< 詩篇 30 >
1 宮をささげるときにうたったダビデの歌 主よ、わたしはあなたをあがめます。あなたはわたしを引きあげ、敵がわたしの事によって喜ぶのを、ゆるされなかったからです。
Itinataas kita, Yahweh, dahil ibinangon mo ako at hindi pinahintulutan ang aking mga kalaban na magalak dahil sa akin.
2 わが神、主よ、わたしがあなたにむかって助けを叫び求めると、あなたはわたしをいやしてくださいました。
Yahweh aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.
3 主よ、あなたはわたしの魂を陰府からひきあげ、墓に下る者のうちから、わたしを生き返らせてくださいました。 (Sheol )
Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan. (Sheol )
4 主の聖徒よ、主をほめうたい、その聖なるみ名に感謝せよ。
Umawit ng mga papuri kay Yahweh, kayong bayan niyang matapat! Magbigay ng pasasalamat kapag naalaala ninyo ang kaniyang kabanalan.
5 その怒りはただつかのまで、その恵みはいのちのかぎり長いからである。夜はよもすがら泣きかなしんでも、朝と共に喜びが来る。
Dahil ang kaniyang galit ay isang saglit lamang; pero ang kaniyang pabor ay panghabangbuhay. Ang pag-iyak ay dumarating sa gabi, pero ang kagalakan ay dumarating sa umaga.
6 わたしは安らかな時に言った、「わたしは決して動かされることはない」と。
Buong tiwala kong sinabi, “Hindi ako kailanman mayayanig.”
7 主よ、あなた恵みをもって、わたしをゆるがない山のように堅くされました。あなたがみ顔をかくされたので、わたしはおじ惑いました。
Yahweh sa pamamagitan ng iyong pabor ako ay itinatag mo tulad ng isang matatag na bundok; pero kapag itinago mo ang iyong mukha, ako ay naligalig.
8 主よ、わたしはあなたに呼ばわりました。ひたすら主に請い願いました、
Umiyak ako sa iyo, Yahweh, at naghanap ng pabor mula sa aking Panginoon!
9 「わたしが墓に下るならば、わたしの死になんの益があるでしょうか。ちりはあなたをほめたたえるでしょうか。あなたのまことをのべ伝えるでしょうか。
Anong pakinabang mayroon sa aking kamatayan, kung ako ay bababa sa libingan? Mapapapurihan ka ba ng alabok? Maipapahayag ba nito na ikaw ay mapagkakatiwalaan?
10 主よ、聞いてください、わたしをあわれんでください。主よ、わたしの助けとなってください」と。
Pakinggan mo, Yahweh, at ako ay kaawaan! Yahweh, ikaw ay maging katuwang ko.
11 あなたはわたしのために、嘆きを踊りにかえ、荒布を解き、喜びをわたしの帯とされました。
Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw; hinubad mo ang aking sako at dinamitan ako ng kagalakan.
12 これはわたしの魂があなたをほめたたえて、口をつぐむことのないためです。わが神、主よ、わたしはとこしえにあなたに感謝します。
Kaya ngayon ang naparangalan kong puso ay aawit nang papuri sa iyo at hindi mananahimik; Yahweh aking Diyos, magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo magpakailanman!