< 예레미야 3 >
1 세상에서 말하기를 가령 사람이 그 아내를 버리므로 그가 떠나 타인의 아내가 된다 하자 본부가 그를 다시 받겠느냐? 그리하면 그 땅이 크게 더러워지지 않겠느냐? 하느니라 나 여호와가 말하노라 네가 많은 무리와 행음하고도 내게로 돌아오려느냐?
“Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki. Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawang babae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaing iyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaing bayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mo bang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.
2 네 눈을 들어 자산을 보라 너의 행음치 아니한 곳이 어디 있느냐? 네가 길 가에 앉아 사람을 기다린 것이 광야에 있는 아라바 사람같아서 음란과 행악으로 이 땅을 더럽혔도다
Tumingala ka sa mga tigang na burol at tingnan mo! Saan ka hindi nakipagsiping? Nakaupo ka sa mga tabing-daan at hinihintay ang iyong mga mangingibig, gaya ng isang taong pagala-gala sa ilang. Dinungisan mo ang lupain ng iyong kahalayan at kasamaan.
3 그러므로 단 비가 그쳐졌고 늦은 비가 없어졌느니라 그럴지라도 네가 창녀의 낯을 가졌으므로 수치를 알지 못하느니라
Kaya pinigilan ko ang pagbuhos ng ulan ng tagsibol at hindi na pumatak ang huling ulan. Ngunit mapagmataas ang iyong mukha, gaya ng mukha ng babaing bayaran. Tinanggihan mong maramdaman ang kahihiyan.
4 네가 이제부터는 내게 부르짖기를 나의 아버지여, 아버지는 나의 소시의 애호자시오니
Hindi ka ba tatawag sa akin simula sa oras na ito, 'Aking ama! Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan magmula pa sa aking kabataan.
5 노를 한 없이 계속하시겠으며 끝까지 두시겠나이까 하지 않겠느냐 보라 네가 이같이 말하여도 악을 행하여 네 욕심을 이루었느니라 하시니라
Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!”
6 요시야 왕 때에 여호와께서 또 내게 이르시되 네가 배역한 이스라엘의 행한 바를 보았느냐 그가 모든 높은 산에 오르며 모든 푸른나무 아래로 가서 거기서 행음하였도다
Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
7 그가 이 모든 일을 행한 후에 내가 말하기를 그가 내게로 돌아오리라 하였으나 오히려 내게로 돌아오지 아니하였고 그 패역한 자매 유다는 그것을 보았느니라
Sinabi ko, 'Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga bagay na ito, babalik siya sa akin,' ngunit hindi siya bumalik. At nakita ng taksil niyang kapatid na Juda ang kaniyang ginawa.
8 내게 배역한 이스라엘이 간음을 행하였으므로 내가 그를 내어 쫓고 이혼서까지 주었으되 그 패역한 자매 유다가 두려워 아니하고 자기도 가서 행음함을 내가 보았노라
Kaya nakita ko na sa lahat ng mga dahilang ito, nangalunya siya. Israel na tuluyang tumalikod! Pinalayas ko siya at binigyan ng mga atas ng pakikipaghiwalay. Ngunit hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda, lumabas at kumilos din siya gaya ng babaing bayaran!
9 그가 돌과 나무로 더불어 행음함을 가볍게 여기고 행음하여 이 땅을 더럽혔거늘
Walang halaga sa kaniya na dinungisan niya ang lupain, kaya gumawa sila ng mga diyus-diyosan mula sa bato at punongkahoy.
10 이 모든 일이 있어도 그 패역한 자매 유다가 진심으로 내게 돌아오지 아니하고 거짓으로 할 뿐이니라 여호와의 말이니라!
At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”
11 여호와께서 내게 이르시되 배역한 이스라엘은 패역한 유다보다 오히려 의로움이 나타났나니
At sinabi ni Yahweh sa akin, “Ang taksil na Israel ay mas matuwid kaysa sa taksil na Juda!
12 너는 가서 북을 향하여 이 말을 선포하여 이르라 여호와께서 가라사대 배역한 이스라엘아 돌아오라! 나의 노한 얼굴을 너희에게로 향하지 아니하리라 나는 긍휼이 있는 자라 노를 한 없이 품지 아니하느니라 여호와의 말이니라
Pumunta ka at ihayag ang mga salitang ito sa hilaga. Sabihin mo, 'Magbalik ka taksil na Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tapat ako, hindi ako mananatiling galit magpakailanman. Ito ang pahayag ni Yahweh
13 너는 오직 네 죄를 자복하라! 이는 네 하나님 여호와를 배반하고 네 길로 달려 모든 푸른 나무 아래서 이방 신에게 절하고 내 목 소리를 듣지 아니하였음이니라 여호와의 말이니라
Aminin mo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag ka laban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mga dayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy! Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito ang pahayag ni Yahweh.
14 나 여호와가 말하노라 배역한 자식들아 돌아오라! 나는 너희 남편임이니라! 내가 너희를 성읍에서 하나와 족속 중에서 둘을 택하여 시온으로 데려오겠고
Magbalik kayo mga taksil na tao! Sapagkat pinakasalan ko kayo! Kukunin ko kayo, isa sa isang lungsod, dalawa sa isang angkan at dadalhin ko kayo sa Zion! Ito ang pahayag ni Yahweh.
15 내가 또 내 마음에 합하는 목자를 너희에게 주리니 그들이 지식과 명철로 너희를 양육하리라
Bibigyan ko kayo ng mga pastol na umiibig sa akin at pamumunuan nila kayo nang may katalinuhan at kaalaman.
16 나 여호와가 말하노라 너희가 이 땅에서 번성하여 많아질 때에는 사람 사람이 여호와의 언약궤를 다시는 말하지 아니할 것이요, 생각지 아니할 것이요, 기억지 아니할 것이요, 찾지 아니할 것이요, 만들지 아니할 것이며
At mangyayari nga na dadami kayo at mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi na nila sasabihin, “Ang kaban ng tipan ni Yahweh!” Hindi na aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito, sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyang pansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.'
17 그 때에 예루살렘이 여호와의 보좌라 일컬음이 되며 열방이 그리로 모이리니 곧 여호와의 이름으로 인하여 예루살렘에 모이고 다시는 그들의 악한 마음의 강퍅한 대로 행치 아니할 것이며
Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.
18 그 때에 유다 족속이 이스라엘 족속과 동행하여 북에서부터 나와서 내가 너희 열조에게 기업으로 준 땅에 함께 이르리라
Sa mga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silang pupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.
19 내가 스스로 말하기를 내가 어떻게 하든지 너를 자녀 중에 두며 허다한 나라 중에 아름다운 산업인 이 낙토를 네게 주리라 하였고 내가 다시 말하기를 너희가 나를 나의 아버지라 하고 나를 떠나지 말것이니라 하였노라
Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita nais parangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ng kaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysa sa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawagin mo ako, “aking Ama”.' Sasabihin ko na hindi ka dapat tumalikod sa pagsunod sa akin.
20 그런데 이스라엘 족속아! 마치 아내가 그 남편을 속이고 떠남같이 너희가 정녕히 나를 속였느니라 여호와의 말이니라
Ngunit gaya ng isang babaing taksil sa kaniyang asawa, pinagtaksilan mo ako, sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
21 소리가 자산 위에서 들리니 곧 이스라엘 자손의 애곡하며 간구하는 것이라 그들이 그 길을 굽게 하며 자기 하나님 여호와를 잊어버렸음이로다
“Isang ingay ang narinig sa mga kapatagan, ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga Israelita! Sapagkat binago nila ang kanilang mga pamamaraan, nilimot nila ako, si Yahweh na kanilang Diyos.
22 배역한 자식들아 돌아오라 내가 너희의 배역함을 고치리라 보소서! 우리가 주께 왔사오니 주는 우리 하나님 여호와이심이니이다
Magbalik kayo, mga taong taksil! Pagagalingin ko kayo sa inyong kataksilan!” “Masdan! Lalapit kami sa iyo, sapagkat ikaw si Yahweh na aming Diyos!
23 작은 산들과 큰 산 위의 떠드는 무리에게 바라는 것은 참으로 허사라 이스라엘의 구원은 진실로 우리 하나님 여호와께 있나이다
Kasinungalingan lamang ang nagmumula sa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na ang kaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na ating Diyos.
24 부끄러운 그것이 우리의 어렸을 때로부터 우리 열조의 산업인 양떼와 소떼와 아들들과 딸들을 삼켰사온즉
Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
25 우리는 수치 중에 눕겠고 우리는 수욕에 덮이울 것이니 이는 우리와 우리 열조가 어렸을 때로부터 오늘까지 우리 하나님 여호와께 범죄하여 우리 하나님 여호와의 목소리를 청종치 아니하였음이니이다
Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.