< 예레미야 29 >
1 선지자 예레미야가 예루살렘에서 이같은 편지를 느부갓네살이 예루살렘에서 바벨론으로 옮겨간 포로 중 남아 있는 장로들과 제사장들과 선지자들과 모든 백성에게 보내었는데
Ito ang mga salitang nakasulat sa kasulatang binalumbon na ipinadala ni Jeremias na propeta mula Jerusalem para sa mga natitirang nakatatanda na kasama sa mga bihag at sa mga pari, sa mga propeta at sa lahat ng tao na sapilitang dinala ni Nebucadnezar mula Jerusalem hanggang Babilonia.
2 때는 여고니야 왕과 국모와 환관들과 및 유다와 예루살렘 방백들과 목공들과 철공들이 예루살렘에서 떠난 후라
Ito ay pagkatapos na palayasin mula Jerusalem si Jeconias na hari, ang inang reyna, ang mga matataas na pinuno, ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mga manggagawa.
3 유다 왕 시드기야가 바벨론으로 보내어 바벨론 왕 느부갓네살에게로 가게 한 사반의 아들 엘라사와 힐기야의 아들 그마랴의 손에 위탁하였더라 일렀으되
Ipinadala niya ang kasulatang binalumbon sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Safan at Gemarias na lalaking anak ni Hilkias na ipinadala ni Zedekias na hari ng Juda kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia.
4 만군의 여호와 이스라엘의 하나님 내가 예루살렘에서 바벨론으로 사로잡혀 가게 한 모든 포로에게 이같이 이르노라
Ang nakasaad sa kasulatang binalumbon, “Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito sa lahat ng mga bihag na ipinadala ko nang sapilitan sa Babilonia mula Jerusalem,
5 너희는 집을 짓고 거기 거하며 전원을 만들고 그 열매를 먹으라
'Magtayo kayo ng mga bahay at manirahan sa mga ito. Magtanim kayo at kainin ang mga bunga nito.
6 아내를 취하여 자녀를 생산하며 너희 아들로 아내를 취하며 너희 딸로 남편을 맞아 그들로 자녀를 생산케 하여 너희로 거기서 번성하고 쇠잔하지 않게 하라
kumuha kayo ng mapapangasawang babae at magsilang ng mga anak na lalaki at babae. At kumuha kayo ng mga asawang babae para sa inyong mga anak na lalaki at ibigay ang inyong mga anak na babae sa mga asawang lalaki. Hayaan ninyong magsilang sila ng mga anak na lalaki at babae at magparami kayo roon upang sa gayon, hindi kayo maging napakaunti.
7 너희는 내가 사로잡혀 가게 한 그 성읍의 평안하기를 힘쓰고 위하여 여호와께 기도하라 이는 그 성이 평안함으로 너희도 평안할 것임이니라
Hanapin ninyo ang kapayapaan ng lungsod kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan, at mamagitan kayong kasama ko alang-alang dito sapagkat magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo kung ito ay mapayapa.'
8 만군의 여호와 이스라엘의 하나님이 이같이 말하노라 너희 중 선지자들에게와 복술에게 혹하지 말며 너희가 꾼 바 꿈도 신청하지말라
Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Huwag ninyong hayaan na linlangin kayo ng inyong mga propeta at inyong mga manghuhula na nasa inyong kalagitnaan at huwag kayong makining sa mga panaginip na mayroon kayo.
9 내가 그들을 보내지 아니하였어도 그들이 내 이름으로 거짓을 예언함이니라 여호와의 말이니라
Sapagkat nagpapahayag sila ng panlilinlang sa inyo sa aking pangalan. Hindi ko sila ipinadala, ito ang pahayag ni Yahweh.'
10 나 여호와가 이같이 말하노라 바벨론에서 칠십 년이 차면 내가 너희를 권고하고 나의 선한 말을 너희에게 실행하여 너희를 이 곳으로 돌아오게 하리라
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kapag pinamunuan kayo ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon, tutulungan ko kayo at ipagpapatuloy ang mabuting salita ko para sa inyo upang ibalik kayo sa lugar na ito.
11 나 여호와가 말하노라 너희를 향한 나의 생각은 내가 아나니 재앙이 아니라 곧 평안이요 너희 장래에 소망을 주려 하는 생각이라
Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.
12 너희는 내게 부르짖으며 와서 내게 기도하면 내가 너희를 들을 것이요
At tatawag kayo sa akin, pupunta kayo at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo.
13 너희가 전심으로 나를 찾고 찾으면 나를 만나리라!
Sapagkat hahanapin ninyo ako at masusumpungan, sapagkat hahanapin ninyo ako nang buong puso.
14 나 여호와가 말하노라 내가 너희에게 만나지겠고 너희를 포로된 중에서 다시 돌아오게 하되 내가 쫓아 보내었던 열방과 모든 곳에서 모아 사로잡혀 떠나게 하던 본 곳으로 돌아오게 하리라 여호와의 말이니라 하셨느니라
At matatagpuan ninyo ako at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mga lugar kung saan ko kayo ikinalat, sapagkat ibabalik ko kayo mula sa lugar kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan.' Ito ang pahayag ni Yahweh.
15 너희가 말하기를 여호와께서 바벨론에서 우리를 위하여 선지자들을 일으키셨다 하므로
Yamang sinabi ninyo na nagtalaga si Yahweh ng mga propeta para sa amin sa Babilonia
16 여호와께서 다윗의 위에 앉은 왕과 이 성에 거하는 모든 백성 곧 너희와 함께 포로되어 가지 아니한 너희 형제에게 대하여 이같이 말씀하시느니라
Ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari na nakaupo sa trono ni David at sa lahat ng mga tao na nananatili sa lungsod na iyon, ang inyong mga kapatid na hindi ninyo kasama sa inyong pagkabihag.
17 만군의 여호와께서 이같이 말씀하시되 보라, 내가 칼과 기근과 염병을 그들에게 보내어 그들로 악하여 먹을 수 없는 악한 무화과 같게 하겠고
Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko na ang espada, taggutom at sakit sa kanila. Sapagkat gagawin ko silang katulad ng mga bulok na igos na hindi maaaring kainin.
18 내가 칼과 기근과 염병으로 그들을 따르게 하며 그들을 세계 열방 중에 흩어 학대를 당하게 할 것이며 내가 그들을 쫓아 보낸 열방 중에서 저주거리와 놀램과 치소와 모욕거리가 되게 하리니
At hahabulin ko sila ng espada, taggutom, at salot at gagawin silang isang kakila-kilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa mundo, isang katatakutan, isang bagay tungkol sa mga sumpa at panunutsot na mga salita, at isang kahihiyan sa lahat ng mga bansa kung saan ko sila ikinalat.
19 이는 내가 내 종 선지자들을 그들에게 보내되 부지런히 보내었으나 그들이 나 여호와의 말을 듣지 아니하며 듣지 아니함이니라 여호와의 말이니라
Ito ay dahil hindi sila nakinig sa aking mga salita na ipinadala ko sa kanila sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta, ito ang pahayag ni Yahweh. Paulit-ulit ko silang isinugo, ngunit hindi kayo nakinig. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
20 그런즉 내가 예루살렘에서 바벨론으로 보낸 너희 모든 포로여, 나 여호와의 말을 들을지니라
Kaya kayo mismo ang makinig sa salita ni Yahweh, kayong lahat na ipinatapon at ipinadala niya sa Babilonia mula Jerusalem.
21 만군의 여호와 이스라엘의 하나님 내가 골라야의 아들 아합과 마아세야의 아들 시드기야에 대하여 말하노라 그들은 내 이름으로 너희에게 거짓을 예언한 자라 보라 내가 그들을 바벨론 왕 느부갓네살의 손에 붙이리니 그가 너희 목전에서 그들을 죽일 것이라
Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.
22 너희 바벨론에 있는 유다 모든 포로가 그들로 저주거리를 삼아서 이르기를 여호와께서 너로 바벨론 왕이 불살라 죽인 시드기야와 아합 같게 하시기를 원하노라 하리니
At isang sumpa ang bibigkasin tungkol sa mga taong ito sa lahat ng mga bihag ng Juda sa Babilonia. Sasabihin sa sumpa: Gawin nawa kayo ni Yahweh na katulad ni Zedekias at Ahab na inihaw sa apoy ng hari ng Babilonia.
23 이는 그들이 이스라엘 중에서 망령되이 행하여 그 이웃의 아내와 행음하며 내가 그들에게 명하지 아니한 거짓을 내 이름으로 말함이니라 나는 아는 자요 증거인이니라 여호와의 말이니라 하셨다 하였더라
Mangyayari ito dahil sa mga kahiya-hiyang bagay na ginawa nila sa Israel nang mangalunya sila sa asawa ng kanilang kapwa at nagpahayag ng mga salitang kasinungalingan sa aking pangalan, bagay na hindi ko kailanman iniutos upang sabihin nila. Sapagkat ako ang siyang nakakaalam, ako ang saksi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
24 너는 느헬람 사람 스마야에게 이같이 말하여 이르라
Tungkol kay Semaias na Nehelamita, sabihin mo ito:
25 만군의 여호와 이스라엘의 하나님이 이같이 말씀하여 가라사대 네가 네 이름으로 예루살렘에 있는 모든 백성과 제사장 마아세야의 아들 스바냐와 모든 제사장에게 글을 보내어 이르기를
'Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Dahil nagpadala ka ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa lahat ng mga tao sa Jerusalem, kay Zefanias na anak ni Maasias na pari, at sa lahat ng mga pari at sinabi,
26 여호와께서 너로 제사장 여호야다를 대신하여 제사장을 삼아 여호와의 집 유사로 세우심은 무릇 미친 자와 자칭 선지자를 착고에 채우며 칼을 메우게 하심이어늘
“Ginawa kang pari ni Yahweh sa halip na si Joiada na pari, upang maging tagapangasiwa ka ng tahanan ni Yahweh. Ikaw ang namamahala sa lahat ng mga taong nagmamagaling at ginawang propeta ang kanilang mga sarili. Kailangan mo silang lagyan ng mga pangawan at mga tanikala.
27 이제 네가 어찌하여 너희 중에 자칭 선지자라 하는 아나돗 사람 예레미야를 책망하지 아니하느냐
Kaya ngayon, bakit hindi mo sinaway si Jeremias ng Anatot, na ginawang propeta ang kaniyang sarili laban sa iyo?
28 대저 그가 바벨론에 있는 우리에게 편지하기를 때가 오래리니 너희는 집을 짓고 거기 거하며 전원을 만들고 그 열매를 먹으라 하였다 하였느니라
Sapagkat sinugo siya sa atin sa Babilonia at sinabi, 'Ito ay magiging mahabang panahon. Magtayo kayo ng mga bahay at manirahan sa mga ito, magtanim at kainin ang mga bunga nito.''''''
29 제사장 스바냐가 스마야의 글을 선지자 예레미야에게 읽어 들릴때에
Binasa ni Zefanias na pari ang sulat na ito na naririnig ni Jeremias na propeta.
30 여호와의 말씀이 예레미야에게 임하여 가라사대
Kaya dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
31 너는 모든 포로에게 글을 보내어 이르기를 여호와께서 느헬람 사람 스마야에 대하여 이같이 말씀하시되 내가 스마야를 보내지 아니하였거늘 그가 너희에게 예언하고 너희로 거짓을 믿게 하였도다
“Magpadala ka ng balita sa lahat ng mga sapilitang dinala at sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Semaias na Nehelamita. Dahil nagpahayag sa inyo si Semaias nang hindi ako mismo ang nagsugo sa kaniya, dahil pinangunahan niya kayo upang maniwala sa mga kasinungalingan,
32 그러므로 나 여호와가 이같이 말하노라 보라, 내가 느헬람 사람 스마야와 그 자손을 벌하리니 그가 나 여호와께 패역한 말을 하였음을 인하여 이 백성 중에 거할 그의 사람이 하나도 없을 것이라 내가 내 백성에게 행하려 하는 선한 일을 그가 보지 못하리라 하셨다 하라 여호와의 말이니라
samakatuwid ito ang sinasabi ni Yahweh. Tingnan ninyo, parurusahan ko si Semaias na Nehelamita at ang kaniyang mga kaapu-apuhan. Hindi magkakaroon ng isang tao para sa kaniya upang manatili sa gitna ng mga taong ito. Hindi niya makikita ang kabutihang gagawin ko para sa aking mga tao, sapagkat ipinahayag niya ang kawalan ng pananampalataya laban sa akin, si Yahweh.” Ito ang pahayag ni Yahweh.