< 사사기 2 >

1 여호와의 사자가 길갈에서부터 보김에 이르러 가로되 `내가 너희로 애굽에서 나오게 하고 인도하여 너희 열조에게 맹세한 땅으로 이끌어 왔으며 또 내가 이르기를 내가 너희에게 세운 언약을 영원히 어기지 아니하리니
Umakyat ang anghel ni Yahweh mula sa Gilgal patungo Bochim at sinabing, “Kinuha ko kayo mula sa Ehipto, at dinala kayo sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ama. Sinabi ko na, 'hindi ko kailanman sisirain ang aking tipan sa inyo.
2 너희는 이 땅 거민과 언약을 세우지 말며 그들의 단을 헐라 하였거늘 너희가 내 목소리를 청종치 아니하였도다 그리함은 어찜이뇨?'
Hindi kayo dapat gumawa ng kasunduan sa mga naninirahan sa lupaing ito. Dapat ninyong wasakin ang kanilang mga altar.' Subalit hindi kayo nakinig sa aking tinig. Ano itong ginawa ninyo?
3 그러므로 내가 또 말하기를 `내가 그들을 너희 앞에서 쫓아내지 아니하리니 그들이 너희 옆구리에 가시가 될 것이며 그들의 신들이 너희에게 올무가 되리라' 하였노라
Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'”
4 여호와의 사자가 이스라엘 모든 자손에게 이말씀을 이르매 백성이 소리를 높여 운지라
Nang sinabi ng anghel ni Yahweh ang mga salitang ito sa lahat ng bayan ng Israel, sumigaw at nanangis ang mga tao.
5 그러므로 그곳을 이름하여 보김이라 하니라 무리가 거기서 여호와께 제사를 드렸더라
Tinawag nilang Bochim ang lugar na iyon. Doon ay naghandog sila ng mga alay kay Yahweh.
6 전에 여호수아가 백성을 보내매 이스라엘 자손이 각기 그 기업으로 가서 땅을 차지하였고
Ngayon nang pinahayo ni Josue ang mga tao sa kanilang landas, ang bayan ng Israel ay pumunta sa lugar na itinalaga, para ariin ang kanilang lupain.
7 백성이 여호수아의 사는 날 동안과 여호수아 뒤에 생존한 장로들 곧 여호와께서 이스라엘을 위하여 행하신 모든 큰 일을 본 자의 사는 날 동안에 여호아를 섬겼더라
Naglingkod kay Yahweh ang bayan sa buong buhay ni Josue at ng mga nakakatanda na namuhay nang higit na matagal kaysa sa kaniya, silang mga nakakita ng lahat na dakilang gawa ni Yahweh para sa Israel.
8 여호아의 종 눈의 아들 여호수아가 일백 십세에 죽으매
Si Josue na anak ni Nun na lingkod ni Yahweh, ay namatay sa gulang na 110 taon.
9 무리가 그의 기업의 경내 에브라임 산지 가아스산 북 딤낫 헤레스에 장사하였고
Inilibing nila si Josue sa hangganan ng lupaing nakatalaga sa kaniya sa Timnat Heres, sa bulubundukin ng Efraim, hilaga ng Bundok Gaas.
10 그 세대 사람도 다 그 열조에게로 돌아갔고 그 후에 일어난 다른 세대는 여호와를 알지 못하며 여호와께서 이스라엘을 위하여 행하신 일도 알지 못하였더라
Ang buong salinlahi ay nagtipon din sa kanilang mga ama. At ang isa pang salinlahing nagsitanda pagkatpos nilang hindi makakilala kay Yahweh o sa mga ginawa niya para sa Israel.
11 이스라엘 자손이 여호와의 목전에 악을 행하여 바알들을 섬기며
Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.
12 애굽 땅에서 그들을 인도하여 내신 그 열조의 하나님 여호와를 버리고 다른 신 곧 그 사방에 있는 백성의 신들을 좇아 그들에게 절하여 여호와를 진노하시게 하였으되
Humiwalay sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ama, na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto. Sumunod sila sa ibang diyus-diyosan, sa mga diyus-diyosan ng mga taong nasa palibot nila, at nagpatirapa sila sa kanila. Kanilang ginalit si Yahweh dahil
13 곧 그들이 여호와를 버리고 바알과 아스다롯을 섬겼으므로
humiwalay sila kay Yahweh at sumamba kay Baal at sa mga Ashtoret.
14 여호와께서 이스라엘에게 진노하사 노략하는 자의 손에 붙여 그들로 노략을 당케하시며 또 사방 모든 대적의 손에 파시매 그들이 다시는 대적을 당치 못하였으며
Nag-alab ang galit ni Yahweh sa Israel, at ibinigay sila sa mga sumalakay na nagnakaw ng kanilang mga ari-arian mula sa kanila. Sila ay kaniyang ipinagbili bilang mga aliping hawak ng lakas ng kanilang mga kaaway na nakapalibot pa sa kanila, para hindi na nila maipatanggol ang kanilang mga sarili laban sa kanilang mga kaaway.
15 그들이 어디를 가든지 여호와의 손이 그들에게 재앙을 내리시매 곧 여호와께서 말씀하신 것과 같고 여호와께서 그들에게 맹세하신 것과 같아서 그들의 괴로움이 심하였더라
Saanman magtungo ang Israel para lumaban, ang kamay ni Yahweh ay laban sa kanila para matalo sila, gaya ng kaniyang isinumpa sa kanila. At sila'y nasa matinding kapighatian.
16 여호와께서 사사를 세우사 노략하는 자의 손에서 그들을 건져내게 하셨으나
Si Yahweh ay nagtaas ng mga hukom, na nagligtas sa kanila mula sa kapangyarihan ng mga nagnanakaw ng kanilang mga ari-arian.
17 그들이 그 사사도 청종치 아니하고 돌이켜 다른 신들을 음란하듯 좇아 그들에게 절하고 여호와의 명령을 순종하던 그 열조의 행한 길을 속히 치우쳐 떠나서 그와 같이 행치 아니하였더라
Gayunma'y hindi sila nakinig sa kanilang mga hukom. Sila ay hindi tapat kay Yahweh at ibinigay ang kanilang mga sarili tulad ng mga bayarang babae sa ibang mga diyus-diyosan at sumamba sa kanila. Sa madaling panahon ay lumihis sila mula sa paraan ng pamumuhay ng kanilang mga ama—iyong mga sumunod sa mga utos ni Yahweh—pero sila mismo ay hindi ito ginawa.
18 여호와께서 그들을 위하여 사사를 세우실 때에는 그 사사와 함께 하셨고 그 사사의 사는 날 동안에는 여호와께서 그들을 대적의 손에서 구원하셨으니 이는 그들이 대적에게 압박과 괴롭게 함을 받아 슬피 부르짖으므로 여호와께서 뜻을 돌이키셨음이어늘
Nang magtaas si Yahweh ng mga hukom para sa kanila, tinulungan ni Yahweh ang mga hukom at iniligtas sila mula sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway sa buong buhay ng hukom. Dahil nahabag si Yahweh sa kanila nang dumaing sila dahil sa mga umapi at nagpahirap sa kanila.
19 그 사사가 죽은 후에는 그들이 돌이켜 그 열조보다 더욱 패괴하여 다른 신들을 좇아 섬겨 그들에게 절하고 그 행위와 패역한 길을 그치지 아니하였으므로
Pero kapag namatay ang hukom, tatalikod sila at gagawa ng mga bagay na higit na masahol kaysa sa ginawa ng kanilang mga ama. Susunod sila sa ibang mga diyus-diyosan para paglingkuran at sambahin sila. Tumanggi silang isuko ang anumang masasamang gawi nila o ang kanilang mga suwail na paraan.
20 여호와께서 이스라엘에게 진노하여 이르시되 이 백성이 내가 그 열조와 세운 언약을 어기고 나의 목소리를 청종치 아니하였은즉
Nag-alab ang galit ni Yahweh laban sa Israel; kaniyang sinabi, “Dahil sinuway ng bansang ito ang mga alituntunin ng aking tipang itinatag ko para sa kanilang mga ama—dahil hindi sila nakinig sa aking tinig—
21 나도 여호수아가 죽을 때에 남겨둔 열국을 다시는 그들의 앞에서 하나도 쫓아내지 아니하리니
mula ngayon, hindi ko na itataboy mula sa harapan nila ang alinman sa mga bansang iniwan ni Josue nang namatay siya.
22 이는 이스라엘이 그 열조의 지킨 것같이 나 여호와의 도를 지켜 행하나 아니하나 그들로 시험하려 함이라 하시니라
Gagawin ko ito para subukin ang Israel, kung susunod sila sa paraan ni Yahweh at lalakad dito o hindi, tulad ng pagsunod dito ng kanilang mga ama.”
23 그 열국을 머물러두사 속히 쫓아내지 아니하시며 여호수아의 손에 붙이지 아니하셨음이 이를 인함이었더라
Iyan ang dahilan kung bakit itinira ni Yahweh ang mga bansang iyon at hindi niya sila itinaboy agad, at kung bakit hindi niya pinayagang sakupin sila ni Josue.

< 사사기 2 >