< 예레미야 46 >
1 열국에 대하여 선지자 예레미야에게 임한 여호와의 말씀이라
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay propetang Jeremias tungkol sa mga bansa.
2 애굽을 논한 것이니 곧 유다 왕 요시야의 아들 여호야김 제 사년에 유브라데 하숫가 갈그미스에서 바벨론 왕 느부갓네살에게 패한 애굽 왕 바로느고의 군대에 대한 말씀이라
Para sa Egipto: “Tungkol ito sa hukbo ni Faraon Neco na hari ng Egipto, na nasa Carquemis sa tabi ng Ilog Eufrates. Ito ang hukbong tinalo ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda:
3 너희는 큰 방패, 작은 방패를 예비하고 나가서 싸우라
Ihanda ninyo ang mga maliliit at mga malalaking kalasag, at sumugod sa labanan.
4 너희 기병이여, 말에 안장을 지워 타며 투구를 쓰고 나서며 창을 갈며 갑옷을 입으라
Isingkaw ninyo ang mga kabayong lalaki at sakyan ninyo ang mga ito, kayong mga mangangabayo. Humanay kayo, kasama ang inyong mga helmet na nasa inyong mga ulo. Hasain ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga baluti.
5 여호와께서 가라사대 내가 본즉 그들이 놀라 물러가며 그들의 용사는 패하여 급히 도망하며 뒤를 돌아보지 아니함은 어찜인고 두려움이 그들의 사방에 있음이로다 하셨나니
Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
6 발이 빠른 자도 도망하지 못하며 용맹이 있는 자도 피하지 못하고 그들이 다 북방에서 유브라데 하숫가에 넘어지며 엎드러지는도다
ang matulin ay hindi makatatakbo palayo, at ang mga kawal ay hindi makatatakas. Natitisod sila sa hilaga at bumabagsak sa tabi ng Ilog Eufrates.
7 저 나일의 창일함과 강물의 흉용함 같은 자 누구뇨
Sino itong bumabangon tulad ng Nilo, na iniitsa pataas at pababa ang tubig tulad ng mga ilog?
8 애굽이 나일의 창일함과 강물의 흉용함 같도다 그가 가로되 내가 일어나 땅을 덮어 성읍들과 그 거민을 멸할 것이라
Bumabangon ang Egipto tulad ng Nilo, at iniitsa pataas at pababa ang tubig nito tulad ng mga ilog. Sinasabi nito, 'Babangon ako, tatakpan ko ang lupa. Wawasakin ko ang mga lungsod at ang mga naninirahan sa mga ito.
9 말들아 달리라 병거들아 급히 동하라 용사여 나오라 방패잡은 구스인과 붓인과 활을 당기는 루딤인이여 나올지니라 하거니와
Bumangon kayo, mga kabayo. Magalit kayo, kayong mga karwahe. Palabasin ang mga kawal, Cus at Puth, mga kalalakihang dalubhasa sa kalasag, at Ludio, mga kalalakihang dalubhasa sa paghatak ng kanilang mga pana.'
10 그날은 주 만군의 여호와께서 그 대적에게 원수 갚는 보수일이라 칼이 배부르게 삼키며 그들의 피를 가득히 마시리니 주 만군의 여호와께서 북편 유브라데 하숫가에서 희생을 내실 것임이로다
Ang araw na iyon ang magiging araw ng paghihiganti para sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo, at ipaghihiganti niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kaaway. Lalamon at mabubusog ang espada. Iinumin nito ang kanilang dugo hanggang sa mapuno. Sapagkat magkakaroon ng alay sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
11 처녀 딸 애굽이여 길르앗으로 올라와서 유향을 취하라 네가 많은 의약을 쓸지라도 무효하여 낫지 못하리라
Umakyat ka sa Gilead at kumuha ng gamot, birheng anak na babae ng Egipto. Wala itong saysay na naglalagay ka ng maraming gamot sa iyong sarili. Walang lunas para sa iyo.
12 네 수치가 열방에 들렸고 네 부르짖음은 땅에 가득하였나니 용사가 용사에게 부딪쳐 둘이 함께 엎드러졌음이니라
Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan. Napuno ng iyong mga pagtangis ang lupa, sapagkat natitisod ang kawal laban sa kawal, pareho silang bumabagsak.”
13 바벨론 왕 느부갓네살이 와서 애굽 땅을 칠 일에 대하여 선지자 예레미야에게 이르신 여호와의 말씀이라
Ito ang salitang sinabi ni Yahweh kay propetang Jeremias nang dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sinalakay ang lupain ng Egipto:
14 너희는 애굽에 선포하며 믹돌과 놉과 다바네스에 선포하여 말하기를 너희는 굳게 서서 예비하라 네 사방이 칼에 삼키웠느니라
“Iulat ninyo sa Egipto at hayaang mabalitaan sa Migdol at sa Memfis. Sa Tafnes, sinabi nila, 'Lumugar kayo at tumindig, sapagkat nilalamon ng espada ang lahat ng nasa paligid ninyo.
15 너희 장사들이 쓰러짐은 어찜이뇨 그들의 서지 못함은 여호와께서 그들을 몰아내신 연고니라
Bakit tumakbo palayo ang inyong diyos na si Apis? Bakit hindi tumatayo ang inyong diyos na toro? Ibinagsak siya ni Yahweh.
16 그가 많은 자로 넘어지게 하시매 사람이 사람 위에 엎드러지며 이르되 일어나라 우리가 포악한 칼을 피하여 우리 민족에게로 우리 고토로 돌아가자 하며
Dinagdagan niya ang bilang ng mga natitisod. Bumabagsak ang bawat kawal sa sumusunod. Sinasabi nila, “Bumangon kayo. Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa ating sariling mga tao, sa ating katutubong lupain. Iwanan na natin ang espadang ito na tumatalo sa atin.”
17 거기서 부르짖기를 애굽 왕 바로가 망하였도다 그가 시기를 잃었도다
Ipinahayag nila roon, “Ang Faraon na hari ng Egipto ay isang ingay lamang, na hinayaang makawala ang kaniyang pagkakataon.”
18 만군의 여호와라 일컫는 왕이 가라사대 나의 삶으로 맹세하노니 그가 과연 산들 중의 다볼같이, 해변의 갈멜같이 오리라
“Sapagkat buhay ako—ito ang pahayag ng hari—Yahweh ng mga hukbo ang pangalan, may darating tulad ng Bundok ng Tabor at Bundok ng Carmelo sa tabing-dagat.
19 애굽에 사는 딸이여, 너는 너를 위하여 포로의 행리를 준비하라 놉이 황무하며 불에 타서 거민이 없을 것임이니라
Ihanda ninyo para sa inyong mga sarili ang inyong dalahin para sa pagkabihag, kayong mga anak na babae na naninirahan sa Egipto. Sapagkat magiging isang katatakutan at isang pagkawasak ang Memfis upang walang sinuman ang maninirahan doon.
20 애굽은 심히 아름다운 암송아지라도 북에서부터 멸망이 이르렀고 이르렀느니라
Ang Egipto ay isang napakagandang batang baka, ngunit dumarating ang isang nangangagat na insekto mula sa hilaga. Dumarating na ito.
21 또 그 중의 고용군은 외양간의 송아지 같아서 돌이켜 함께 도망하고 서지 못하였나니 재난의 날이 이르렀고 벌 받는 때가 왔음이라
Ang mga upahang kawal sa kaniyang kalagitnaan ay tila mga pinatabang toro, ngunit tatalikod at tatakbo rin sila. Hindi sila titindig ng magkakasama, sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila, ang oras ng kanilang kaparusahan.
22 애굽의 소리가 뱀의 소리 같으리니 이는 그들의 군대가 벌목하는 자같이 도끼를 가지고 올 것임이니라
Sumusutsot at gumagapang papalayo ang Egipto tulad ng isang ahas, sapagkat lumalakad laban sa kaniya ang kaniyang mga kaaway. Lumalakad sila patungo sa kaniya tulad ng mga namumutol ng kahoy na may mga palakol.
23 나 여호와가 말하노라 그들이 황충보다 많고 계수할 수 없으므로 조사할 수 없는 그의 수풀을 찍을 것이라
Puputulin nila ang mga kakahuyan—ito ang pahayag ni Yahweh—bagaman ito ay labis na masikip. Sapagkat mas magiging marami ang mga kaaway kaysa sa mga balang, hindi sila mabibilang.
24 딸 애굽이 수치를 당하여 북방 백성의 손에 붙임을 입으리로다
Mapapahiya ang anak na babae ng Egipto. Ibibigay siya sa kamay ng mga taong mula sa hilaga.”
25 나 만군의 여호와 이스라엘의 하나님이 말하노라 보라, 내가 노의 아몬과 바로와 애굽과 애굽 신들과 왕들 곧 바로와 및 그를 의지하는 자들을 벌할 것이라
Sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, “Tingnan mo, parurusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kaniyang mga diyos, ang kaniyang mga haring Faraon, at ang mga nagtitiwala sa kanila.
26 내가 그들의 생명을 찾는 자의 손 곧 바벨론 왕 느부갓네살의 손과 그 신하들의 손에 붙이리라 그럴지라도 그 후에는 그 땅이 여전히 사람 살 곳이 되리라 여호와의 말이니라
Ibinibigay ko sila sa kamay ng mga humahangad sa kanilang mga buhay, sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sa kaniyang mga lingkod. At pagkatapos nito, pananahanan ang Egipto gaya noong unang panahon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
27 내 종 야곱아! 두려워 말라! 이스라엘아! 놀라지 말라! 보라 내가 너를 원방에서 구원하며 네 자손을 포로된 땅에서 구원하리니 야곱이 돌아와서 평안히, 정온히 거할 것이라 그를 두렵게 할 자 없으리라
“Ngunit ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot. Huwag kang mangamba, Israel, sapagkat tingnan mo, ibabalik ko kayo mula sa malayo, at ang inyong mga anak mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. Pagkatapos, manunumbalik si Jacob, makakatagpo ng kapayapaan, at magiging ligtas, at wala ng sisindak sa kaniya.
28 나 여호와가 말하노라 내 종 야곱아! 내가 너와 함께하나니 두려워 말라! 내가 너를 흩었던 그 열방은 다 멸할지라도 너는 아주 멸하지 아니하리라 내가 너를 공도로 징책할 것이요 결코 무죄한 자로 여기지 아니하리라
Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'”