< 箴言 知恵の泉 15 >
1 柔かい答は憤りをとどめ、激しい言葉は怒りをひきおこす。
Ang malumanay na sagot ay nag-aalis ng poot, pero ang malupit na salita ay nagsasanhi ng galit.
2 知恵ある者の舌は知識をわかち与え、愚かな者の口は愚かを吐き出す。
Ang dila ng mga matatalinong tao ay sinasang-ayunan ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay nagbubugso nang kamangmangan.
3 主の目はどこにでもあって、悪人と善人とを見張っている。
Ang mga mata ni Yahweh ay nasa lahat ng dako, patuloy na nagmamasid sa masama at mabuti.
4 優しい舌は命の木である、乱暴な言葉は魂を傷つける。
Ang dilang nagpapagaling ay puno ng buhay, pero ang mapanlinlang na dila ay sumisira ng kalooban.
5 愚かな者は父の教訓を軽んじる、戒めを守る者は賢い者である。
Hinahamak ng mangmang ang disiplina ng kaniyang ama, pero ang siyang natututo mula sa pagtatama ay marunong.
6 正しい者の家には多くの宝がある、悪しき者の所得には煩いがある。
Sa bahay ng mga gumagawa ng tama ay mayroong labis na kayamanan, pero ang kinikita ng mga masasamang tao ay nagbibigay ng gulo sa kanila.
7 知恵ある者のくちびるは知識をひろめる、愚かな者の心はそうでない。
Ang labi ng mga matatalinong tao ay nagbabahagi ng kaalaman, pero hindi ang puso ng mga mangmang.
8 悪しき者の供え物は主に憎まれ、正しい者の祈は彼に喜ばれる。
Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga pag-aalay ng mga masasamang tao, pero kasiyahan sa kaniya ang panalangin ng mga matuwid na tao.
9 悪しき者の道は主に憎まれ、正義を求める者は彼に愛せられる。
Kinasusuklaman ni Yahweh ang paraan ng mga masasamang tao, pero mahal niya ang siyang nanatili sa tama.
10 道を捨てる者には、きびしい懲しめがあり、戒めを憎む者は死に至る。
Ang malupit na disiplina ay hinihintay ang sinumang tatalikod sa tamang daan at ang siyang galit sa pagtatama ay mamamatay.
11 陰府と滅びとは主の目の前にあり、人の心はなおさらである。 (Sheol )
Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan? (Sheol )
12 あざける者は戒められることを好まない、また知恵ある者に近づかない。
Ang mangungutya ay galit sa pagtatama; hindi siya magiging marunong.
13 心に楽しみがあれば顔色も喜ばしい、心に憂いがあれば気はふさぐ。
Ang pusong nagagalak ay ginagawang maaya ang mukha, pero ang matinding lungkot ay sumisira ng diwa.
14 さとき者の心は知識をたずね、愚かな者の口は愚かさを食物とする。
Ang puso ng umuunawa ay humahanap ng kaalaman, pero ang bibig ng mga mangmang ay kumakain ng kahangalan.
15 悩んでいる者の日々はことごとくつらく、心の楽しい人は常に宴会をもつ。
Lahat ng araw ng mga taong inaapi ay napakahirap, pero ang nagagalak na puso ay may piging na walang katapusan.
16 少しの物を所有して主を恐れるのは、多くの宝をもって苦労するのにまさる。
Mas mabuti ang kaunti na may takot kay Yahweh kaysa sa labis na kayamanan na may kaguluhan.
17 野菜を食べて互に愛するのは、肥えた牛を食べて互に憎むのにまさる。
Mas mabuti ang pagkain na may mga gulay na may mayroong pag-ibig kaysa sa isang pinatabang guya na hinain na may galit.
18 憤りやすい者は争いをおこし、怒りをおそくする者は争いをとどめる。
Ang galit na tao ay pumupukaw ng mga pagtatalo, pero ang taong matagal magalit ay pinapayapa ang isang alitan.
19 なまけ者の道には、いばらがはえしげり、正しい者の道は平らかである。
Ang daanan ng taong tamad ay tulad ng isang lugar na may bakod na tinik, pero ang daanan ng matuwid ay gawa sa daanang tuloy-tuloy.
20 知恵ある子は父を喜ばせる、愚かな人はその母を軽んじる。
Ang matalinong anak na lalaki ay nagdadala ng kasiyahan sa kaniyang ama, pero ang mangmang ay namumuhi sa kaniyang ina.
21 無知な者は愚かなことを喜び、さとき者はまっすぐに歩む。
Ang kahangalan ay kasiyahan ng hindi nag-iisip, pero ang siyang nakauunawa ay naglalakad sa tuwid na daanan.
22 相はかることがなければ、計画は破れる、はかる者が多ければ、それは必ず成る。
Ang mga balak ay namamali kapag walang payo, pero kapag marami ang tagapayo sila ay nagtatagumpay.
23 人は口から出る好ましい答によって喜びを得る、時にかなった言葉は、いかにも良いものだ。
Ang tao ay nakakahanap ng kaligayahan kapag siya ay nagbibigay ng matalinong sagot; Napakabuti ng napapanahong salita!
24 知恵ある人の道は上って命に至る、こうしてその人は下にある陰府を離れる。 (Sheol )
Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim. (Sheol )
25 主は高ぶる者の家を滅ぼし、やもめの地境を定められる。
Winawasak ni Yahweh ang pamana ng mapagmataas, pero pinapangalagaan niya ang ari-arian ng balo.
26 悪人の計りごとは主に憎まれ、潔白な人の言葉は彼に喜ばれる。
Kinasusuklaman ni Yahweh ang mga kaisipan ng mga masasamang tao, pero ang mga salita ng kagandahang-loob ay busilak.
27 不正な利をむさぼる者はその家を煩らわせる、まいないを憎む者は生きながらえる。
Nagdadala ng gulo ang magnanakaw sa kaniyang pamilya, pero mabubuhay ang siyang galit sa mga suhol.
28 正しい者の心は答えるべきことを考える、悪しき者の口は悪を吐き出す。
Ang pusong gumagawa ng tama ay nag-iisip bago sumagot, ngunit ang bibig ng masasama ay ibinubuhos ang lahat ng kasamaan nito.
29 主は悪しき者に遠ざかり、正しい者の祈を聞かれる。
Si Yahweh ay malayo sa mga masasamang tao, pero naririnig niya ang panalangin ng mga gumagawa ng tama.
Ang ilaw ng mga mata ay nagdadala ng kasiyahan sa puso, at ang mabuting mga balita ay mabuti sa katawan.
31 ためになる戒めを聞く耳をもつ者は、知恵ある者の中にとどまる。
Kung ikaw ay magbibigay ng pansin sa taong nagtatama sa kung papaano ka mamuhay, ikaw ay mananatiling kabilang sa mga matatalino.
32 教訓を捨てる者はおのれの命を軽んじ、戒めを重んじる者は悟りを得る。
Ang siyang tumatanggi sa disiplina ay namumuhi sa kaniyang sarili, pero ang siyang nakikinig sa pagtatama ay nagtatamo ng kaunawaan.
33 主を恐れることは知恵の教訓である、謙遜は、栄誉に先だつ。
Ang takot kay Yahweh ay nagtuturo ng karunungan, at ang pagpapakumbaba ay nauuna bago ang karangalan.