< エズラ記 6 >

1 そこでダリヨス王は命を下して、バビロンのうちで、古文書をおさめてある書庫を調べさせたところ、
Kaya si Haring Dario ay nag-utos ng isang imbestigasyon sa tahanan ng mga talaan sa Babilonia.
2 メデヤ州の都エクバタナで、一つの巻物を見いだした。そのうちにこうしるされてある。「記録。
Sa tanggulang lungsod ng Ecbatana sa Media natagpuan ang isang kasulatang binalumbon; ito ang nakasulat sa talaan:
3 クロス王の元年にクロス王は命を下した、『エルサレムにある神の宮については、犠牲をささげ、燔祭を供える所の宮を建て、その宮の高さを六十キュビトにし、その幅を六十キュビトにせよ。
Sa unang taon ni Haring Ciro, naglabas siya ng isang utos tungkol sa tahanan ng Diyos sa Jerusalem: 'Maitayo nawa ang tahanan para sa paghahandog. Maitayo nawa ang mga pader nito na may animnapung siko ang taas at animnapung siko ang lapad,
4 大いなる石の層を三段にし、木の層を一段にせよ。その費用は王の家から与えられる。
na may tatlong patong ng malalaking bato at isang patong ng bagong troso. At ang tahanan ng hari ang magbabayad ng gastusin.
5 またネブカデネザルが、エルサレムの宮からバビロンに移した神の宮の金銀の器物は、これをかえして、エルサレムにある宮のもとの所に持って行き、これを神の宮に納めよ』」。
Ibalik din ninyo ang ginto at pilak na nabibilang sa tahanan ng Diyos na dinala ni Nebucadnezar mula sa templo ng Jerusalem patungo sa templo ng Babilonia. Ipadala ninyo ang mga iyon sa templo ng Jerusalem at ilagay ang mga iyon sa tahanan ng Diyos.'
6 「それで川向こうの州の知事タテナイおよびセタル・ボズナイとその同僚である川向こうの州の知事たちよ、あなたがたはこれに遠ざかり、
Ngayon, Tatenai, Setar Bozenai, at ang iyong mga kapwa opisyal na nasa ibayo ng Eufrates, lumayo kayo sa lugar na iyon.
7 神のこの宮の工事を彼らに任せ、ユダヤ人の知事とユダヤ人の長老たちに、神のこの宮をもとの所に建てさせよ。
Pabayaan ninyo ang paggawa sa tahanan ng Diyos. Ang gobernador at ang mga nakatatandang Judio ay itatayo ang tahanang ito ng Diyos sa lugar na iyon.
8 わたしはまた命を下し、神のこの宮を建てることについて、あなたがたがこれらのユダヤ人の長老たちになすべき事を示す。王の財産、すなわち川向こうの州から納めるみつぎの中から、その費用をじゅうぶんそれらの人々に与えて、その工事を滞らないようにせよ。
Ipinag-uutos ko sa inyo na dapat ninyong gawin ito para sa mga nakatatandang Judiong nagtatayo ng tahanan ng Diyos: Ang mga pondo mula sa pagkilala sa hari sa ibayo ng Eufrates ay gagamitin para bayaran ang mga lalaking ito na hindi tumitigil sa kanilang paggawa.
9 またその必要とするもの、すなわち天の神にささげる燔祭の子牛、雄羊および小羊ならびに麦、塩、酒、油などエルサレムにいる祭司たちの求めにしたがって、日々怠りなく彼らに与え、
Anuman ang kakailanganin—mga batang toro, mga lalaking tupa, o mga batang tupa para sa mga alay na susunugin sa Diyos ng Kalangitan, butil, asin, alak, o langis ayon sa utos ng mga pari sa Jerusalem—ibigay ninyo ang mga bagay na ito sa kanila araw-araw nang walang palya.
10 彼らにこうばしい犠牲を天の神にささげさせ、王と王子たちの長寿を祈らせよ。
Gawin ninyo ito para sila ay makapagdala ng handog sa Diyos ng Kalangitan at ipanalangin ako, ang hari, at ang aking mga anak.
11 わたしはまた命を下す。だれでもこの命ずる所を改める者があるならば、その家の梁は抜き取られ、彼はその上にくぎづけにされ、その家はまた、これがために汚物の山とされるであろう。
Ipinag-uutos ko na kung sinuman ang lalabag sa utos na ito, isang barakilan ang dapat hilahin mula sa kaniyang bahay at dapat siyang ituhog dito. Dahil dito, ang kaniyang tahanan ay dapat gawing isang tambak ng gumuhong mga bato.
12 これを改めようとする者、あるいはエルサレムにある神のこの宮を滅ぼそうとして手を出す王あるいは民は、かしこにその名をとどめられる神よ、願わくはこれを倒されるように。われダリヨスは命を下す。心してこれを行え」。
Nawa ang Diyos na nabubuhay doon ay ibabagsak ang sinumang hari at mga tao na lalabag sa tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Akong, si Dario, ang siyang nag-uutos nito. Gawin ninyo ito nang lubusan!”
13 ダリヨス王がこう言い送ったので、川向こうの州の知事タテナイおよびセタル・ボズナイとその同僚たちは心してこれを行った。
At ginawa nina Tatenai, Setar Bozenai, at ng kanilang mga kasamahan ang lahat ng bagay na inutos ni Haring Dario.
14 そしてユダヤ人の長老たちは、預言者ハガイおよびイドの子ゼカリヤの預言によって建て、これをなし遂げた。彼らはイスラエルの神の命令により、またクロス、ダリヨスおよびペルシャ王アルタシャスタの命によって、これを建て終った。
Kaya ang mga nakatatandang Judio ay nagtayo sa paraang ipinagbilin nina Hagai at Zacarias sa pamamagitan ng pagpropesiya. Itinayo nila ito ayon sa utos ng Diyos ng Israel at ni Ciro, ni Dario, at ni Artaxerxes, mga hari ng Persia.
15 この宮はダリヨス王の治世の六年アダルの月の三日に完成した。
Ang tahanan ay natapos sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng paghahari ni Haring Dario.
16 そこでイスラエルの人々、祭司たち、レビびとおよびその他の捕囚から帰った人々は、喜んで神のこの宮の奉献式を行った。
Itinalaga ng mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ng iba pang nalalabing mga bihag ang tahanan ng Diyos nang may kagalakan.
17 すなわち神のこの宮の奉献式において、雄牛一百頭、雄羊二百頭、小羊四百頭をささげ、またイスラエルの部族の数にしたがって、雄やぎ十二頭をささげて、すべてのイスラエルびとのための罪祭とした。
Naghandog sila ng isandaang toro, isandaang lalaking tupa, at apatnaraang batang tupa para sa pagtatalaga sa tahanan ng Diyos. Ladindalawang lalaking kambing ay inialay din bilang isang handog para sa kasalanan ng lahat ng Israelita, isa para sa bawat tribu ng Israel.
18 またモーセの書にしるされてあるように祭司を組別により、レビびとを班別によって立て、エルサレムで神に仕えさせた。
Itinalaga rin nila ang mga pari at mga Levita na gumawa ng kaniya-kaniyang gawain para sa paglilingkod sa Diyos sa Jerusalem, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises.
19 こうして捕囚から帰って来た人々は、正月の十四日に過越の祭を行った。
Kaya ang mga galing sa pagkakatapon ay nagdiwang ng Paskua sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.
20 すなわち祭司、レビびとたちは共に身を清めて皆清くなり、すべて捕囚から帰って来た人々のため、その兄弟である祭司たちのため、また彼ら自身のために過越の小羊をほふった。
Nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili at kinatay ang mga Pampaskua na mga alay para sa lahat ng mga nanggaling sa pagkakatapon, kasama ang mga pari at Levita.
21 そして捕囚から帰って来たイスラエルの人々、およびその地の異邦人の汚れを捨てて彼らに連なり、イスラエルの神、主を拝しようとする者はすべてこれを食べ、
Ang mga Israelitang kumain nang ilan sa karne ng Paskua ay ang mga bumalik galing sa pagkakatapon at ihiniwalay ang kanilang mga sarili mula sa karumihan ng mga tao sa lupain at hinanap si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
22 喜んで七日の間、種入れぬパンの祭を行った。これは主が彼らを喜ばせ、またアッスリヤの王の心を彼らに向かわせ、彼にイスラエルの神にいます神の宮の工事を助けさせられたからである。
Buong kagalakan nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang pitong araw, dahil binigyan sila ni Yahweh ng kagalakan at binago ang puso ng hari ng Asiria upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain ng kaniyang tahanan, ang tahanan ng Diyos ng Israel.

< エズラ記 6 >