< 詩篇 37 >

1 ダビデの歌 悪をなす者のゆえに、心を悩ますな。不義を行う者のゆえに、ねたみを起すな。
Huwag kang mainis dahil sa masasamang tao; huwag kang mainggit sa mga umasal nang hindi makatuwiran.
2 彼らはやがて草のように衰え、青菜のようにしおれるからである。
Dahil (sila) ay malapit nang matuyo gaya ng damo at malanta gaya ng luntiang mga halaman.
3 主に信頼して善を行え。そうすればあなたはこの国に住んで、安きを得る。
Magtiwala ka kay Yahweh at gawin kung ano ang matuwid; tumira ka sa lupain at gawin mong tungkulin ang katapatan.
4 主によって喜びをなせ。主はあなたの心の願いをかなえられる。
Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
5 あなたの道を主にゆだねよ。主に信頼せよ、主はそれをなしとげ、
Ibigay mo ang iyong pamamaraan kay Yahweh; magtiwala ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.
6 あなたの義を光のように明らかにし、あなたの正しいことを真昼のように明らかにされる。
Itatanghal niya ang iyong katarungan gaya ng liwanag ng araw at ang iyong kawalang-muwang gaya ng araw sa tanghali.
7 主の前にもだし、耐え忍びて主を待ち望め。おのが道を歩んで栄える者のゆえに、悪いはかりごとを遂げる人のゆえに、心を悩ますな。
Tumigil ka sa harap ni Yahweh at matiyagang maghintay sa kaniya. Huwag kang mag-alala kung may taong mapagtatagumpayan ang kaniyang masamang balakin kung ang tao ay gumagawa ng masamang mga plano.
8 怒りをやめ、憤りを捨てよ。心を悩ますな、これはただ悪を行うに至るのみだ。
Huwag kang magalit at madismaya. Huwag kang mag-alala, ito ay gumagawa lamang ng problema.
9 悪を行う者は断ち滅ぼされ、主を待ち望む者は国を継ぐからである。
Ang mga mapaggawa ng kasamaan ay aalisin, pero ang mga naghihintay kay Yahweh ay magmamana ng lupain.
10 悪しき者はただしばらくで、うせ去る。あなたは彼の所をつぶさに尋ねても彼はいない。
Sa maikling panahon ang masama ay mawawala, mamamasdan mo ang kaniyang kinalulugaran, pero siya ay mawawala.
11 しかし柔和な者は国を継ぎ、豊かな繁栄をたのしむことができる。
Pero ang mapagkumbaba ay mamanahin ang lupain at magagalak sa lubos na kasaganahan.
12 悪しき者は正しい者にむかってはかりごとをめぐらし、これにむかって歯がみする。
Ang makasalanan ay nagbabalak laban sa matuwid at nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya.
13 しかし主は悪しき者を笑われる、彼の日の来るのを見られるからである。
Ang Panginoon ay tinatawanan siya, dahil nakikita niya na ang kaniyang araw ay parating na.
14 悪しき者はつるぎを抜き、弓を張って、貧しい者と乏しい者とを倒し、直く歩む者を殺そうとする。
Binunot ng masama ang kanilang mga espada at binaluktot ang kanilang mga pana para ilugmok ang mga naaapi at nangangailangan, para patayin ang mga matuwid.
15 しかしそのつるぎはおのが胸を刺し、その弓は折られる。
Ang kanilang mga espada ang sasaksak sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga pana ay masisira.
16 正しい人の持ち物の少ないのは、多くの悪しきの者の豊かなのにまさる。
Mas mabuti ang kaunti na mayroon ang matuwid kaysa sa kasaganahan ng masasama.
17 悪しき者の腕は折られるが、主は正しい者を助けささえられるからである。
Dahil ang mga bisig ng masasama ay mababali, pero si Yahweh ang sumusuporta sa mga matutuwid.
18 主は全き者のもろもろの日を知られる。彼らの嗣業はとこしえに続く。
Binabantayan ni Yahweh ang mga walang kasalanan araw-araw, at ang kanilang mana ay mananatili magpakailanman.
19 彼らは災の時にも恥をこうむらず、ききんの日にも飽き足りる。
Hindi (sila) mahihiya sa panahon ng problema. Sa panahon na dumating ang taggutom, (sila) ay may sapat na kakainin.
20 しかし、悪しき者は滅び、主の敵は牧場の栄えの枯れるように消え、煙のように消えうせる。
Pero ang masasama ay mamamatay. Ang mga kaaway ni Yahweh ay magiging tulad ng kasaganahan ng mga pastulan; (sila) ay mawawala at maglalaho sa usok.
21 悪しき者は物を借りて返すことをしない。しかし正しい人は寛大で、施し与える。
Ang masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, pero ang matuwid ay mapagbigay at nagbibigay.
22 主に祝福された者は国を継ぎ、主にのろわれた者は断ち滅ぼされる。
Ang mga pinagpala ni Yahweh ay mamanahin ang lupain; ang mga isinumpa niya ay tatanggalin.
23 人の歩みは主によって定められる。主はその行く道を喜ばれる。
Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao, ang tao na ang balakin ay kapuri-puri sa paningin ng Diyos.
24 たといその人が倒れても、全く打ち伏せられることはない、主がその手を助けささえられるからである。
Bagama't siya ay nadapa, siya ay hindi babagsak, dahil hinahawakan siya ni Yahweh sa kaniyang kamay.
25 わたしは、むかし年若かった時も、年老いた今も、正しい人が捨てられ、あるいはその子孫が食物を請いあるくのを見たことがない。
Ako ay naging bata at ngayon ay matanda na; hindi pa ako nakakakita ng matuwid na pinabayaan o mga anak niyang nagmamakaawa para sa tinapay.
26 正しい人は常に寛大で、物を貸し与え、その子孫は祝福を得る。
Sa kahabaan ng araw siya ay mapagbigay-loob at nagpapahiram, at ang kaniyang anak ay naging isang pagpapala.
27 悪をさけて、善を行え。そうすれば、あなたはとこしえに住むことができる。
Tumalikod ka mula sa kasamaan at gawin mo kung ano ang tama; pagkatapos, magiging ligtas ka magpakailanman.
28 主は公義を愛し、その聖徒を見捨てられないからである。正しい者はとこしえに助け守られる。しかし、悪しき者の子孫は断ち滅ぼされる。
Dahil iniibig ni Yahweh ang katarungan at hindi pinababayaan ang kaniyang tapat na mga tagasunod. (Sila) ay pag-iingatan magpakailanman, pero ang kaapu-apuhan ng masama ay tatanggalin.
29 正しい者は国を継ぎ、とこしえにその中に住むことができる。
Mamanahin ng matuwid ang lupain at mamumuhay (sila) roon magpakailanman.
30 正しい者の口は知恵を語り、その舌は公義を述べる。
Ang bibig ng matuwid ay nagsasalita ng karunungan at nagdaragdag ng katarungan.
31 その心には神のおきてがあり、その歩みはすべることがない。
Ang batas ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso; ang kaniyang paa ay hindi madudulas.
32 悪しき者は正しい人をうかがい、これを殺そうとはかる。
Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.
33 主は正しい人を悪しき者の手にゆだねられない、またさばかれる時、これを罪に定められることはない。
Hindi siya pababayaan ni Yahweh na mapunta sa kamay ng masama o hatulan kapag siya ay nahusgahan.
34 主を待ち望め、その道を守れ。そうすれば、主はあなたを上げて、国を継がせられる。あなたは悪しき者の断ち滅ぼされるのを見るであろう。
Maghintay ka kay Yahweh at panatalihin mo ang kaniyang kaparaanan, at ikaw ay kaniyang itataas para angkinin ang lupain. Makikita mo kapag ang masasama ay tatanggalin.
35 わたしは悪しき者が勝ち誇って、レバノンの香柏のようにそびえたつのを見た。
Nakita ko ang masama at nakakikilabot na tao na nagkalat gaya ng luntiang puno sa likas nitong lupa.
36 しかし、わたしが通り過ぎると、見よ、彼はいなかった。わたしは彼を尋ねたけれども見つからなかった。
Pero nang ako ay dumaan muli, siya ay wala na roon. Hinanap ko siya, pero hindi na siya matagpuan.
37 全き人に目をそそぎ、直き人を見よ。おだやかな人には子孫がある。
Pagmasdan mo ang taong may dangal, at tandaan mo ang matuwid; mayroong mabuting kinabukasan para sa taong may kapayapaan.
38 しかし罪を犯す者どもは共に滅ぼされ、悪しき者の子孫は断たれる。
Ang mga makasalanan ay tuluyang mawawasak; ang kinabukasan para sa masasamang tao ay mapuputol.
39 正しい人の救は主から出る。主は彼らの悩みの時の避け所である。
Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; (sila) ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
40 主は彼らを助け、彼らを解き放ち、彼らを悪しき者どもから解き放って救われる。彼らは主に寄り頼むからである。
(Sila) ay tinutulungan at sinasagip ni Yahweh. Sinasagip niya (sila) mula sa masasama at iniligtas (sila) dahil (sila) ay kumubli sa kaniya.

< 詩篇 37 >