< イザヤ書 5 >
1 われわが愛する者のために歌をつくり 我があいするものの葡萄園のことをうたはん わが愛するものは土肥たる山にひとつの葡萄園をもてり
Hayaan mong umawit ako para sa aking pinakamamahal, isang awit ng aking pinakamamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay nagkaroon ng ubasan sa isang napakatabang lupain sa burol.
2 彼その園をすきかへし石をのぞきて嘉ぶだうをうゑ そのなかに望樓をたて酒榨をほりて嘉葡萄のむすぶを望みまてり 然るに結びたるものは野葡萄なりき
Hinukay niya ito at inalis ang mga bato, at tinaniman ito ng pinakamasasarap na ubas. Nagtayo siya ng isang tore sa gitna nito, at nagtayo rin siya ng isang pigaan ng ubas. Umasa siyang mamumunga ito ng matatamis na ubas, pero namunga ito ng maaasim.
3 さればヱルサレムに住るものとユダの人よ 請なんぢら我とわがぶだうぞのとの間をさばけ
Kaya ngayon, mga naninirahan sa Jerusalem at mga mamamayan sa Juda, kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
4 わが葡萄園にわれの作たるほか何のなすべき事ありや 我はよきぶだうの結ぶをのぞみまちしに 何なれば野葡萄をむすびしや
Ano pa ang maaari kong gawin na hindi ko nagawa para sa aking ubasan? Nang inasahan kong mamunga ito ng matatamis na ubas, bakit namunga ito ng maaasim?
5 然ばわれわが葡萄園になさんとすることを汝等につげん 我はぶだうぞのの籬芭をとりさりてその食あらさるるにまかせ その垣をこぼちてその踐あらさるるにまかせん
Ngayon, ipaaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan; puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito; gagawin ko itong isang pastulan; wawasakin ko ang pader nito, at tatapak-tapakan ito.
6 我これを荒してふたたび剪ことをせず耕すことをせず棘と荊とをはえいでしめん また雲に命せてそのうヘに雨ふることなからしめん
Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
7 それ萬軍のヱホバの葡萄園はイスラエルの家なり その喜びたまふところの植物はユダの人なり これに公平をのぞみたまひしに反りて血をながし これに正義をのぞみ給ひしにかへりて號呼あり
Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
8 禍ひなるかな彼らは家に家をたてつらね田圃に田圃をましくはへて餘地をあまさず己ひとり國のうちに住んとす
Kaawa-awa ang mga kumakamkam sa mga bahay-bahay, kumakamkam sa mga bukirin, hanggang wala ng natira para sa iba, at kayo na lang ang nakatira sa lupain!
9 萬軍のヱホバ我耳につげて宣はく 實におほくの家はあれすたれ大にして美しき家は人のすむことなきにいたらん
Sinabi sa akin ni Yahweh ng mga hukbo, maraming bahay ang mawawalan ng mga taong nakatira, kahit pa ang mga malalaki at magagandang bahay, ay walang nakatira.
10 十段のぶだうぞの僅かに一バテをみのり一ホメルの穀種はわづかに一エパを實るべし
Dahil ang sampung ektaryang ubasan ay makapagbibigay lamang ng isang banyerang alak, at ang isang homer ng binhi ay makapagbibigay lamang ng isang epa.
11 禍ひなるかなかれらは朝つとにおきて濃酒をおひもとめ 夜のふくるまで止まりてのみ 酒にその身をやかるるなり
Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
12 かれらの酒宴には琴あり瑟あり鼓あり笛あり葡萄酒あり されどヱホバの作爲をかへりみずその手のなしたまふところに目をとめず
Nagsasalo-salo sila ng may alpa, lira, tamburin, plauta, at alak, pero hindi nila kinikilala ang gawa ni Yahweh, ni iniisip ang mga ginawa ng kaniyang mga kamay.
13 斯るが故にわが民は無知にして虜にせられ その貴顯者はうゑ そのもろもろの民は渇によりて疲れはてん
Kaya nga, ang bayan ko ay binihag dahil sa kakulangan ng pang-unawa; nagutom ang kanilang mga pinuno, at walang mainom ang kanilang mga tao.
14 また陰府はその欲望をひろくしその度られざる口をはる かれらの榮華かれらの群衆かれらの饒富および喜びたのしめる入みなその中におつべし (Sheol )
Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol. (Sheol )
15 賤しき者はかがめられ 貴きものは卑くせられ 目をあげて高ぶる者はひくくせらるべし
Ang tao ay ibinagsak, ang dakila ay ibinaba, at ang mga mata ng mayayabang ay inilugmok.
16 されど萬軍のヱホバは公平によりてあがめられ 聖なる神は正義によりて聖とせられ給ふべし
Si Yahweh ng mga hukbo ay itinaas dahil sa kaniyang katarungan, at ang Diyos, ang Banal ay ipinakita ang kaniyang kabanalan sa pamamagitan ng kaniyang katuwiran.
17 而して小羊おのが牧場にあるごとくに草をはみ 豐かなるものの田はあれて旅客にくらはれん
Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
18 禍ひなるかな彼等はいつはりを繩となして惡をひき 索にて車をひくごとく罪をひけり
Kaawa-awa sila na hinahatak ang kasamaan gamit ang tali ng kawalan at kinakaladkad ang kasalanan ng lubid ng kariton;
19 かれらは云 その成んとする事をいそぎて速かになせ 我儕これを見ん イスラエルの聖者のさだむることを逼來らせよ われらこれを知んと
sila na nagsasabi, “Hayaan nating magmadali ang Diyos, hayaan natin siyang kumilos agad, para makita natin na mangyayari ito; at hayaan natin na ang mga plano ng Banal ng Israel ay mabuo at dumating, para makilala natin sila!”
20 禍ひなるかな かれらは惡をよびて善とし善をよびて惡とし暗をもて光とし光をもて暗とし苦をもて甘とし甘をもて苦とする者なり
Kaawa-awa silang nagsasabing mabuti ang kasamaan, at masama ang kabutihan; silang nagsasabing liwanag ang kadiliman, at kadiliman ang liwanag; silang nagsasabing matamis ang mapait, at mapait ang matamis!
21 わざはひなる哉 かれらは己をみて智しとし自らかへりみて聰とする者なり
Kaawa-awa silang matalino sa sarili nilang mga mata, at marunong sa sarili nilang pang-unawa!
22 禍ひなるかな かれらは葡萄酒をのむに丈夫なり 濃酒を和するに勇者なり
Kaawa-awa silang mga pasimuno sa pag-inom ng alak, at dalubhasa sa paghahalo-halo ng matatapang na alak;
23 かれらは賄賂によりて惡きものを義となし義人よりその義をうばふ
silang nagpapawalang-sala sa masasama kapalit ng kabayaran, at nag-aalis ng karapatan ng mga inosente!
24 此によりて火舌の刈株をくらふがごとくまた枯草の火焔のなかにおつるがごとくその根はくちはてその花は塵のごとくに飛さらん かれらは萬軍のヱホバの律法をすててイスラエルの聖者のことばを蔑したればなり
Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.
25 この故にヱホバその民にむかひて怒をはなち手をのべてかれらを撃たまヘり 山はふるひうごきかれらの屍は衢のなかにて糞土のごとくなれり 然はあれどヱホバの怒やまずして尚その手を伸したまふ
Kaya nga, ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, at inabot niya sila ng kaniyang kamay at pinarusahan; nanginig ang mga bundok, at ang kanilang mga bangkay ay naging tulad ng basura sa mga lansangan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi napawi ang kaniyang galit, kaya ang kaniyang kamay ay nakataas pa rin para handang humampas muli.
26 かくて旗をたててとほき國々をまねき彼等をよびて地の極より來らしめたまはん 視よかれら趨りて速かにきたるべし
Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
27 その中には疲れたふるるものなく眠りまたは寢るものなし その腰の帯はとけずその履の紐はきれず
Walang mapapagod o matitisod sa kanila, walang iidlip ni matutulog; walang matatanggalan ng sinturon, ni masisiraan ng sandalyas;
28 その矢は鋭その弓はことごとく張りその馬のひづめは石のごとくその車の輪は疾風のごとしと稱へられん
matalim ang kanilang mga palaso at nakaumang na ang lahat ng kanilang mga pana; ang paa ng kanilang mga kabayo ay tulad ng bato, at ang mga gulong ng kanilang karwahe ay tulad ng mga bagyo.
29 その嘷ること獅のごとく また小獅のごとく嘷うなりつつ獲物をつかみて掠去れども之をすくふ者なし
Ang kanilang atungal ay magiging tulad sa isang leon; aatungal sila tulad ng mga batang leon. Aatungal sila at susunggaban ang biktima at kakaladkarin ng walang sinuman ang tutulong.
30 その日かれらが嘯響めくこと海のなりどよめくがごとしもし地をのぞまば暗と難とありて光は黒雲のなかにくらくなりたるを見ん
Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.