< 창세기 11 >

1 온 땅의 구음이 하나이요 언어가 하나이었더라
Ngayon ang buong mundo ay gumagamit ng iisang wika at parehong mga salita.
2 이에 그들이 동방으로 옮기다가 시날 평지를 만나 거기 거하고
Sa kanilang paglalakbay sa silangan, nakatagpo sila ng isang kapatagan sa lupain ng Shinar at doon sila nanirahan.
3 서로 말하되 `자, 벽돌을 만들어 견고히 굽자' 하고 이에 벽돌로 돌을 대신하며 역청으로 진흙을 대신하고
Sinabi nila sa isa’t isa, “Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti.” Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento.
4 또 말하되 `자, 성과 대를 쌓아 대 꼭대기를 하늘에 닿게 하여 우리 이름을 내고 온 지면에 흩어짐을 면하자' 하였더니
Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
5 여호와께서 인생들의 쌓는 성과 대를 보시려고 강림하셨더라
Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan.
6 여호와께서 가라사대 이 무리가 한 족속이요, 언어도 하나이므로 이같이 시작하였으니 이후로는 그 경영하는 일을 금지할 수 없으리로다
Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
7 자, 우리가 내려가서 거기서 그들의 언어를 혼잡케 하여 그들로 서로 알아듣지 못하게 하자 하시고
Halikayo, bumaba tayo at lituhin natin ang kanilang wika roon, para hindi nila maintindihan ang isa’t isa.
8 여호와께서 거기서 그들을 온 지면에 흩으신 고로 그들이 성 쌓기를 그쳤더라
Kaya ikinalat sila ni Yahweh mula roon tungo sa lahat ng dako ng mundo at huminto sila sa pagtatayo ng lungsod.
9 그러므로 그 이름을 바벨이라 하니 이는 여호와께서 거기서 온 땅의 언어를 혼잡케 하셨음이라 여호와께서 거기서 그들을 온 지면에 흩으셨더라
Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo.
10 셈의 후예는 이러하니라 셈은 일백세 곧 홍수 후 이년에 아르박삿을 낳았고
Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha.
11 아르박삿을 낳은 후에 오백년을 지내며 자녀를 낳았으며
Si Sem ay nabuhay ng limandaang taon matapos siyang naging ama ni Arfaxad. Naging ama rin siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
12 아르박삿은 삼십 오세에 셀라를 낳았고
Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah.
13 셀라를 낳은 후에 사백 삼년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Selah, at naging ama pa ng ibang anak na lalaki at babae.
14 셀라는 삼십세에 에벨을 낳았고
Nang tatlumpung taon na si Selah, siya ay naging ama ni Eber.
15 에벨을 낳은 후에 사백 삼년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Selah ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Eber at naging ama pa ibang anak na lalaki at babae.
16 에벨은 삼십 사세에 벨렉을 낳았고
Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg.
17 벨렉을 낳은 후에 사백 삼십년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Eber ng 430 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
18 벨렉은 삼십세에 르우를 낳았고
Nang tatlumpung taon na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu.
19 르우를 낳은 후에 이백 구년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Peleg ng 209 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
20 르우는 삼십 이세에 스룩을 낳았고
Nang tatlumpu't dalawang taon na si Reu, siya ay naging ama ni Serug.
21 스룩을 낳은 후에 이백 칠년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Reu ng 207 taon matapos siyang maging ama ni Serug. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
22 스룩은 삼십세에 나홀을 낳았고
Nang tatlumpung taon na si Serug, siya ay naging ama ni Nahor.
23 나홀을 낳은 후에 이백년을 지내며 자녀를 낳았으며
Si Serug ay nabuhay pa ng dalawandaang taon matapos siyang maging ama ni Nahor. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
24 나홀은 이십 구세에 데라를 낳았고
Nang dalawampu't-siyam na taon na si Nahor, siya ay naging ama ni Terah.
25 데라를 낳은 후에 일백 십 구년을 지내며 자녀를 낳았으며
Nabuhay pa si Nahor ng 119 taon matapos siyang maging ama ni Terah. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
26 데라는 칠십세에 아브람과, 나홀과, 하란을 낳았더라
Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran.
27 데라의 후예는 이러하니라 데라는 아브람과, 나홀과, 하란을 낳았고 하란은 롯을 낳았으며
Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot.
28 하란은 그 아비 데라보다 먼저 본토 갈대아 우르에서 죽었더라
Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo.
29 아브람과 나홀이 장가 들었으니 아브람의 아내 이름은 사래며 나홀의 아내 이름은 밀가니 하란의 딸이요 하란은 밀가의 아비며 또 이스가의 아비더라
Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah.
30 사래는 잉태하지 못하므로 자식이 없었더라
Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak
31 데라가 그 아들 아브람과 하란의 아들 그 손자 롯과 그 자부 아브람의 아내 사래를 데리고 갈대아 우르에서 떠나 가나안 땅으로 가고자 하더니 하란에 이르러 거기 거하였으며
Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
32 데라는 이백 오세를 향수하고 하란에서 죽었더라
Nabuhay pa si Terah ng 205 na taon at pagkatapos ay namatay sa Haran.

< 창세기 11 >