakarami ng kaniyang mandirigma, sapagkat sila ay malakas, ang mga gumagawa ng kaniyang mga utos. Sapagkat ang araw ni Yahweh ay dakila at nakatatakot. Sino ang makaliligtas dito?
12 여호와의 말씀에 너희는 이제라도 금식하며 울며 애통하고 마음을 다하여 내게로 돌아오라 하셨나니
“Gayon pa man,” sinabi ni Yahweh, “Manumbalik kayo sa akin nang buong puso. Mag-ayuno kayo, tumangis at magdalamhati.”
13 너희는 옷을 찢지 말고 마음을 찢고 너희 하나님 여호와께로 돌아올지어다! 그는 은혜로우시며, 자비로우시며, 노하기를 더디하시며, 인애가 크시사 뜻을 돌이켜 재앙을 내리지 아니하시나니
Punitin ninyo ang inyong puso at hindi lamang ang inyong mga kasuotan, at manumbalik kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat siya ay mapagbigay-loob at maawain, hindi madaling magalit, sagana sa pagmamahal at nais niyang tumigil sa pagbibigay ng parusa.
14 주께서 혹시 마음과 뜻을 돌이키시고 그 뒤에 복을 끼치사 너희 하나님 여호와께 소제와 전제를 드리게 하지 아니하실는지 누가 알겠느냐
Sinong nakakaalam? Marahil ay manumbalik siya at mahabag, at mag-iwan ng biyaya sa likuran niya, butil na handog at inuming handog para kay Yahweh na inyong Diyos.
15 너희는 시온에서 나팔을 불어 거룩한 금식일을 정하고 성회를 선고하고
Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, magpatawag kayo para sa isang banal na pag-aayuno at magpatawag kayo para sa isang banal na pagtitipon.
16 백성을 모아 그 회를 거룩케 하고 장로를 모으며 소아와 젖먹는 자를 모으며 신랑을 그 방에서 나오게 하며 신부도 그 골방에서 나오게 하고
Tipunin ninyo ang mga tao, magpatawag kayo para sa banal na pagtitipon. Tipunin ninyo ang mga nakatatanda, ang mga bata at ang mga sanggol. Lumabas ang mga ikakasal na lalaki sa kanilang silid at ang mga babaeng ikakasal sa kanilang silid.
17 여호와께 수종드는 제사장들은 낭실과 단 사이에서 울며 이르기를 여호와여 주의 백성을 긍휼히 여기소서 주의 기업으로 욕되게 하여 열국들로 그들을 관할하지 못하게 하옵소서 어찌하여 이방인으로 그들의 하나님이 어디 있느뇨 말하게 하겠나이까 할지어다
Manangis ang mga paring lingkod ni Yahweh sa pagitan ng balkonahe at altar. Sabihin nilang, “Maaawa ka sa iyong mga tao, Yahweh, at huwag mong dalhin sa kahihiyan ang iyong pamana upang pamahalaan sila ng mga bansa. Bakit sasabihin ng mga bansa, nasaan ang kanilang Diyos?”
18 그 때에 여호와께서 자기 땅을 위하여 중심이 뜨거우시며 그 백성을 긍휼히 여기실 것이라
At si Yahweh ay masikap para sa kaniyang lupain at naawa sa kaniyang mga tao.
19 여호와께서 그들에게 응답하여 이르시기를 내가 너희에게 곡식과 새 포도주와 기름을 주리니 너희가 이로 인하여 흡족하리라 내가 다시는 너희로 열국 중에서 욕을 당하지 않게 할 것이며
Sumagot si Yahweh sa kaniyang mga tao, “Tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng butil, bagong alak at langis. Masisiyahan kayo sa mga ito at hindi ko na kayo gagawing kahiya-hiya sa mga bansa.
20 내가 북편 군대를 너희에게서 멀리 떠나게 하여 메마르고 적막한 땅으로 쫓아내리니 그 전군은 동해로 그 후군은 서해로 들어갈 것이라 상한 냄새가 일어나고 악취가 오르리니 이는 큰 일을 행하였음이니라 하시리라
Aalisin ko ang hilagang mananalakay mula sa inyo at itataboy sila sa tuyo at pinabayaang lupain. Ang unahan ng kanilang hukbo ay pupunta sa silangang dagat at ang kanilang hulihan ay sa kanlurang dagat. Aalingasaw ang baho at masamang amoy nito. Gagawa ako ng mga dakilang bagay.”
21 땅이여! 두려워 말고 기뻐하며 즐거워할지어다 여호와께서 큰 일을 행하셨음이로다
Huwag matakot, lupain, matuwa at magalak sapagkat gumawa si Yahweh ng mga dakilang bagay.
22 들짐승들아, 두려워 말지어다! 들의 풀이 싹이 나며 나무가 열매를 맺으며 무화과 나무와 포도 나무가 다 힘을 내는도다
Huwag kayong matakot, mga hayop sa parang, sapagkat tutubo ang mga pastulan sa ilang, mamumunga ang mga puno at mamumunga ng maraming ani ang mga puno ng igos at ubas.
23 시온의 자녀들아 너희는 너희 하나님 여호와로 인하여 기뻐하며 즐거워할지어다 그가 너희를 위하여 비를 내리시되 이른 비를 너희에게 적당하게 주시리니 이른 비와 늦은 비가 전과 같을 것이라
Matuwa kayo, mga tao ng Zion at magalak kay Yahweh na inyong Diyos. Sapagkat ibibigay niya sa inyo ang ulan ng taglagas sa nararapat na sukat at pabababain ang ulan para sa inyo, ang ulan ng taglagas at ang ulan ng tagsibol katulad noon.
24 마당에는 밀이 가득하고 독에는 새 포도주와 기름이 넘치리로다
Mapupuno ng trigo ang mga giikan, aapaw ang mga lalagyan ng bagong alak at langis.
25 내가 전에 너희에게 보낸 큰 군대 곧 메뚜기와 늣과 황충과 팟종이의 먹은 햇수대로 너희에게 갚아주리니
“Ibabalik ko sa inyo ang mga taon ng mga pananim na kinain ng napakaraming nagliliparang mga balang, ng mga malalaking balang, ng mga tipaklong, at ng mga uod, ang aking malakas na hukbo na aking ipinadala sa inyo.
26 너희는 먹되 풍족히 먹고 너희를 기이히 대접한 너희 하나님 여호와의 이름을 찬송할 것이라 내 백성이 영영히 수치를 당치 아니하리로다
Kakain kayo nang sagana at mabubusog, at pupurihin ninyo ang pangalan ni Yahweh na inyong Diyos na gumawa ng mga kamangha-mangha sa inyo at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.
27 그런즉 내가 이스라엘 가운데 있어 너희 하나님 여호와가 되고 다른 이가 없는 줄을 너희가 알 것이라 내 백성이 영영히 수치를 당치 아니하리로다
Malalaman ninyo na ako ay nasa Israel, na ako si Yahweh na inyong Diyos, at wala ng iba, at hindi ko na muling ilalagay sa kahihiyan ang aking bayan.
28 그 후에 내가 내 신을 만민에게 부어 주리니 너희 자녀들이 장래일을 말할 것이며 너희 늙은이는 꿈을 꾸며 너희 젊은이는 이상을 볼 것이며
At mangyayari pagkatapos, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng laman, at maghahayag ng propesiya ang inyong mga anak na lalaki at babae. Mananaginip ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
29 그 때에 내가 또 내 신으로 남종과 여종에게 부어 줄 것이며
Gayon din sa mga utusan at babaeng utusan, ibubuhos ko ang aking Espiritu sa mga araw na iyon.
30 내가 이적을 하늘과 땅에 베풀리니 곧 피와 불과 연기 기둥이라
Magpapakita ako ng mga kamangha-mangha sa kalangitan at sa lupa ng dugo, apoy at mga haligi ng usok.
31 여호와의 크고 두려운 날이 이르기 전에 해가 어두워지고 달이 핏빛 같이 변하려니와
Magiging kadiliman ang araw at dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Yahweh.
32 누구든지 여호와의 이름을 부르는 자는 구원을 얻으리니 이는 나 여호와의 말대로 시온산과 예루살렘에서 피할 자가 있을 것임이요 남은 자 중에 나 여호와의 부름을 받을 자가 있을 것임이니라
Mangyayari na ang lahat ng tatawag sa pangalan ni Yahweh ay maliligtas. Sapagkat may mga makatatakas sa Bundok ng Zion at sa Jerusalem, gaya ng sinabi ni Yahweh, at sa mga makaliligtas, ang mga tinawag ni Yahweh.

< 요엘 2 >