< ヨナ書 3 >

1 時に主の言葉は再びヨナに臨んで言った、
Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas sa pangalawang pagkakataon, na nagsasabing,
2 「立って、あの大きな町ニネベに行き、あなたに命じる言葉をこれに伝えよ」。
“Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod, at ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay.”
3 そこでヨナは主の言葉に従い、立って、ニネベに行った。ニネベは非常に大きな町であって、これを行きめぐるには、三日を要するほどであった。
Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh. Ngayon ang Nineve ay isang napakalaking lungsod, isang lungsod na may tatlong araw na paglalakbay.
4 ヨナはその町にはいり、初め一日路を行きめぐって呼ばわり、「四十日を経たらニネベは滅びる」と言った。
Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, “Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak.”
5 そこでニネベの人々は神を信じ、断食をふれ、大きい者から小さい者まで荒布を着た。
Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila.
6 このうわさがニネベの王に達すると、彼はその王座から立ち上がり、朝服を脱ぎ、荒布をまとい、灰の中に座した。
Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo.
7 また王とその大臣の布告をもって、ニネベ中にふれさせて言った、「人も獣も牛も羊もみな、何をも味わってはならない。物を食い、水を飲んではならない。
Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, “Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig.
8 人も獣も荒布をまとい、ひたすら神に呼ばわり、おのおのその悪い道およびその手にある強暴を離れよ。
Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.
9 あるいは神はみ心をかえ、その激しい怒りをやめて、われわれを滅ぼされないかもしれない。だれがそれを知るだろう」。
Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay.”
10 神は彼らのなすところ、その悪い道を離れたのを見られ、彼らの上に下そうと言われた災を思いかえして、これをおやめになった。
Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.

< ヨナ書 3 >