< 民数記 10 >

1 主はモーセに言われた、
Nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
2 「銀のラッパを二本つくりなさい。すなわち、打物造りとし、それで会衆を呼び集め、また宿営を進ませなさい。
“Gumawa ka ng dalawang trumpetang pilak. Pandayin mo ang pilak upang makagawa ng mga ito. Dapat gamitin mo ang mga trumpeta upang tawagin ang sambayanan nang sama-sama at upang sabihin sa sambayanang ilipat ang kanilang mga kampo.
3 この二つを吹くときは、全会衆が会見の幕屋の入口に、あなたの所に集まってこなければならない。
Dapat hipan ng mga pari ang mga trumpeta upang tipunin ang buong sambayanan sa iyong harapan sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
4 もしその一つだけを吹くときは、イスラエルの氏族の長であるつかさたちが、あなたの所に集まってこなければならない。
Kung isang trumpeta lamang ang hihipan ng mga pari, ang mga pinuno, ang mga pangulo ng mga angkan ng Israel ay dapat magkatipon sa iyo.
5 またあなたがたが警報を吹き鳴らす時は、東の方の宿営が、道に進まなければならない。
Kapag humihip ka ng isang malakas na hudyat, ang mga kampo sa silangang dako ay dapat nilang simulan ang paglalakbay.
6 二度目の警報を吹き鳴らす時は、南の方の宿営が、道に進まなければならない。すべて道に進む時は、警報を吹き鳴らさなければならない。
Kapag humihip kayo ng isang malakas na hudyat sa pangalawang pagkakaton, ang mga kampo sa katimugang dako ay dapat nilang simulan ang kanilang paglalakbay. Dapat humihip sila ng isang malakas na hudyat para sa kanilang mga paglalakbay.
7 また会衆を集める時にも、ラッパを吹き鳴らすが、警報は吹き鳴らしてはならない。
Kapag nagtitipun-tipon ang sambayanan, hipan mo ang mga trumpeta, ngunit mahina.
8 アロンの子である祭司たちが、ラッパを吹かなければならない。これはあなたがたが、代々ながく守るべき定めとしなければならない。
Dapat hipan ng mga lalaking anak ni Aaron na mga pari, ang mga trumpeta. Palagi itong magiging isang kautusan para sa inyo sa kabuuan ng salinlahi ng inyong mga tao.
9 また、あなたがたの国で、あなたがたをしえたげるあだとの戦いに出る時は、ラッパをもって、警報を吹き鳴らさなければならない。そうするならば、あなたがたは、あなたがたの神、主に覚えられて、あなたがたの敵から救われるであろう。
Kapag pumunta kayo sa digmaan sa inyong lupain laban sa isang kaaway na nagmamalupit sa inyo, dapat kayong magpatunog ng isang hudyat gamit ang mga trumpeta. Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos, aalalahanin ko kayo at ililigtas mula sa inyong mga kaaway.
10 また、あなたがたの喜びの日、あなたがたの祝いの時、および月々の第一日には、あなたがたの燔祭と酬恩祭の犠牲をささげるに当って、ラッパを吹き鳴らさなければならない。そうするならば、あなたがたの神は、それによって、あなたがたを覚えられるであろう。わたしはあなたがたの神、主である」。
Gayundin, sa oras ng pagdiriwang, kapwa ang inyong karaniwang mga pagdiriwang at sa simula ng mga buwan, dapat hipan ninyo ang mga trumpeta sa karangalan ng inyong mga alay na susunugin at sa mga alay para sa inyong handog para sa pagtitipon-tipon. Magsisilbi itong alaala ninyo sa akin, na inyong Diyos. Ako si Yahweh, na inyong Diyos.”
11 第二年の二月二十日に、雲があかしの幕屋を離れてのぼったので、
Sa ikalawang taon, sa ikalawang buwan, sa ikadalawampung araw ng buwan, ang ulap ay tumaas mula sa tabernakulo ng toldang tipanan.
12 イスラエルの人々は、シナイの荒野を出て、その旅路に進んだが、パランの荒野に至って、雲はとどまった。
Patuloy ang mga tao ng Israel sa kanilang paglalakbay mula sa ilang ng Sinai. Huminto ang ulap sa ilang ng Paran.
13 こうして彼らは、主がモーセによって、命じられたところにしたがって、道に進むことを始めた。
Nagawa nila ang kanilang unang paglalakbay, sinusunod nila ang utos ni Yahweh na kaniyang ibinigay sa pamagitan ni Moises.
14 先頭には、ユダの子たちの宿営の旗が、その部隊を従えて進んだ。ユダの部隊の長はアミナダブの子ナション、
Ang kampong nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Juda ang unang lumabas, inilabas nila ang kani-kanilang mga hukbo. Si Naason na anak ni Aminadab ang nanguna sa hukbo ni Juda.
15 イッサカルの子たちの部族の部隊の長はツアルの子ネタニエル、
Si Nathanel na anak ni Zuar ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Isacar.
16 ゼブルンの子たちの部族の部隊の長はヘロンの子エリアブであった。
Si Eliab na anak ni Helon ang nanguna sa hukbo ng tribui ng mga kaapu-apuhan ni Zebulun.
17 そして幕屋は取りくずされ、ゲルションの子たち、およびメラリの子たちは幕屋を運び進んだ。
Ang mga kaapu-apuhan nina Gerson at Merari, na siyang nangalaga sa tabernakulo, ang kumuha sa tabernakulo at inihanda para sa kanilang paglalakbay.
18 次にルベンの宿営の旗が、その部隊を従えて進んだ。ルベンの部隊の長はシデウルの子エリヅル、
Sumunod, ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng kampo ni Ruben ang humayo sa kanilang paglalabay. Si Elizur na anak ni Seduer ang nanguna sa hukbo ni Ruben.
19 シメオンの子たちの部族の部隊の長はツリシャダイの子シルミエル、
Si Selumiel na anak ni Zurisaddai ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Simeon.
20 ガドの子たちの部族の部隊の長はデウエルの子エリアサフであった。
Si Eliasaf na anak ni Deuel ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Gad.
21 そしてコハテびとは聖なる物を運び進んだ。これが着くまでに、人々は幕屋を建て終るのである。
Humayo ang mga tribu ni Kohatita. Dinala nila ang kagamitan ng banal na santuwaryo. Nagtayo ang iba ng kanilang tabernakulo bago dumating ang mga Kohatita sa kasunod na kampo.
22 次にエフライムの子たちの宿営の旗が、その部隊を従えて進んだ。エフライムの部隊の長はアミホデの子エリシャマ、
Ang mga hukbo na nasa ilalim ng bandila ng mga kaapu-apuhan ni Efraim ang sumunod na humayo. Si Elisama na lalaking anak ni Ammiud ang nanguna sa hukbo ni Efraim.
23 マナセの子たちの部族の部隊の長はパダヅルの子ガマリエル、
Si Gamaliel na lalaking anak ni Pedasur ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
24 ベニヤミンの子たちの部族の部隊の長はギデオニの子アビダンであった。
Si Abidan na lalaking anak ni Gideon ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin.
25 次にダンの子たちの宿営の旗が、その部隊を従えて進んだ。この部隊はすべての宿営のしんがりであった。ダンの部隊の長はアミシャダイの子アヒエゼル、
Ang mga hukbong nagkampo sa ilalim ng bandila ng kaapu-apuhan ni Dan ang huling lumabas. Si Ahieser na lalaking anak ni Amisaddai ang nanguna sa hukbo ni Dan.
26 アセルの子たちの部族の部隊の長はオクランの子パギエル、
Si Pagiel na lalaking anak ni Okran ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Aser.
27 ナフタリの子たちの部族の部隊の長はエナンの子アヒラであった。
Si Ahira na lalaking anak ni Enan ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Neftali.
28 イスラエルの人々が、その道に進む時は、このように、その部隊に従って進んだ。
Ito ang paraan ng mga hukbo ng mga tao ng Israel sa paghayo sa kanilang paglalakbay.
29 さて、モーセは、妻の父、ミデヤンびとリウエルの子ホバブに言った、「わたしたちは、かつて主がおまえたちに与えると約束された所に向かって進んでいます。あなたも一緒においでください。あなたが幸福になられるようにいたしましょう。主がイスラエルに幸福を約束されたのですから」。
Nagsalita si Moises kay Hobab na lalaking anak ni Ruel na Medianita. Si Ruel ay ama ng asawa ni Moises. Nagsalita si Moises kay Hobab at sinabi, “Maglalakbay kami sa isang lugar na inilarawan ni Yahweh. Sinabi ni Yahweh, 'Ibibigay ko ito sa inyo.' Sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti. Ipinangako ni Yahweh na gagawa siya ng mabuti sa Israel.”
30 彼はモーセに言った、「わたしは行きません。わたしは国に帰って、親族のもとに行きます」。
Ngunit sinabi ni Hobab kay Moises, “Hindi ako sasama sa inyo. Pupunta ako sa aking sariling lupain at sa aking sariling mga tao.”
31 モーセはまた言った、「どうかわたしたちを見捨てないでください。あなたは、わたしたちが荒野のどこに宿営すべきかを御存じですから、わたしたちの目となってください。
At sumagot si Moises, “Pakiusap, huwag mo kaming iwan. Alam mo kung paano magkampo sa ilang. Dapat bantayan mo kami.
32 もしあなたが一緒においでくださるなら、主がわたしたちに賜わる幸福をあなたにも及ぼしましょう」。
Kung sasama ka sa amin, gagawin namin sa iyo ang parehong kabutihang ginawa ni Yahweh sa amin.”
33 こうして彼らは主の山を去って、三日の行程を進んだ。主の契約の箱は、その三日の行程の間、彼らに先立って行き、彼らのために休む所を尋ねもとめた。
Naglakbay sila sa loob ng tatlong araw mula sa bundok ni Yahweh. Nauna sa kanila ang kaban ng tipan ni Yahweh nang tatlong araw upang maghanap ng lugar na maaari nilang mapagpahingahan.
34 彼らが宿営を出て、道に進むとき、昼は主の雲が彼らの上にあった。
Nasa itaas nila ang ulap ni Yahweh sa araw habang naglalakbay sila.
35 契約の箱の進むときモーセは言った、「主よ、立ちあがってください。あなたの敵は打ち散らされ、あなたを憎む者どもは、あなたの前から逃げ去りますように」。
Sa tuwing ilalabas ang kaban, sasabihin ni Moises, “Tumindig ka, Yahweh. Ikalat mo ang iyong mga kaaway. Palayasin mo ang mga taong napopoot sa iyo.”
36 またそのとどまるとき、彼は言った、「主よ、帰ってきてください、イスラエルのちよろずの人に」。
Sa tuwing hihinto ang kaban, sasabihin ni Moises, “Bumalik ka, Yahweh, sa libu-libong Israelita.”

< 民数記 10 >