< レビ記 15 >

1 主はまた、モーセとアロンに言われた、
Kinausap ni Yahweh sina Moises at Aaron, sinabing,
2 「イスラエルの人々に言いなさい、『だれでもその肉に流出があれば、その流出は汚れである。
“Kausapin ang mga mamamayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang lalaki na nagkaroon ng isang likidong may impeksyon na lumabas sa kaniyang katawan, siya ay nagiging marumi.
3 その流出による汚れは次のとおりである。すなわち、その肉の流出が続いていても、あるいは、その肉の流出が止まっていても、共に汚れである。
Ang kaniyang karumihan ay dahil sa likidong mayroong impeksyon na ito. Kahit ang kaniyang katawan ay dinadaluyan ng likido, o tumigil na, ito ay marumi.
4 流出ある者の寝た床はすべて汚れる。またその人のすわった物はすべて汚れるであろう。
Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi, at lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi.
5 その床に触れる者は、その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
6 流出ある者のすわった物の上にすわる者は、その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Sinuman ang umupo sa anumang bagay na inuupuan ng lalaking dinadaluyan ng likidong mayroong impeksyon, dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
7 流出ある者の肉に触れる者は衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
At sinumang humawak sa katawan ng isang may tumutulong likidong may impeksyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
8 流出ある者のつばきが、清い者にかかったならば、その人は衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Kapag ang taong mayroong tumutulong likido ay dumura sa sinumang malinis, kung gayon dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
9 流出ある者の乗った鞍はすべて汚れる。
Alinmang upuan sa likod ng kabayo na sinakyan ng mayroong isang daloy ay magiging marumi.
10 また彼の下になった物に触れる者は、すべて夕まで汚れるであろう。またそれらの物を運ぶ者は、その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Ang sinumang humawak sa anumang bagay na napasailalim ng taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi, at sinumang magdala ng mga bagay na iyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
11 流出ある者が、水で手を洗わずに人に触れるならば、その人は衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Ang sinuman na nagkaroon ng ganoong tulo ay humawak na hindi muna niya hinugasan ang kaniyang mga kamay ng tubig, dapat labahan ng taong hinawakan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
12 流出ある者が触れた土の器は砕かなければならない。木の器はすべて水で洗わなければならない。
Anumang palayok na luad na hinawakan ng may tulo na likido ay dapat basagin, at dapat hugasan ng tubig ang bawat sisidlang kahoy.
13 流出ある者の流出がやんで清くなるならば、清めのために七日を数え、その衣服を洗い、流れ水に身をすすがなければならない。そうして清くなるであろう。
Kapag siya na nagkatulo ay nilinis na mula sa kaniyang tulo, kung gayon ay dapat siyang bumilang ng pitong araw para sa kaniyang paglilinis; pagkatapos dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng umaagos na tubig. Pagkatapos siya ay magiging malinis.
14 八日目に、山ばと二羽、または家ばとのひな二羽を取って、会見の幕屋の入口に行き、主の前に出て、それを祭司に渡さなければならない。
Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batu-batoi at dapat siyang pumunta kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; doon ay dapat niyang ibigay ang mga ibon sa pari.
15 祭司はその一つを罪祭とし、他の一つを燔祭としてささげなければならない。こうして祭司はその人のため、その流出のために主の前に、あがないをするであろう。
Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
16 人がもし精を漏らすことがあれば、その全身を水にすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Kung ang similya ng sinumang lalaki ay kusang lumabas mula sa kaniya, sa gayon ay dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan sa tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
17 すべて精のついた衣服および皮で作った物は水で洗わなければならない。これは夕まで汚れるであろう。
Dapat malabhan ng tubig ang bawat kasuotan o balat ng hayop na nagkaroon ng similya; ito ay magiging marumi hanggang gabi.
18 男がもし女と寝て精を漏らすことがあれば、彼らは共に水に身をすすがなければならない。彼らは夕まで汚れるであろう。
At kapag ang isang babae at isang lalaki ay nagsiping at nagkaroon ng paglilipat ng similya sa babae, dapat paliguan nila pareho ang kanilang mga sarili ng tubig; sila ay magiging marumi hanggang gabi.
19 また女に流出があって、その身の流出がもし血であるならば、その女は七日のあいだ不浄である。すべてその女に触れる者は夕まで汚れるであろう。
Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
20 その不浄の間に、その女の寝た物はすべて汚れる。またその女のすわった物も、すべて汚れるであろう。
Bawat bagay na kaniyang hinigaan sa loob ng kaniyang kabuwanang dalaw ay magiging marumi; lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi din.
21 すべてその女の床に触れる者は、その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Sinumang humawak ng kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig; magiging marumi hanggang gabi ang taong iyon.
22 すべてその女のすわった物に触れる者は皆その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
Sinumang makahawak sa anumang bagay na kanyang inupuan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
23 またその女が床の上、またはすわる物の上におる時、それに触れるならば、その人は夕まで汚れるであろう。
Kahit ito ay sa higaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan, kung hawakan niya ito, ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
24 男がもし、その女と寝て、その不浄を身にうけるならば、彼は七日のあいだ汚れるであろう。また彼の寝た床はすべて汚れるであろう。
Kung sinumang lalaki ang sumiping sa kanya, at kung ang kaniyang maruming daloy ay mapasayad sa kaniya, magiging marumi siya ng pitong araw. Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi.
25 女にもし、その不浄の時のほかに、多くの日にわたって血の流出があるか、あるいはその不浄の時を越して流出があれば、その汚れの流出の日の間は、すべてその不浄の時と同じように、その女は汚れた者である。
Kung ang isang babae ay nagkaroon ng pagdurugo ng maraming araw na hindi sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, o kapag siya ay mayroong siyang pagdurugo na lagpas pa sa kaniyang kabuwanang dalaw, sa panahon ng mga araw ng pag-agos ng kaniyang karumihan, siya ay parang nasa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw. Siya ay marumi.
26 その流出の日の間に、その女の寝た床は、すべてその女の不浄の時の床と同じようになる。すべてその女のすわった物は、不浄の汚れのように汚れるであろう。
Ang bawat higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang pagdurugo ay magiging kagaya ng higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw para sa kaniya, at bawat bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi, tulad ng karumihan ng kaniyang kabuwanang dalaw.
27 すべてこれらの物に触れる人は汚れる。その衣服を洗い、水に身をすすがなければならない。彼は夕まで汚れるであろう。
At sinumang gumalaw ng alinmang mga bagay na iyon ay magiging marumi; dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
28 しかし、その女の流出がやんで、清くなるならば、自分のために、なお七日を数えなければならない。そして後、清くなるであろう。
Pero kung siya ay nalinisan mula sa kaniyang pagdurugo, kung gayon siya ay magbilang ng pitong araw at pagkatapos nito siya ay magiging malinis.
29 その女は八日目に山ばと二羽、または家ばとのひな二羽を自分のために取り、それを会見の幕屋の入口におる祭司のもとに携えて行かなければならない。
Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang kalapati o dalawang batu-bato at dadalhin ang mga ito sa pari sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
30 祭司はその一つを罪祭とし、他の一つを燔祭としてささげなければならない。こうして祭司はその女のため、その汚れの流出のために主の前に、あがないをするであろう。
Iaalay ng pari ang isang ibon bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at siya ay gagawa ng pambayad para sa kanyang kasalanan sa harap ni Yahweh para sa maruming pag-agos ng dugo.
31 このようにしてあなたがたは、イスラエルの人々を汚れから離さなければならない。これは彼らのうちにあるわたしの幕屋を彼らが汚し、その汚れのために死ぬことのないためである』」。
Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.
32 これは流出ある者、精を漏らして汚れる者、
Ito ang mga alituntunin para sa sinumang mayroong tulo ng likido, para sa sinumang lalaki na nilalabasan ng kanyang similya at nagdulot sa kanyang maging marumi,
33 不浄をわずらう女、ならびに男あるいは女の流出ある者、および不浄の女と寝る者に関するおきてである。
para sa sinumang babaeng mayroong kabuwanang dalaw, para sa sinumang nilalabasan ng likido, kahit pa lalaki o babae, at para sa sinumang lalaki na sumiping sa maruming babae.'”

< レビ記 15 >