< 아모스 8 >
1 주 여호와께서 또 내게 여름 실과 한 광주리를 보이시며
Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh. Tingnan, isang basket ng mga bungang pantag-araw!
2 가라사대 아모스야 네가 무엇을 보느냐? 내가 가로되 여름 실과 한 광주리니이다 하매 여호와께서 내게 이르시되 내 백성 이스라엘의 끝이 이르렀은즉 내가 다시는 저를 용서치 아니하리니
Sinabi niya, “Ano ang nakikita mo, Amos?” Sinabi ko, “Isang basket ng mga bungang pantag-araw.” At sinabi ni Yahweh sa akin, parating na ang katapusan ng aking bansang Israel; hindi ko na sila kaaawaan pa.
3 그 날에 궁전의 노래가 애곡으로 변할 것이며 시체가 많아서 사람이 잠잠히 처처에 내어버리리라 이는 주 여호와의 말씀이니라
Ang mga awit sa templo ay magiging pagtangis. Sa araw na iyon” —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—”Magiging marami ang mga bangkay, sa bawat lugar itatapon nila ang mga ito sa katahimikan!”
4 궁핍한 자를 삼키며 땅의 가난한 자를 망케 하려는 자들아 이 말을 들으라
Pakinggan ninyo ito, kayong mga umaapak sa mga nangangailangan at nagpapaalis sa mga mahihirap sa lupain.
5 너희가 이르기를 월삭이 언제나 지나서 우리로 곡식을 팔게 하며 안식일이 언제나 지나서 우리로 밀을 내게 할꼬 에바를 작게하여 세겔을 크게 하며 거짓 저울로 속이며
Sinabi nila, “Kailan matatapos ang bagong buwan, upang muli kaming makapagbenta ng butil? At ang Araw ng Pamamahinga, kailan matatapos, upang makapagbenta kaming muli ng trigo? Gagawin naming mababa ang sukat at tataasan ang halaga, upang makapandaya kami ng maling timbang.
6 은으로 가난한 자를 사며 신 한 켤레로 궁핍한 자를 사며 잿밀을 팔자 하는도다
Upang makapagbenta kami ng hindi magandang trigo at bilhin ng pilak ang mga mahihirap, isang pares ng sandalyas para sa nangangailangan.”
7 여호와께서 야곱의 영광을 가리켜 맹세하시되 내가 저희의 모든 소위를 영영 잊지 아니하리라 하셨나니
Sumumpa si Yahweh sa kapalaluan ni Jacob, “Tiyak na hindi ko malilimutan kailanman ang anumang ginawa nila.”
8 이로 인하여 땅이 떨지 않겠으며 그 가운데 모든 거민이 애통하지 않겠느냐 온 땅이 하수의 넘침 같이 솟아오르며 애굽강 같이 뛰놀다가 낮아지리라
Hindi ba mayayanig ang lupain dahil sa mga ito at tatangis ang bawat isang nakatira rito? Ang lahat ng ito ay babangon tulad ng Ilog ng Nilo at tataas ang mga ito at muling lulubog tulad sa ilog ng Egipto.
9 주 여호와께서 가라사대 그 날에 내가 해로 대낮에 지게 하여 백주에 땅을 캄캄케 하며
“Darating ang mga ito sa araw na iyon”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— “na palulubugin ko ang araw sa tanghaling tapat at padidilimin ko ang buong daigdig sa liwanag ng araw.
10 너희 절기를 애통으로, 너희 모든 노래를 애곡으로 변하며 모든 사람으로 굵은 베로 허리를 동이게 하며 모든 머리를 대머리 되게 하며 독자의 죽음을 인하여 애통하듯 하게 하며 그 결국으로 곤고한 날과 같게 하리라
Gagawin kong pagdadalamhati ang inyong mga pista at ang lahat ng inyong mga awit ay sa panaghoy. Pagsusuutin ko kayong lahat ng telang magaspang at ang bawat ulo ay kakalbuhin. Gagawin kong pagdadalamhati tulad sa nag-iisang anak, at isang araw ng kapaitan sa bawat pagtatapos.
11 주 여호와께서 가라사대 보라, 날이 이를지라 내가 기근을 땅에 보내리니 양식이 없어 주림이 아니며 물이 없어 갈함이 아니요 여호와의 말씀을 듣지 못한 기갈이라
Tingnan, parating na ang mga araw”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh— “Kapag magpapadala ako ng taggutom sa lupain, hindi sa kagutuman sa tinapay, ni pagkauhaw sa tubig, kundi sa pakikinig ng mga salita ni Yahweh.
12 사람이 이 바다에서 저 바다까지 북에서 동까지 비틀거리며 여호와의 말씀을 구하려고 달려 왕래하되 얻지 못하리니
Susuray-suray sila sa magkabilaang dagat; tatakbo sila mula sa hilaga patungo sa silangan upang hanapin ang salita ni Yahweh, ngunit hindi nila ito masusumpungan.
13 그 날에 아름다운 처녀와 젊은 남자가 다 갈하여 피곤하리라
Sa araw na iyon ang mga magagandang dalaga at ang mga binata ay manghihina mula sa pagkauhaw.
14 무릇 사마리아의 죄된 우상을 가리켜 맹세하여 이르기를 단아 네 신의 생존을 가리켜 맹세하노라 하거나 브엘세바의 위하는 것의 생존을 가리켜 맹세하노라 하는 사람은 엎드러지고 다시 일어나지 못하리라
Sinumang sumusumpa sa kasalanan ng Samaria at sabihing, 'Buhay ang diyos mo, Dan' at, 'Buhay ang diyos ng Beerseba, —sila ay babagsak at kailanman ay hindi na muling babangon.”