< 詩篇 78 >

1 アサフのマスキールの歌 わが民よ、わが教を聞き、わが口の言葉に耳を傾けよ。
Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan: ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 わたしは口を開いて、たとえを語り、いにしえからの、なぞを語ろう。
Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga; ako'y magsasalita ng mga malabong sabi ng una:
3 これはわれらがさきに聞いて知ったこと、またわれらの先祖たちがわれらに語り伝えたことである。
Na aming narinig at naalaman, at isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 われらはこれを子孫に隠さず、主の光栄あるみわざと、その力と、主のなされたくすしきみわざとをきたるべき代に告げるであろう。
Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak, na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon, at ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 主はあかしをヤコブのうちにたて、おきてをイスラエルのうちに定めて、その子孫に教うべきことをわれらの先祖たちに命じられた。
Sapagka't siya'y nagtatag ng patotoo sa Jacob, at nagtakda ng kautusan sa Israel, na kaniyang iniutos sa aming mga magulang, na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 これは次の代に生れる子孫がこれを知り、みずから起って、そのまた子孫にこれを伝え、
Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak; na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 彼らをして神に望みをおき、神のみわざを忘れず、その戒めを守らせるためである。
Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios, at huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios, Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 またその先祖たちのようにかたくなで、そむく者のやからとなり、その心が定まりなく、その魂が神に忠実でないやからとならないためである。
At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang, may matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi; isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso, at ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 エフライムの人々は武装し、弓を携えたが、戦いの日に引き返した。
Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog, at nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 彼らは神の契約を守らず、そのおきてにしたがって歩むことを拒み、
Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios, at nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 神がなされた事と、彼らに示されたくすしきみわざとを忘れた。
At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 神はエジプトの地と、ゾアンの野でくすしきみわざを彼らの先祖たちの前に行われた。
Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya sa paningin ng kanilang mga magulang, sa lupain ng Egipto, sa parang ng Zoan.
13 神は海を分けて彼らを通らせ、水を立たせて山のようにされた。
Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya (sila) at kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 昼は雲をもって彼らを導き、夜は、よもすがら火の光をもって彼らを導かれた。
Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan (sila) sa pamamagitan ng isang ulap, at buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 神は荒野で岩を裂き、淵から飲むように豊かに彼らに飲ませ、
Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang, at pinainom niya (sila) ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 また岩から流れを引いて、川のように水を流れさせられた。
Nagpabukal naman siya mula sa bato. At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 ところが彼らはなお神にむかって罪をかさね、荒野でいと高き者にそむき、
Gayon ma'y nagkasala uli (sila) laban sa kaniya, upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 おのが欲のために食物を求めて、その心のうちに神を試みた。
At kanilang tinukso ang Dios sa kanilang puso, sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 また彼らは神に逆らって言った、「神は荒野に宴を設けることができるだろうか。
Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios; kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 見よ、神が岩を打たれると、水はほとばしりいで、流れがあふれた。神はまたパンを与えることができるだろうか。民のために肉を備えることができるだろうか」と。
Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak, at mga bukal ay nagsisiapaw; makapagbibigay ba siya ng tinapay naman? Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 それゆえ、主は聞いて憤られた。火はヤコブにむかって燃えあがり、怒りはイスラエルにむかって立ちのぼった。
Kaya't narinig ng Panginoon, at napoot: at isang apoy ay nagalab laban sa Jacob, at galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 これは彼らが神を信ぜず、その救の力を信用しなかったからである。
Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios, at hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 しかし神は上なる大空に命じて天の戸を開き、
Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas, at binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 彼らの上にマナを降らせて食べさせ、天の穀物を彼らに与えられた。
At pinaulanan niya (sila) ng mana upang makain. At binigyan (sila) ng trigo ng langit.
25 人は天使のパンを食べた。神は彼らに食物をおくって飽き足らせられた。
Kumain ang tao ng tinapay ng makapangyarihan: pinadalhan niya (sila) ng pagkain hanggang sa nangabusog.
26 神は天に東風を吹かせ、み力をもって南風を導かれた。
Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit: at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 神は彼らの上に肉をちりのように降らせ、翼ある鳥を海の砂のように降らせて、
Pinaulanan naman niya (sila) ng karne na parang alabok, at ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 その宿営のなか、そのすまいのまわりに落された。
At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento, sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 こうして彼らは食べて、飽き足ることができた。神が彼らにその望んだものを与えられたからである。
Sa gayo'y nagsikain (sila) at nangabusog na mabuti; at ibinigay niya sa kanila ang kanilang pita.
30 ところが彼らがまだその欲を離れず、食物がなお口の中にあるうちに、
Hindi (sila) nagsihiwalay sa kanilang pita, ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 神の怒りが彼らにむかって立ちのぼり、彼らのうちの最も強い者を殺し、イスラエルのうちのえり抜きの者を打ち倒された。
Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 すべてこれらの事があったにもかかわらず、彼らはなお罪を犯し、そのくすしきみわざを信じなかった。
Sa lahat ng ito ay nangagkasala pa (sila) at hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 それゆえ神は彼らの日を息のように消えさせ、彼らの年を恐れをもって過ごさせられた。
Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa walang kabuluhan, at ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 神が彼らを殺されたとき、彼らは神をたずね、悔いて神を熱心に求めた。
Nang kaniyang patayin (sila) sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 こうして彼らは、神は彼らの岩、いと高き神は彼らのあがないぬしであることを思い出した。
At kanilang naalaala na ang Dios ay kanilang malaking bato, at ang Kataastaasang Dios ay kanilang manunubos.
36 しかし彼らはその口をもって神にへつらい、その舌をもって神に偽りを言った。
Nguni't tinutuya nila siya ng kanilang bibig, at pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 彼らの心は神にむかって堅実でなく、神の契約に真実でなかった。
Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya, ni tapat man (sila) sa kaniyang tipan.
38 しかし神はあわれみに富まれるので、彼らの不義をゆるして滅ぼさず、しばしばその怒りをおさえて、その憤りをことごとくふり起されなかった。
Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi (sila) nilipol: Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit, at hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 また神は、彼らがただ肉であって、過ぎ去れば再び帰りこぬ風であることを思い出された。
At naalaala niyang sila'y laman lamang; hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 幾たび彼らは野で神にそむき、荒野で神を悲しませたことであろうか。
Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang, at pinapanglaw nila siya sa ilang!
41 彼らはかさねがさね神を試み、イスラエルの聖者を怒らせた。
At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios, at minungkahi ang Banal ng Israel.
42 彼らは神の力をも、神が彼らをあだからあがなわれた日をも思い出さなかった。
Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay, ni ang araw man nang kaniyang tubusin (sila) sa kaaway.
43 神はエジプトでもろもろのしるしをおこない、ゾアンの野でもろもろの奇跡をおこない、
Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto, at ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 彼らの川を血に変らせて、その流れを飲むことができないようにされた。
At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog, at ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi (sila) makainom.
45 神ははえの群れを彼らのうちに送って彼らを食わせ、かえるを送って彼らを滅ぼされた。
Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila; at mga palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 また神は彼らの作物を青虫にわたし、彼らの勤労の実をいなごにわたされた。
Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong, at ang kanilang pakinabang sa balang.
47 神はひょうをもって彼らのぶどうの木を枯らし、霜をもって彼らのいちじく桑の木を枯らされた。
Sinira niya ang kanilang ubasan ng granizo, at ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 神は彼らの家畜をひょうにわたし、彼らの群れを燃えるいなずまにわたされた。
Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo, at sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 神は彼らの上に激しい怒りと、憤りと、恨みと、悩みと、滅ぼす天使の群れとを放たれた。
Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit, poot at galit, at kabagabagan, pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 神はその怒りのために道を設け、彼らの魂を死から免れさせず、そのいのちを疫病にわたされた。
Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit; hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan, kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 神はエジプトですべてのういごを撃ち、ハムの天幕で彼らの力の初めの子を撃たれた。
At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto, ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni Cham:
52 こうして神はおのれの民を羊のように引き出し、彼らを荒野で羊の群れのように導き、
Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na parang mga tupa, at pinatnubayan (sila) sa ilang na parang kawan.
53 彼らを安らかに導かれたので彼らは恐れることがなかった。しかし海は彼らの敵をのみつくした。
At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi (sila) nangatakot: nguni't tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 神は彼らをその聖地に伴い、その右の手をもって獲たこの山に伴いこられた。
At dinala niya (sila) sa hangganan ng kaniyang santuario, sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 神は彼らの前からもろもろの国民を追い出し、その地を分けて嗣業とし、イスラエルの諸族を彼らの天幕に住まわせられた。
Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila, at binahagi sa kanila na pinakamana sa pamamagitan ng pising panukat, at pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 しかし彼らはいと高き神を試み、これにそむいて、そのもろもろのあかしを守らず、
Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik (sila) laban sa Kataastaasang Dios, at hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 そむき去って、先祖たちのように真実を失い、狂った弓のようにねじれた。
Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang: sila'y nagsilisyang parang magdarayang busog.
58 彼らは高き所を設けて神を怒らせ、刻んだ像をもって神のねたみを起した。
Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 神は聞いて大いに怒り、イスラエルを全くしりぞけられた。
Nang marinig ito ng Dios, ay napoot, at kinayamutang lubha ang Israel:
60 神は人々のなかに設けた幕屋なるシロのすまいを捨て、
Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng Silo, ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 その力をとりことならせ、その栄光をあだの手にわたされた。
At ibinigay ang kaniyang kalakasan sa pagkabihag, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 神はその民をつるぎにわたし、その嗣業にむかって大いなる怒りをもらされた。
Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak; at napoot sa kaniyang mana.
63 火は彼らの若者たちを焼きつくし、彼らのおとめたちは婚姻の歌を失い、
Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata; at ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 彼らの祭司たちはつるぎによって倒れ、彼らのやもめたちは嘆き悲しむことさえしなかった。
Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak; at ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 そのとき主は眠った者のさめたように、勇士が酒によって叫ぶように目をさまして、
Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya ng mula sa pagkakatulog, gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 そのあだを撃ち退け、とこしえの恥を彼らに負わせられた。
At sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway: inilagay niya (sila) sa laging kadustaan.
67 神はヨセフの天幕をしりぞけ、エフライムの部族を選ばず、
Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose, at hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 ユダの部族を選び、神の愛するシオンの山を選ばれた。
Kundi pinili ang lipi ni Juda, ang bundok ng Zion na kaniyang inibig.
69 神はその聖所を高い天のように建て、とこしえに基を定められた地のように建てられた。
At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan, parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 神はそのしもべダビデを選んで、羊のおりから取り、
Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod, at kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 乳を与える雌羊の番をするところからつれて来て、その民ヤコブ、その嗣業イスラエルの牧者とされた。
Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso, upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 こうして彼は直き心をもって彼らを牧し、巧みな手をもって彼らを導いた。
Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa pagtatapat ng kaniyang puso; at pinatnubayan niya (sila) sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

< 詩篇 78 >