< エレミヤ書 26 >

1 ユダの王ヨシヤの子エホヤキムが世を治めた初めのころ、主からこの言葉があった、
Sa pasimula ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias, ang hari ng Juda, dumating ang salitang ito mula kay Yahweh at sinabi,
2 「主はこう仰せられる、主の宮の庭に立ち、わたしがあなたに命じて言わせるすべての言葉を、主の宮で礼拝するために来ているユダの町々の人々に告げなさい。ひと言をも言い残しておいてはならない。
“Sinasabi ito ni Yahweh: Tumayo ka sa patyo ng aking tahanan at magsalita sa lahat ng mga lungsod ng Juda na pumupunta upang sumamba sa aking tahanan. Ipahayag mong lahat ang mga salitang iniutos ko sa iyo na iyong sasabihin sa kanila. Huwag mong babawasan ng kahit na anumang salita!
3 彼らが聞いて、おのおのその悪い道を離れることがあるかも知れない。そのとき、わたしは彼らの行いの悪いために、災を彼らに下そうとしたのを思いなおす。
Baka sakaling makinig sila, na bawat tao ay tatalikod sa kanilang mga masasamang kaparaanan, upang bawiin ko ang tungkol sa kapahamakang binabalak kong ipadala sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga nakasanayan.
4 あなたは彼らに言いなさい、『主はこう仰せられる、もしあなたがたがわたしに聞き従わず、わたしがあなたがたの前に定めおいた律法を行わず、
Kaya dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Kung hindi kayo makikinig sa akin at susunod sa kautusan na aking inilagay sa inyong harapan.
5 わたしがあなたがたに、しきりにつかわすわたしのしもべである預言者の言葉に聞き従わないならば、(あなたがたは聞き従わなかったが、)
Kung hindi kayo makikinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta na siyang patuloy kong isinusugo sa inyo—ngunit hindi ninyo pinakinggan! —
6 わたしはこの宮をシロのようにし、またこの町を地の万国にのろわれるものとする』」。
kaya gagawin ko ang tahanang ito na tulad ng Shilo. Gagawin kong isinumpa ang lungsod na ito sa paningin ng lahat ng mga bansa sa lupa.'”
7 祭司と預言者およびすべての民は、エレミヤが主の宮でこれらの言葉を語るのを聞いた。
Narinig ng mga pari, ng mga propeta, at ng lahat ng mga tao ang mga salita na ipinapahayag ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
8 エレミヤが主に命じられたすべての言葉を民に告げ終った時、祭司と預言者および民はみな彼を捕えて言った、「あなたは死ななければならない。
Kaya nangyari na, nang matapos ipahayag ni Jeremias sa lahat ng tao, sa mga pari, at sa mga propeta ang ipinapasabi ni Yahweh sa kaniya, hinuli siya ng lahat ng tao at sinabi, “Tiyak na mamamatay ka!
9 なぜあなたは主の名によって預言し、この宮はシロのようになり、この町は荒されて住む人もなくなるであろうと言ったのか」と。民はみな主の宮に集まってエレミヤを取り囲んだ。
Bakit ka nagpahayag sa pangalan ni Yahweh at sinabi na magiging gaya ng Shilo ang tahanang ito at mapapabayaan ang lungsod na ito na walang maninirahan?” Sapagkat ang lahat ng tao ay nakabuo ng isang nagkakagulong mga tao laban kay Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
10 ユダのつかさたちはこの事を聞いて王の宮殿を出て主の宮に上り、主の宮の「新しい門」の入口に座した。
At narinig ng mga opisyal ng Juda ang mga salitang ito kaya mula sa tahanan ng hari nagtungo sila sa tahanan ni Yahweh. Umupo sila sa daanan sa may Bagong Tarangkahan ng tahanan ni Yahweh.
11 祭司と預言者らは、つかさたちとすべての民に訴えて言った、「この人は死刑に処すべき者です。あなたがたが自分の耳で聞かれたように、この町に逆らう預言をしたのです」。
Nakipag-usap ang mga pari at ang mga propeta sa mga opisyal at sa lahat ng tao. Sinabi nila, “Marapat lamang na mamatay ang taong ito, sapagkat nagpahayag siya laban sa lungsod na ito, gaya ng mga narinig ng inyong mga tainga!”
12 その時エレミヤは、つかさたちとすべての民に言った、「主はわたしをつかわし、この宮とこの町にむかって、預言をさせられたので、そのすべての言葉をあなたがたは聞いた。
Kaya nagsalita si Jeremias sa lahat ng opisyal at sa lahat ng tao at sinabi, “Isinugo ako ni Yahweh upang magpahayag laban sa tahanan at sa lungsod na ito upang sabihin sa inyo ang lahat ng mga salita na inyong narinig.
13 それで、あなたがたは今、あなたがたの道と行いを改め、あなたがたの神、主の声に聞き従いなさい。そうするならば主はあなたがたに災を下そうとしたことを思いなおされる。
Kaya ngayon, ayusin ninyo ang inyong pamumuhay at mga nakasanayan at makinig kayo sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos upang mahabag siya tungkol sa kapahamakan na kaniyang ipinahayag laban sa inyo.
14 見よ、わたしはあなたがたの手の中にある。あなたがたの目に、良いと見え、正しいと思うことをわたしに行うがよい。
Tumingin kayo sa akin! Ako mismo ay nasa inyong mga kamay. Gawin ninyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid sa inyong mga mata.
15 ただ明らかにこのことを知っておきなさい。もしあなたがたがわたしを殺すならば、罪なき者の血はあなたがたの身と、この町と、その住民とに帰する。まことに主がわたしをつかわして、このすべての言葉をあなたがたの耳に、告げさせられたからである」。
Ngunit dapat ninyong malaman na kapag pinatay ninyo ako, nagdadala kayo ng walang-salang dugo sa inyong mga sarili, sa lungsod na ito at sa mga naninirahan dito, sapagkat tunay na isinugo ako sa inyo ni Yahweh upang ipahayag ko ang lahat ng mga salitang ito sa inyong mga tainga.”
16 つかさたちと、すべての民とは、祭司と預言者に言った、「この人は死刑に処すべき者ではない。われわれの神、主の名によってわれわれに語ったのである」。
Pagkatapos, sinabi ng mga opisyal at ng lahat ng tao sa mga pari at sa mga propeta, “Hindi tama para sa taong ito na mamatay, sapagkat nagpahayag siya sa atin ng mga bagay sa pangalan ni Yahweh na ating Diyos.”
17 その時この地の長老たち数人が立って、そこに集まっているすべての者に告げて言った、
Pagkatapos, tumayo ang mga lalaki mula sa mga nakatatanda at nagsalita sa buong kapulungan ng mga tao.
18 「ユダの王ヒゼキヤの世に、モレシテびとミカはユダのすべての民に預言して言った、『万軍の主はこう仰せられる、シオンは畑のように耕され、エルサレムは石塚となり、宮の山は木のおい茂る高い所となる』。
Sinabi nila, “Si Mikas na isang Morastita ay nagpahayag sa mga panahon ni Hezekias, na hari ng Juda. Nagsalita siya sa lahat ng taga-Juda at sinabi, “Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: Magiging gaya ng isang parang na binubungkal ang Zion, magiging isang bunton ng mga durog na bato ang Jerusalem at magiging isang masukal na burol ang bundok na kinatatayuan ng templo.'
19 ユダの王ヒゼキヤと、すべてのユダの人は彼を殺そうとしたことがあろうか。ヒゼキヤは主を恐れ、主の恵みを求めたので、主は彼らに災を下すとお告げになったのを思いなおされたではないか。しかし、われわれは、自分の身に大きな災を招こうとしている」。
Ipinapatay ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba niya kinatakutan si Yawheh at pinahinahon ang mukha ni Yahweh upang bawiin ni Yahweh ang tungkol sa kapahamakang ipinahayag niya sa kanila? Kaya, gagawa ba tayo nang mas matinding kasamaan laban sa ating mga sariling buhay?”
20 主の名によって預言した人がほかにもあった。すなわちキリアテ・ヤリムのシマヤの子ウリヤである。彼はエレミヤとおなじような言葉をもって、この町とこの地にむかって預言した。
Samantala, may isa pang taong nagpahayag sa pangalan ni Yahweh, si Urias na anak ni Semaya na taga-Kiriat Jearim. Nagpahayag din siya laban sa lungsod at sa lupaing ito na sumasang-ayon sa lahat ng sinabi ni Jeremias.
21 エホヤキム王と、そのすべての勇士と、すべてのつかさたちはその言葉を聞いた。そして王は彼を殺そうと思ったが、ウリヤはこれを聞いて恐れ、エジプトに逃げて行ったので、
Ngunit nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng kaniyang mga kawal at mga opisyal ang kaniyang sinabi, sinubukan siyang ipapatay ng hari ngunit nalaman ito ni Urias at natakot, kaya tumakas siya at nagtungo sa Egipto.
22 エホヤキム王は人をエジプトにつかわした。すなわちアクボルの子エルナタンと他の数名の人を、エジプトにつかわした。
Gayunpaman, nagpadala si Haring Jehoiakim ng mga tauhan sa Egipto, si Elnatan na anak ni Acbor at mga tauhan na kasama niya sa Egipto.
23 彼らはウリヤをエジプトから引き出し、エホヤキム王のもとに連れてきたので、王はつるぎをもって彼を殺し、その死体を共同墓地に捨てさせた。
Dinakip nila si Urias mula sa Egipto at dinala kay Haring Jehoiakim. Pagkatapos, pinatay siya ni Jehoiakim gamit ang espada at ipinadala ang kaniyang bangkay sa libingan ng mga karaniwang tao.
24 しかしシャパンの子アヒカムはエレミヤを助け、民の手に渡されて殺されることのないようにした。
Ngunit na kay Jeremias ang mga kamay ni Ahikam na anak ni Safan, kaya hindi siya ibinigay sa mga kamay ng mga tao upang kanilang patayin.

< エレミヤ書 26 >