< 民数記 20 >
1 イスラエルの人々の全会衆は正月になってチンの荒野にはいった。そして民はカデシにとどまったが、ミリアムがそこで死んだので、彼女をそこに葬った。
Kaya ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay pumunta sa ilang ng Sin sa unang buwan; nanatili sila sa Kades. Doon namatay at inilibing si Miriam.
2 そのころ会衆は水が得られなかったため、相集まってモーセとアロンに迫った。
Walang tubig para sa sambayanan, kaya nagtipun-tipon sila laban kina Moises at Aaron.
3 すなわち民はモーセと争って言った、「さきにわれわれの兄弟たちが主の前に死んだ時、われわれも死んでいたらよかったものを。
Nagreklamo ang mga tao laban kay Moises. Sinabi nila, “Mas mabuti pa ngang namatay nalang kami nang mamatay ang kasamahan naming mga Israelita sa harap ni Yahweh!
4 なぜ、あなたがたは主の会衆をこの荒野に導いて、われわれと、われわれの家畜とを、ここで死なせようとするのですか。
Bakit mo dinala ang sambayanan ni Yahweh sa ilang na ito para mamatay dito, kami at ang aming mga hayop?
5 どうしてあなたがたはわれわれをエジプトから上らせて、この悪い所に導き入れたのですか。ここには種をまく所もなく、いちじくもなく、ぶどうもなく、ざくろもなく、また飲む水もありません」。
At bakit mo kami inilabas sa Ehipto para dalhin kami sa nakakakilabot na lugar na ito? Walang butil dito, mga igos, mga puno ng ubas, o mga granada. At walang tubig na maiinom.”
6 そこでモーセとアロンは会衆の前を去り、会見の幕屋の入口へ行ってひれ伏した。すると主の栄光が彼らに現れ、
Kaya umalis sina Moises at Aaron mula sa harap ng kapulungan. Pumunta sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong at nagpatirapa. Doon nagpakita ang makinang na kaluwalhatian ni Yahweh sa kanila.
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabin,
8 「あなたは、つえをとり、あなたの兄弟アロンと共に会衆を集め、その目の前で岩に命じて水を出させなさい。こうしてあなたは彼らのために岩から水を出して、会衆とその家畜に飲ませなさい」。
“Kunin mo ang iyong tungkod at tipunin ang sambayanan, ikaw at si Aaron na iyong kapatid. Magsalita ka sa bato sa kanilang paningin, at utusan mo ang bato na magpadaloy ng tubig. Makakakuha ka ng tubig para sa kanila mula sa batong iyan, at dapat mong ibigay ito sa sambayanan at sa kanilang mga baka para inumin.”
9 モーセは命じられたように主の前にあるつえを取った。
Kinuha ni Moises ang kaniyang tungkod sa harap ni Yahweh gaya ng iniutos ni Yahweh na kaniyang gawin.
10 モーセはアロンと共に会衆を岩の前に集めて彼らに言った、「そむく人たちよ、聞きなさい。われわれがあなたがたのためにこの岩から水を出さなければならないのであろうか」。
At tinipong magkakasama nina Moises at Aaron ang kapulungan sa harap ng bato. Sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik. Dapat ba kaming magpadaloy ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?”
11 モーセは手をあげ、つえで岩を二度打つと、水がたくさんわき出たので、会衆とその家畜はともに飲んだ。
Pagkatapos, itinaas ni Moises ang kaniyang kamay at hinampas ng dalawang beses ang bato sa pamamagitan ng kaniyang tungkod, at lumabas ang maraming tubig. Uminom ang sambayanan at ang kanilang mga baka.
12 そのとき主はモーセとアロンに言われた、「あなたがたはわたしを信じないで、イスラエルの人々の前にわたしの聖なることを現さなかったから、この会衆をわたしが彼らに与えた地に導き入れることができないであろう」。
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Dahil hindi kayo nagtiwala sa akin o inilaan ako na maging banal sa mga mata ng mga tao ng Israel, hindi ninyo madadala ang kapulungang ito sa lupain na ibinibigay ko sa kanila.”
13 これがメリバの水であって、イスラエルの人々はここで主と争ったが、主は自分の聖なることを彼らのうちに現された。
Tinawag ang lugar na ito na mga tubig ng Meriba dahil nakipagtalo ang mga tao ng Israel kay Yahweh doon, at ipinakita niya ang kaniyang sarili sa kanila bilang banal.
14 さて、モーセはカデシからエドムの王に使者をつかわして言った、「あなたの兄弟、イスラエルはこう申します、『あなたはわたしたちが遭遇したすべての患難をご存じです。
Nagpadala ng mga mensahero si Moises mula Kades sa hari ng Edom: Ito ang sinabi ng iyong kapatid na si Israel: “Alam mo ang lahat ng paghihirap na nangyari sa amin.
15 わたしたちの先祖はエジプトに下って行って、わたしたちは年久しくエジプトに住んでいましたが、エジプトびとがわたしたちと、わたしたちの先祖を悩ましたので、
Alam mo na pumunta sa Ehipto ang aming mga ninuno at nanirahan sa Ehipto ng isang mahabang panahon. Tinuring kaming napakasama ng mga taga-Ehipto gayon din ang aming mga ninuno.
16 わたしたちが主に呼ばわったとき、主はわたしたちの声を聞き、ひとりの天の使をつかわして、わたしたちをエジプトから導き出されました。わたしたちは今あなたの領地の端にあるカデシの町におります。
Nang tumawag kami kay Yahweh, dininig niya ang aming mga tinig at nagpadala siya ng isang anghel at inilabas kami sa Ehipto. Tingnan mo, narito kami sa Kades, isang lungsod sa hangganan ng iyong lupain.
17 どうぞ、わたしたちにあなたの国を通らせてください。わたしたちは畑もぶどう畑も通りません。また井戸の水も飲みません。ただ王の大路を通り、あなたの領地を過ぎるまでは右にも左にも曲りません』」。
Hinihiling kong pahintulutan mo kaming maadaan sa iyong lupain. Hindi kami dadaan sa bukirin o ubasan, ni iinom ng tubig sa iyong mga balon. Dadaan kami sa maluwang na daanan ng hari. Hindi kami liliko sa kanan o sa kaliwa hanggang makalampas kami sa iyong hangganan.”
18 しかし、エドムはモーセに言った、「あなたはわたしの領地をとおってはなりません。さもないと、わたしはつるぎをもって出て、あなたに立ちむかうでしょう」。
Subalit tumugon ang hari ng Edom sa kaniya, “Hindi ka maaaring dumaan dito. Kapag ginawa mo iyon, darating ako nang may espada upang salakayin ka.”
19 イスラエルの人々はエドムに言った、「わたしたちは大路を通ります。もしわたしたちとわたしたちの家畜とが、あなたの水を飲むことがあれば、その価を払います。わたしは徒歩で通るだけですから何事もないでしょう」。
At sinabi ng mga tao ng Israel sa kaniya, “Dadaan kami sa maluwang na daanan. Kung uminom kami o ang aming mga alagang hayop ng iyong tubig, babayaran namin ito. Pabayaan mo lang kaming makadaan sa aming paa, wala kaming ibang gagawin.”
20 しかし、エドムは「あなたは通ることはなりません」と言って、多くの民と強い軍勢とを率い、出て、これに立ちむかってきた。
Subalit sumagot ang hari ng Edom, “Hindi kayo maaring dumaan.” Kaya dumating ang hari ng Edom laban sa Israel nang may isang malakas na kamay kasama ang maraming kawal.
21 このようにエドムはイスラエルに、その領地を通ることを拒んだので、イスラエルはエドムからほかに向かった。
Hindi pumayag ang hari ng Edom na makatawid ang Israel sa kanilang hangganan. Dahil dito, lumayo ang Israel sa lupain ng Edom.
22 こうしてイスラエルの人々の全会衆はカデシから進んでホル山に着いた。
Kaya naglakbay ang mga tao mula Kades. Ang mga tao ng Israel, ang buong sambayanan ay dumating sa Bundok Hor.
23 主はエドムの国境に近いホル山で、モーセとアロンに言われた、
Nagsalita si Yahweh kina Moises at Aaron sa Bundok Hor, sa hangganan ng Edom. Sinabi niya,
24 「アロンはその民に連ならなければならない。彼はわたしがイスラエルの人々に与えた地に、はいることができない。これはメリバの水で、あなたがたがわたしの言葉にそむいたからである。
“Dapat maitipon si Aaron sa kaniyang mga tao, sapagkat hindi siya papasok sa lupain na ibinibigay ko sa mga tao ng Israel. Ito ay dahil lumabag kayong dalawa sa aking salita sa mga tubig ng Meribah.
25 あなたはアロンとその子エレアザルを連れてホル山に登り、
Kunin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak na lalaki at dalhin mo sila sa Bundok Hor.
26 アロンに衣服を脱がせて、それをその子エレアザルに着せなさい。アロンはそのところで死んで、その民に連なるであろう」。
Alisin mo kay Aaron ang mga kasuotang pangpari at isuot ito kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Dapat mamatay si Aaron at mmaitipon sa kaniyang mga tao doon.”
27 モーセは主が命じられたとおりにし、連れだって全会衆の目の前でホル山に登った。
Ginawa ni Moises ang inutos ni Yahweh. Umakyat sila sa Bundok Hor sa paningin ng sambayanan.
28 そしてモーセはアロンに衣服を脱がせ、それをその子エレアザルに着せた。アロンはその山の頂で死んだ。そしてモーセとエレアザルは山から下ったが、
Tinanggal ni Moises kay Aaron ang kaniyang kasuotang pangpari at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak na lalaki. Namatay si Aaron doon sa tuktok ng bundok. Pakatapos, bumaba si Moises at Eleazar.
29 全会衆がアロンの死んだのを見たとき、イスラエルの全家は三十日の間アロンのために泣いた。
Nang makita ng sambayanang patay na si Aaron. Nagluksa ang buong bansa para sa kaniya ng tatlumpung araw.