< 출애굽기 36 >

1 브사렐과 오홀리압과 및 마음이 지혜로운 사람 곧 여호와께서 지혜와 총명을 부으사 성소에 쓸 모든 일을 할 줄 알게 하심을 입은 자들은 여호와의 무릇 명하신 대로 할 것이니라'
Kaya si Bezalel at Oholiab ay magtatrabaho, gayundin ang bawat pusong may karunungan na ipinagkalooban ni Yahweh ng kakayahan at pang-unawa na malaman kung paano gumawa ng banal na lugar, na sumusunod sa mga tagubilin na ibinigay sa inyo na gagawin.”
2 모세가 브살렐과 오홀리압과 및 마음이 지혜로운 사람 곧 그 마음에 여호와께로 지혜를 얻고 와서 그 일을 하려고 마음에 원하는 모든 자를 부르매
Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain.
3 그들이 이스라엘 자손의 성소의 모든 것을 만들기 위하여 가져 온 예물을 모세에게서 받으니라 그러나 백성이 아침마다 자원하는 예물을 연하여 가져오는 고로
Tinanggap nila mula kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga Israelita sa paggawa ng banal na lugar. Patuloy ang mga tao sa pagdadala ng mga handog na kusang-loob sa bawat umaga.
4 성소의 모든 일을 하는 지혜로운 자들이 각기 하는 일을 정지하고 와서
Kaya ang lahat ng mga taong bihasa na gumagawa sa banal na lugar ay lumapit kay Moises mula sa paggawa ng kanilang mga gawain.
5 모세에게 고하여 가로되 `백성이 너무 많이 가져 오므로 여호와의 명하신 일에 쓰기에 남음이 있나이다'
Sinabi ni Moises, “Ang mga tao ay nagdadala ng labis sa paggawa ng gawain ayon sa iniutos ni Yahweh na ating gagawin.”
6 모세가 명을 내리매 그들이 진중에 공포하여 가로되 `무론 남녀하고 성소에 드릴 예물을 다시 만들지 말라' 하매 백성이 가져오기를 정지하니
Kaya ang tagubilin ni Moises na wala ni isa sa kampo ang magdala ng anumang mga handog para sa paggawa ng banal na lugar. Kaya ang mga tao ay huminto na sa pagdadala ng mga handog.
7 있는 재료가 모든 일을 하기에 넉넉하여 남음이 있었더라
Mayroon na silang labis-labis na mga kagamitan para sa lahat ng gawain.
8 일하는 사람 중에 마음이 지혜로운 모든 사람이 열 폭 앙장으로 성막을 지었으니 곧 가늘게 꼰 베실과, 청색, 자색, 홍색실로 그룹들을 무늬 놓아 짜서 지은 것이라
Kaya ang lahat ng manggagawa sa gitna nila ay itinayo ng tabernakulo na may sampung kurtina na gawa sa pinong lino at asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Ito ang ginawa ni Bezalel, ang napakahusay na manggagawa.
9 매폭의 장은 이십 팔 규빗, 광은 사 규빗으로 각 폭의 장단을 같게 하여
Ang haba ng bawat kurtina ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Lahat ng mga kurtina ay magkakatulad ang sukat.
10 그 다섯 폭을 서로 연하며, 또 그 다섯 폭을 서로 연하고
Pinagsama ni Bezalel ang limang kurtina sa bawat isa, at ang lima pa ay pinagsama din sa bawat isa.
11 연락할 말폭 가에 청색 고를 만들며, 다른 연락할 말폭 가에도 고를 만들되
Gumawa siya ng mga silong asul sa sidsid ng bawat piraso ng kurtina, at ganon din sa sidsid ng ikalawang piraso ng kurtina.
12 그 연락할 한 폭에 고 오십을 달고, 다른 연락할 한 폭의 가에도 고 오십을 달아, 그 고들이 서로 대하게 하고
Gumawa siya ng limampung silo sa naunang kurtina at limampung silo sa sidsid ng ikalawang kurtina. Kaya ang dalawang kurtina ay magkasalungat sa bawat isa.
13 금 갈고리 오십을 만들어, 그 갈고리로 두 앙장을 연하여 한 막을 이루었더라
Gumawa siya ng limampung gintong kawit at pinagsama ang mga kurtina kaya ang tabernakulo ay nabuo.
14 그 성막을 덮는 막 곧 앙장을 염소털로 만들되 십 일폭을 만들었으니
Gumawa si Bezalel ng kurtina na gawa sa buhok ng kambing para sa tolda sa ibabaw ng tabernakulo; gumawa siya ng labing isang kurtinang kagaya nito.
15 각 폭의 장은 삼십 규빗, 광은 사 규빗으로 십 일폭의 장단을 같게 하여
Ang haba ng bawat kurtina ay tatlumpung kubit, at ang lapad ng bawat kurtina ay apat na kubit. Bawat isa sa labing-isang kurtina ay magkapareho ang sukat.
16 그 앙장 다섯 폭을 서로 연하며, 또 여섯 폭을 서로 연하고
Pinagsama niya ang limang kurtina sa bawat isa at gayundin ang iba pang anim na kurtina sa bawat isa.
17 앙장을 연락할 말폭 가에도 고 오십을 달며, 다른 연락할 말폭 가에도 고 오십을 달고
Gumawa siya ng limampung silo sa sidsid ng dulong kurtina sa naunang piraso, at limampung silo sa bandang sidsid ng dulong kurtina na pinagsama ng ikalawang piraso.
18 놋 갈고리 오십을 만들어, 그 앙장을 연합하여 한 막이 되게 하고
Gumawa si Bezalel ng limampung tansong kawit para pagsamahin ang mga tolda para ito ay maging isa.
19 붉은 물 들인 수양의 가죽으로 막의 덮개를 만들고 해달의 가죽으로 그 웃덮개를 만들었더라
Gumawa siya ng pantakip sa tabernakulo na gawa sa balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, isa pang pantakip na mainam na balat para sa ibabaw niyon.
20 그가 또 조각목으로 성막에 세울 널판들을 만들었으니
Gumawa si Bezalel ng patayong tabla na gawa sa kahoy na akasya para sa tabernakulo.
21 각 판의 장은 십 규빗, 광은 일 규빗 반이며
Ang haba ng bawat tabla ay sampung kubit, at ang lapad ng mga ito ay isa't kalahating kubit.
22 각 판에 두 촉이 있어 서로 연하게 하였으니 성막의 모든 판이 그러하며
May dalawang usli sa bawat tabla para pagsamahin ang bawat isa. Ginawa niya ang lahat ng tabla ng tabernakulo sa pamamagitan nito.
23 성막을 위하여 널판을 만들었으되, 남으로는 남편에 널판이 이십이라
Sa paraang ito ginawa niya ang mga tabla para sa tabernakulo. Ginawa niya ang dalawampung tabla para sa timog na bahagi.
24 그 이십 널판 밑에 은받침 사십을 만들었으되, 곧 이 널판 밑에도 두 받침이 그 두 촉을 받게 하였으며
Gumawa si Bezalel ng apatnapung pilak na tuntungan na suotan ng dalawampung tabla. May dalawang patungan sa ilalim ng naunang tabla na maging dalawang tuntungan, at gayundin ang dalawang tuntungan sa ilalim ng bawat iba pang tabla para sa kanilang dalawang tuntungan.
25 성막 다른 편 곧 북편을 위하여도 널판 이십을 만들고
Para sa ikalawang gilid ng tabernakulo, sa silangang bahagi, gumawa siya ng dalawampung tabla.
26 또 은받침 사십을 만들었으니 곧 이 판 밑에도 두 받침이요, 저 판 밑에도 두 받침이며
At ang kanilang apatnapung pilak na tuntungan. May dalawang tuntungan sa ilalim ng naunang tabla, dalawang tuntungan sa ilalim ng kasunod na tabla, at sa sumunod pa.
27 장막 뒤 곧 서편을 위하여는 널판 여섯을 만들었고
Para sa bandang likuran ng tabernakulo sa gawing kanluran, gumawa si Bezalel ng anim na tabla.
28 장막 뒤 두 모퉁이 편을 위하여는 널판 둘을 만들되
Gumawa siya ng dalawang tabla para sa likurang sulok ng tabernakulo.
29 아래서부터 위까지 각기 두 겹 두께로 하여 윗고리에 이르게 하고 두 모퉁이 편을 다 그리하며
Ang mga tabla ay nahiwalay sa ilalim, pero pinagsama sa itaas sa iisang argolya. Ganito ginawa ang para sa dalawang sulok na nasa likuran. Mayroong walong tabla, kasama ng kanilang pilak na tuntungan.
30 그 널판은 여덟이요, 그 받침은 은받침 열 여섯이라, 각 널판 밑에 둘씩이었더라
Mayroong bilang na labing anim na tuntungan lahat, dalawang tuntungan sa ilalim ng naunang tabla, dalawang tuntungan sa ilalim ng kasunod na tabla, at sa kasunod pa.
31 그가 또 조각목으로 띠를 만들었으니 곧 성막 이편 널판을 위하여 다섯이요
Gumawa si Bezalel ng pahalang na haligi na gawa sa kahoy ng akasya—lima para sa mga tabla sa isang gilid ng tabernakulo,
32 성막 저편 널판을 위하여 다섯이요, 성막 뒤 곧 서편 널판을 위하여 다섯이며
limang pahalang na haligi para sa mga tabla sa kabilang gilid ng tabernakulo, at limang mga pahalang na haligi para sa mga tabla ng likurang gilid ng tabernakulo patungong kanluran.
33 그 중간 띠를 만들되, 널판 중간 이 끝에서 저 끝에 미치게 하였으며
Ginawa niya ang pahalang na haligi sa gitna ng mga tabla, iyon ay, kalahati pataas, para umabot sa dulo hanggang dulo.
34 그 널판들을 금으로 싸고 그 널판에 띠를 꿸 금고리를 만들고, 그 띠도 금으로 쌌더라
Tinakpan niya ang mga tabla ng ginto. Ginawa niya ang kanilang mga gintong argolya, para ang mga ito ay magsilbing panghawak ng mga tubo, at kaniyang binalot ng ginto ang mga rehas.
35 그가 또 청색, 자색, 홍색실과, 가늘게 꼰 베실로 장을 짜고 그 위에 그룹들을 공교히 수 놓고
Gumawa si Bezalel ng kurtinang asul, lila, at pulang lana, at pinong lino na may mga disenyo ng kerubim, ang gawa ng mahusay na manggagawa.
36 조각목으로 네 기둥을 만들어 금으로 쌌으며, 그 갈고리는 금이며 기둥의 네 받침은 은으로 부어 만들었으며
Gumawa siya ng apat na haligi ng kahoy na akasya para sa kurtina, at tinakpan niya ang mga ito ng ginto. Gumawa rin siya ng mga gintong kawit para sa mga haligi, at kaniyang ipinagbubo ng apat na tuntungang pilak.
37 청색, 자색, 홍색실과, 가늘게 꼰 베실로 수 놓아 장막 문을 위하여 장을 만들고
Gumawa siya ng pabitin para sa pasukan ng tolda. Gawa ito sa asul, lila, at pulang lana, na ginagamitan ng pinong lino, na gawa ng isang magbuburda.
38 문장의 기둥 다섯과 그 갈고리를 만들고, 기둥머리와 그 가름대를 금으로 쌌으며 그 다섯 받침은 놋이었더라
Gumawa din siya ng limang mga haligi na may mga kawit na may pabitin. Tinakpan niya ang ibabaw at ang mga dulo nito ng ginto. Ang limang tuntungan ng mga ito ay gawa sa tanso.

< 출애굽기 36 >