< 창세기 37 >

1 야곱이 가나안 땅 곧 그 아비의 우거하던 땅에 거하였으니
Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan.
2 야곱의 약전이 이러하니라 요셉이 십 칠세의 소년으로서 그 형제와 함께 양을 칠 때에 그 아비의 첩 빌하와 실바의 아들들로 더불어 함께 하였더니 그가 그들의 과실을 아비에게 고하더라
Ito ang mga pangyayari tungkol kay Jacob. Nang labimpitong taong gulang pa lang si Jose, nagbabantay siya ng kawan kasama ang kanyang mga kapatid. Kasama niya ang mga anak na lalaki ni Bilhah at mga anak na lalaki ni Zilpah, mga asawa nang kanyang ama. Nagdala si Jose ng hindi kanais-nais na balita tungkol sa kanila sa kanilang ama.
3 요셉은 노년에 얻은 아들이므로 이스라엘이 여러 아들보다 그를 깊이 사랑하여 위하여 채색옷을 지었더니
Minahal ni Israel si Jose nang mas higit sa lahat ng kanyang anak na lalaki dahil siya ang anak niya sa katandaan. Ginawan siya nang isang magandang damit.
4 그 형들이 아비가 형제들보다 그를 사랑함을 보고 그를 미워하여 그에게 언사가 불평하였더라
Nakita ng kanyang mga kapatid ang pagmamahal ng kanilang ama na mas higit kaysa sa lahat niyang kapatid na lalaki. Siya ay kinamuhian nila at hindi nakikipag-usap nang maayos.
5 요셉이 꿈을 꾸고 자기 형들에게 고하매 그들이 그를 더욱 미워하였더라
Nanaginip si Jose ng isang panaginip, at sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol dito. Lalo pa nila siyang kinamuhia.
6 요셉이 그들에게 이르되 `청컨대 나의 꾼 꿈을 들으시오
Sinabi niya sa kanila, “Pakiusap makinig kayo sa panaginip na aking napanaginipan.
7 우리가 밭에서 곡식을 묶더니 내 단은 일어서고 당신들의 단은 내 단을 둘러서서 절하더이다'
Masdan ninyo, itinatali natin ang mga bigkis ng mga butil sa bukid at masdan ninyo, tumayo ang aking bigkis at tumuwid, at masdan ninyo, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis.
8 그 형들이 그에게 이르되 `네가 참으로 우리의 왕이 되겠느냐? 참으로 우리를 다스리게 되겠느냐?' 하고 그 꿈과 그 말을 인하여 그를 더욱 미워하더니
Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, “Magiging hari ka ba talaga namin? Mamumuno ka sa amin? “Lalo siyang kinamuhian dahil sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita.
9 요셉이 다시 꿈을 꾸고 그 형들에게 고하여 가로되 `내가 또 꿈을 꾼즉 해와 달과 열한 별이 내게 절하더이다' 하니라
Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
10 그가 그 꿈으로 부형에게 고하매 아비가 그를 꾸짖고 그에게 이르되 `너의 꾼 꿈이 무엇이냐 나와 네 모와 네 형제들이 참으로 가서 땅에 엎드려 네게 절하겠느냐?'
Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, “Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?”
11 그 형들은 시기하되 그 아비는 그 말을 마음에 두었더라
Nainggit sa kanya ang kanyang mga kapatid, pero ang kanyang ama ay itinago ang bagay sa kanyang isip.
12 그 형들이 세겜에 가서 아비의 양떼를 칠 때에
Umalis ang mga kapatid ni Jose upang magpastol ng kawan ng kanilang ama sa Sechem.
13 이스라엘이 요셉에게 이르되 `네 형들이 세겜에서 양을 치지 아니하느냐? 너를 그들에게로 보내리라' 요셉이 아비에게 대답하되 `내가 그리하겠나이다'
Sinabi ni Jacob kay Jose, “Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem? Halika, at ipapadala kita sa kanila.” Sinabi ni Jose sa kanya, “Nakahanda ako.”
14 이스라엘이 그에게 이르되 `가서 네 형들과 양떼가 다 잘 있는 여부를 보고 돌아와 내게 고하라' 하고 그를 헤브론 골짜기에서 보내매 이에 세겜으로 가니라
Sinabi niya sa kanya, “Umalis ka na ngayon, tingnan mo kung maayos ang mga kapatid mo at maayos ang mga kawan, at balitaan mo ako.” Kaya pinadala siya ni Jacob sa lambak ng Hebron, at nagpunta si Jose sa Sichem.
15 어떤 사람이 그를 만난즉 그가 들에서 방황하는지라 그 사람이 그에게 물어 가로되 `네가 무엇을 찾느냐?'
May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, “Ano ang hinahanap mo?”
16 그가 가로되 `내가 나의 형들을 찾으오니 청컨대 그들의 양치는 곳을 내게 가르치소서'
Sinabi ni Jose, “Hinahanap ko ang aking mga kapatid. Pakiusap, sabihin mo sa akin kung saan nila nagpapastol ang kawan.”
17 그 사람이 가로되 `그들이 여기서 떠났느니라 내가 그들의 말을 들으니 도단으로 가자 하더라' 요셉이 그 형들의 뒤를 따라 가서 도단에서 그들을 만나니라
Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila sa lugar na ito, narinig ko silang nagsabi na, “Pumunta tayo sa Dotan. Pinuntahan ni Jose ang kanyang mga kapatid at natagpuan sila sa Dotan.
18 요셉이 그들에게 가까이 오기 전에 그들이 요셉을 멀리서 보고 죽이기를 꾀하여
Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
19 서로 이르되 `꿈 꾸는 자가 오는도다
Sinabi ng kanyang mga kapatid sa bawat isa, “Tingnan niyo, Papalapit na ang taong mapanaginipin.
20 자, 그를 죽여 한 구덩이에 던지고 우리가 말하기를 악한 짐승이 그를 잡아먹었다 하자 그 꿈이 어떻게 되는 것을 우리가 볼 것이니라' 하는지라
Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.”
21 르우벤이 듣고 요셉을 그들의 손에서 구원하려 하여 가로되 `우리가 그 생명은 상하지 말자'
Narinig ito ni Reuben at iniligtas siya mula sa kanilang kamay. Sinabi niya, “Huwag nating kunin ang kanyang buhay.”
22 르우벤이 또 그들에게 이르되 `피를 흘리지 말라 그를 광야 그 구덩이에 던지고 손을 그에게 대지 말라' 하니 이는 그가 요셉을 그들의 손에서 구원하여 그 아비에게로 돌리려 함이었더라
Sinabi ni Reuben sa kanila, “Huwag magpadanak ng dugo. Itapon siya sa balong ito sa deserto, ngunit huwag ninyo siyang hawakan”— upang mailigtas niya siya sa kanilang kamay para maibalik siya sa kanyang ama.
23 요셉이 형들에게 이르매 그 형들이 요셉의 옷 곧 그 입은 채색옷을 벗기고
Nangyari na nang dumating si Jose sa kanyang mga kapatid, hinubad sa kaniya ang magandang damit.
24 그를 잡아 구덩이에 던지니 그 구덩이는 빈 것이라 그 속에 물이 없었더라
Dinala siya at itinapon siya sa loob ng balon. Walang laman ang balon ni wala itong tubig.
25 그들이 앉아 음식을 먹다가 눈을 들어 본즉 한떼 이스마엘 족속이 길르앗에서 오는데 그 약대들에 향품과, 유향과, 몰약을 싣고 애굽으로 내려가는지라
Umupo sila para kumain ng tinapay. Tumingala sila at tumingin, at masdan, may paparating na isang karawan ng mga Ismaelita mula sa Gilead, kasama ang kanilang mga kamelyo na may dala-dalang mga sahog at balsamo at mira. Naglalakbay sila ay para dalhin ang mga iyon pababa sa Ehipto.
26 유다가 자기 형제에게 이르되 `우리가 우리 동생을 죽이고 그의 피를 은익한들 무엇이 유익할까?
Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo?
27 자, 그를 이스마엘 사람에게 팔고 우리 손을 그에게 대지 말자 그는 우리의 동생이요 우리의 골육이니라' 하매 형제들이 청종하였더라
Halina kayo, at ipagbili natin siya sa mga Ismaelita, at huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay. Dahil siya ay ating kapatid, ating laman. Pinakinggan siya ng kanyang mga kapatid.
28 때에 미디안 사람 상고들이 지나는지라 그들이 요셉을 구덩이에서 끌어 올리고 은 이십개에 그를 이스마엘 사람들에게 팔매 그 상고들이 요셉을 데리고 애굽으로 갔더라
Dumaan ang mga mangangalakal na Midianita. Inihaon si Jose ng kanyang mga kapatid at iniakyat pataas mula sa balon. Ipinagbili nila si Jose sa mga Ismaelita para sa dalawampung pirasong pilak. Dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
29 르우벤이 돌아와서 구덩이에 이르러 본즉 거기 요셉이 없는지라 옷을 찢고
Bumalik si Reuben sa balon, at masdan, wala na si Jose sa loob ng balon. Pinunit niya ang kanyang damit.
30 아우들에게로 와서 가로되 `아이가 없도다 나는 나는 어디로 갈까?'
Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, “Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?”
31 그들이 요셉의 옷을 취하고 수염소를 죽여 그 옷을 피에 적시고
Kumatay sila ang isang kambing at pagkatapos kinuha nila ang damit ni Jose at sinawsaw ito sa dugo.
32 그 채색옷을 보내어 그 아비에게로 가져다가 이르기를 `우리가 이것을 얻었으니 아버지의 아들의 옷인가 아닌가 보소서' 하매
Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?”
33 아비가 그것을 알아보고 가로되 `내 아들의 옷이라 악한 짐승이 그를 먹었도다 요셉이 정녕 찢겼도다' 하고
Nakilala ito ni Jacob at sinabi, “Ito ay damit ng aking anak. Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop. Tiyak na nagkawasak-wasak ang katawan ni Jose.”
34 자기 옷을 찢고 굵은 베로 허리를 묶고 오래도록 그 아들을 위하여 애통하니
Pinunit ni Jacob ang kanyang mga damit at naglagay siya ng sako sa kanyang balakang. Nagluksa siya para sa kanyang anak ng maraming araw.
35 그 모든 자녀가 위로하되 그가 그 위로를 받지 아니하여 가로되 `내가 슬퍼하며 음부에 내려 아들에게로 가리라' 하고 그 아비가 그를 위하여 울었더라 (Sheol h7585)
Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya. (Sheol h7585)
36 미디안 사람이 애굽에서 바로의 신하 시위대장 보디발에게 요셉을 팔았더라
Ipinagbili siya ng mga Midianita sa Ehipto kay Potipar, isang opisyal ni Paraon, na kapitan ng bantay.

< 창세기 37 >