< 욥기 37 >

1 이로 인하여 내 마음이 떨며 자기 처소에서 떠나느니라
Tunay nga, kumakabog dito ang aking dibdib; naalis ito sa kaniyang kinalalagyan.
2 하나님의 음성 곧 그 입에서 나오는 소리를 들으라 들으라
Pakinggan ang ingay ng kaniyang tinig, ang tunog na lumalabas mula sa kaniyang bibig.
3 그 소리를 천하에 퍼치시며 번개 빛으로 땅끝까지 이르게 하시고
Pinadadala niya ito sa buong himpapawid, pinadadala niya ang kaniyang kidlat sa lahat ng dako ng mundo.
4 그 후에 음성을 발하시며 위엄의 울리는 음성을 내시고는 그 음성이 들릴 때에 번개 빛을 금치 아니하시느니라
Isang tinig ang dumadagundong pagkatapos nito; kumulog ang kaniyang maluwalhating tinig; hindi niya pinipigilan ang mga kidlat kapag narinig ang kaniyang tinig.
5 하나님이 기이하게 음성을 울리시며 우리의 헤아릴 수 없는 큰 일을 행하시느니라
Kahanga-hangang kumukulog ang tinig ng Diyos; gumagawa siya ng mga kadakilaan na hindi natin maunawaan.
6 눈을 명하여 땅에 내리라 하시며 적은 비와 큰비도 그 같이 내리게 하시느니라
Sabi niya sa niyebe, “Mahulog ka sa lupa'; gaya sa ambon, 'Maging isang malakas na pagbuhos ng ulan.'
7 그가 각 사람의 손을 봉하시나니 이는 그 지으신 모든 사람으로 그것을 알게 하려 하심이니라
Pinatigil niya ang bawat kamay ng mga tao sa pagtatrabaho, para makita sa lahat ng tao na kaniyang nilalang ang kaniyang mga ginawa.
8 짐승들은 숨는 곳으로 들어가서 그 굴에 머물며
Pagkatapos, pumunta ang mga hayop sa kanilang taguan at nanatili sa kanilang mga lungga.
9 남방 밀실에서는 광풍이 이르고 북방에서는 찬 기운이 이르며
Sa timog nagmula ang bagyo at sa hilaga nagmula ang malamig na hangin.
10 하나님의 부시는 기운에 얼음이 얼고 물의 넓이가 줄어지느니라
Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ibinigay ang yelo; nanigas ang tubig gaya ng bakal.
11 그가 습기로 빽빽한 구름 위에 실으시고 번개 빛의 구름을 널리 펴신즉
Tunay nga, pinupuno niya ang makapal na ulap ng tubig; kinakalat niya ang kidlat mula sa mga ulap.
12 구름이 인도하시는대로 두루 행하나니 이는 무릇 그의 명하시는 것을 세계상에 이루려 함이라
Pinaikot niya ang mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang gabay, para magawa nila ang kahit anong inuutos niya mula sa ibabaw ng buong daigdig.
13 혹 징벌을 위하며 혹 토지를 위하며 혹 긍휼 베푸심을 위하여 구름으로 오게 하시느니라
Ginawa niya ang lahat ng ito na mangyari; minsan nangyayari ito para sa pagtatama, minsan para sa lupain, at minsan bilang mga pagkilos sa katapatan sa tipan.
14 욥이여 이것을 듣고 가만히 서서 하나님의 기묘하신 일을 궁구하라
Makinig ka dito Job; huminto ka at isipin mo ang kamangha-manghang mga ginawa ng Diyos.
15 하나님이 어떻게 이런 것들에게 명령하셔서 그 구름의 번개 빛으로 번쩍 번쩍하게 하시는지 네가 아느냐
Alam mo ba kung papaano pinilit ng Diyos ang kaniyang kagustuhan sa mga ulap at pinakislap ang mga kidlat?
16 구름의 평평하게 뜬 것과 지혜가 온전하신 자의 기묘한 일을 네 가 아느냐
Naiintindihan mo ba ang paglutang ng mga ulap, ang kamangha-manghang mga ginawa ng Diyos, na siyang nakaaalam ng lahat?
17 남풍으로 하여 땅이 고요할 때에 네 의복이 따뜻한 까닭을 네가 아느냐
Naiintindihan mo ba kung papaano ang iyong mga damit ay natuyo nang walang mainit na hangin na mula sa timog?
18 네가 능히 그와 함께 하여 부은 거울 같은 견고한 궁창을 펼 수 있느냐
Kaya mo bang palawakin ang himpapawid gaya ng ginawa niya - ang himpapawid, na kasing tibay ng salaming bakal?
19 우리가 그에게 할 말을 너는 우리에게 가르치라 우리는 어두워서 진술하지 못하겠노라
Turuan mo kami kung ano ang sasabihin namin sa kaniya, dahil hindi namin matanto ang aming mga katuwiran dahil sa kadiliman ng aming mga pag-iisip.
20 내가 말하고 싶은 것을 어찌 그에게 고할 수 있으랴 어찌 삼키우기를 바랄 자가 있으랴
Dapat ko bang sabihin sa kaniya na nais kung makausap siya? Sinong tao ang nais malulon?
21 사람이 어떤 때는 궁창의 광명을 볼 수 없어도 바람이 지나가면 맑아지느니라
Ngayon, hindi makatingin ang mga tao sa araw kapag nagliliwanag ito sa himpapawid pagkatapos umihip ng hangin at nagliwanag ang mga ulap nito.
22 북방에서는 금 빛이 나오나니 하나님께는 두려운 위엄이 있느니라
Mula sa hilaga ang ginintuang kaluwalhatian - dahil sa kagila-gilalas na kaningningan ng Diyos.
23 전능자를 우리가 측량할 수 없나니 그는 권능이 지극히 크사 심판이나 무한한 공의를 굽히지 아니 하심이라
Tungkol sa Makapangyarihan, hindi namin siya makita; dakila ang kaniyang kapangyarihan at katuwiran. Hindi siya nang-aapi ng mga tao.
24 그러므로 사람들은 그를 경외하고 그는 마음에 지혜롭다 하는 자를 돌아보지 아니하시느니라
Kaya, kinatatakutan siya ng mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga nag-iisip na matalino sila.”

< 욥기 37 >