< 예레미야 7 >

1 여호와께로서 예레미야에게 말씀이 임하니라 가라사대
Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh,
2 너는 여호와의 집 문에 서서 이 말을 선포하여 이르기를 여호와께 경배하러 이 문으로 들어가는 유다인아 다 여호와의 말씀을 들으라
“Tumayo ka sa tarangkahan ng tahanan ni Yahweh at ipahayag mo ang mga salitang ito! Sabihin mo, 'Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, lahat kayong mga taga-Juda, kayong mga pumasok sa mga tarangkahan na ito upang sambahin si Yahweh.
3 만군의 여호와 이스라엘의 하나님이 이같이 말씀하시되 너희 길과 행위를 바르게 하라 그리하면 내가 너희로 이 곳에 거하게 하 리라
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Gawin ninyo nang may kabutihan ang inyong mga kaparaanan at kaugalian at hahayaan ko kayong mamuhay sa lugar na ito.
4 너희는 이것이 여호와의 전이라, 여호와의 전이라, 여호와의 전이라 하는 거짓말을 믿지 말라
Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!”
5 너희가 만일 길과 행위를 참으로 바르게 하여 이웃들 사이에 공의를 행하며
Sapagkat kung ganap ninyong gagawing mabuti ang inyong mga kaparaanan at mga kaugalian, kung ganap ninyong ipinapakita ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapwa.
6 이방인과 고아와 과부를 압제하지 말며 무죄한 자의 피를 이 곳에서 흘리지 아니하며 다른 신들을 좇아 스스로 해하지 아니하면
Kung hindi ninyo sinasamantala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain, ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosenteng dugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mga diyos para sa inyong sariling kapahamakan.
7 내가 너희를 이 곳에 거하게 하리니 곧 너희 조상에게 영원 무궁히 준 이 땅에니라
Hahayaan ko kayong manatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno magmula pa noong unang panahon at magpakailanman.
8 너희가 무익한 거짓말을 의뢰하는도다
Masdan ninyo! Nagtitiwala kayo sa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sa inyo.
9 너희가 도적질 하며 살인하며 간음하며 거짓 맹세하며 바알에게 분향하며 너희의 알지 못하는 다른 신들을 좇으면서
Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala?
10 내 이름으로 일컬음을 받는 이 집에 들어와서 내 앞에 서서 말하기를 우리가 구원을 얻었나이다 하느냐 이는 이 모든 가증한 일을 행하려 함이로다
Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,” kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito?
11 내 이름으로 일컬음을 받는 이 집이 너희 눈에는 도적의 굴혈로 보이느냐? 보라 나 곧 내가 그것을 보았노라 여호와의 말이니라
Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
12 너희는 내가 처음으로 내 이름을 둔 처소 실로에 가서 내 백성 이스라엘의 악을 인하여 내가 어떻게 행한 것을 보라
'Kaya pumunta kayo sa aking lugar na nasa Shilo, kung saan hinayaan ko ang aking pangalan na manatili doon sa simula pa at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko doon dahil sa kasamaan ng aking mga taong Israel.
13 나 여호와가 말하노라 이제 너희가 그 모든 일을 행하였으며 내가 너희에게 말하되 새벽부터 부지런히 말하여도 듣지 아니하였고 너희를 불러도 대답지 아니하였느니라
Kaya ngayon dahil sa paggawa ninyo ng lahat ng mga kaugaliang ito, ito ang pahayag ni Yahweh, 'Paulit-ulit ko kayong sinabihan ngunit hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot.
14 그러므로 내가 실로에 행함 같이 너희가 의뢰하는 바 내 이름으로 일컬음을 받는 이 집 곧 너희와 너희 열조에게 준 이 곳에 행하겠고
Kaya, kung ano ang ginawa ko sa Shilo, gagawin ko rin sa tahanang ito na tinawag sa aking pangalan, ang tahanan kung saan kayo nagtiwala, ang lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
15 내가 너희 모든 형제 곧 에브라임 온 자손을 쫓아냄같이 내 앞에서 너희를 쫓아내리라 하셨다 할지니라
Sapagkat palalayasin ko kayo sa aking harapan gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid, ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.'
16 그런즉 너는 이 백성을 위하여 기도하지 말라 그들을 위하여 부르짖어 구하지 말라 내게 간구하지 말라 내가 너를 듣지 아니하리라
At ikaw, Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong ito at huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin para sa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindi kita pakikinggan.
17 너는 그들이 유다 성읍들과 예루살렘 거리에서 행하는 일을 보지 못하느냐?
Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
18 자식들은 나무를 줍고 아비들은 불을 피우며 부녀들은 가루를 반죽하여 하늘 황후를 위하여 과자를 만들며 그들이 또 다른 신들에게 전제를 부음으로 나의 노를 격동하느니라
Nagtitipon ng kahoy ang mga bata at sinisindihan ito ng kanilang mga ama! Nagmamasa ng harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mga tinapay para sa reyna ng kalangitan at nagbubuhos ng mga inuming handog para sa ibang mga diyos upang galitin ako.
19 나 여호와가 말하노라 그들이 나를 격노케 함이냐? 어찌 자기 얼굴에 수욕을 자취함이 아니냐?
Ito ang pahayag ni Yahweh. Sinasaktan ba talaga nila ako? Hindi ba ang sarili nila ang kanilang sinasaktan, kaya nasa kanila ang kahihiyan?
20 그러므로 주 여호와 내가 이같이 말하노라 보라 나의 진노와 분한을 이 곳에 붓되 사람과 짐승과 들나무와 땅의 소산에 부으리니 불같이 살라지고 꺼지지 아니하리라 하시니라
Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo, bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao at sa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoy sa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.'
21 만군의 여호와 이스라엘의 하나님이 이같이 말씀하시되 너희 희생에 번제물을 아울러 그 고기를 먹으라
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Idagdag ninyo ang mga handog na susunugin sa inyong mga alay at ang mga karne mula sa mga ito.
22 대저 내가 너희 열조를 애굽 땅에서 인도하여 낸 날에 번제나 희생에 대하여 말하지 아니하며 명하지 아니하고
Sapagkat nang pinalaya ko mula sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno, wala akong hiningi na anuman mula sa kanila. Wala akong ibinigay na utos tungkol sa handog na susunugin at sa mga alay.
23 오직 내가 이것으로 그들에게 명하여 이르기를 너희는 내 목소리를 들으라! 그리하면 나는 너희 하나님이 되겠고 너희는 내 백성이 되리라 너희는 나의 명한 모든 길로 행하라 그리하면 복을 받으리라 하였으나
Ibinigay ko lamang sa kanila ang utos na ito, “Makinig kayo sa aking tinig at ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging aking mga tao. Kaya lumakad kayo sa lahat ng kaparaanan na iniuutos ko sa inyo upang maging maayos ito sa inyo.”
24 그들이 청종치 아니하며 귀를 기울이지도 아니하고 자기의 악한 마음의 꾀와 강퍅한 대로 행하여 그 등을 내게로 향하고 그 얼굴을 향치 아니하였으며
Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.
25 너희 열조가 애굽 땅에서 나온 날 부터 오늘까지 내가 내 종 선지자들을 너희에게 보내었으되 부지런히 보내었으나
Simula pa noong araw na lumabas sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila.
26 너희가 나를 청종치 아니하며 귀를 기울이지 아니하고 목을 굳게하여 너희 열조보다 악을 더 행하였느니라
Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila binigyan ng pansin. Sa halip, pinatigas nila ang kanilang mga leeg. Mas masama sila kaysa sa kanilang mga ninuno.'
27 네가 그들에게 이 모든 말을 할지라도 그들이 너를 청종치 아니할 것이요 네가 그들을 불러도 그들이 네게 대답지 아니하리니
Kaya ipahayag mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, ngunit hindi ka nila pakikinggan. Ipahayag mo sa kanila ang mga bagay na ito, ngunit hindi ka nila sasagutin.
28 너는 그들에게 말하기를 너희는 너희 하나님 여호와의 목소리를 청종치 아니하며 교훈을 받지 아니하는 국민이라 진실이 없어져 너희 입에서 끊어졌다 할지니라
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ay isang bansa na hindi nakikinig sa tinig ni Yahweh na kaniyang Diyos at hindi tumatanggap ng pagtutuwid. Nasira at naalis ang katotohanan mula sa kanilang mga bibig.
29 예루살렘아, 너의 머리털을 베어 버리고 자산 위에서 호곡할지어다 여호와께서 그 노하신 바 이 세대를 끊어버리셨음이니라
Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.
30 여호와께서 말씀하시되 유다 자손이 나의 목전에 악을 행하여 내 이름으로 일컬음을 받는 집에 그들의 가증한 것을 두어 집을 더럽혔으며
Sapagkat gumawa ng kasamaan sa aking paningin ang mga anak ni Juda, inilagay nila ang mga bagay na kasuklam-suklam sa tahanan kung saan inihayag ang aking pangalan, upang dungisan ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.
31 힌놈의 아들 골짜기에 도벳 사당을 건축하고 그 자녀를 불에 살랐나니 내가 명하지 아니하였고 내 마음에 생각지도 아니한 일이니라
Pagkatapos, itinayo nila ang dambana ng Tofet na nasa lambak ng Ben Hinom. Ginawa nila ito upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak, bagay na hindi ko ipinag-utos. Hindi ito kailanman sumagi sa aking isipan.
32 그러므로 나 여호와가 말하노라 날이 이르면 이 곳을 도벳이라 하거나 힌놈의 아들의 골짜기라 칭하지 아니하고 살륙의 골짜기라 칭하리니 매장할 자리가 없도록 도벳에 장사함을 인함이니라
Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon na hindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom. Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofet ang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang silid doon. Ito ang pahayag ni Yahweh.
33 이 백성의 시체가 공중의 새와 땅 짐승의 밥이 될 것이나 그것을 쫓을 자가 없을 것이라
Magiging pagkain ng mga ibon sa himpapawid at ng mga hayop sa lupa ang mga bangkay ng mga tao na ito at walang sinumang makakapagpaalis sa mga ito.
34 그 때에 내가 유다 성읍들과 예루살렘 거리에 기뻐하는 소리, 즐기는 소리, 신랑의 소리, 신부의 소리가 끊쳐지게 하리니 땅이 황폐하리라
Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain.”

< 예레미야 7 >