< 士師記 3 >
1 すべてカナンのもろもろの戦争を知らないイスラエルの人々を試みるために、主が残しておかれた国民は次のとおりである。
Ngayon ay hinayaan ni Yahweh ang mga bansa na subukin ang Israel, lalo na ang lahat sa Israel na hindi nakaranas ng anumang digmaan sa Canaan.
2 これはただイスラエルの代々の子孫、特にまだ戦争を知らないものに、それを教え知らせるためである。
(ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.):
3 すなわちペリシテびとの五人の君たちと、すべてのカナンびとと、シドンびとおよびレバノン山に住んで、バアル・ヘルモン山からハマテの入口までを占めていたヒビびとなどであって、
ang limang hari mula sa Palestina, lahat ng mga Cananeo, ang mga Sidoneo, at ang mga Heveo na naninirahan sa kabundukan ng Lebanon, mula sa Bundok Baal Hermon patungong Pasong Hamat.
4 これらをもってイスラエルを試み、主がモーセによって先祖たちに命じられた命令に、彼らが従うかどうかを知ろうとされたのである。
Ang mga bansang ito ay inawanan para masubok ni Yahweh ang Israel, para patunayang kung susundin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.
5 しかるにイスラエルの人々はカナンびと、ヘテびと、アモリびと、ペリジびと、ヒビびと、エブスびとのうちに住んで、
Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo.
6 彼らの娘を妻にめとり、また自分たちの娘を彼らのむすこに与えて、彼らの神々に仕えた。
Kinuha nila ang kanilang mga anak na babae para maging asawa nila, at ang kanilang sariling anak na mga babae ay ibinigay nila sa kanilang mga anak na lalaki, at pinaglingkuran nila ang kanilang mga diyus-diyosan.
7 こうしてイスラエルの人々は主の前に悪を行い、自分たちの神、主を忘れて、バアルおよびアシラに仕えた。
Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at kinalimutan si Yahweh na kanilang Diyos. Sinamba nila ang mga Baal at ang mga Asera.
8 そこで主はイスラエルに対して激しく怒り、彼らをメソポタミヤの王クシャン・リシャタイムの手に売りわたされたので、イスラエルの人々は八年の間、クシャン・リシャタイムに仕えた。
Kaya ang galit ni Yahweh ay nag-alab sa Israel, at sila'y ipinagbili niya sa kamay ni Cushanrishataim ang hari ng Aram Naharaim. Naglingkod nang walong taon ang bayan ng Israel kay Cushan Rishathaim.
9 しかし、イスラエルの人々が主に呼ばわったとき、主はイスラエルの人々のために、ひとりの救助者を起して彼らを救われた。すなわちカレブの弟、ケナズの子オテニエルである。
Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb).
10 主の霊がオテニエルに臨んだので、彼はイスラエルをさばいた。彼が戦いに出ると、主はメソポタミヤの王クシャン・リシャタイムをその手にわたされたので、オテニエルの手はクシャン・リシャタイムに勝ち、
Siya ay binigyan ng kapangyarihan ng Espiritu ni Yahweh, pinangunahan niya ang Israel at siya ay nakipagdigma. Binigyan siya ni Yahweh ng tagumpay laban kay Cushanrishataim na hari ng Aram. Ito ang kapangyarihan ni Otniel na tumalo kay Cushanrishataim.
11 国は四十年のあいだ太平であった。ケナズの子オテニエルはついに死んだ。
Nagkaroon ng kapayapaan ang lupain ng apatnapung taon. Pagkatapos si Otniel na anak na lalaki ni Kenaz ay namatay.
12 イスラエルの人々はまた主の前に悪をおこなった。すなわち彼らが主の前に悪をおこなったので、主はモアブの王エグロンを強めて、イスラエルに敵対させられた。
Muling sumuway ang bayan ng Israel kay Yahweh sa pamamagitan ng paggawa ng mga masasamang bagay, at nakita niya ang kanilang ginawa. Kaya binigyan ni Yahweh ng lakas si Eglon ang hari ng Moab sa kaniyang pagsalakay laban sa Israel, dahil nakagawa ang Israel ng mga bagay na masama gaya ng napansin ni Yahweh.
13 エグロンはアンモンおよびアマレクの人々を集め、きてイスラエルを撃ち、しゅろの町を占領した。
Sumali si Eglon sa mga Ammonita at mga Amalekita at nagpunta sila at tinalo ang Israel, at inangkin nila ang Lungsod ng mga Palma.
14 こうしてイスラエルの人々は十八年の間モアブの王エグロンに仕えた。
Naglingkod ang bayan ng Israel kay Eglon na hari ng Moab sa loob ng walumpung taon.
15 しかしイスラエルの人々が主に呼ばわったとき、主は彼らのために、ひとりの救助者を起された。すなわちベニヤミンびと、ゲラの子、左ききのエホデである。イスラエルの人々は彼によってモアブの王エグロンに、みつぎ物を送った。
Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab.
16 エホデは長さ一キュビトのもろ刃のつるぎを作らせ、それを衣の下、右のももの上に帯びて、
Gumawa ng isang espadang may dalawang talim si Ehud para sa kaniyang sarili, isang kubit sa haba; itinali niya ito sa ilalim ng kaniyang damit sa kanang hita.
17 モアブの王エグロンにみつぎ物をもってきた。エグロンは非常に肥えた人であった。
Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.)
18 エホデがみつぎ物をささげ終ったとき、彼はみつぎ物をになってきた民を帰らせ、
Matapos ihandog ni Ehud ang pugay na pambayad, umalis siya kasama ang mga nagdala nito.
19 かれ自身はギルガルに近い石像のある所から引きかえして言った、「王よ、わたしはあなたに申しあげる機密をもっています」。そこで王は「さがっておれ」と言ったので、かたわらに立っている者は皆出て行った。
Gayunman, para kay Ehud nang marating niya ang lugar kung saan ginawa ang mga inukit na larawan malapit sa Gilgal, siya ay bumalik at sinabi, “Mayroon akong lihim na mensahe para sa iyo, aking hari.” Sinabi ni Eglon, “Tumahimik ka” Kaya umalis sa silid ang lahat ng naglilingkod sa kaniya.
20 エホデが王のところにはいって来ると、王はひとりで涼みの高殿に座していたので、エホデが「わたしは神の命によってあなたに申しあげることがあります」と言うと、王は座から立ちあがった。
Lumapit sa kaniya si Ehud. Nakaupong mag-isa ang hari, nag-iisa sa katiwasayan ng silid sa itaas. Sinabi ni Ehud, “Mayroon akong mensahe mula sa Diyos para sa iyo.” Tumayo ang hari mula sa kaniyang upuan.
21 そのときエホデは左の手を伸ばし、右のももからつるぎをとって王の腹を刺した。
Si Ehud ay bumunot gamit ang kaliwang kamay at kinuha ang espada mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak ito sa katawan ng hari.
22 つるぎのつかも刃と共にはいったが、つるぎを腹から抜き出さなかったので、脂肪が刃をふさいだ。そして汚物が出た。
At bumaon pati ang hawakan ng espada kasunod ng talim, na ang dulo ay tumagos sa kaniyang likuran, at sumara ang taba sa talim, dahil hindi binunot ni Ehud ang espada mula sa kaniyang katawan.
23 エホデは廊下に出て、王のおる高殿の戸を閉じ、錠をおろした。
Pagkatapos lumabas si Ehud sa balkonahe at isinara ang mga pintuan ng silid sa itaas sa kaniyang likuran at kinandado ang mga ito.
24 彼が出た後、王のしもべどもがきて、高殿の戸に錠のおろされてあるのを見て、「王はきっと涼み殿のへやで足をおおっておられるのだ」と思った。
Matapos umalis ni Ehud, dumating ang mga tagapaglingkod ng hari; nakita nila na nakakandado ang mga pintuan ng silid sa itaas, kaya inisip nila, “Tiyak na pinagiginhawa niya ang kaniyang sarili sa katiwasayan sa silid sa itaas.”
25 しもべどもは長いあいだ待っていたが、王がなお高殿の戸を開かないので、心配してかぎをとって開いて見ると、王は床にたおれて死んでいた。
Lubha silang nag-alala hanggang sa naramdaman nilang nagpapabaya sila sa kanilang tungkulin kapag hindi parin bubuksan ng hari ang mga pintuan ng silid sa itaas. Kaya kinuha nila ang susi at binuksan ang mga ito, at doon nakahiga ang kanilang amo, nakahandusay sa sahig, patay na.
26 エホデは彼らのためらうまに、のがれて石像のある所を過ぎ、セイラに逃げていった。
Habang naghihintay ang mga lingkod, nag-iisip kung ano ang kanilang gagawin, tumakas si Ehud at dumaan sa ibayo ng lugar kung saan may inukit na larawan ng mga diyus-diyosan, at siya ay tumakas patungong Seira.
27 彼が行ってエフライムの山地にラッパを吹き鳴らしたので、イスラエルの人々は彼と共に山地から下ってエホデに従った。
Nang dumating siya, hinipan niya ang isang trumpeta sa mga burol ng Efraim. Pagkatapos bumaba ang bayan ng Israel kasama niya mula sa mga burol, at sila'y pinamumunuan niya.
28 エホデは彼らに言った、「わたしについてきなさい。主はあなたがたの敵モアブびとをあなたがたの手にわたされます」。そこで彼らはエホデに従って下り、ヨルダンの渡し場をおさえ、モアブびとをひとりも渡らせなかった。
Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, dahil malapit nang talunin ni Yahweh ang inyong mga kaaway, ang mga Moabita.” Sumunod sila sa kaniya at binihag ang mga mababaw na bahagi ng Jordan sa kabila mula sa mga Moabita, at hindi nila pinahihintulan ang sinuman na tumawid sa ilog.
29 そのとき彼らはモアブびとおおよそ一万人を殺した。これはいずれも肥え太った勇士であって、ひとりも、のがれた者がなかった。
Nang panahong iyon nakapatay sila ng humigit kumulang sa sampung libong kalalakihan ng Moab, at ang lahat ay malakas at mahuhusay na mga lalaki. Walang isa mang nakatakas.
30 こうしてモアブはその日イスラエルの手に服し、国は八十年のあいだ太平であった。
Kaya nang araw na iyon napasuko ang Moab sa pamamagitan ng lakas ng Israel. At nagkaroon ng kaginhawaan ang lupain sa loob ng walumpung taon.
31 エホデの後、アナテの子シャムガルが起り、牛のむちをもってペリシテびと六百人を殺した。この人もまたイスラエルを救った。
Pagkatapos ni Ehud ang sumunod na hukom ay si Shamgar anak na lalaki ni Anat na pumatay ng 600 kalalakihan ng mga Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na ginagamit para magtaboy ng mga baka. Iniligtas din niya ang Israel mula sa panganib.