< 예레미야 15 >
1 여호와께서 내게 이르시되 모세와 사무엘이 내 앞에 섰다 할지라도 내 마음은 이 백성을 향할 수 없나니 그들을 내 앞에서 쫓아 내치라
At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
2 그들이 만일 네게 말하기를 우리가 어디로 나아가리요 하거든 너는 그들에게 이르기를 여호와의 말씀에 사망할 자는 사망으로 나아가고, 칼을 받을 자는 칼로 나아가고, 기근을 당할 자는 기근으로 나아가고, 포로될 자는 포로 됨으로 나아갈지니라 하셨다 하라
At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
3 나 여호와가 말하노라 내가 그들을 네 가지로 벌하리니 곧 죽이는 칼과 찢는 개와 삼켜 멸하는 공중의 새와 땅의 짐승으로 할 것이며
Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
4 유다 왕 히스기야의 아들 므낫세가 예루살렘에 행한 바를 인하여 내가 그들을 세계 열방 중에 흩으리라
Gagawin ko sa kanila ang mga katakut-takot na bagay sa lahat ng mga kaharian sa daigdig, sa pananagutan ni Manases na anak ni Hezekias na hari ng Juda dahil sa ginawa niya sa Jerusalem.
5 예루살렘아! 너를 불쌍히 여길 자 누구며 너를 곡할 자 누구며 돌이켜 네 평안을 물을 자 누구뇨
Sapagkat sino ang mahahabag para sa iyo, Jerusalem? Sino ang magluluksa para sa iyo? Sino ang lilingon upang magtanong tungkol sa iyong kapakanan?
6 여호와께서 가라사대 네가 나를 버렸고 내게서 물러갔으므로 네게로 내 손을 펴서 너를 멸하였노니 이는 내가 뜻을 돌이키기에 염증이 났음이로다
Ito ang pahayag ni Yahweh: Tinalikuran mo ako at lumayo ka sa akin. Kaya hahampasin kita ng aking mga kamay at wawasakin kita. Pagod na akong magkaroon ng awa sa iyo.
7 내가 그들을 그 땅의 여러 성문에서 키로 까불러 그 자식을 끊어서 내 백성을 멸하였나니 이는 그들이 그 길에서 돌이키지 아니하였음이라
Kaya, tatahipan ko sila sa mga tarangkahan ng lupain sa pamamagitan ng isang pantuhog ng mga dayami. Gagawin ko silang ulila. Wawasakin ko ang aking mga tao yamang hindi sila tumatalikod sa kanilang mga gawain.
8 그들의 과부가 내 앞에 바다 모래보다 더 많아졌느니라 내가 대낮에 훼멸할 자를 그들에게로 데려다가 그들과 청년들의 어미를 쳐서 놀람과 두려움을 그들에게 졸지에 임하게 하였으며
Gagawin kong mas marami ang bilang ng kanilang mga balo kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan. Sa katanghalian, ipadadala ko ang mga maninira laban sa mga ina ng mga batang lalaki. Hahayaan kong dumating sa kanila ng biglaan ang pagkasindak at pagkatakot.
9 일곱 자식을 생산한 여인으로는 쇠약하여 기절하게 하며 오히려 백주에 그의 해로 떨어져서 그로 수치와 근심을 당케 하였느니라 그 남은 자는 그 대적의 칼에 붙이리라 여호와의 말이니라
Mawawalan ng malay ang isang ina na mamamatay ang pitong anak. Kakapusin siya sa paghinga. Magdidilim ang kaniyang araw habang maliwanag pa. Mahihiya at mapapahiya siya, sapagkat ibibigay ko ang mga natira sa espada ng kanilang mga kaaway. Ito ang pahayag ni Yahweh.”
10 내게 재앙이로다 나의 모친이여, 모친이 나를 온 세계에게 다툼과 침을 당할 자로 낳으셨도다 내가 뀌어 주지도 아니하였고 사람이 내게 뀌이지도 아니하였건마는 다 나를 저주하는도다
Kaawa-awa ako, aking ina! Dahil isinilang mo ako, isa akong tao na pinag-uusapan at pinagtatalunan sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, ni walang sinuman ang umutang sa akin, ngunit sinusumpa nila akong lahat.
11 여호와께서 가라사대 내가 진실로 너를 강하게 할 것이요 너로 복을 얻게 할 것이며 내가 진실로 네 대적으로 재앙과 환난의 때에 간구하게 하리라
Sinabi ni Yahweh: “Hindi ba kita sasagipin para sa iyong kabutihan? Titiyakin ko na hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad at matinding pagkabalisa ang iyong mga kaaway.
12 누가 능히 철 곧 북방의 철과 놋을 꺾으리요
Kaya ba ng isang tao na durugin ang bakal? Lalung-lalo na ang mga bakal na nagmula sa hilaga na may halong mga tanso?
13 그러나 네 모든 죄로 인하여 네 사경의 모든 재산과 보물로 값 없이 탈취를 당하게 할 것이며
Ibibigay ko sa iyong mga kaaway ang iyong karangyaan at mga kayamanan bilang malayang pagnanakaw. Gagawin ko ito dahil sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa lahat ng inyong nasasakupan.
14 너로 네 대적과 함께 네가 알지 못하는 땅에 이르게 하리니 이는 나의 진노의 맹렬한 불이 너희를 사르려 함이니라
At hahayaan kong dalhin kayo ng inyong mga kaaway sa isang lupain na hindi ninyo alam, sapagkat magliliyab ang isang apoy at sisiklab ang aking poot sa inyo.”
15 여호와여, 주께서 아시오니 원컨대 주는 나를 기억하시며 권고하사 나를 박해하는 자에게 보복하시고 주의 오래 참으심을 인하여 나로 멸망치 말게 하옵시며 주를 위하여 내가 치욕 당하는 줄을 아시옵소서
Alam mo sa iyong sarili, Yahweh! Alalahanin mo ako at tulungan ako. Ipaghiganti mo ako laban sa aking mga manunugis. Sa iyong pagtitiis, huwag mo akong ilayo. Kilalanin mo na nagdusa ako sa pagsisi para sa iyo.
16 만군의 하나님 여호와시여, 나는 주의 이름으로 일컬음을 받는 자라 내가 주의 말씀을 얻어 먹었사오니 주의 말씀은 내게 기쁨과 내 마음의 즐거움이오나
Natagpuan ang iyong mga salita at naintindihan ko ang mga ito. Kagalakan sa akin ang iyong mga salita, isang kagalakan sa aking puso, sapagkat ipinahayag sa akin ang iyong pangalan, Yahweh na Diyos ng mga hukbo.
17 내가 기뻐하는 자의 회에 앉지 아니하며 즐거워하지도 아니하고 주의 손을 인하여 홀로 앉았사오니 이는 주께서 분노로 내게 채우셨음이니이다
Hindi ako umupo sa gitna ng mga nagdiwang at nagsaya. Umupo akong nag-iisa dahil sa makapangyarihan mong kamay, sapagkat pinuno mo ako ng iyong pagkagalit.
18 나의 고통이 계속하며 상처가 중하여 낫지 아니함은 어찜이니이까 주께서는 내게 대하여 물이 말라서 속이는 시내 같으시리이까
Bakit hindi nawawala ang sakit at walang lunas ang aking mga sugat at hindi gumagaling? Magiging katulad ka ba ng mapanlinlang na tubig sa akin, mga tubig na natuyo?
19 여호와께서 이같이 말씀하시되 네가 만일 돌아오면 내가 너를 다시 이끌어서 내 앞에 세울 것이며 네가 만일 천한 것에서 귀한 것을 취할 것 같으면 너는 내 입같이 될 것이라 그들은 네게로 돌아 오려니와 너는 그들에게로 돌아가지 말지니라
Kaya sinabi ito ni Yahweh, “Kung magsisisi ka Jeremias, panunumbalikin kita at tatayo ka sa aking harapan at maglilingkod sa akin. Sapagkat kapag pinaghiwalay mo ang mga bagay na walang kabuluhan sa mga mahahalagang bagay, magiging tulad ka ng aking bibig. Babalik sa iyo ang mga tao, ngunit dapat hindi ikaw ang mismong bumalik sa kanila.
20 내가 너로 이 백성앞에 견고한 놋 성벽이 되게 하리니 그들이 너를 칠지라도 이기지 못할 것은 내가 저와 함께 하여 너를 구하여 건짐이니라 여호와의 말이니라
Gagawin kitang tulad ng isang tansong pader na hindi matitibag ng mga taong ito at magsasagawa sila ng digmaan laban sa iyo. Ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat kasama mo ako upang iligtas at sagipin ka.
21 내가 너를 악한 자의 손에서 건지며 무서운 자의 손에서 구속하리라
Sapagkat sasagipin kita mula sa kamay ng mga masasama at tutubusin kita mula sa kamay ng mga mang-aapi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”