< 伝道者の書 1 >

1 ダビデの子 ヱルサレムの王 傅道者の言
Ito ang mga salita ng Mangangaral, ang anak ni David at hari sa Jerusalem.
2 傅道者言く 空の空 空の空なる哉 都て空なり
Sabi ng Manganagaral. “Tulad ng isang singaw ng ambon, tulad ng isang simoy sa hangin, lahat ay maglalaho, mag-iiwan ng maraming katanungan.
3 日の下に人の労して爲ところの諸の動作はその身に何の益かあらん
Anong mapapala ng sangkatauhan mula sa lahat ng gawain na kanilang pinaghirapan sa ilalim ng araw?
4 世は去り世は來る 地は永久に長存なり
Isang angkan ang lumilipas, at isa namang angkan ang dumarating, ngunit mananatili ang daigdig magpakailanman.
5 日は出で日は入り またその出し處に喘ぎゆくなり
Sumisikat ang araw at lumulubog ito at nagmamadaling babalik sa lugar kung saan muli itong sisikat.
6 風は南に行き又轉りて北にむかひ 旋轉に旋りて行き 風復その旋轉る處にかへる。
Umiihip ang hangin sa timog at magpapaikot-ikot hanggang sa hilaga, laging lilibot sa ganitong landas at magpapabalik-balik muli.
7 河はみな海に流れ入る 海は盈ること無し 河はその出きたれる處に復還りゆくなり
Umaagos patungo sa dagat ang lahat ng mga ilog, ngunit ang dagat ay di mapupuno. Kung saan patungo ang ilog, doon muli ito tutungo.
8 萬の物は労苦す 人これを言つくすことあたはず 目は見に飽ことなく耳は聞に充ること無し
Ang lahat ay nakakapagod, at wala ni isa man makapagpapaliwanag nito. Ang mata ay walang kasiyahan sa nakikita nito, ni tainga man ay napupuno ng naririnig nito.
9 曩に有りし者はまた後にあるべし 曩に成し事はまた後に成べし 日の下には新しき者あらざるなり
Anuman ang nangyari ay siya rin ang mangyayari, at anuman ang nagawa ay siyang magagawa. Walang bago sa ilalim ng araw.
10 見よ是は新しき者なりと指て言べき物あるや 其は我等の前にありし世々に既に久しくありたる者なり
Mayroon bang anumang bagay na maaaring masabi, 'Masdan mo, ito ay bago'? Anuman ang nangyayari ay nangyari na sa matagal na panahon, noong mga panahong nauna pa sa atin.
11 己前のものの事はこれを記憶ることなし 以後のものの事もまた後に出る者これをおぼゆることあらじ
Tila wala ni isa man ang nakakaalala sa mga bagay na naganap sa sinaunang panahon. At ang mga bagay na nangyari sa nauna pang panahon at ang mangyayari sa hinaharap ay malamang na hindi rin maaalala.”
12 われ傅道者はヱルサレムにありてイスラエルの王たりき
Ako ang Mangangaral, at ako ay naging hari ng buong Israel sa Jerusalem.
13 我心を盡し智慧をもちひて天が下に行はるる諸の事を尋ねかつ考覈たり此苦しき事件は神が世の人にさづけて之に身を労せしめたまふ者なり
Inilaan ko ang aking pag-iisip sa pag-aaral at pagsisiyasat gamit ang karunungan sa lahat ng ginawa sa ilalim ng kalangitan. Ang pagsisiyasat na iyon ay isang mabigat na gawain na ibinigay ng Diyos sa mga anak ng tao upang pagka-abalahan.
14 我日の下に作ところの諸の行爲を見たり 嗚呼皆空にして風を捕ふるがごとし
Nakita ko ang lahat ng gawaing ginanap sa ilalim ng araw, at masdan, lahat ng mga ito ay magiging singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
15 曲れる者は直からしむるあたはす欠たる者は散をあはするあたはず
Ang baluktot ay hindi na maitutuwid. Ang nawala ay hindi na mabibilang.
16 我心の中に語りて言ふ 嗚呼我は大なる者となれり 我より先にヱルサレムにをりしすべての者よりも我は多くの智慧を得たり 我心は智慧と知識を多く得たり
Sinabi ko sa aking puso, “Masdan, ang nakamit kong karunungan ay higit kaysa mga nauna sa akin sa Jerusalem. Nakita ng aking isip ang malawak na karunungan at kaalaman.
17 我心を盡して智慧を知んとし狂妄と愚癡を知んとしたりしが 是も亦風を捕ふるがごとくなるを暁れり
Kaya inilagay ko sa aking puso na matutunan ang karunungan at maging kabaliwan at kahangalan din. Naintindihan ko rin na ito ay isang pagtangkang habulin ang hangin.
18 夫智慧多ければ憤激多し 知識を増す者は憂患を増す
Dahil sa kasaganaan ng karunungan ay maraming kabiguan, at siya na nagdaragdag nang kaalaman ay nagdaragdag nang kalungkutan.

< 伝道者の書 1 >