< 民数記 3 >

1 主がシナイ山で、モーセと語られた時の、アロンとモーセの一族は、次のとおりであった。
Ngayon ito ang kasaysayan ng mga kaapu-apuhan nina Aaron at Moises nang kausapin ni Yahweh si Moises sa Bundok Sinai.
2 アロンの子たちの名は、次のとおりである。長子はナダブ、次はアビウ、エレアザル、イタマル。
Ang mga pangalan ng mga Anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab ang panganay, at Abihu, Eleazar, at Itamar.
3 これがアロンの子たちの名であって、彼らはみな油を注がれ、祭司の職に任じられて祭司となった。
Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga paring pinahiran ng langis at siyang itinalaga upang maglingkod bilang mga pari.
4 ナダブとアビウとは、シナイの荒野において、異火を主の前にささげたので、主の前で死んだ。彼らには子供がなかった。そしてエレアザルとイタマルとが、父アロンの前で祭司の務をした。
Ngunit namatay sa harapan ni Yahweh sina Nadab at Abihu nang naghandog sila kay Yahweh ng hindi katanggap-tanggap na apoy sa ilang ng Sinai. Walang mga anak sina Nadab at Abihu, kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naglingkod bilang mga pari kasama ni Aaron na kanilang ama.
5 主はまたモーセに言われた、
Nagsalita si Yahweh kay Moises Moises. Sinabi niya,
6 「レビの部族を召し寄せ、祭司アロンの前に立って仕えさせなさい。
“Dalhin mo ang tribu ni Levi at iharap sila kay Aaron na pari para matulungan nila siya.
7 彼らは会見の幕屋の前にあって、アロンと全会衆のために、その務をし、幕屋の働きをしなければならない。
Dapat nilang isagawa ang tungkulin sa pangalan ni Aaron at ang buong sambayanan sa harap ng tolda ng pagpupulong. Dapat silang maglingkod sa tabernakulo.
8 すなわち、彼らは会見の幕屋の、すべての器をまもり、イスラエルの人々のために務をし、幕屋の働きをしなければならない。
Dapat nilang ingatan ang lahat ng mga kasangkapan sa tolda ng pagpupulong, at dapat nilang tulungan ang mga tribu ng Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
9 あなたはレビびとを、アロンとその子たちとに、与えなければならない。彼らはイスラエルの人々のうちから、全くアロンに与えられたものである。
Dapat mong ibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki. Ganap silang ibinigay upang tulungan siyang maglingkod sa mga tao ng Israel.
10 あなたはアロンとその子たちとを立てて、祭司の職を守らせなければならない。ほかの人で近づくものは殺されるであろう」。
Dapat mong hirangin sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki bilang mga pari, ngunit sinumang dayuhang lalapit ay dapat patayin.”
11 主はまたモーセに言われた、
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
12 「わたしは、イスラエルの人々のうちの初めに生れたすべてのういごの代りに、レビびとをイスラエルの人々のうちから取るであろう。レビびとは、わたしのものとなるであろう。
“Tingnan mo, kinuha ko ang mga Levita mula sa mga tao ng Israel. Ginawa ko ito sa halip na kunin ang bawat panganay na lalaki na ipinanganak mula sa mga tao ng Israel. Pag-aari ko ang mga Levita.
13 ういごはすべてわたしのものだからである。わたしは、エジプトの国において、すべてのういごを撃ち殺した日に、イスラエルのういごを、人も獣も、ことごとく聖別して、わたしに帰せしめた。彼らはわたしのものとなるであろう。わたしは主である」。
Pag-aari ko ang lahat ng mga panganay. Sa araw na sasalakayin ko ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, inilaan ko para sa aking sarili ang lahat ng panganay sa Israel, kapwa mga tao at mga hayop. Sila ay pag-aari ko. Ako si Yahweh.”
14 主はまたシナイの荒野でモーセに言われた、
Nagsalita si Yahweh kay Moises sa ilang ng Sinai. Sinabi niya,
15 「あなたはレビの子たちを、その父祖の家により、その氏族によって数えなさい。すなわち、一か月以上の男子を数えなければならない」。
“Bilangin mo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa bawat pamilya, sa mga tahanan ng kanilang mga ninuno. Bilangin mo ang bawat lalaki na isang buwang gulang at pataas.”
16 それでモーセは主の言葉にしたがって、命じられたとおりに、それを数えた。
Sila ay binilang ni Moises, bilang pagsunod sa atas na ibinigay sa kanila ng salita ni Yahweh, gaya ng iniutos sa kaniya ni Yahweh.
17 レビの子たちの名は次のとおりである。すなわち、ゲルション、コハテ、メラリ。
Ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gerson, Kohat, at Merari.
18 ゲルションの子たちの名は、その氏族によれば次のとおりである。すなわち、リブニ、シメイ。
Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Shimei.
19 コハテの子たちは、その氏族によれば、アムラム、イヅハル、ヘブロン、ウジエル。
Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Kohat ay sina, Amram, Izar, Hebron, at Uziel.
20 メラリの子たちは、その氏族によれば、マヘリ、ムシ。これらはその父祖の家によるレビの氏族である。
Ang mga angkan na nagmumula sa mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita, na nakatala angkan sa angkan.
21 ゲルションからリブニびとの氏族と、シメイびとの氏族とが出た。これらはゲルションびとの氏族である。
Ang mga angkan ng mga Libnita at ng mga Shimeita ay nagmula kay Gerson. Ito ang mga angkan ng mga Gersonita.
22 その数えられた者、すなわち、一か月以上の男子の数は合わせて七千五百人であった。
Lahat ng mga lalaki mula sa isang buwang gulang at pataas ay binilang, na may kabuuang bilang na 7, 500.
23 ゲルションびとの氏族は幕屋の後方、すなわち、西の方に宿営し、
Dapat magkampo ang angkan ng mga Gersonita sa dakong kanluran ng tabernakulo.
24 ラエルの子エリアサフが、ゲルションびとの父祖の家のつかさとなるであろう。
Dapat pangunahan ni Eliasaf na anak na lalaki ni Lael ang angkan ng kaapu-apuhan ng mga Gersonita.
25 会見の幕屋の、ゲルションの子たちの務は、幕屋、天幕とそのおおい、会見の幕屋の入口のとばり、
Dapat ingatan ng pamilya ni Gerson ang mga kurtina ng tabernakulo sa ilalim ng panlabas na mga takip ng tolda ng pagpupulong. Dapat nilang ingatan ang tolda, ang mala-toldang pantakip, at ang kurtina para sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
26 庭のあげばり、幕屋と祭壇のまわりの庭の入口のとばり、そのひも、およびすべてそれに用いる物を守ることである。
Dapat nilang ingatan ang mga tabing sa patyo, ang kurtina sa pasukan ng patyo—ang patyo na nakapalibot sa santuwaryo at ang altar. Dapat nilang ingatan ang mga lubid ng tolda ng pagpupulong at para sa lahat ng bagay na nasa loob nito.
27 また、コハテからアムラムびとの氏族、イヅハルびとの氏族、ヘブロンびとの氏族、ウジエルびとの氏族が出た。これらはコハテびとの氏族である。
Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Kohat: ang angkan ng mga Amramita, ang angkan ng mga Izarita, ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzielita. Ang mga angkan na ito ay nabibilang sa mga Kohatita.
28 一か月以上の男子の数は、合わせて八千六百人であって、聖所の務を守る者たちである。
8, 600 na mga lalaki ang nabilang na may edad isang buwang gulang at pataas upang mag-ingat sa mga bagay na pag-aari ni Yahweh.
29 コハテの子たちの氏族は、幕屋の南の方に宿営し、
Dapat magkampo ang mga pamilya ng mga kaapu-apuhan ni Kohat sa dakong timog ng tabernakulo.
30 ウジエルの子エリザパンが、コハテびとの氏族の父祖の家のつかさとなるであろう。
Dapat pangunahan ni Elizafan na anak na lalaki ni Uziel ang mga angkan ng mga Kohatita.
31 彼らの務は、契約の箱、机、燭台、二つの祭壇、聖所の務に用いる器、とばり、およびすべてそれに用いる物を守ることである。
Dapat nilang ingatan ang kaban, ang mesa, ang ilawan, ang mga altar, ang mga sagradong bagay na ginagamit sa kanilang paglilingkod, ang kurtina, at ang lahat ng gawain sa palibot nito.
32 祭司アロンの子エレアザルが、レビびとのつかさたちの長となり、聖所の務を守るものたちを監督するであろう。
Dapat pangunahan ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron na pari ang mga kalalakihang namumuno sa mga Levita. Dapat niyang pangasiwaan ang mga lalaking nag-iingat sa banal na lugar.
33 メラリからマヘリびとの氏族と、ムシびとの氏族とが出た。これらはメラリの氏族である。
Dalawang angkan ang nagmula kay Merari: ang angkan ng mga Mahlita at ang angkan ng mga Musita. Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Merari.
34 その数えられた者、すなわち、一か月以上の男子の数は、合わせて六千二百人であった。
6, 200 na mga lalaki ang nabilang na may edad isang buwang gulang at pataas.
35 アビハイルの子ツリエルが、メラリの氏族の父祖の家のつかさとなるであろう。彼らは幕屋の北の方に宿営しなければならない。
Dapat pangunahan ni Zuriel na anak na lalaki ni Abihail ang mga angkan ni Merari. Dapat silang magkampo sa dakong hilaga ng tabernakulo.
36 メラリの子たちが、その務として管理すべきものは、幕屋の枠、その横木、その柱、その座、そのすべての器、およびそれに用いるすべての物、
Dapat ingatan ng mga kaapu-apuhan ni Merari ang mga tabla ng tabernakulo, ang mga pahalang na haligi, mga poste, mga patungan, lahat ng mga kagamitang metal, at lahat ng bagay na kaugnay sa mga ito, kabilang
37 ならびに庭のまわりの柱とその座、その釘、およびそのひもである。
ang mga haligi at mga poste ng patyo na nakapalibot sa tabernakulo, kasama ang mga patungan ng poste ng mga ito, mga tulos, at mga lubid.
38 また幕屋の前、その東の方、すなわち、会見の幕屋の東の方に宿営する者は、モーセとアロン、およびアロンの子たちであって、イスラエルの人々の務に代って、聖所の務を守るものである。ほかの人で近づく者は殺されるであろう。
Dapat magkampo sina Moses at Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa dakong silangan ng tabernakulo, sa harapan ng tolda ng pagpupulong, sa dakong sinisikatan ng araw. Sila ang mamahala para sa katuparan ng kanilang mga tungkulin sa santuwaryo at sa mga tungkulin ng mga tao ng Israel. Dapat patayin ang sinumang dayuhan na lalapit sa santuwaryo.
39 モーセとアロンとが、主の言葉にしたがって数えたレビびとで、その氏族によって数えられた者、一か月以上の男子は、合わせて二万二千人であった。
Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaki sa mga angkan ni Levi na may edad isang buwang gulang at pataas, gaya ng iniutos ni Yahweh. Dalawampu't dalawang libong kalalakihan ang nabilang nila.
40 主はまたモーセに言われた、「あなたは、イスラエルの人々のうち、すべてういごである男子の一か月以上のものを数えて、その名の数を調べなさい。
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bilangin mo ang lahat ng panganay na mga lalaki sa mga tao ng Israel na may edad isang buwang gulang at pataas. Ilista mo ang kanilang mga pangalan.
41 また主なるわたしのために、イスラエルの人々のうちの、すべてのういごの代りにレビびとを取り、またイスラエルの人々の家畜のうちの、すべてのういごの代りに、レビびとの家畜を取りなさい」。
Dapat mong kunin ang mga Levita para sa akin sa halip na ang lahat ng mga panganay ng mga tao ng Israel. Ako si Yahweh. At dapat mong kunin ang alagang hayop ng mga Levita sa halip na ang lahat ng panganay na alagang hayop ng mga kaapu-apuhan ni Israel.”
42 そこでモーセは主の命じられたように、イスラエルの人々のうちの、すべてのういごを数えた。
Binilang ni Moises ang lahat ng panganay na mga tao ng Israel gaya ng iniutos ni Yahweh na gawin niya.
43 その数えられたういごの男子、すべて一か月以上の者は、その名の数によると二万二千二百七十三人であった。
Binilang niya ang lahat ng mga panganay na mga lalaki ayon sa kanilang pangalan, na may edad isang buwang gulang at pataas. 22, 273 na kalalakihan ang nabilang niya.
44 主はモーセに言われた、
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
45 「あなたはイスラエルの人々のうちの、すべてのういごの代りに、レビびとを取り、また彼らの家畜の代りに、レビびとの家畜を取りなさい。レビびとはわたしのものとなる。わたしは主である。
“Kunin mo ang mga Levita sa halip na ang lahat ng panganay sa mga tao ng Israel. At kunin mo ang alagang hayop ng mga Levita sa halip na ang alagang hayop ng mga tao. Ang mga Levita ay pag-aari ko. Ako si Yahweh.
46 またイスラエルの人々のういごは、レビびとの数を二百七十三人超過しているから、そのあがないのために、
Dapat kang mangolekta ng limang siklo para sa pantubos ng bawat isa sa 273 panganay ng mga tao ng Israel na humigit sa bilang ng mga Levita.
47 そのあたまかずによって、ひとりごとに銀五シケルを取らなければならない。すなわち、聖所のシケルにしたがって、それを取らなければならない。一シケルは二十ゲラである。
Dapat mong gamitin ang siklo ng santuwaryo bilang iyong pamantayang timbang. Ang siklo ay katumbas ng dalawampung gera.
48 あなたは、その超過した者をあがなう金を、アロンと、その子たちに渡さなければならない」。
Dapat mong ibigay ang halaga ng pantubos na iyong binayaran kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki.”
49 そこでモーセは、レビびとによってあがなわれた者を超過した人々から、あがないの金を取った。
Kaya tinipon ni Moises ang pambayad ng pantubos mula sa mga taong humigit sa bilang ng mga natubos ng mga Levita.
50 すなわち、モーセは、イスラエルの人々のういごから、聖所のシケルにしたがって千三百六十五シケルの銀を取り、
Tinipon ni Moises ang mga pera mula sa panganay na anak ng mga tao ng Israel. Nakaipon siya ng 1, 365 na siklo, na tumitimbang sa siklo ng santuwaryo.
51 そのあがないの金を、主の言葉にしたがって、アロンとその子たちに渡した。主がモーセに命じられたとおりである。
Ibinigay ni Moises ang pantubos na pera kay Aaron at sa kanyang mga anak na lalaki. Ginawa ni Moises ang lahat ng bagay na sinabi sa kanya upang gawin sa pamamagitan ng mga salita ni Yahweh, gaya ng iniutos sa kanya ni Yahweh.

< 民数記 3 >