< 에스라 7 >

1 이 일 후 바사 왕 아닥사스다가 위에 있을 때에 에스라라 하는 자가 있으니라 저는 스라야의 아들이요, 아사랴의 손자요, 힐기야의 증손이요
Pagkatapos ng mga bagay na ito, sa panahon ng paghahari ni Haring Artaxerxes, si Ezra, na ang kaniyang mga ninuno ay sina Seraias, Azarias, Hilcias,
2 살룸의 현손이요, 사독의 오대손이요, 아히둡의 육대손이요,
Sallum, Sadoc, Ahitub,
3 아마랴의 칠대손이요, 아사랴의 팔대손이요, 므라욧의 구대손이요,
Amarias, Azarias, Meraiot,
4 스라히야의 십대손이요, 웃시엘의 십 일대손이요, 북기의 십 이대손이요,
Zeraias, Uzzi, Buki,
5 아비수아의 십 삼대손이요, 비느하스의 십 사대손이요, 엘르아살의 십 오대손이요, 대제사장 아론의 십 륙대손이라
Abisua, Finehas, Eleazar, at si Aaron na pinakapunong pari -
6 이 에스라가 바벨론에서 올라왔으니 저는 이스라엘 하나님 여호와께서 주신 바 모세의 율법에 익숙한 학사로서 그 하나님 여호와의 도우심을 입으므로 왕에게 구하는 것은 다 받는 자더니
Umalis si Ezra mula sa Babilonia. Isa siyang dalubhasang eskriba sa batas ni Moises na ibinigay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Ibinigay ng hari sa kaniya ang kahit anong bagay na kaniyang hingin yamang ang kamay ni Yahweh ay kasama niya.
7 아닥사스다 왕 칠년에 이스라엘 자손과 제사장들과 레위 사람들과 노래하는 자들과 문지기들과 느디님 사람들 중에 몇사람이 예루살렘으로 올라올 때에
Ang ilan sa mga kaapu-apuhan ng Israel at ng mga pari, mga Levita, mga mang-aawit sa templo, mga bantay-pinto, at ang mga itinalaga na maglingkod sa templo ay umakyat sa Jerusalem sa ikapitong taon ni Haring Artaxerxes.
8 이 에스라가 올라왔으니 왕의 칠년 오월이라
Siya ay dumating sa Jerusalem sa ikalimang buwan ng parehong taon.
9 정월 초하루에 바벨론에서 길을 떠났고 하나님의 선한 손의 도우심을 입어 오월 초하루에 예루살렘에 이르니라
Siya ay umalis ng Babilonia sa unang araw ng unang buwan. Noong unang araw ng ika-limang buwan nang siya ay dumating sa Jerusalem, yamang kasama niya ang mabuting kamay ng Diyos.
10 에스라가 여호와의 율법을 연구하여 준행하며 율례와 규례를 이스라엘에게 가르치기로 결심하였었더라
Pinatatag ni Ezra ang kaniyang puso sa pag-aaral, sa pagsasagawa, at pagtuturo sa mga alituntunin at mga utos ng batas ni Yahweh.
11 여호와의 계명의 말씀과 이스라엘에게 주신 율례의 학사인 학사겸 제사장 에스라에게 아닥사스다 왕이 내린 조서 초본은 아래와 같으니라
Ito ay ang utos na ibinigay ni Haring Artaxerxes kay Ezra na pari at eskriba ng mga kautusan at mga alituntunin ni Yahweh para sa Israel:
12 모든 왕의 왕 아닥사스다는 하늘의 하나님의 율법에 완전한 학사겸 제사장 에스라에게
“Ang Hari ng mga haring si Artaxerxes, kay paring Ezra, isang eskriba ng kautusan ng Diyos ng langit:
13 조서하노니 우리 나라에 있는 이스라엘 백성과 저희 제사장들과 레위 사람들 중에 예루살렘으로 올라갈 뜻이 있는 자는 누구든지 너와 함께 갈지어다
Aking iniuutos na ang sinumang mula sa Israel sa aking kaharian, kasama ang kanilang mga pari at mga Levita, na nagnanais na pumunta ng Jerusalem, ay maaring sumama sa iyo.
14 너는 네 손에 있는 네 하나님의 율법을 좇아 유다와 예루살렘의 정형을 살피기 위하여 왕과 일곱 모사의 보냄을 받았으니
Ako, ang hari, at ang aking pitong mga tagapayo, ay ipapadala ko kayong lahat upang siyasatin ang tungkol sa Juda at Jerusalem ayon sa batas ng Diyos na inyong naunawaan,
15 왕과 모사들이 예루살렘에 거하신 이스라엘 하나님께 성심으로 드리는 은금을 가져가고
at upang dalhin sa Jerusalem, na kaniyang tahanan, ang pilak at ginto na kanilang malayang ihahandog sa Diyos ng Israel.
16 또 네가 바벨론 온 도에서 얻을 모든 은금과 및 백성과 제사장들이 예루살렘 그 하나님의 전을 위하여 즐거이 드릴 예물을 가져다가
Ibigay ng libre ang lahat ng pilak at ginto na binigay ng mga taga-Babilonia kasama ang anumang malayang inialay sa pamamagitan ng mga tao at mga pari para sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem.
17 그 돈으로 수송아지와 수양과 어린 양과 그 소제와 그 전제의 물품을 신속히 사서 예루살렘 네 하나님의 전 단 위에 드리고
Kaya bilhin ninyo sa kabuuan halaga ang baka, mga lalaking tupa at mga batang tupa, at butil at inuming mga handog. Ihandog ninyo ang mga ito sa altar na nasa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem.
18 그 나머지 은금은 너와 너의 형제가 선히 여기는 일에 너희 하나님의 뜻을 좇아 쓸지며
Gawin ninyo sa natitirang pilak at ginto ang anumang tingin ninyong mabuti para sa inyo at sa inyong mga kapatid, upang malugod ninyo ang inyong Diyos.
19 네 하나님의 전에서 섬기는 일을 위하여 네게 준 기명은 예루살렘 하나님 앞에 드리고
Ilagay ninyo ang mga bagay na malayang ibinigay sa inyo sa harap niya para sa paglilingkod sa tahanan ng inyong Diyos sa Jerusalem.
20 그 외에도 네 하나님의 전에 쓰일 것이 있어서 네가 드리고자 하거든 무엇이든지 왕의 내탕고에서 취하여 드릴지니라
Anumang bagay na kakailanganin sa tahanan ng inyong Diyos, kunin ninyo ang mga gastos mula sa aking kabang-yaman.
21 나 곧 나 아닥사스다 왕이 강 서편 모든 고지기에게 조서를 내려 이르기를 하늘의 하나님의 율법의 학사겸 제사장 에스라가 무릇 너희에게 구하는 것은 신속히 시행하되
Ako, si Haring Artaxerxes, ang gumagawa ng utos sa lahat ng mga ingat-yaman sa ibayong Ilog, na ang kahit anong hingin ni Ezra mula sa inyo ay dapat ninyong maibigay ng buo,
22 은은 일백 달란트까지 밀은 일백 고르까지, 포도주는 일백 밧까지, 기름도 일백 밧까지 하고 소금은 정수 없이 하라
hanggang sa isang daang talentong pilak, isang daang takal ng butil, isang daang malaking sisidlan ng alak, at isang daang malaking sisidlan ng langis, pati asin na walang limitasyon.
23 무릇 하늘의 하나님의 전을 위하여 하늘의 하나님의 명하신 것은 삼가 행하라! 어찌하여 진노가 왕과 왕자의 나라에 임하게 하랴
Anumang nagmula sa utos ng Diyos ng Langit, gawin ninyo ito nang may malasakit para sa kaniyang tahanan. Sapagkat bakit kailangang dumating ang kaniyang poot sa aking kaharian at sa aking mga anak?
24 내가 너희에게 이르노니 제사장들이나 레위 사람들이나 노래하는 자들이나 문지기들이나 느디님 사람들이나 혹 하나님의 전에서 일하는 자들에게 조공과 잡세와 부세를 받는 것이 불가하니라 하였노라
Ipinababatid namin sa kanila ang tungkol sa iyo hindi upang magpataw ka ng kahit na anong pagkilala o mga buwis sa sinuman sa mga pari, mga levita, mga musikero, mga bantay-pinto, o sa mga taong itinalaga sa paglilingkod sa templo at sa mga tagapaglingkod sa tahanang ito ng Diyos.
25 에스라여! 너는 네 손에 있는 네 하나님의 지혜를 따라 네 하나님의 율법을 아는 자로 유사와 재판관을 삼아 강 서편 모든 백성을 재판하게 하고 그 알지 못하는 자는 너희가 가르치라
Ezra, sa karunungang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, ikaw ay dapat magtalaga ng mga hukom at mga lalaking may mahusay na pagpapasya upang maglingkod sa lahat ng tao sa ibayong Ilog, at upang maglingkod sa sinumang nakakaalam sa batas ng Diyos. Ikaw ay dapat ring magturo sa mga hindi pa nakakaalam sa batas.
26 무릇 네 하나님의 명령과 왕의 명령을 준행치 아니하는 자는 속히 그 죄를 정하여 혹 죽이거나 정배하거나 가산을 적몰하거나 옥에 가둘지니라 하였더라
Parusahan mo ang sinumang hindi buo ang pagsunod sa batas ng Diyos o sa batas ng hari, maging sa pamamagitan ng kamatayan, pagpapalayas, pagsamsam ng kanilang mga kalakal, o pagkakabilanggo.”
27 우리 열조의 하나님 여호와를 송축할지로다! 그가 왕의 마음에 예루살렘 여호와의 전을 아름답게 할 뜻을 두시고
Sinabi ni Ezra, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ng ating mga ninuno, ang siyang naglagay ng lahat ng ito sa puso ng hari para sa kapurihan ng tahanan ni Yahweh sa Jerusalem,
28 또 나로 왕과 그 모사들의 앞과 왕의 권세 있는 모든 방백의 앞에서 은혜를 얻게 하셨도다 나의 하나님 여호와의 손이 나의 위에 있으므로 내가 힘을 얻어 이스라엘 중에 두목을 모아 나와 함께 올라오게 하였노라
at siyang nagpaabot ng tipan ng katapatan sa akin sa harap ng hari, sa kaniyang mga tagapayo, at sa lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal. Ako ay napalakas sa pamamagitan ng kamay ni Yahweh na aking Diyos, at ako ay nagkalap ng mga pinuno mula sa Israel na humayong kasama ko.”

< 에스라 7 >