< イザヤ書 32 >

1 見よ、ひとりの王が正義をもって統べ治め、君たちは公平をもってつかさどり、
Pagmasdan mo, isang hari ang maghahari sa katuwiran, at mga prinsipe ang mamumuno sa katarungan.
2 おのおの風をさける所、暴風雨をのがれる所のようになり、かわいた所にある水の流れのように、疲れた地にある大きな岩の陰のようになる。
Bawat isa ay magiging tulad ng isang kanlungan sa hangin at isang kublihan sa bagyo, tulad ng tubig sa batis sa isang tuyong lugar, tulad ng lilim ng isang malaking bato sa isang lupain ng kapaguran.
3 こうして、見る者の目は開かれ、聞く者の耳はよく聞き、
Pagkatapos ang mga mata ng nakakikita ay hindi lalabo, at ang mga tainga ng mga nakaririnig ay makakarinig ng mabuti.
4 気短な者の心は悟る知識を得、どもりの舌はたやすく、あざやかに語ることができる。
Ang walang pag-iingat ay mag-iisip ng mabuti na may pagkaunawa, at ang nauutal ay magsasalita ng malinaw at madali.
5 愚かな者は、もはや尊い人と呼ばれることなく、悪人はもはや、りっぱな人と言われることはない。
Hindi magtatagal ang hangal ay tatawaging marangal, ni ang mandaraya ay tatawaging may prinsipyo.
6 それは愚かな者は愚かなことを語り、その心は不義をたくらみ、よこしまを行い、主について誤ったことを語り、飢えた者の望みを満たさず、かわいた者の飲み物を奪い取るからである。
Dahil nagsasalita ang hangal ng kahangalan, at ang kaniyang puso ay nagpaplano ng masama at hindi maka-diyos na gawain, at nagsasalita siya ng mali laban kay Yahweh. Ginugutom niya ang gutom, at inuuhaw niya ang mga uhaw.
7 悪人の行いは悪い。彼は悪い計りごとをめぐらし、偽りの言葉をもって貧しい者をおとしいれ、乏しい者が正しいことを語っても、なお、これをおとしいれる。
Ang mga paraan ng mandaraya ay masama. Mag-iisip siya ng mga masamang balak nang may kasinungalingan para wasakin ang mahirap, kahit na sinasabi ng dukha kung ano ang tama.
8 しかし尊い人は尊いことを語り、つねに尊いことを行う。
Pero ang taong marangal ay gumagawa ng mga marangal na plano; at dahil sa kaniyang mga marangal na kilos siya ay mananatili.
9 安んじている女たちよ、起きて、わが声を聞け。思い煩いなき娘たちよ、わが言葉に耳を傾けよ。
Bumangon kayo, kayong mga babaeng kampante, at makinig sa aking tinig; kayong mga anak na babae na walang inaalala, makinig kayo sa akin.
10 思い煩いなき女たちよ、一年あまりの日をすぎて、あなたがたは震えおののく。ぶどうの収穫がむなしく、実を取り入れる時が来ないからだ。
Dahil pagkalipas ng isang taon ang iyong kumpiyansa ay masisira, kayong mga babae na walang inaalala, dahil ang aning ubas ay magkukulang, ang pagtitipon ay hindi darating.
11 安んじている女たちよ、震え恐れよ。思い煩いなき女たちよ、震えおののけ。衣を脱ぎ、裸になって腰に荒布をまとえ。
Manginig kayo, kayong mga babaeng kampante; maging maligalig, kayong mga panatag; hubarin ninyo ang inyong magagandang kasuotan at ilantad ninyo ang inyong kahubaran; magsuot kayo ng sako sa inyong mga baywang.
12 良き畑のため、実り豊かなぶどうの木のために胸を打て。
Mananangis kayo para sa mga bukid na kaaya-aya, para sa mabungang puno ng mga ubas.
13 いばら、おどろの生えているわが民の地のため、喜びに満ちている町にあるすべての喜びの家のために胸を打て。
Ang lupain ng aking bayan ay labis na tutubuan ng mga tinik at mga dawag, kahit ang lahat na minsang may kagalakan ng mga bahay sa lungsod ng katuwaan.
14 宮殿は捨てられ、にぎわった町は荒れすたれ、丘と、やぐらとは、とこしえにほら穴となり、野のろばの楽しむ所、羊の群れの牧場となるからである。
Dahil ang palasyo ay iiwan, ang matataong lungsod ay pababayaan; ang burol at ang bantayang tore ay magiging mga kweba habang-buhay, isang kagalakan para sa mga ligaw na asno, isang pastulan ng mga kawan;
15 しかし、ついには霊が上からわれわれの上にそそがれて、荒野は良き畑となり、良き畑は林のごとく見られるようになる。
hanggang ibuhos sa atin ang Espiritu mula sa kaitaasan, at ang ilang ay magiging isang bukid na mabunga, at ang bukid na mabunga ay ituturing na isang gubat.
16 その時、公平は荒野に住み、正義は良き畑にやどる。
Pagkatapos ang katarungan ay maninirahan sa ilang; at ang katuwiran ay maninirahan sa mabungang bukid.
17 正義は平和を生じ、正義の結ぶ実はとこしえの平安と信頼である。
Ang gawa ng katuwiran ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran, katahimikan at pagtitiwala magpakailanman.
18 わが民は平和の家におり、安らかなすみかにおり、静かな休み所におる。
Ang bayan ko ay maninirahan sa isang mapayapang tirahan, sa mga ligtas na tahanan, at sa matahimik na mga lugar ng kapahingahan.
19 しかし林はことごとく切り倒され、町もことごとく倒される。
Pero kahit kung umulan ng mga yelo at ang gubat ay mawasak, at ang lungsod ay ganap na nalipol,
20 すべての水のほとりに種をまき、牛およびろばを自由に放ちおくあなたがたは、さいわいである。
kayong naghahasik sa tabi ng lahat ng mga batis ay magiging mapalad, kayong nagpapalabas ng inyong baka at asno para manginain.

< イザヤ書 32 >