< 民数記 15 >
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
2 「イスラエルの人々に言いなさい、『あなたがたが、わたしの与えて住ませる地に行って、
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag pumasok kayo sa lupain kung saan kayo maninirahan, na ibibigay ni Yahweh sa inyo—
3 主に火祭をささげる時、すなわち特別の誓願の供え物、あるいは自発の供え物、あるいは祝のときの供え物として、牛または羊を燔祭または犠牲としてささげ、主に香ばしいかおりとするとき、
at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
dapat maghandog kay Yahweh ang isang taong nagdadala ng alay ng isang handog na butil ng ikasampu na epa ng pinong harinang hinaluan ng ikaapat na hin ng langis.
5 その供え物を主にささげる者は、燔祭または犠牲と共に、小羊一頭ごとに、麦粉一エパの十分の一に、油一ヒンの四分の一を混ぜたものを、素祭としてささげ、ぶどう酒一ヒンの四分の一を、灌祭としてささげなければならない。
Dapat din kayong maghanda ng ikaapat na hin ng alak bilang inuming handog. Gawin ninyo ito kasama ang alay na susunugin o kasama ang alay ng bawat batang tupa.
6 もし、また雄羊を用いるときは、麦粉一エパの十分の二に、油一ヒンの三分の一を混ぜたものを、素祭としてささげ、
Kung maghahandog kayo ng isang lalaking tupa, dapat kayong maghanda ng isang handog na butil ng dalawang ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng ikatatlo ng isang hin ng langis bilang handog.
7 また、ぶどう酒一ヒンの三分の一を、灌祭としてささげて、主に香ばしいかおりとしなければならない。
Para sa inuming handog, dapat kayong maghandog ng ikatlo ng isang hin ng alak. Magdudulot ito ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh.
8 またあなたが特別の誓願の供え物、あるいは酬恩祭を、主にささげる時、若い雄牛を、燔祭または犠牲とするならば、
Kapag maghanda kayo ng isang toro bilang alay na susunugin o bilang isang alay upang tuparin ang isang panata, o alay para sa pagtitipon-tipon kay Yahweh,
9 麦粉一エパの十分の三に、油一ヒンの二分の一を混ぜたものを、素祭として、若い雄牛と共にささげ、
sa gayon dapat kayong maghandog kasama ng toro ang isang handog na butil ng tatlong ikasampu ng isang epa ng pinong harinang hinaluan ng kalahating hin ng langis.
10 また、ぶどう酒一ヒンの二分の一を、灌祭としてささげなければならない。これは火祭であって、主に香ばしいかおりとするものである。
Dapat kayong maghandog bilang inuming handog ng kalahating hin ng alak, bilang isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
11 雄牛、あるいは雄羊、あるいは小羊、あるいは子やぎは、一頭ごとに、このようにしなければならない。
Dapat mangyari ito sa ganitong paraan para sa bawat toro, para sa bawat lalaking tupa, at para sa bawat lalaking batang mga tupa o mga batang kambing.
12 すなわち、あなたがたのささげる数にてらし、その数にしたがって、一頭ごとに、このようにしなければならない。
Ang bawat alay na inyong ihahanda at ihahandog ay dapat ninyong gawin ayon sa inilarawan dito.
13 すべて国に生れた者が、火祭をささげて、主に香ばしいかおりとするときは、このように、これらのことを行わなければならない。
Dapat gawin ng lahat ng katutubong Israelita ang mga bagay na ito sa ganitong paraan, kapag nagdadala ang sinuman ng isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak na kalugud-lugod kay Yahweh.
14 またあなたがたのうちに寄留している他国人、またはあなたがたのうちに、代々ながく住む者が、火祭をささげて、主に香ばしいかおりとしようとする時は、あなたがたがするように、その人もしなければならない。
Kung naninirahan ang isang dayuhan kasama ninyo, o sinumang nakikitira sa inyo sa buong salinlahi ng inyong mga tao, dapat siyang maghandog ng isang handog na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Dapat siyang kumilos gaya ng inyong pagkilos.
15 会衆たる者は、あなたがたも、あなたがたのうちに寄留している他国人も、同一の定めに従わなければならない。これは、あなたがたが代々ながく守るべき定めである。他国の人も、主の前には、あなたがたと等しくなければならない。
Dapat may parehong batas lamang para sa sambayanan at para sa dayuhang nakikitira sa inyo, isang palagiang batas sa buong salinlahi ng inyong mga tao. Kung ano kayo, gayundin dapat ang mga manlalakbay na naninirahan kasama ninyo. Dapat siyang kumilos gaya ng inyong pagkilos sa harapan ni Yahweh.
16 すなわち、あなたがたも、あなたがたのうちに寄留している他国人も、同一の律法、同一のおきてに従わなければならない』」。
Ang parehong batas at kautusan ang dapat masunod sa inyo at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”'
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
18 「イスラエルの人々に言いなさい、『わたしが導いて行く地に、あなたがたがはいって、
“Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupain kung saan ko kayo dadalhin,
19 その地の食物を食べるとき、あなたがたは、ささげ物を主にささげなければならない。
kapag kakainin ninyo ang pagkaing nagmula sa lupain, dapat kayong maghandog ng isang handog at idulog ito sa akin.
20 すなわち、麦粉の初物で作った菓子を、ささげ物としなければならない。これを、打ち場からのささげ物のように、ささげなければならない。
Mula sa una ng inyong masang harina, dapat kayong maghandog ng isang tinapay upang itaas ito bilang isang itinaas na handog mula sa giikang palapag. Dapat ninyong itaas ito sa ganitong paraan.
21 あなたがたは代々その麦粉の初物で、主にささげ物をしなければならない。
Dapat kayong magbigay sa akin ng isang itinaas na handog sa buong salinlahi ng inyong mga tao mula sa una ng inyong masang harina.
22 あなたがたが、もしあやまって、主がモーセに告げられたこのすべての戒めを行わず、
Minsan magkakasala kayo nang hindi sinasadya, kapag hindi ninyo sinunod ang lahat ng utos na ito na sinabi ko kay Moises—
23 主がモーセによって戒めを与えられた日からこのかた、代々にわたり、あなたがたに命じられたすべての事を行わないとき、
lahat ng bagay na inutos ko sa inyo sa pamamagitan ni Moises mula sa araw na sinimulan kong bigyan kayo ng mga utos at hanggang sa buong salinlahi ng inyong mga tao.
24 すなわち、会衆が知らずに、あやまって犯した時は、全会衆は若い雄牛一頭を、燔祭としてささげ、主に香ばしいかおりとし、これに素祭と灌祭とを定めのように加え、また雄やぎ一頭を、罪祭としてささげなければならない。
Patungkol sa hindi sinasadyang kasalanan na hindi alam ng buong sambayanan, dapat maghandog ang buong sambayanan ng isang batang toro bilang alay na susunugin upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh. Kalakip nito, dapat maghandog ng isang handog na butil at inuming handog, ayon sa iniutos ng batas, at isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
25 そして祭司は、イスラエルの人々の全会衆のために、罪のあがないをしなければならない。そうすれば、彼らはゆるされるであろう。それは過失だからである。彼らはその過失のために、その供え物として、火祭を主にささげ、また罪祭を主の前にささげなければならない。
Dapat gumawa ang pari ng pagbabayad ng kasalanan para sa lahat ng sambayanan ng Israel. Patatawarin sila dahil ang kasalanan ay isang pagkakamali. Dinala nila ang kanilang alay, ang isang handog para sa akin na pinaraan sa apoy. Dinala nila ang kanilang handog para sa kasalanan sa aking harapan para sa kanilang pagkakamali.
26 そうすれば、イスラエルの人々の全会衆はゆるされ、また彼らのうちに寄留している他国人も、ゆるされるであろう。民はみな過失を犯したからである。
At patatawarin ang lahat ng sambayanan ng Israel, at ang mga dayuhang naninirahan kasama nila, dahil nagkasala ang lahat ng tao nang hindi sinasadya.
27 もし人があやまって罪を犯す時は、一歳の雌やぎ一頭を罪祭としてささげなければならない。
Kung nagkakasala ang isang tao nang hindi sinasadya, dapat siyang maghandog ng isang babaeng kambing na isang taong gulang bilang handog para sa kaniyang kasalanan.
28 そして祭司は、人があやまって罪を犯した時、そのあやまって罪を犯した人のために、主の前に罪のあがないをして、その罪をあがなわなければならない。そうすれば、彼はゆるされるであろう。
Dapat maghandog ang pari ng pambayad ng kasalanan sa harapan ni Yahweh para sa taong nagkasala nang hindi sinasadya. Patatawarin ang taong iyon kapag maghandog ng pambayad ng kasalanan.
29 イスラエルの人々のうちの、国に生れた者でも、そのうちに寄留している他国人でも、あやまって罪を犯す者には、あなたがたは同一の律法を用いなければならない。
Dapat magkaroon kayo ng parehong batas para sa isang nakagawa ng anumang bagay nang hindi sinasadya, ang parehong batas para sa taong katutubo sa mga tao ng Israel at para sa mga dayuhang naninirahan sa kanila.
30 しかし、国に生れた者でも、他国の人でも、故意に罪を犯す者は主を汚すもので、その人は民のうちから断たれなければならない。
Ngunit ang taong nakagawa ng anumang bagay sa pagsuway, maging katutubo siya o isang dayuhan, nilalapastangan niya ako. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga tao.
31 彼は主の言葉を侮り、その戒めを破ったのであるから、必ず断たれ、その罪を負わなければならない』」。
Dahil sinuway niya ang aking salita at nilabag ang aking utos, dapat itiwalag nang ganap ang taong iyon. Nasa kaniya ang kasalanan.”
32 イスラエルの人々が荒野におるとき、安息日にひとりの人が、たきぎを集めるのを見た。
Habang nasa ilang ang mga tao ng Israel, nakasumpong sila ng isang lalaking namumulot ng kahoy sa araw ng Pamamahinga.
33 そのたきぎを集めるのを見た人々は、その人をモーセとアロン、および全会衆のもとに連れてきたが、
Dinala siya ng mga taong nakakita sa kaniya kina Moises, Aaron, at sa buong sambayanan.
34 どう取り扱うべきか、まだ示しを受けていなかったので、彼を閉じ込めておいた。
Ibinilanggo nila siya dahil hindi pa naipahayag kung ano ang dapat gawin sa kaniya.
35 そのとき、主はモーセに言われた、「その人は必ず殺されなければならない。全会衆は宿営の外で、彼を石で撃ち殺さなければならない」。
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Moises, “Dapat patayin ang lalaki. Dapat siyang batuhin ng buong sambayanan sa labas ng kampo.”
36 そこで、全会衆は彼を宿営の外に連れ出し、彼を石で撃ち殺し、主がモーセに命じられたようにした。
Kaya dinala siya ng buong sambayanan sa labas ng kampo at pinagbababato siya hanggang mamatay gaya ng inutos ni Yahweh kay Moises.
Muling nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
38 「イスラエルの人々に命じて、代々その衣服のすその四すみにふさをつけ、そのふさを青ひもで、すその四すみにつけさせなさい。
“Magsalita ka sa mga kaapu-apuhan ng Israel at utusan silang gumawa ng mga palawit para sa kanilang mga sarili upang isabit mula sa mga dulo ng kanilang mga damit, upang isabit ang mga ito mula sa bawat dulo sa pamamagitan ng isang taling asul. Dapat nilang gawin ito sa kabuuan ng salinlahi ng kanilang mga tao.
39 あなたがたが、そのふさを見て、主のもろもろの戒めを思い起して、それを行い、あなたがたが自分の心と、目の欲に従って、みだらな行いをしないためである。
Magiging isang natatanging paalala ito sa inyo, kapag makita ninyo ito, sa lahat ng aking mga utos, upang tuparin ang mga ito para hindi ninyo sundin ang inyong sariling puso at sariling mga mata, na kung saan kumilos kayo dati tulad ng mga mangangalunya.
40 こうして、あなたがたは、わたしのもろもろの戒めを思い起して、それを行い、あなたがたの神に聖なる者とならなければならない。
Gawin ninyo ito upang maisaisip ninyo at masunod ang lahat kong utos, at upang maaari kayong maging banal, inilaan para sa akin, ang inyong Diyos.
41 わたしはあなたがたの神、主であって、あなたがたの神となるために、あなたがたをエジプトの国から導き出した者である。わたしはあなたがたの神、主である」。
Ako si Yahweh ang inyong Diyos, na siyang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang maging Diyos ninyo. Ako si Yahweh ang inyong Diyos.”