< ヨブ 記 36 >

1 エリフまた言詞を繼て曰く
Si Eliu rin naman ay nagpatuloy at nagsabi,
2 暫らく我に容せ我なんぢに示すこと有ん 尚神のために言ふべき事あればなり
Pagdalitaan mo akong sandali, at aking ipakikilala sa iyo; sapagka't mayroon pa akong masasalita sa pagsasanggalang sa Dios.
3 われ廣くわが知識を取り我の造化主に正義を歸せんとす
Dadalhin ko ang aking kaalaman mula sa malayo, at aking itutungkol ang katuwiran sa Maylalang sa akin.
4 わが言語は眞實に虚僞ならず 知識の完全き者なんぢの前にあり
Sapagka't tunay na ang aking mga salita ay hindi kabulaanan: Siyang sakdal sa kaalaman ay sumasaiyo.
5 視よ神は權能ある者にましませども何をも藐視めたまはず その了知の能力は大なり
Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; siya'y makapangyarihan sa lakas ng unawa.
6 惡しき者を生し存ず 艱難者のために審判を行ひたまふ
Hindi niya pinanatili ang buhay ng masama: nguni't nagbibigay ng matuwid sa napipighati.
7 義しき者に目を離さず 位にある王等とともに永遠に坐せしめて之を貴くしたまふ
Hindi niya inihihiwalay ang kaniyang mga mata sa matuwid: kundi kasama ng mga hari sa luklukan, kaniyang itinatatag sila magpakailan man, at sila'y natataas.
8 もし彼ら鏈索に繋がれ 艱難の繩にかかる時は
At kung sila'y mapapangaw, at mapipigil sa mga panali ng kapighatian;
9 彼らの所行と愆尤とを示してその驕れるを知せ
Itinuturo nga niya sa kanila ang kanilang gawa, at ang kanilang mga pagsalangsang na kanilang pinalalo.
10 彼らの耳を開きて教を容れしめ かつ惡を離れて歸れよと彼らに命じたまふ
Ibinubuka rin naman niya ang kanilang pakinig sa turo, at iniuutos na sila'y magsihiwalay sa kasamaan.
11 もし彼ら聽したがひて之に事へなば繁昌てその日を送り 樂しくその年を渉らん
Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan.
12 若かれら聽したがはずば刀劍にて亡び 知識を得ずして死なん
Nguni't kung hindi sila mangakinig, sila'y mangamamatay sa pamamagitan ng tabak, at sila'y mangamamatay na walang kaalaman.
13 しかれども心の邪曲なる者等は忿怒を蓄はへ 神に縛しめらるるとも祈ることを爲ず
Nguni't ang di banal sa puso ay nagbubunton ng galit: hindi humihiyaw sila ng saklolo pagka tinatalian niya sila.
14 かれらは年わかくして死亡せ 男娼とその生命をひとしうせん
Sila'y nangamamatay sa kabataan, at ang kanilang buhay ay napapahamak sa gitna ng marumi.
15 神は艱難者を艱難によりて救ひ 之が耳を虐遇によりて開きたまふ
Inililigtas niya ang mga dukha sa kanilang pagkapighati, at ibinubuka ang kanilang mga pakinig sa pagkapighati.
16 然ば神また汝を狹きところより出して狹からぬ廣き所に移したまふあらん 而して汝の席に陳ぬる物は凡て肥たる物ならん
Oo, hahanguin ka niya mula sa kagipitan, hanggang sa luwal na dako na walang kagipitan; at ang malalagay sa iyong dulang ay mapupuno ng katabaan.
17 今は惡人の鞫罰なんぢの身に充り 審判と公義となんぢを執ふ
Nguni't ikaw ay puspos ng kahatulan ng masama: kahatulan at kaganapan ang humahawak sa iyo.
18 なんぢ忿怒に誘はれて嘲笑に陷いらざるやう愼しめよ 收贖の大なるが爲に自ら誤るなかれ
Sapagka't may poot, magingat ka baka ikaw ay iligaw ng iyong kasiyahan; ni mailigaw ka man ng kalakhan ng katubusan.
19 なんぢの號叫なんぢを艱難の中より出さんや 如何に力を盡すとも所益あらじ
Mapapaari ba ang iyong sigaw na ikaw ay hindi mapapasa kapanglawan, O ang madlang lakas man ng iyong kalakasan?
20 世の人のその處より絶る其夜を慕ふなかれ
Huwag mong nasain ang gabi, pagka ang mga bayan ay nangahiwalay sa kanilang kinaroroonang dako.
21 愼しみて惡に傾くなかれ 汝は艱難よりも寧ろ之を取んとせり
Ikaw ay magingat, huwag mong lingunin ang kasamaan; sapagka't ito'y iyong pinili sa halip ng kadalamhatian.
22 それ神はその權能をもて大いなる事を爲したまふ 誰か能く彼のごとくに教晦を埀んや
Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya?
23 たれか彼のためにその道を定めし者あらんや 誰かなんぢは惡き事をなせりと言ふことを得ん
Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?
24 なんぢ神の御所爲を讚歎ふることを忘れざれ これ世の人の歌ひ崇むる所なり
Alalahanin mo na iyong dinakila ang kaniyang gawa, na inawit ng mga tao.
25 人みな之を仰ぎ觀る 遠き方より人これを視たてまつるなり
Lahat ng mga tao'y nakakita noon; makikita ito ng tao sa malayo.
26 神は大なる者にいまして我儕かれを知たてまつらず その御年の數は計り知るべからず
Narito, ang Dios ay dakila, at hindi natin nakikilala siya; hindi masayod ang bilang ng kaniyang mga taon.
27 かれ水を細にして引あげたまへば霧の中に滴り出て雨となるに
Sapagka't pinailanglang niya ang mga patak ng tubig, na nagiging ulan mula sa singaw na yaon:
28 雲これを降せて人々の上に沛然に灌ぐなり
Na ibinubuhos ng mga langit at ipinapatak na sagana sa tao.
29 たれか能く雲の舒展る所以またその幕屋の響く所以を了知んや
Oo, may makakaunawa ba ng paglaganap ng mga alapaap, ng mga kulog ng kaniyang kulandong?
30 視よ彼その光明を自己の周圍に繞らし また海の底をも蔽ひたまひ
Narito, pinalalaganap niya ang kaniyang liwanag sa palibot niya; at inaapawan ang kalaliman ng dagat.
31 これらをもて民を鞫きまた是等をもて食物を豐饒に賜ひ
Sapagka't sa pamamagitan ng mga ito ay hinahatulan niya ang mga bayan; siya'y nagbibigay ng pagkaing sagana.
32 電光をもてその兩手を包みその電光に命じて敵を撃しめたまふ
Tinatakpan niya ang kaniyang mga kamay ng kidlat; at ibinilin sa kidlat na tumama sa pinakatanda.
33 その鳴聲かれを顯はし 家畜すらも彼の來ますを知らすなり
Ang hugong niyaon ay nagsasaysay ng tungkol sa kaniya, ang hayop nama'y ng tungkol sa bagyo na dumarating.

< ヨブ 記 36 >