< 詩篇 48 >

1 コラの子のうたなり讃美なり ヱホバは大なり われらの神の都そのきよき山のうへにて甚くほめたたへられたまふべし
Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin, sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang banal na bundok.
2 シオンの山はきたの端たかくしてうるはしく喜悦を地にあまねくあたふ ここは大なる王のみやこなり
Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong lupa, siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan, na bayan ng dakilang Hari.
3 そのもろもろの殿のうちに神はおのれをたかき櫓としてあらはしたまへり
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
4 みよ王等はつどひあつまりて偕にすぎゆきぬ
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong, sila'y nagsidaang magkakasama.
5 かれらは都をみてあやしみ且おそれて忽ちのがれされり
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga (sila) sila'y nanganglupaypay, sila'y nangagmadaling tumakas.
6 戦慄はかれらにのぞみ その苦痛は子をうまんとする婦のごとし
Panginginig ay humawak sa kanila roon; sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
7 なんぢは東風をおこしてタルシシの舟をやぶりたまふ
Sa pamamagitan ng hanging silanganan iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
8 曩にわれらが聞しごとく今われらは萬車のヱホバの都われらの神のみやこにて之をみることをえたり 神はこの都をとこしへまで固くしたまはん (セラ)
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita sa bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios: itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
9 神よ我らはなんぢの宮のうちにて仁慈をおもへり
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios, sa gitna ng iyong templo.
10 神よなんぢの譽はその名のごとく地の極にまでおよべり なんぢの右手はただしきにて充り
Kung ano ang iyong pangalan, Oh Dios, gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa; ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 なんぢのもろもろの審判によりてシオンの山はよろこびユダの女輩はたのしむべし
Matuwa ka bundok ng Sion, magalak ang mga anak na babae ng Juda, dahil sa iyong mga kahatulan.
Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya: inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 シオンの周圍をありき徧くめぐりてその櫓をかぞへよ その石垣に目をとめよ そのもろもろの殿をみよ なんぢらこれを後代にかたりつたへんが爲なり
Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta, inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari; upang inyong maisaysay ito sa susunod na lahi.
14 そはこの神はいや遠長にわれらの神にましましてわれらを死るまでみちびきたまはん
Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man: siya'y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.

< 詩篇 48 >