< 역대상 9 >
1 온 이스라엘이 그 보계대로 계수되고 이스라엘 열왕기에 기록되니라 유다가 범죄함을 인하여 바벨론으로 사로잡혀 갔더니
Kaya, naitala ang lahat ng Israelita sa talaan ng mga angkan. Naitala sila sa Aklat ng mga Hari ng Israel. Sa mga taga-Juda, dinala silang bihag sa Babilonia dahil sa kanilang kasalanan.
2 먼저 그 본성으로 돌아와서 그 기업에 거한 자는 이스라엘 제사장들과 레위 사람과 느디님 사람들이라
Ang unang bumalik sa kanilang mga lungsod ay ilan sa mga Israelita, mga pari, mga Levita at mga tagapaglingkod sa templo.
3 유다 자손과 베냐민 자손과 에브라임과 므낫세 자손 중에서 예루살렘에 거한 자는
Ang ilan sa mga kaapu-apuhan nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases ay nanirahan sa Jerusalem.
4 유다의 아들 베레스 자손 중에 우대니 저는 암미훗의 아들이요, 오므리의 손자요, 이므리의 증손이요, 바니의 현손이며
Kabilang sa mga nanirahan doon ay si Utai na lalaking anak ni Amihod na anak ni Omri na anak ni Imri na anak ni Bani na isa sa mga kaapu-apuhan ni Peres na anak ni Juda.
5 실로 사람 중에서는 장자 아사야와 그 아들들이요
Kabilang sa mga Silonita ay si Asaya na panganay at ang kaniyang mga anak na lalaki.
6 세라 자손 중에서는 여우엘과 그 형제 육백 구십인이요
Kabilang sa kaapu-apuhan ni Zera si Jeuel. Mayroong bilang na 690 ang kanilang mga kaapu-apuhan.
7 베냐민 자손중에서는 핫스누아의 증손 호다위아의 손자 므술람의 아들 살루요,
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin si Sallu na anak ni Mesulam na anak ni Hodavias na anak ni Asenua.
8 여로함의 아들 이브느야와, 미그리의 손자 웃시의 아들 엘라요, 이브니야의 증손 르우엘의 손자 스바댜의 아들 무술람이요,
Kabilang din si Ibnias na lalaking anak ni Jeroham, si Elah na anak ni Uzi na anak ni Micri at si Mesulam na anak ni Sefatias na anak ni Reuel na anak ni Ibnia.
9 또 저의 형제들이라 그 보계대로 계수하면 구백 오십 륙인이니라 그 집의 족장된 자들이더라
Ang bilang ng kanilang kamag-anak na nakasulat sa listahan ng talaan ng mga angkan ay 956. Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay pinuno sa angkan ng kanilang ninuno.
10 제사장 중에서는 여다야와, 여호야립과, 야긴과,
Ang mga pari ay sina Jedaias, Joiarib, at Jaquin.
11 하나님의 전을 맡은 자 아사랴니 저는 힐기야의 아들이요, 므술람의 손자요, 사독의 증손이요, 므라욧의 현손이요, 아히둡의 오대손이며
At si Azarias na anak ni Hilkias na anak ni Mesalum na anak ni Zadok na anak na Meraiot na anak ni Ahitob, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos
12 또 아다야니 저는 여로함의 아들이요, 바스훌의 손자요, 말기야의 증손이며, 또 마아새니 저는 아디엘의 아들이요, 야세라의 손자요, 므술람의 증손이요, 므실레밋의 현손이요, 임멜의 오대손이며
Kabilang rin si Adaya na anak ni Jeroham na anak ni Pashur na anak ni Malquias. Kabilang din si Masai na anak ni Adiel na anak ni Jazera na anak ni Mesulam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer.
13 또 그 형제들이니 그 집의 족장이라 하나님의 전의 일에 수종 들재능이 있는 자가 모두 일천 칠백륙십인이더라
Mayroong bilang na 1, 760 ang kanilang mga kamag-anak na pinuno ng angkan ng kanilang ninuno. May kakayahan ang mga kalalakihang ito para sa mga gawain sa tahanan ng Diyos.
14 레위 사람 중에서는 므라리 자손 스마야니 저는 핫숩의 아들이요, 아스리감의 손자요, 하사뱌의 증손이며
Sa mga Levita naman, kabilang si Semaya na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hashabias sa mga kaapu-apuhan ni Merari.
15 또 박박갈과 헤레스와 갈랄과 맛다냐니 저는 미가의 아들이요, 시그리의 손자요, 아삽의 증손이며
Kabilang din sina Bacbacar, Heres, Galal, at Matanias na anak ni Mika na anak ni Zicri na anak ni Asaf.
16 또 오바댜니 저는 스마야의 아들이요, 갈랄의 손자요, 여두둔의 증손이며 또 베레갸니 저는 아사의 아들이요, 엘가나의 손자라 느도바 사람의 향리에 거하였더라
Kabilang din si Obadias na anak ni Semaya na anak ni Galal na anak ni Jeduthun at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana na nanirahan sa mga nayon ng Netofatita.
17 문지기는 살룸과, 악굽과, 달몬과, 아히만과, 그 형제들이니 살룸은 그 두목이라
Taga-pagbantay naman ng mga pintuan sina Sallum, Akob, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kaapu-apuhan. Si Sallum ang kanilang pinuno.
18 이 사람들은 전에 왕의 문 동편 곧 레위 자손의 영의 문지기며
Dati silang nagbabantay sa tarangkahan ng hari sa silangang bahagi para sa kampo ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
19 고라의 증손 에비아삽의 손자 고레의 아들 살룸과 그 종족 형제 곧 고라의 자손이 수종드는 일을 맡아 성막 문들을 지켰으니 그 열조도 여호와의 영을 맡고 그 들어가는 곳을 지켰으며
Tagapamahala sa mga gawain sa templo at nagbabantay sa bungad ng tolda si Sallum na anak ni Kore na anak ni Ebiasaf na anak ni Korah, at ang kaniyang mga kamag-anak, sa angkan ng kaniyang ama, ang angkan ni Korah. Katulad ng kanilang mga ninuno na tagabantay noon sa pasukan ng lugar kung saan nananahan si Yahweh.
20 여호와께서 함께하신 엘르아살의 아들 비느하스가 옛적에 그 무리를 거느렸고
Si Finehas ang tagapangasiwa sa kanila noon at sinasamahan siya ni Yahweh.
21 므셀레먀의 아들 스가랴는 회막 문지기가 되었더라
Si Zacarias na anak ni Meselemias ang tagabantay sa pasukan ng Templo, ang “toldang tipanan.”
22 택함을 입어 문지기 된 자가 모두 이백 열 둘이니 이는 그 향리에서 그 보계대로 계수된 자요 다윗과 선견자 사무엘이 전에 세워서 이 직분을 맡긴 자라
May kabuuang bilang na 212 ang mga piniling tagapagbantay sa tarangkahan ng pasukan. Naitala ang kanilang mga pangalan sa talaan ng mga tao sa kanilang mga nayon. Inilagay sila nina David at propetang si Samuel sa mga tungkuling iyon dahil mapagkakatiwalaan sila.
23 저희와 그 자손이 그 반열을 좇아 여호와의 전 곧 성막문을 지켰는데
Kaya sila at ang kanilang mga anak ang nagbantay sa mga tarangkahan ng tahanan ni Yahweh, ang tabernakulo.
Itinalaga sa apat na sulok ang mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.
25 그 향리에 있는 형제들은 이레마다 와서 함께하니
Ang mga kanilang mga kapatid na nakatira sa kanilang mga nayon ay darating upang palitan sila sa loob ng pitong araw
26 이는 문지기의 두목 된 레위 사람 넷이 긴요한 직분을 맡아 하나님의 전 모든 방과 곳간을 지켰음이라
Ngunit ang apat na pinuno ng mga taga-pagbantay ng mga tarangkahan, na mga Levita, ay itinalaga upang bantayan ang mga silid at silid-imbakan sa tahanan ng Diyos.
27 저희는 하나님의 전을 맡은 직분이 있으므로 전 사면에 유하며 아침마다 문을 여는 책임이 있었더라
Magdamag silang nagbabantay sa nakatalaga nilang puwesto sa palibot ng tahanan ng Diyos, dahil tungkulin nilang bantayan ito. Binubuksan nila ito tuwing umaga.
28 그 중에 어떤 자는 섬기는데 쓰는 기명을 맡아서 그 수효대로 들여가고 수효대로 내어오며
Ilan sa kanila ang tagapangasiwa sa mga kagamitan sa templo. Binibilang nila ang mga kagamitang ito kapag dinadala ang mga ito sa loob at kapag dinadala sa labas.
29 또 어떤 자는 성소의 기구와 모든 기명과 고운 가루와 포도주와 기름과 유향과 향품을 맡았으며
Ilan din sa kanila ang itinalaga upang pangalagaan ang mga nailaan na mga bagay, mga kagamitan at ang mga kasangkapan, kabilang ang mga magagandang harina, alak, langis, insenso at ang mga natatanging mga sangkap.
30 또 제사장의 아들 중에 어떤 자는 향품으로 향기름을 만들었으며
Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahalo ng mga natatanging sangkap.
31 고라 자손 살룸의 장자 맛디댜라 하는 레위 사람은 남비에 지지는 것을 맡았으며
Si Matitias na isang Levita, na panganay ni Sallum na mula sa angkan ni Korah, ay tagapangasiwa ng paghahanda ng tinapay para sa paghahandog
32 또 그 형제 그핫 자손중에 어떤 자는 진설하는 떡을 맡아 안식일마다 준비하였더라
Ang ilan sa kanilang mga kapatid na kaapu-apuhan ni Kohat ay tagapangasiwa sa mga tinapay na handog, upang ihanda ito tuwing Araw ng Pamamahinga.
33 또 찬송하는 자가 있으니 곧 레위 족장이라 저희가 골방에 거하여 주야로 자기 직분에 골몰하므로 다른 일은 하지 아니하였더라
Nanirahan ang mga mang-aawit at pamilya ng pinuno ng mga Levita sa mga silid sa templo kapag wala silang gawain, dahil kailangan nilang gampanan ang kanilang mga naitakdang tungkulin sa araw at gabi.
34 이상은 대대로 레위의 족장이요 으뜸이라 예루살렘에 거하였더라
Ang mga ito ay pinuno ng mga pamilya na kabilang sa mga Levita, ayon sa nakatala sa talaan ng kanilang angkan. Nanirahan sila sa Jerusalem.
35 기브온의 조상 여이엘은 기브온에 거하였으니 그 아내의 이름은 마아가라
Nanirahan sa Gibeon si Jelhiel na asawa ni Maaca at ama ni Gibeon.
36 그 장자는 압돈이요 다음은 술과 기스와 바알과 넬과 나답과
Si Abdon ang kaniyang panganay na anak at ang iba pa niyang mga anak na lalaki ay sina Zur, Kish, Baal, Ner, at Nadab,
Gedor, Ahio, Zacarias at Miklot.
38 미글롯은 시므암을 낳았으니 이 무리도 그 형제로 더불어 서로 대하여 예루살렘에 거하였더라
Si Miclot ang ama ni Simeam. Nakatira rin sila malapit sa kanilang mga kapatid sa Jerusalem.
39 넬은 기스를 낳았고 기스는 사울을 낳았고 사울은 요나단과 말기수아와 아비나답과 에스바알을 낳았으며
Si Ner ang ama ni Kish na ama ni Saul. Si Saul ang ama nina Jonatan, Malquisua, Abinadab at Esbaal.
40 요나단의 아들은 므립바알이라 므립바알이 미가를 낳았고
Anak ni Jonatan si Merib-baal na ama naman ni Mica.
41 미가의 아들들은 비돈과 멜렉과 다레아와 아하스며
Ang mga lalaking anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.
42 아하스는 야라를 낳았고 야라는 알레멧과 아스마웹과 시므리를 낳았고 시므리는 모사를 낳았고
Si Ahaz ang ama ni Jara. Si Jara ang ama nina Alemet, Azmavet, at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza.
43 모사는 비느아를 낳았으며 비느아의 아들은 르바야요 그 아들은 엘르아사요 그 아들은 아셀이며
Si Moza ang ama ni Binea. Si Binea ang ama ni Refaya. Si Refaya ang ama ni Elasa. Si Elasa ang ama ni Azel.
44 아셀이 여섯 아들이 있으니 그 이름은 아스리감과 보그루와 이스마엘과 스아랴와 오바댜와 하난이라 아셀의 아들들이 이러하였더라
Ito ang anim na lalaking anak ni Azel: Sina Azrikam, Bocru, Ismael, Seraya, Obadias, at Hanan.