< 에스겔 36 >
1 인자야 너는 이스라엘 산들에게 예언하여 이르기를 이스라엘 산들아 여호와의 말씀을 들으라
Ngayon, ikaw anak ng tao, magpahayag ka sa mga kabundukan ng Israel at sabihin, 'Mga kabundukan ng Israel, makinig kayo sa salita ni Yahweh!
2 주 여호와의 말씀에 대적이 네게 대하여 말하기를 하하 옛적 높은 곳이 우리의 기업이 되었도다 하였느니라
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sinabi ng kaaway tungkol sa iyo, “Aha!” at “Ang mga sinaunang matataas na lugar ay naging pag-aari namin.”
3 그러므로 너는 예언하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 그들이 너희를 황무케 하고 너희 사방을 삼켜서 너희로 남은 이방인의 기업이 되게 하여 사람의 말거리와 백성의 비방거리가 되게 하였도다
Kaya magpahayag ka at sabihin, ' Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sa inyong kapanglawan at dahil sa mga pagsalakay na dumating sa inyo mula sa lahat ng dako, kayo ay naging pag-aari ng ibang mga bansa; kayo ay naging paksa ng mga mapanirang-labi at mga dila, at ng kuwentuhan ng mga tao.
4 그러므로 이스라엘 산들아 주 여호와의 말씀을 들을지어다 주 여호와께서 산들과 멧부리들과 시내들과 골짜기들과 황무한 사막들과 사면에 남아 있는 이방인의 노략거리와 조롱거리가 된 버린 성읍들에게 말씀하셨느니라
Kaya nga, mga kabundukan ng Israel, makinig sa salita ng Panginoong Yahweh: Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga kabundukan at sa matataas na mga burol, sa mga daanan ng tubig at mga lambak, sa mga walang nakatira at mapanglaw na lugar at sa napabayaang mga lungsod na sinamsam at isang paksa ng panunukso para sa ibang mga bansa na nakapalibot sa kanila—
5 주 여호와의 말씀에 내가 진실로 내 맹렬한 투기로 남아 있는 이방인과 에돔 온 땅을 쳐서 말하였노니 이는 그들이 심히 즐거워 하는 마음과 멸시하는 심령으로 내 땅을 빼앗아 노략하여 자기 소유를 삼았음이니라
kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ako ay tiyak na nagsasalita sa alab ng aking poot laban sa ibang mga bansa, laban sa Edom at sa lahat ng mga umangkin sa aking lupain bilang pag-aari para sa kanilang mga sarili, laban sa lahat nang may galak sa kanilang mga puso at may panghahamak sa kanilang mga espiritu, habang sinasakop nila ang aking lupain na baka sakaling maangkin nila ang pastulan nito para sa kanilang mga sarili.'
6 그러므로 너는 이스라엘 땅을 대하여 예언하되 그 산들과 멧부리들과 시내들과 골짜기들을 대하여 이르기를 주 여호와의 말씀에 내가 내 투기와 내 분노로 말하였나니 이는 너희가 이방의 수욕을 당하였음이라
Kaya, magpahayag ka sa mga lupain ng Israel at sabihin sa mga kabundukan at sa matataas na mga burol, sa mga daanan ng tubig at sa mga lambak, 'ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan ninyo! Sa aking poot at sa aking galit, aking ipinahahayag ito dahil taglay ninyo ang pang-aalipusta ng mga bansa.
7 그러므로 주 여호와의 말씀에 내가 맹세하였은즉 너희 사면에 있는 이방인이 자기 수욕을 정녕 당하리라
Kaya, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ako mismo ang magtataas ng aking kamay upang manumpa na ang mga bansa na nakapalibot sa iyo ay tiyak na dadalhin nila ang sarili nilang kahihiyan.
8 그러나 너희 이스라엘 산들아 너희는 가지를 내고 내 백성 이스라엘을 위하여 과실을 맺으리니 그들의 올 때가 가까이 이르렀음이니라
Ngunit kayo, mga kabundukan ng Israel, magpapalago kayo mga sanga at mamumunga para sa aking mga taong Israelita, yamang malapit na silang bumalik sa iyo.
9 내가 돌이켜 너희와 함께 하리니 사람이 너희를 갈고 심을 것이며
Sapagkat masdan ninyo, Ako ay para sa inyo, at pakikitunguhan ko kayo nang may kagandahang-loob; aararuhin kayo at tataniman ng binhi.
10 내가 또 사람을 너희 위에 많게 하리니 이들은 이스라엘 온 족속이라 그들로 성읍들에 거하게 하며 빈 땅에 건축하게 하리라
Kaya magpaparami ako sa inyo mga tao ng kabundukan sa lahat ng sambahayan ng Israel. Lahat! At ang mga lungsod ay titirahan at itatayong muli ang lugar ng pagkasira.
11 내가 너희 위에 사람과 짐승으로 많게 하되 생육이 중다하고 번성하게 할 것이라 너희 전 지위대로 사람이 거하게 하여 너희를 처음보다 낫게 대접하리니 너희가 나를 여호와인 줄 알리라
Pararamihin ko ang tao at ang mababangis na hayop sa inyo mga kabundukan upang sila ay dumami at maging mabunga. At pananahanan kita gaya nang dati mong kalagayan, at gagawin kitang mas masagana kaysa sa iyong nakalipas, sapagkat malalaman mo na Ako si Yahweh.
12 내가 사람으로 너희 위에 행하게 하리니 그들은 내 백성 이스라엘이라 그들은 너를 얻고 너는 그 기업이 되어 다시는 그들로 자식들을 잃어버리지 않게 하리라
Magdadala ako ng mga tao, aking taong Israel, upang lumakad sa ibabaw mo. Aangkinin ka nila, at ikaw ang magiging mana nila, hindi ka na magiging dahilan ng pagkamatay ng kanilang mga anak.
13 나 주 여호와가 말하노라 그들이 너희에게 이르기를 너는 사람을 삼키는 자요 네 나라 백성을 제한 자라 하거니와
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sinasabi nila sa inyo, “Nilamon ninyo ang mga tao, at ang mga anak ng inyong bansa ay nangamatay,”
14 네가 다시는 사람을 삼키지 아니하며 다시는 네 나라 백성을 제하지 아니하리라 나 주 여호와의 말이니라
kaya hindi na ninyo muling uubusin ang mga tao, at hindi na ninyo pagdadalamhatiing muli ang inyong bansa sa kanilang kamatayan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
15 내가 또 너로 열국의 수욕을 듣지 않게 하며 만민의 비방을 다시받지 않게 하며 네 나라 백성을 다시 넘어뜨리지 않게 하리라 나 주 여호와의 말이니라 하셨다 하라
At hindi ko na hahayaang marinig ninyo ang mga pang-aalipusta ng mga bansa; hindi na ninyo kailangang tiisin pa ang kahihiyan ng mga tao o magdulot sa inyong bansa ng pagbagsak—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
16 여호와의 말씀이 또 내게 임하여 가라사대
At ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
17 인자야 이스라엘 족속이 그 고토에 거할 때에 그 행위로 그 땅을 더럽혔나니 나 보기에 그 소위가 월경 중에 있는 여인의 부정함과 같았느니라
“Anak ng tao, kapag ang sambahayan ng Israel ay nanirahan sa kanilang lupain, dinungisan nila ito ng kanilang mga kaparaanan at ng kanilang mga gawa. Ang kanilang mga kaparaanan ay gaya ng maruming regla ng isang babae sa aking harapan.
18 그들이 땅 위에 피를 쏟았으며 그 우상들로 더럽혔으므로 내가 분노를 그들의 위에 쏟아
Kaya ibinuhos ko ang aking poot laban sa kanila para sa dugo na pinadanak nila sa lupain at para sa kanilang pagdungis rito sa pamamagitan ng kanilang mga diyus-diyosan.
19 그들을 그 행위대로 심판하여 각국에 흩으며 열방에 헤쳤더니
Ikinalat ko sila sa mga bansa; nagkahiwa-hiwalay sila sa mga lupain. Hinatulan ko sila ayon sa kanilang mga kaparaanan at sa kanilang mga gawa.
20 그들의 이른바 그 열국에서 내 거룩한 이름이 그들로 인하여 더러워졌나니 곧 사람들이 그들을 가리켜 이르기를 이들은 여호와의 백성이라도 여호와의 땅에서 떠난 자라 하였음이니라
Pagkatapos sila ay pumunta sa mga bansa, at saanman sila pumunta, nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan nang sabihin ng mga tao sa kanila, Mga tao ba talaga ito ni Yahweh? Sapagkat itinapon sila palabas sa kaniyang lupain.'
21 그러나 이스라엘 족속이 들어간 그 열국에서 더럽힌 내 거룩한 이름을 내가 아꼈노라
Ngunit mayroon akong kahabagan para sa aking banal na pangalan na dinungisan ng sambahayan ng Israel sa ang mga bansa, nang pumunta sila doon.
22 그러므로 너는 이스라엘 족속에게 이르기를 주 여호와의 말씀에 이스라엘 족속아 내가 이렇게 행함은 너희를 위함이 아니요 너희가 들어간 그 열국에서 더럽힌 나의 거룩한 이름을 위함이라
Kaya sabihin sa sambahayan ng Israel, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi ko ito ginagawa para sa inyong kapakanan, sambahayan ng Israel, ngunit para sa aking banal na pangalan, kung saan nilapastangan ninyo sa mga bansa sa lahat ng dako na inyong pinanggalingan.
23 열국 가운데서 더럽힘을 받은 이름 곧 너희가 그들 중에서 더럽힌 나의 큰 이름을 내가 거룩하게 할지라 내가 그들의 목전에서 너희로 인하여 나의 거룩함을 나타내리니 열국 사람이 나를 여호와인 줄 알리라 나 주 여호와의 말이니라
Sapagkat gagawin kong banal ang aking dakilang pangalan, na nilapastangan ninyo sa mga bansa—sa gitna ng mga bansa, ito ay nilapastangan ninyo. At malalaman ng mga bansa na ako si Yahweh— ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—kapag nakita ninyo na ako ay banal.
24 내가 너희를 열국 중에서 취하여 내고 열국 중에서 모아 데리고 고토에 들어가서
Kukunin ko kayo mula sa mga bansa at titipunin ko kayo mula sa bawat lupain, at dadalhin ko kayo sa inyong lupain.
25 맑은 물로 너희에게 뿌려서 너희로 정결케 하되 곧 너희 모든 더러운 것에서와 모든 우상을 섬김에서 너희를 정결케 할 것이며
Pagkatapos ay wiwisikan ko kayo ng dalisay na tubig upang maging dalisay kayo mula sa lahat ng inyong karumihan. At dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan.
26 또 새 영(靈)을 너희 속에 두고 새 마음을 너희에게 주되 너희 육신에서 굳은 마음을 제하고 부드러운 마음을 줄 것이며
Bibigyan ko kayo ng isang bagong puso at isang bagong espiritu sa mga kaloob-loobang bahagi ninyo, at aalisin ko ang pusong bato mula sa inyong laman. Sapagkat bibigyan ko kayo ng isang pusong laman.
27 또 내 신(神)을 너희 속에 두어 너희로 내 율례를 행하게 하리니 너희가 내 규례를 지켜 행할지라
Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo at palalakarin ko kayo sa aking mga kautusan at inyong iingatan ang aking mga utos, upang magawa ninyo ang mga ito.
28 내가 너희 열조에게 준 땅에 너희가 거하여 내 백성이 되고 나는 너희 하나님이 되리라
At titirahan ninyo ang lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno; kayo ay magiging mga tao ko, at ako ang magiging Diyos ninyo.
29 내가 너희를 모든 더러운 데서 구원하고 곡식으로 풍성하게 하여 기근이 너희에게 임하지 아니하게 할 것이며
Sapagkat ililigtas ko kayo mula sa lahat ninyong karumihan. Ipatatawag ko ang butil at pararamihin ito. Hindi na ako maglalagay ng taggutom sa inyo.
30 또 나무의 실과와 밭의 소산을 풍성케 하여 너희로 다시는 기근의 욕을 열국에게 받지 않게 하리니
Pararamihin ko ang bunga ng punongkahoy at ang ani ng bukirin upang hindi na ninyo mararanasan ang kahihiyan ng taggutom sa mga bansa.
31 그 때에 너희가 너희 악한 길과 너희 불선한 행위를 기억하고 너희 모든 죄악과 가증한 일을 인하여 스스로 밉게 보리라
At maiisip ninyo ang inyong masasamang mga kaparaanan at ang mga gawa ninyong hindi mabuti, at kamumuhian ninyo ang inyong mga sarili dahil sa inyong mga sariling kasalanan at ang kasuklam-suklam ninyong mga gawa.
32 나 주 여호와가 말하노라 내가 이렇게 행함은 너희를 위함이 아닌 줄을 너희가 알리라 이스라엘 족속아 너희 행위를 인하여 부끄러워하고 한탄할지어다
Hindi ko ito ginagawa para sa inyong kapakanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— dapat ninyo itong malaman. Kaya mahiya kayo at magkaroon ng kahihiyan dahil sa iyong mga kaparaanan, sambahayan ng Israel.
33 나 주 여호와가 말하노라 내가 너희를 모든 죄악에서 정결케 하는 날에 성읍들에 사람이 거접되게 하며 황폐한 것이 건축되게 할 것인즉
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na dadalisayin ko kayo mula sa lahat ng inyong kasamaan, patitirahin ko kayo sa mga lungsod at upang maitayong muli ang mga lugar na nawasak.
34 전에는 지나가는 자의 눈에 황무하게 보이던 그 황무한 땅이 장차 기경이 될지라
Sapagkat aararuhin ninyo ang mga nawasak na lupain hanggang ng hindi na ito isang lugar ng pagkawasak sa paningin ng lahat ng nagdaraan.
35 사람이 이르기를 이 땅이 황무하더니 이제는 에덴 동산 같이 되었고 황량하고 적막하고 무너진 성읍들에 성벽과 거민이 있다 하리니
At kanilang sasabihin, “Ang lupaing ito ay napabayaan, ngunit naging gaya ito nang hardin ng Eden; ang pinabayaang mga lungsod at ang mga lugar ng pagkawasak na walang nakatira na hindi nararating ay tinitirhan na ngayon.”
36 너희 사면에 남은 이방 사람이 나 여호와가 무너진 곳을 건축하며 황무한 자리에 심은 줄 알리라 나 여호와가 말하였으니 이루리라
At malalaman ng ibang mga bansa na nakapalibot sa inyo na ako si Yahweh, na ako ang nagtayo ng mga lugar ng pagkawasak at muling nagtanim sa mga lugar na pinabayaan. Ako si Yahweh. Ipinahayag ko ito at gagawin ko ito.
37 나 주 여호와가 말하노라 그래도 이스라엘 족속이 이와 같이 자기들에게 이루어 주기를 내게 구하여야 할지라 내가 그들의 인수로 양떼 같이 많아지게 하되
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hihilingin muli sa akin ng sambahayang Israel na gawin ito para sa kanila, upang paramihin sila tulad ng isang kawan ng mga tao.
38 제사드릴 양떼 곧 예루살렘 정한 절기의 양떼 같이 황폐한 성읍에 사람의 떼로 채우리라 그리한즉 그들이 나를 여호와인줄 알리라 하셨느니라
Katulad ng mga kawan na itinalaga kay Yahweh, tulad ng mga kawan sa Jerusalem sa kaniyang nakatakdang mga kapistahan, ang pinabayaang mga lungsod ay mapupuno ng mga kawan ng mga tao, at malalaman nila na ako si Yahweh.”