< ヨブ 記 3 >

1 この後、ヨブは口を開いて、自分の生れた日をのろった。
Pagkatapos nito, binuksan ni Job ang kaniyang bibig at isinumpa ang araw ng kapanganakan niya.
2 すなわちヨブは言った、
Sinabi niya,
3 「わたしの生れた日は滅びうせよ。『男の子が、胎にやどった』と言った夜もそのようになれ。
“Sana napuksa na lang ang araw na ipinanganak ako, ang gabi na binalitang 'isang sanggol na lalaki ang ipinanganak.'
4 その日は暗くなるように。神が上からこれを顧みられないように。光がこれを照さないように。
Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
5 やみと暗黒がこれを取りもどすように。雲が、その上にとどまるように。日を暗くする者が、これを脅かすように。
Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
6 その夜は、暗やみが、これを捕えるように。年の日のうちに加わらないように。月の数にもはいらないように。
At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
7 また、その夜は、はらむことのないように。喜びの声がそのうちに聞かれないように。
Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
8 日をのろう者が、これをのろうように。レビヤタンを奮い起すに巧みな者が、これをのろうように。
Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
9 その明けの星は暗くなるように。光を望んでも、得られないように。また、あけぼののまぶたを見ることのないように。
Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
10 これは、わたしの母の胎の戸を閉じず、また悩みをわたしの目に隠さなかったからである。
dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
11 なにゆえ、わたしは胎から出て、死ななかったのか。腹から出たとき息が絶えなかったのか。
Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
12 なにゆえ、ひざが、わたしを受けたのか。なにゆえ、乳ぶさがあって、わたしはそれを吸ったのか。
Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
13 そうしなかったならば、わたしは伏して休み、眠ったであろう。そうすればわたしは安んじており、
Dapat sana tahimik na akong nakahiga ngayon, nakatulog na sana ako at namamahinga
14 自分のために荒れ跡を築き直した地の王たち、参議たち、
kasama ng mga hari at taga-payo sa lupa, na nagtayo ng mga puntod para sa kanilang mga sarili na ngayon ay gumuho na.
15 あるいは、こがねを持ち、しろがねを家に満たした君たちと一緒にいたであろう。
O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
16 なにゆえ、わたしは人知れずおりる胎児のごとく、光を見ないみどりごのようでなかったのか。
O kaya, patay na ako nang ipinanganak, tulad ng mga sanggol na hindi na nasilayan ang liwanag.
17 かしこでは悪人も、あばれることをやめ、うみ疲れた者も、休みを得、
Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga.
18 捕われ人も共に安らかにおり、追い使う者の声を聞かない。
Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo, hindi na nila maririnig ang boses ng mga tagapamahala sa kanila.
19 小さい者も大きい者もそこにおり、奴隷も、その主人から解き放される。
Ang mga karaniwan at mga tanyag na tao ay naroroon, ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo.
20 なにゆえ、悩む者に光を賜い、心の苦しむ者に命を賜わったのか。
Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
21 このような人は死を望んでも来ない、これを求めることは隠れた宝を掘るよりも、はなはだしい。
ang taong gusto nang mamatay pero hindi mamatay-matay, ang taong naghahanap ng kamatayan higit pa sa paghahanap ng kayamanan?
22 彼らは墓を見いだすとき、非常に喜び楽しむのだ。
Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong lubos na masaya at nagagalak kung hinahanap naman niya ay libingan?
23 なにゆえ、その道の隠された人に、神が、まがきをめぐらされた人に、光を賜わるのか。
Bakit ibinibigay ang liwanag sa isang taong inililihim ang kaniyang pamamaraan, isang tao kung saan naglagay ang Diyos ng mga bakod?
24 わたしの嘆きはわが食物に代って来り、わたしのうめきは水のように流れ出る。
Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
25 わたしの恐れるものが、わたしに臨み、わたしの恐れおののくものが、わが身に及ぶ。
Dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay dumating na sa akin; kung ano ang ikinatatakot ko ay narito na.
26 わたしは安らかでなく、またおだやかでない。わたしは休みを得ない、ただ悩みのみが来る」。
Wala akong kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan bagkus ang dumating sa akin ay kabalisahan.

< ヨブ 記 3 >