< Wagalatia 3 >
1 Bhagalatia bhajinga, lihu leleku la uovu lalibhahalibu? Je Yesu Kristu alasibhu lepi katya msulubibwa palongolo pa mihu gha yhomo?
Mga hangal na taga-Galacia, kaninong masamang mata ang sumira sa inyo? Hindi ba inilarawan si Cristo na napako sa krus sa inyong mga mata?
2 Nene nilonda tu kumanya ele kuhomela kwa muenga. Je mwapokili Roho kwa matendo gha Sheria au ndo mwaamini kela kamwapeliki?
Gusto ko lang malaman ito mula sa inyo. Natanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan o sa pamamagitan ng paniniwala sa inyong napakinggan?
3 Ko, muenga ni bhajinga kiasi ekhe? ko mwayandili mu Roho ili mmalai mu mbhele?
Napakahangal ba ninyo? Nagsimula ba kayo sa Espiritu upang magtapos lamang sa laman?
4 Ko mwatesiki kwa mambo mingi mebhwa, katya kueli ghayele gha mebhwa?
Kayo ba ay nagdusa ng napakaraming bagay ng walang kabuluhan, kung totoong ngang ang mga ito ay walang kabuluhan?
5 Ko muene yaipisya Roho kwa muenga ni kubhomba matendo gha nghofo kwa yhomo iketa kwa matendo gha sheria au kwa kup'etela pamonga ni imani?
Kung gayon, siya ba na nagbigay ng Espiritu sa inyo at gumawa ng mga makapangyarihang gawa sa inyo ginawa niya ba ito sa pamamagitan ng paggawa sa kautusan o sa pamamagitan ng pakikinig na may pananampalataya?
6 Abraham “Amwamini K'yara ahesabibhu kujo mwenye haki”.
“Nanampalataya si Abraham sa Diyos at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.”
7 Kwa namna yela yela muyelewahi ya ndabha, bhala bhabhiamini yakuwa ni bhana bha Abraham.
Sa gayon ding paraan, unawain ito, na ang mga nananampalataya ay mga anak ni Abraham.
8 Liyandiku latabilibhu yakuwa K'yara ngabhahesabili haki bhanu bha mataifa kwa njela ya imani. Injili yahubilibhu hosi kwa Abraham:”Kwa bhebhe mataifa ghoa ghibalikibhwa”.
Noon pa man ay nakita na ng kasulatan na ipapawalang-sala ng Diyos ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang ebangelyo noon pa man ay ipinahayag na kay Abraham: “Dahil sa iyo ang lahat ng bansa ay pagpapalain.”
9 Ili kabhele bhabhayele niimani bhabalikibhuayi pamonga ni Abraham, yaayele ni imani.
Kaya nga, ang mga may pananampalataya ay pinagpala kasama ni Abraham, sila na may pananampalataya.
10 Bhala bhoa bhabhitegemela matendo gha sheria bhayele pasi mu laana. Kwa ndabha iyandikibhu, “Alanibhu kila munu yaishikamanahee ni mambo ghoa ghaghayandikibhu mukitabu ka sheria, kughabhomba ghoa.”
Sila na umasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang hindi sumusunod sa lahat ng nakasulat sa kautusan, upang gawin ang lahat ng ito.”
11 Henu ndo bhuasi yakuwa K'yara akamwesabilahee haki hata immonga musheria, kwa ndabha, “Yaayele ni haki alaishi ki imani”
Ngayon malinaw na walang sinuman ang pinapawalang-sala ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”
12 Sheria yihomelahe ni imani, Badala yaki “Yaifwanyai mambo agha kup'etela sheria, alaishi kisheria”.
Ang kautusan ay hindi galing sa pananampalataya, sa halip, “Ang mga gumagawa sa mga bagay na ito na nasa kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga kautusan.”
13 istu atukombhuili tete kuhomela mu laana ya sheria yapayafwanyikai laana kwajia yhoto. Kwa ndabha iyandikibhu, “Alanibhuayi” kila munu yaibinai munani mulibehe.”
Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan noong siya ay naging sumpa para sa atin. Sapagkat nasusulat, “Sinumpa ang sinumang ibinitin sa isang puno.”
14 Lilengo layele ya ndabha, baraka ambasyo sasa yele kwa Ibrahimu ngasaidai kwa bhanu bhamataifa kup'etela Yesu Kristu, yakuwa tubhwesyai kuyhopa ahadi ya Roho kup'etela imani.
Ang layunin ay upang ang pagpapala na nakay Abraham ay dumating sa mga Gentil dahil kay Cristo Jesus, upang sa ganoon ay matanggap natin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
15 Ndongo, nikabhajobhela na kibinadamu. Kabhele magono ambapo agano la kibinadamu palimalikai kubhekibhwa imara, ayelepi yaibhwesyai kupuuza au kuyongesela.
Mga kapatid, magsasalita ako ayon sa pang-taong mga salita. Maging ang pang-taong kasunduan na napagtibay na ay walang makapagpapawalang-bisa nito o makapagdagdag nito.
16 Henu ahadi sajobhibhu kwa Ibrahimu ni kizazikya muene. Yijobhahee, “Kwa vizazi,” kumaanisya bhingi, badala yaki kwa mmonga yumuene, “Kwa kizazi kyako,” ambaye ndo Kristu.
Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, “Sa mga kaapu-apuhan,” na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. “Sa iyong kaapu-apuhan,” na si Cristo.
17 Henu nijobha nah, sheria ya yahidili miaka 430 badaye, yibhosya lepi agano la kunyuma lalibheki bhusima ni K'yara.
At ngayon sinasabi ko ito. Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng 430 na taon, ay hindi pinawalang-bisa ang kasunduan na noon ay pinagtibay ng Diyos.
18 Yandabha kujo ulisi ngawahidili ki njela ya sheria, ngaiyelepi kabhele kuhida kwa njela ya ahadi. Ndabha K'yara apisili mebhwa kwa Ibrahimu kwa njela ya ahadi.
Sapagkat kung ang pamana ay dumating sa pamamagitan ng kautusan, hindi sana ito dumating sa pamamagitan ng pangako. Ngunit malaya itong ibinigay ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
19 Kwandayakiki henu sheria yapisibhu? Yayongisibhu ndabha ya makosa, mpaka mzao wa Ibrahimu ulota kwa bhala ambabho kwa bhene amalili kuhaidibhwa. Sheria yabhekibhu ki shinikizo kup'etela malaika kwa kibhoko Kya kupatanisya.
Kung ganoon, bakit ibinigay ang kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa dumating ang kaapu-apuhan ni Abraham sa mga taong pinangakuan. Ang kautusan ay ipinatupad sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng tagapamagitan.
20 Henu mpatanishi imaanisya zaidi ya munu mmonga, ndo K'yara yumuene.
Ngayon ipinapahiwatig ng tagapamagitan na may higit sa isang tao, subalit ang Diyos ay iisa lamang.
21 Kwa ele ko sheria iyele kinyume ni ahadi sa K'yara? La hasha! kwa ndabha sheria yaiyele ipisibhu iyele ni ubhueso wa kuleta usima, haki ngaipatikene kwa sheria.
Kung gayon ang kautusan ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Sapagkat kung ang kautusan ay ibinigay at may kakayahang magbigay ng buhay, tiyak na ang katuwiran ay dumating sa pamamagitan ng kautusan.
22 Badala yaki, liyandiku lifungili mambo ghoa pasi mu thambi. K'yara aketili naa ili ya ndabha ahadi ya muene ya kutookola tete kwa imani kup'etela Yesu Kristu lbhuesyai kupatikana kwa bhala bhabhiamini.
Ngunit sa halip, ibinilanggo ng kasulatan ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang kaniyang pangako na iligtas tayo sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo ay maibigay sa kanila na sumampalataya.
23 Kabula ya imani ya Kristu kuhida, twayele tufungibhu ni kuya pasi pa sheria hadi pawihidai ufunuo was imani.
Subalit bago ang dumating ang pananampalataya kay Cristo, ibinilanggo tayo at ikinulong ng kautusan hanggang sa kapahayagan ng pananampalataya.
24 Kwa ele sheria yafwanyiki kwa kiongozi wa yhoto hadi Kristu pahaaidayi, ndabha tuhesabibhuayi mu haki ni mwimani.
Kaya ang kautusan ay naging taga-gabay natin hanggang si Cristo ay dumating, upang tayo ay mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.
25 Henu yandabha imani ihidili, tuyelepi kabhele pasi pabha angalizi.
Ngayon na dumating na ang pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng taga-gabay.
26 Kwa ndabha muenga mwabhoa ndo bhana bha K'yara kup'etela imani ni Kristu Yesu.
Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
27 Mwabhoa bhambatizibhu kup'etela Kristu mmjifwekili Kristu.
Lahat kayo na nabautismuhan kay Cristo, isinuot ninyo ang buhay ni Cristo na parang damit.
28 Ayelepi Myaudi wala Myunani, n'tumwa wala huru, bhagosi wala bhadala, kwandabha muenga mwabhoa n'do bhamonga kup'etela Kristu Yesu.
Walang Judio o Griego, alipin o malaya, lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.
29 Kama muenga ndo bha Kristu, basi ndo uzao wa Ibrahimu, bharithi mu jibu wa ahadi.
Kung kayo ay kay Cristo, kayo rin ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, tagapagmana ayon sa pangako.