< 箴言 知恵の泉 3 >

1 わが子よ、わたしの教を忘れず、わたしの戒めを心にとめよ。
Aking anak, huwag kalimutan ang aking mga utos, at isapuso ang aking mga katuruan,
2 そうすれば、これはあなたの日を長くし、命の年を延べ、あなたに平安を増し加える。
dahil ang haba ng mga araw at mga taon ng buhay at kapayapaan ang idadagdag ng mga ito sa iyo.
3 いつくしみと、まこととを捨ててはならない、それをあなたの首に結び、心の碑にしるせ。
Huwag hayaang lisanin ka ng pagiging tapat sa tipan at pagiging katiwa-tiwala, itali ito ng magkasama sa iyong leeg, isulat ito sa kaloob-looban ng iyong puso.
4 そうすれば、あなたは神と人との前に恵みと、誉とを得る。
Pagkatapos ikaw ay makakahanap ng pabor at mabuting reputasyon sa paningin ng Diyos at ng tao.
5 心をつくして主に信頼せよ、自分の知識にたよってはならない。
Magtiwala kay Yahweh ng buong puso at huwag umasa sa sarili mong pang-unawa;
6 すべての道で主を認めよ、そうすれば、主はあなたの道をまっすぐにされる。
sa lahat ng iyong ginagawa ay kilalanin siya at gagawin niyang matuwid ang iyong mga landas.
7 自分を見て賢いと思ってはならない、主を恐れて、悪を離れよ。
Huwag maging marunong sa iyong sariling mga mata; matakot kay Yahweh at talikuran ang kasamaan.
8 そうすれば、あなたの身を健やかにし、あなたの骨に元気を与える。
Ito ay kagalingan sa iyong laman at inuming makapagpanibagong sigla para sa iyong katawan.
9 あなたの財産と、すべての産物の初なりをもって主をあがめよ。
Parangalan si Yahweh ng iyong kayamanan at ng mga unang bunga ng lahat ng iyong ani,
10 そうすれば、あなたの倉は満ちて余り、あなたの酒ぶねは新しい酒であふれる。
at ang iyong mga kamalig ay mapupuno at ang iyong mga bariles ay aapaw, puno ng bagong alak.
11 わが子よ、主の懲しめを軽んじてはならない、その戒めをきらってはならない。
Aking anak, huwag hamakin ang disiplina ni Yahweh at huwag mapoot sa kaniyang pagsaway,
12 主は、愛する者を、戒められるからである、あたかも父がその愛する子を戒めるように。
dahil dinidisiplina ni Yahweh ang kaniyang mga minamahal, katulad ng pakikitungo ng ama sa kaniyang anak na nakalulugod sa kaniya.
13 知恵を求めて得る人、悟りを得る人はさいわいである。
Siya na nakasusumpong ng karunungan ay masaya, siya din ay nakakuha ng kaunawaan.
14 知恵によって得るものは、銀によって得るものにまさり、その利益は精金よりも良いからである。
Ang matatamo ninyo sa karunungan ay mas mabuti kaysa sa maibibigay ng pilak at ang pakinabang ay mas mabuti kaysa sa ginto.
15 知恵は宝石よりも尊く、あなたの望む何物も、これと比べるに足りない。
Ang karunungan ay mas mahalaga kaysa sa mga hiyas at wala sa mga ninanais mo ang maikukumpara sa kaniya.
16 その右の手には長寿があり、左の手には富と、誉がある。
Mayroon siyang haba ng mga araw sa kaniyang kanang kamay; sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan.
17 その道は楽しい道であり、その道筋はみな平安である。
Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kabaitan at lahat ng kaniyang mga landas ay kapayapaan.
18 知恵は、これを捕える者には命の木である、これをしっかり捕える人はさいわいである。
Siya ay isang puno ng buhay sa mga humahawak dito, ang mga kumakapit dito ay masasaya.
19 主は知恵をもって地の基をすえ、悟りをもって天を定められた。
Sa pamamagitan ng karunungan itinatag ni Yahweh ang mundo, sa pamamagitan ng pang-unawa itinayo niya ang kalangitan.
20 その知識によって海はわきいで、雲は露をそそぐ。
Sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman, ang mga kailaliman ay bumukas at ibinagsak ng mga ulap ang kanilang hamog.
21 わが子よ、確かな知恵と、慎みとを守って、それをあなたの目から離してはならない。
Aking anak, panatilihin ang mahusay na pagpapasya at talas ng pag-iisip, at huwag mawala ang paningin sa mga ito.
22 それはあなたの魂の命となりあなたの首の飾りとなる。
Ang mga ito ay buhay sa iyong kaluluwa at isang palamuti ng pabor para isuot sa iyong leeg.
23 こうして、あなたは安らかに自分の道を行き、あなたの足はつまずくことがない。
Pagkatapos ikaw ay lalakad sa iyong daan sa kaligtasan at ang iyong paa ay hindi madarapa;
24 あなたは座しているとき、恐れることはなく、伏すとき、あなたの眠りはここちよい。
kapag ikaw ay humiga, hindi ka matatakot; kapag ikaw ay humiga, ang iyong tulog ay magiging mahimbing.
25 あなたはにわかに起る恐怖を恐れることなく、悪しき者の滅びが来ても、それを恐れることはない。
Huwag matakot sa biglaang pagkakilabot o pagkawasak na idinulot ng mga masasama, kapag dumating ang mga ito,
26 これは、主があなたの信頼する者であり、あなたの足を守って、わなに捕われさせられないからである。
dahil si Yahweh ay nasa iyong tabi at iingatan ang iyong paa na huwag mahuli sa bitag.
27 あなたの手に善をなす力があるならば、これをなすべき人になすことをさし控えてはならない。
Huwag ipagkait ang mabuti sa mga karapat-dapat dito, kapag nasa iyong kapangyarihan upang kumilos.
28 あなたが物を持っている時、その隣り人に向かい、「去って、また来なさい。あす、それをあげよう」と言ってはならない。
Huwag sabihin sa iyong kapwa, “pumunta ka, at bumalik muli at bukas ibibigay ko ito,” kapag ang pera ay nasa iyo.
29 あなたの隣り人がかたわらに安らかに住んでいる時、これに向かって、悪を計ってはならない。
Huwag gumawa ng plano para makasakit ng iyong kapwa— siya na nakatira sa malapit at nagtitiwala sa iyo.
30 もし人があなたに悪を行ったのでなければ、ゆえなく、これと争ってはならない。
Huwag makipagtalo sa isang tao ng walang dahilan, kapag wala siyang ginawa para saktan ka.
31 暴虐な人を、うらやんではならない、そのすべての道を選んではならない。
Huwag kainggitan ang isang marahas na tao o piliin ang kahit na ano sa kaniyang mga paraan.
32 よこしまな者は主に憎まれるからである、しかし、正しい者は主に信任される。
Dahil ang sinungaling na tao ay kasuklam-suklam kay Yahweh, nguniit dinadala niya ang matuwid na tao sa kaniyang pagtitiwala.
33 主の、のろいは悪しき者の家にある、しかし、正しい人のすまいは主に恵まれる。
Ang sumpa ni Yahweh ay nasa tahanan ng masasamang tao, ngunit pinagpapala niya ang tahanan ng mga matuwid.
34 彼はあざける者をあざけり、へりくだる者に恵みを与えられる。
Kinukutya niya ang mga nangungutya, ngunit ibinibigay niya ang kaniyang pabor sa mga taong may mababang loob.
35 知恵ある者は、誉を得る、しかし、愚かな者ははずかしめを得る。
Ang mga marurunong na tao ay nagmamana nang karangalan, ngunit ang mga hangal ay iaangat sa kanilang kahihiyan.

< 箴言 知恵の泉 3 >