< 열왕기하 19 >

1 히스기야왕이 듣고 그 옷을 찢고 굵은 베를 입고 여호와의 전에 들어가서
Nangyari nga nang malaman ni Haring Hezekias ang ulat, pinunit niya ang kaniyang damit, binalutan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at nagpunta sa tahanan ni Yahweh.
2 궁내대신 엘리야김과 서기관 셉나와 제사장 중 장로들에게 굵은 베를 입혀서 아모스의 아들 선지자 이사야에게로 보내매
Pinadala niya si Eliakim, na tagapamahala ng sambahayan, at Sebna ang eskriba, at ang mga nakatatanda sa mga pari, na binabalutan ng magaspang na tela, kay Isaias ang anak ni Amoz, ang propeta.
3 저희가 이사야에게 이르되 히스기야의 말씀이 오늘은 곤란과 책벌과 능욕의 날이라 아이가 임산하였으나 해산할 힘이 없도다
Sinabi nila sa kaniya, “Sinasabi ni Hezekias, 'Ang araw na ito ay araw ng kabalisaan, pagsaway, at kahihiyan, dahil dumating na ang panahon ng pagpapanganak sa mga sanggol, pero walang lakas para isilang sila.
4 랍사게가 그 주 앗수르 왕의 보냄을 받고 와서 사신 하나님을 훼방하였으니 당신의 하나님 여호와께서 혹시 저의 말을 들으셨을지라 당신의 하나님 여호와께서 그 들으신 말을 인하여 꾸짖으실듯하니 당신은 이 남아 있는 자를 위하여 기도하소서 하더이다
Maaaring pakikinggan ni Yahweh ang inyong Diyos ang lahat ng mga sinabi ng punong tagapag-utos, na pinadala ng hari ng Asiria na kaniyang panginoon para labanan ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh na inyong Diyos. Ngayon ay itaas ninyo ang inyong mga panalangin para sa mga nalalabing naririto pa.”
5 이와 같이 히스기야 왕의 신복이 이사야에게 나아가니
Kaya pumunta ang mga lingkod ni Haring Hezekias kay Isaias,
6 이사야가 저희에게 이르되 너희는 너희 주에게 이렇게 고하라 여호와의 말씀이 너는 앗수르 왕의 신복에게 들은바 나를 능욕하는 말을 인하여 두려워하지 말라
at sinabi sa kanila ni Isaias, “Sabihin ninyo sa inyong panginoon: 'Sinasabi ni Yahweh, “Huwag kang matakot sa mga salitang narinig mo, kung saan kinutya ako ng mga lingkod ng hari ng Asiria.
7 내가 한 영을 저의 속에 두어 저로 풍문을 듣고 그 본국으로 돌아가게 하고 또 그 본국에서 저로 칼에 죽게 하리라 하셨느니라
Tingnan mo, maglalagay ako sa kaniya ng espiritu, at makaririnig siya ng isang ulat at babalik siya sa sarili niyang lupain. Dudulutin ko siyang malaglag sa espada sa sarili niyang lupain.”
8 랍사게가 돌아가다가 앗수르 왕이 이미 라기스에서 떠났다 함을 듣고 립나로 가서 왕을 만났으니 왕이 거기서 싸우는 중이더라
Pagkatapos bumalik ang punong tagapag-utos at natagpuan ang hari ng Asiria na nakikipagdigmaan laban sa Libna, dahil narinig niyang umalis ang hari mula sa Lacis.
9 앗수르 왕이 구스 왕 디르하가가 나와서 더불어 싸우고자 한다 함을 듣고 다시 히스기야에게 사자를 보내며 가로되
Pagkatapos narinig ni Senaquerib na kumilos si Tirhaka ang hari ng Etiopia at ang Ehipto para kalabanin siya, kaya muli siyang nagpadala ng mensahero kay Hezekias na may mensaheng:
10 너희는 유다 왕 히스기야에게 이같이 말하여 이르기를 너의 의뢰하는 네 하나님이 예루살렘을 앗수르 왕의 손에 붙이지 않겠다 하는 말에 속지 말라
“Sabihin mo kay Hezekias hari ng Juda, 'Huwag mong hayaang linlangin ka ng Diyos na siyang pinagkakatiwalaan mo, na sinasabing, “Hindi mapapasakamay ng hari ng Asiria ang Jerusalem.
11 앗수르의 열왕이 열방에 행한바 진멸한 일을 네가 들었나니 네가 어찌 구원을 얻겠느냐
Tingnan mo, narinig mo ang ginawa ng mga hari ng Asiria sa lahat ng mga lupain sa pamamagitan ng ganap na pagwawasak sa kanila. Kaya masasagip ka ba?
12 내 열조가 멸하신 열방 곧 고산과 하란과 레셉과 들라살에 있는 에덴 족속을 그 나라의 신들이 건졌느냐
Niligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa, ang mga bansang winasak ng aking mga ama: Gozan, Haran, Rezef, at ang mga mamamayan ng Eden sa Telasar?
13 하맛 왕과 아르밧 왕과 스발와임성의 왕과 헤나와 아와의 왕들이다 어디 있느냐 하라 하니라
Nasaan ang mga hari ng Hamat, ang hari ng Arpad, ang hari ng mga lungsod ng Sefarvaim, ng Hena, at Iva?”
14 히스기야가 사자의 손에서 편지를 받아보고 여호와의 전에 올라가서 그 편지를 여호와 앞에 펴놓고
Natanggap ni Hezekias ang liham na ito mula sa mga mensahero at binasa ito. Umakyat siya sa tahanan ni Yahweh at nilatag ito sa kaniyang harapan.
15 그 앞에서 기도하여 가로되 그룹들의 위에 계신 이스라엘 하나님 여호와여 주는 천하 만국에 홀로 하나님이시라 주께서 천지를 조성하셨나이다
Pagkatapos nanalangin si Hezekias sa harapan ni Yahweh at sinabing, “Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ikaw na nakaluklok sa ibabaw ng kerubim, ikaw lang ang Diyos sa lahat ng mga kaharian sa buong mundo. Nilikha mo ang langit at ang lupa.
16 여호와여 귀를 기울여 들으소서 여호와여 눈을 떠서 보시옵소서 산헤립이 사신 하나님을 훼방하러 보낸 말을 들으시옵소서
Ibaling mo ang iyong tainga, Yahweh, at makinig. Buksan mo ang iyong mga mata, Yahweh, at tingnan, at pakinggan ang mga salita ni Senaquerib, na kaniyang pinadala para kutyain ang buhay na Diyos.
17 여호와여 앗수르 열왕이 과연 열방과 그 땅을 황폐케 하고
Tunay nga, Yahweh, winasak ng mga hari ng Asiria ang mga bansa at ang kanilang mga lupain.
18 또 그 신들을 불에 던졌사오니 이는 저희가 신이 아니요 사람의 손으로 지은 것 곧 나무와 돌 뿐이므로 멸하였나이다
Nilagay nila ang kanilang mga diyos sa apoy, dahil hindi sila mga diyos pero gawa ng mga kamay ng mga tao, kahoy lamang at bato. Kaya winasak sila ng mga taga-Asiria.
19 우리 하나님 여호와여 원컨대 이제 우리를 그 손에서 구원하옵소서 그리하시면 천하 만국이 주 여호와는 홀로 하나님이신줄 알리이다 하니라
Kaya ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami, nagmamakaawa ako, mula sa kaniyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng mga kaharian sa mundo na ikaw, Yahweh, ang nag-iisang Diyos.”
20 아모스의 아들 이사야가 히스기야에게 기별하여 가로되 이스라엘 하나님 여호와의 말씀이 네가 앗수르 왕 산헤립 까닭에 내게 기도하는 것을 내가 들었노라 하셨나이다
Pagkatapos nagpadala si Isaias na anak ni Amoz ng mensahe kay Hezekias, sinasabing, “Sinasabi ni Yahweh ang Diyos ng Israel, 'Dahil nanalangin ka sa akin tungkol kay Senaquerib ang hari ng Asiria, narinig kita.
21 여호와께서 앗수르 왕에게 대하여 이같이 말씀하시기를 처녀 딸 시온이 너를 멸시하며 너를 비웃었으며 딸 예루살렘이 너를 향하여 머리를 흔들었느니라
Ito ang mensahe na sinabi ni Yahweh tungkol sa kaniya: “Kinamumuhian ka ng birheng anak na babae ng Sion at pinagtatawanan ka para hamakin ka. Iniiling ng anak na babae ng Jerusalem ang kaniyang ulo sa iyo.
22 네가 누구를 꾸짖었으며 훼방하였느냐 누구를 향하여 소리를 높였으며 눈을 높이 떴느냐 이스라엘의 거룩한 자에게 그리하였도다
Sino ang iyong sinuway at kinutya? At sino ang iyong pinagtaasan ng boses at itinaas ang iyong mata nang may pagmamataas? Laban sa Banal ng Israel!
23 네가 사자로 주를 훼방하여 이르기를 내가 많은 병거를 거느리고 여러 산꼭대기에 올라가며 레바논 깊은 곳에 이르러 높은 백향목과 아름다운 잣나무를 베고 내가 그 지경 끝에 들어가며 그 동산의 무성한 수풀에 이르리라
Nilabanan mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong mga mensahero, at sinabing, “Kasama ng daan-daang kong mga karwahe ay umakyat ako sa kataasan ng mga kabundukan, sa pinakamataas na tuktok ng Lebanon. Puputulin ko ang matatayog na sedar at mainam na mga puno ng igos doon. At papasukin ko ang pinaka malalayong bahagi nito, ang pinaka masagana nitong gubat.
24 내가 땅을 파서 이방의 물을 마셨고 나의 발바닥으로 애굽의 모든 하수를 말렸노라 하였도다
Humukay ako ng mga balon at uminom ng mga tubig mula sa mga ibang bansa. Tinuyot ko ang lahat ng mga ilog ng Ehipto sa ilalim ng aking talampakan.'
25 네가 듣지 못하였느냐 이 일은 내가 태초부터 행하였고 상고부터 정한 바라 이제 내가 이루어 너로 견고한 성들을 멸하여 돌무더기가 되게 함이니라
Hindi mo pa ba naririnig kung paano ko ito itinakda noon pa man, at ginawa ito noong sinaunang panahon? Ngayon ay tinutupad ko na ito. Narito ka para tibagin ang matitibay na lungsod at maging tumpok ng mga durog na bato.
26 그러므로 그 거한 백성의 힘이 약하여 두려워하며 놀랐나니 저희는 마치 들의 풀 같고 나물 같고 지붕의 풀 같고 자라기 전에 마른 곡초같으니라
Ang kanilang mga mamamayan, na kaunti ang lakas, ay nawasak at napahiya. Sila ay mga halaman sa bukirin, luntiang mga damo, ang damo sa bubungan o sa bukirin, na sinunog bago pa man ito lumaki.
27 네 거처와 네 출입과 네가 내게 향한 분노를 내가 다 아노니
Pero alam ko ang iyong pag-upo, paglabas, pagdating, at ang iyong matinding galit laban sa akin.
28 네가 내게 향한 분노와 네 교만한 말이 내 귀에 들렸도다 그러므로 내가 갈고리로 네 코에 꿰고 자갈을 네 입에 먹여 너를 오던 길로 끌어 돌이키리라 하셨나이다
Dahil sa matinding galit mo sa akin, at dahil umabot sa aking pandinig ang iyong kayabangan, ilalagay ko ang aking kawit sa iyong ilong, at ang aking lubid sa iyong bibig; ibabalik kita sa paraan kung paano ka dumating.”
29 또 네게 보일 징조가 이러하니 너희가 금년에는 스스로 자라난 것을 먹고 명년에는 그것에서 난 것을 먹되 제 삼년에는 심고 거두며 포도원을 심고 그 열매를 먹으리라
Ito ang magiging tanda para sa iyo: Sa taon na ito ay kakainin mo ang mga ligaw na halaman, at sa pangalawang taon ang tutubo mula roon. Pero sa pangatlong taon ay dapat kang magtanim at umani, magtanim ng ubasan at kainin ang kanilang bunga.
30 유다 족속의 피하고 남은 자는 다시 아래로 뿌리가 서리고 위로 열매를 맺을지라
Ang mga natira sa angkan ni Juda na mabubuhay ay muling uugat at mamumunga.
31 남은 자는 예루살렘에서부터 나올 것이요 피하는 자는 시온산에서부터 나오리니 여호와의 열심이 이 일을 이루리라 하셨나이다
Dahil mula sa Jerusalem ay may lalabas na nalabi, mula sa Bundok Sion ay darating ang mga naligtas. Gagawin ito ng kasigasigan ni Yahweh ng mga hukbo.
32 그러므로 여호와께서 앗수르 왕을 가리켜 이르시기를 저가 이 성에 이르지 못하며 이리로 살을 쏘지 못하며 방패를 성을 향하여 세우지 못하며 치려고 토성을 쌓지도 못하고
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: “Hindi siya papasok sa lungsod na ito ni papana ng palaso rito. Hindi siya makakalapit dito ng may kalasag ni magtatayo ng tungtungang panglusob dito.
33 오던 길로 돌아가고 이 성에 이르지 못하리라 하셨으니 이는 여호와의 말씀이시라
Ang daan na kaniyang tinahak para makarating ang magiging parehong daanan sa kaniyang pag-alis; hindi siya papasok sa lungsod na ito. Ito ang kapahayagan ni Yahweh.”
34 내가 나와 나의 종 다윗을 위하여 이 성을 보호하여 구원하리라 하셨나이다 하였더라
Dahil ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at sasagipin ito, para sa sarili kong kapakanan at para sa kapakanan ng lingkod kong si David.”
35 이 밤에 여호와의 사자가 나와서 앗수르 진에서 군사 십 팔만 오천을 친지라 아침에 일찌기 일어나 보니 다 송장이 되었더라
Nang gabing iyon lumabas ang anghel ng Diyos at nilusob ang kampo ng mga taga-Asiria, pinatay ang 185, 000 na mga sundalo. Nang bumangon ang mga lalaki ng madaling araw, nagkalat ang mga bangkay sa paligid.
36 앗수르 왕 산헤립이 떠나 돌아가서 니느웨에 거하더니
Kaya umalis si Senaquerib na hari ng Asiria sa Israel at umuwi at nanatili sa Ninive.
37 그 신 니스록의 묘에 경배할 때에 아드람멜렉과 사레셀이 저를 칼로 쳐죽이고 아라랏 땅으로 도망하매 그 아들 에살핫돈이 대신하여 왕이 되니라
Kinalaunan, habang sumasamba siya sa tahanan ni Nisroc ang kaniyang diyos, pinatay siya ng kaniyang mga anak na sina Adramelec at Sarezer gamit ang espada. Pagkatapos tumakas sila sa lupain ng Ararat. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Esarhadon ang pumalit sa kaniya bilang hari.

< 열왕기하 19 >